Rule of Three: Chapter 13

2212 Words
Keith's POV. Ilang linggo na din nang maging kami ni Paolo. Sept 16 iyon. Masaya ako na sa wakas, nagising na din ako sa katotohanan na dapat ko nang tanggapin ang sarili ko at kung ano talaga ako. Masaya ako dahil kay Paolo, hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kasarap na pakiramdam, yung alam mong may nagmamahal sayo. Bawat araw ay parang isang bagong pahina na mapupuno nang mga magagandang pangyayari kasi kasama mo siya, kasi andiyan siya. Para sa akin hindi kami bakla ni Paolo ngunit hindi din straight o bi. Hindi namin kailangan ng label, basta ang mahalaga mahal namin ang isa't-isa. Siguro maswerte nga akong maituturing dahil meron akong Boyfriend na tulad niya, bawat babae o binabae ay karapatdapat din na magkaroon ng Boyfriend na tulad niya pero di ko sinasabi na isashare ko siya ha? Akin lang siya. Possessive na kasi pero ngayon ko lang siguro gagawing ipagdamot ang isang tao o bagay. Kung masama man iyon ay handa akong maging makasalanan. Ipagdadamot ko siya. Sa loob nang ilang linggo ay naging maayos ang relasyon namin. Parang normal padin naman ang turingan namin lalo na kapag andiyan si Alex o kapag maraming tao. Pero kapag kaming dalawa nalang, aba, ibang usapan na yan! Hindi mapigilan ni Paolo ang sarili niya sa pagdamba sakin ng halik (sa cheeks okaya sa leeg) Minsan akala niya stuff toy ako ata ako at kulang nalang ay lapirutin niya ako. Brutal siya! Nung isang araw nga ay kumakain kami noon sa kotse niya habang hinihintay si Alex. Di sinasadyang may naiwang bahid ng chocolate sa gilid ng labi ko. Nagulat nalang ako nang hawakan niya gamit ang isang kamay niya yung mukha ko. Sa ginawa niya ngumuso yung labi ko dahil nilapirot niya mukha ko. Akala ko ano gagawin niya yun pala ay kukuhanan ako nang picture! Di pa nakontento, pinitik pa labi ko! Grabe siya! Thursday ngayon, 1:50pm palang magstart pasok namin kaya minabuti ko munang maglinis nang kwarto tulad nang nakagawian ko. Last week pa kasi nang huli ko malinis ang kwarto ko. Gaya nang dati wala naman itong masyadong alikabok o dumi sa sahig. Ang kinahibahan lang ngayon ay ang gulo nang coner kung saan ang T.V at Xbox ko. Pano ba naman, dito naisipang maglaro ni Paolo kahapon. Sabi ko sakanya na yayain niya si Yosef at dun sila sa T.V room maglaro. Nagrereview kasi ako noon para sa Statistics namin (exempted siya kasi perfect niya yung isang quiz) Eto pa mas nakakaumay bukod sa pagrereview, kaya ayaw daw niya dun kasi gusto niya kasama ako. Aba! Kala ata niya madadaan niya ako sa mga damoves niya. Di ganun men! *phone ringing* "Hello?" Bungad ko. "B! Papunta ako diyan. Sabay na tayo ne?" "Naglilinis pako nang kalat mo sa kwarto ko Laurence." "Tulungan nakita, B?" "Wag na kaya ko na to." "Sige. Pagdala nalanb kita lunch ne B?! Loveyou!" Hindi na niya ako pinasalita. Ganun yun eh. Ilang ligpit at vacuum pa ay natapos ko na ang paglinis sa kwarto ko. Kaya naman pala nababhing ako lagi eh iniwan nung gagong yun sapatos niya at di pa nakontento pati tung t-shirt niya iniwan! Yun pamanding pinaglaro niya nang basketball. Amoy pawis! hahampasin ko na talaga yan. Parang nagkamali pa ata ako nang desisyon na makipag-on sakanya. Naputol ang pagmamaktol ko nang buksan ni Yosef ang pinto nang kwarto ko at sumilip. "Keith, alis na ako. 11:30 pasok ko." "Di ka muna maglalunch?" "Di na tol, late nako! Hahaha! at saka tapusin ko pa plate ko." "Osige. Ako na magluluto mamayang dinner." "Good yan! Tuloy mo yung sisig ah?!" "Oo na!" Sumabay na ako sa pagpunta sa may gate kay Yosef dahil binabarumbado nanaman ni Paolo yung doorbell namin (note to self, tanggalin ang bagay na yun) "Oh pre! Angas natin sa Professional uniform nati ah!?" Sabi ni Paolo. "Di naman, medyo masikip nga pantalon eh." Sabay-sabay naman kaming napatingin sa pantalon niya at biglang nagsitawanan, sobrang sikip nang crotch area nang pants niya! Alam niyo na kung ano nangyayari pag gagun! HAHAHAHA! Ilang minutong kantyawan pa at umalis na talaga si Yosef dahil malalate na talaga siya. Niyaya ko naman na pumasok yung isa. "Pizza binili ko." Sabi niya habang inaayos ang dala niyang food. "Ge." Pupunta pa sana ako sa kwarto ko para magpalit ng damit at magsuot nang mas disenteng shorts, naka boxers lang ako at nakakahiya naman sa bisita ko diba. Pero bilang si Paolo yan... "Oops, san ka pupunta... Gusto ko yang suot mo ah..." Sabi niya na medyo pabulong pero may gigil habang nakayap sakin mula sa likod. "Nakakainit, Keith." "Aba gago ka, nako Paolo wag mo ko dinadaan sa kamanyakan mo. Magbibihis muna ako saglit!" "Teka lang muna.. Di ba pwedeng manyakin ko muna boyfriend ko?" Isang matinding batok lang binigay ko. Ganitong wala pa ako nakakain. Tumakbo ako sa kwarto ko at nilock ang pinto. Narinig ko siya sumigaw,  "MAYA KA SAKIN KEITH!" ... Sa pangalawang subject namin ay halatang di mapakali ang katabi ko. Hindi ko alam kung natatae ba to o naiinip. Para siyang bulateng naasinan sa kakabalikwas sakanyang upuan. Mabuti naman at di nahuhulata ng prof namin na walang tigil sa pag discuss sa harap. "Pao, natatae ka ba?" Tumingin siya sakin. Umiling siya at parang iritado. "Yung tanginang boxer-brief ko ang sikip. Nakakabwisit na." Natawa naman ako sa sinabi niya kaya lalong sumama ang timpla nang mukha niya. Nakakaawa siya kung tutuusin. Isipin ko lang na masikip ang suot kong underwear nakakairita na. Yung tipong di ka mapakali. Parang kapag may nangangati sayo pero di mo alam kung saan. Irita. Punyeta. Kaya ayun di nakatiis si Paolo at nagexcuse para makalabas, di pa nakuntento ang loko at dinamay pa ako. Wala naman sa mga prof kung lumabas ka sa kalagitnaan ng discussion, katwiran nila ay kami ang mawawalan at hindi sila. Gawin man nila ang trabaho nila o hindi ay magsesweldo sila. "Kingna, salamat nalang talaga at may extra ako underwear sa kotse." Ang sabi niya nang makalabas siya mula sa comfort room para magpalit. Talagang comfort room nga iyon. Now I know! "O tara na. Naglelecture ako eh." "Grabe, mas gusto mo pa kasama yung prof nayun kesa sa boyfriend mo?" "Luh, magkatabi lang tayo dun. Wag kang OA." Habang nagkalakad kami pabalik nang room ay kung ano-ano ang dinadada niya, kesyo susunugin niya yung boxer-brief na iyon. Hinayaan ko nalang. Maginhawa na ang pakiramdam niya pero pagbalik namin sa lec-room ay wala na yung prof kaya naman mas lalong nagood-mood ang loko. "O pre, Keith tara meriyenda muna tayo!" Pagyaya ni Alex. As usual sila ang nasunod kaya naman sa labas kami nang school kumain. Pagdating naman namin sa food-place sa labas ay nakita ko si Yosef at ang kanyang mga kabarakada. Palapit palang kami ay kita kong sakin nakatuon ng tingin si Cholo kaya tinignan ko din siya pabalik. "Keith! My brotha from another Motha!" Masiglang bati ni Yosef tapos ay nakipagmanly-hug sakin tapos ay kina Paolo at Alex. Umupo kami sa katabing stone table nila Yosef. "Keith ako na bibili nang sayo. Ano gusto mo?" Pabulong na sabi ni Paolo. Di naman napansin ni Alex dahil busy sa pagmamalaki ng mga tattoo niya sa isang kabilang table. "Ako na. Di ako babae, Pao." "Alam ko. May lawit ka pero ako na bibili." "Ako na." "Isa.." Bwisit na bilang na yan. "Oo na. 2o pesos na turon at shake. Dalian mo!" "Wow, attitude." Sabi niya nang nakangisi tapos ay nilamukos yung dalawang pisngi ko gamit isang kamay niya. Bwisit!! Habang bumibili si Alex at Paolo, nakipagkumustahan naman sakin ang mga kabarkada nila. Kilala ko nadin naman sila, eh halos every weekend nagbabasketball sila sa court sa bahay. Medyo kaclose ko na din si Cholo at si Raffy. Sila ata pinaka palakaibigan sakanila. Ganoon din naman yung tatlo na sina Alvin, Stefan at Mikel. "Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Cholo. "Nagpabili ako kay Paolo." "Ahh, yung - ay hindi pala." Tumawa siya. "May isa pa akong siomai oh, gusto mo?" Ayoko naman tumanggi dahil baka akala niya maarte ako. At sabi ni Yosef wag na daw ako mahiyain. "Masarap ne?" Tanong niya. "Oo, masarap siya." "DUMADAMOVE SIYA!! HAHAHAHAHA!" Kantyaw ni Mikel kasama ng iba kay Cholo. Ngumisi lang siya at binigyan ng tag-isang batok ang mga ito. Si Yosef naman nakangiti lang sakin at nag-Ok sign pa. Baliw eh. Nang dumating si Paolo ay parang naiirita nanaman siya. Ewan ko ba sa taong to, ginagawa na ata niyang hobby ang pagbusangot. "O, order mo." Malamig niyang sabi. "Salamat." Tumabi siya sakin at padabog na umakbay. Di ko nalang siya pinansin at kumain na ako nang turon ko with cheese. Yung isa naman may langka. Sana makaimbento sila nang turon na may fruit salad. "Masarap ba yung siomai niya?" sabi bigla nang katabi ko. "Ayos lang. Bakit?" Inilapit niya yung bibig niya sa tenga ko at bumulong. "Wag ka na papasubo kahit kanino. Tandaan mo sakin ka lang." Ewan ko ah pero parang mali pagkakadinig ko. Natawa ako eh. Di ako nabwisit dahil ang babaw niya kundi natawa pa ako. Grabe. "Hala siya, seryoso ko huy!" Kinalma ko muna sarili ko bago tumango. Isang oras din kami sa food-place bago kami bumalik sa school para sa last subject namin na 2hrs. Pero mabuti naman yung prof namin kaya binibigyan niya kami nang 10mins break in between those boring hours. Ang akala kong nakakainip at nakakabaog na subject ay naging comedy. Nagpaactivity yung prof namin after niya tapusin ang isang oras niya. Pano hindi magiging comedy, wala nang ginawa si Paolo kundi magpatawa. Grabe. Sira talaga ulo nitong isang to eh. May nga pinapakita siyang mga pictures na grabe talagang nakakatawa. Mga seryosong pictures tapos may mga nakakatwabg captions. Kaya ayun, di namin natapos yung activity namin. Di naman mataas points nun kaya hinayaan ko nalang. Nagenjoy naman kami ni Paolo eh. "Ano plano mo sa weekend?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang parking lot. Kaming dalawa lang ngayon dahil may lakad si Alex, may kameet daw siya. Tuwang tuwa nga si Pao nang ibalita niya samin iyon. "Wala. Baka sa bahay lang." "Boring naman. "Di naman." Pagsakay namin sa kotse niya ay napansin ko na may parang kahon na may ribbon sa backseat. "Overnight ako sainyo sa bukas." "Every week nalang dun ka natutulog ah?" Ngumiti lang siya bilang tugon at pinaandar na ang kotse. Pupunta daw kami sa bahay muna nila bago ako ihatid sa bahay. Kukuha na daw siya nang overnight-stuff niya. "Ay muntik ko malimutan." Biglang sabi niya. "Kunin mo yung box sa backseat." Kinuha ko iyon at ipinatong sa lap ko. "Wag mo lang tignan. Buksan mo." Tinanggal ko sa pagkabuhol yung teal na ribbon at binuksan ang box. Medyo malaki din yung box. "Yung collar, obviously kay Bacon yan. Yung Nike na cap kay Yosef." Wow. Wala man lang para sakin? "Siyempre meron ka. Kunin mo yung paperbag sa likod." Mind reader jerk! Kinuha ko ito at binuksan na. Yun din naman papagawa niya eh. "Sayo lahat yan." Dalawang box ng chocolates, isang Warm Bodies na DVD, tatlong pack ng microwavable popcorn. At eto ang malala, isang naka-frame na Picture ni Paolo. Kapal talaga nang mukha. "Gwapo ne? Lagay mo bedside table mo para may laman yun aside sa lamp. Iwasan mo masyado ang pagtingin baka mainlove ka nang sobra." Yabang, solid. Di ko ugali pero napa-roll ako nang mata sa mga pinagsasabi niya. Di ko na masyadong pinansin pa yung pagyayabang niya. Malamig na nga ang panahon lalo pang lalamig dahil sa lakas ng hangin nitong isang to. Kung minsan talaga gusto ko na siyang batukan nang matauhan sa mga pinagsasabi niya. "Pahawak ah." Tinignan ko muna yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko bago ko siya tignan. Diretso lang tingin niya sa daan at nakangisi. Baliw. Ilang liko at sandaling traffic lang ay nakarating na kami sa bahay nila. Pagpasok namin ay nahulata ko agad ang bagong lagay nilang kurtina. "Kuya Keith!" Masiglang sigaw ni Hanes at tumakbo papunta sakin. Nakakamiss din itong makulit na batang to. "I'm having a cake. Do you want some po?" "Hanes go to the kitchen and finish your food na." Sabi ni Paolo na di man lang pinansin ni Hanes. "Kuya Keith let's go na to the kitchen and leave pangit there. Wala siyang cake from me! Hmp!" "Aba't sutil talaga tong isa-" "Paolo hayaan mo na." Binigyan ko na nang ngiti si Paolo at bumaling kay Hanes. "Let's go." Sumigaw muna yung bata bago ako hinila papuntang kitchen nila. Nakita ko nalang na nagkamot nang ulo si Paolo. Mahigit isang oras din kaming magkasama ni Hanes. Andami niyang kinuwento sakin. Mahilig daw siya kay spider-man at sa transformer. Favorite color daw niya ang kulay red. Binigyan niya pa ako nang isang pillow na spider-man nang yayain na ako ni Paolo umalis. Nagulat pa ako nang niyakap ako ni Hanes at nagbye. "Salamat." Sabi ni Paolo. "Para saan naman?" "Napasaya mo kapatid ko kahit saglit. Nakikita ko lang ganoon kasaya yun kapag kumpleto kaming pamilya, eh di naman madalas yun. Alam mo naaawa nga ako kay Hanes eh, after sa school diretso na siya sa bahay kaya wala siyang nakakalarong bata." Madalang ko lang makitang seryoso si Paolo yun ay kapag naguusap kami ng importanteng bagay. Kailangan pa dumapo kamay ko para lang magseryoso siya, pero ngayon walang pilitan. Kusa. Kita at ramdam ko ang pagkaseryoso niya. Tama nga sila. Mas makikilala mo pa ang taong mahal mo sa mga darating pang araw, hindi agad-agad. "Wala yun. Kapatid na din ang turing ko sakanya, ay sabi nga pala niya bestfriend kami sabi niya." Napangiti ako at nilingon siya. "Masaya ako kapag kasama kapatid mo. Napamahal nadin naman siya sakin kahit kasing kuli niya kuya niya." Ngumiti siya at ilinapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako... Sa gilid nang labi.  "I Love You, Keith." End of Chapter 13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD