Rule of Three: Chapter 14

2782 Words
Keith's POV Friday. Di ko na nagawang makapasok pa dahil nalate akong nagising. Madalas naman ako malate nang gising eh, pero yung ngayon. Tatlong oras yung pagka-late. Grabe. Record breaking yan dahil ang late na gising ko ay 15 minutes lang. Pero parang ang babaw ko naman na hindi ako pumasok nang dahil nalate ako nang gising diba? Kasi may pwede pa naman humabol sa next subject. May dahilan ako para diyan. Di nga lang makatarungan. Masakit ang ulo ko. Mababaw nanaman ba? Eto pa ang mas makakapagpababaw diyan, May bukol ang ulo ko. Hindi tumor ah?! normal na bukol lang na nakukuha sa pagkauntog. Aba, ikaw ba namang mahampas ang ulo mo sa pinto?! *Flashback*  "Oh sige na. Ayusin mo magdrive ah? Ingat ka uy!" Habilin ko kay Paolo. "Yes Boss!" "Osige na talag. Pasok na ko." "Aba teka lang naman. Wala man lang pa-Goodnight ba diyan, B?!" My eyes rolled (di ko kasi control yan around Paolo). Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Hinalikan naman niya ako sa may ulo. Minsan nakakumay din kasweetan niya minsan naman tama lang. "Ge na." Sabi ko. "See you tomorrow My Love." Siya yan. With a wink pa daw. Habang tinitignan ko siyang makalayo ay biglang may mga grupo nang mga kalalakihan ang tumatakbo at napadaan sa tapat namin. Parang mga kakagaling sa gulo. At dahil ayaw ko naman na madamay pa ako ay binalak ko na sanang makapasok sa bahay namin. Ang kaso nga lang ay may tumawag nang pangalan ko. "K-Keith." Mahinang sabi ni Cholo. Halatang nanghihina siya. Napansin ko naman ang sugat niya sa may labi at ang medyo nangingitim na pasa sa braso at gilid nang mata. "s**t. Cholo napano ka?" Hindi niya ako sinagot bagkus ay ngumiti lamang siya. Parang nakaramdam siya nang hilo dahil na-off balance siya buti nalang at napasandal siya sa may gate. Inalalayan ko siya at tinulungan makatay. Ipinasok ko muna siya sa bahay upang magamot ang mga sugat at pasa niya. Ano pa't nagaaral ako nang Nursing kung di ko man lang siya matulungan o malapatan man lang ng paunang lunas diba? Iniupo ko siya sa sofa upang makakuha ako nang First Aid kit at nang iba pang magagamit ko. Nang makuha ko na ang mga kailangan ay binalikan ko siya siyempre. "Uminom ka muna nang tubig oh, para mawala yung lasa nang dugo." Sabi ko sa pasyente ko. "S-salamat." Tinulungan ko siyang maghubad nang pang-itaas niyang uniporme. Tumambad sakin ang puro pasa niyang katawan. Naguumpisa na kasing mangitim ang mga ito. Sinuri ko muna ang mga ito kung gaano kalala at kung ano ang kundisyon ng mga ito upang alam ko kung anong klaseng paunang lunas ang aking mailalapat. May mga gasgas diyan siya sa may kamay at braso. "Ahhh, masakit." Daing niya. "Tsk. Ano ba nangyari sayo Cholo? Napagtripan ka ba sa kanto?" Pumiling siya. "Wag ka malikot." Pagbawal ko nang iiwas niya ang kamay niyang nililinisan ko. "Eh ano nangyari?" "Frat. Niresbakan kami nang k-kalaban naming grupo." Bigla akong natigilan sa paglinis nang sugat niya dahil sa narinig ko. Bigla din tuloy akong kinabahan dahil nabanggit sakin ni Paolo na member siya nang isang Frat. Punyeta naman kasi. Ewan ko kung tama ba naiisip ko pero sa tingin ko yung dumaan sa tapat namin kanina na nagtatakbuhang mga lalaki ay yung mga nakasuntukan nang grupo nila Cholo. "Arat! Dahan dahan naman Keith." "Masakit? Eh bakit kaninang nakikipag suntukan ka di ka nasasaktan?! Nang dahil lang sa Frat na yan ginaganyan mo ang sarili mo." Nakatingin lang siya sakin na kala mo inosenteng bata. Bugok niya. Nagtimpi nalang ako at dahan-dahang nilinis ang mga gasgas niya at nilagyan nang gamot ang mga ito. Nilagyan ko naman ng cold cream ang mga pasa niya para magsubside nang bahagya ang mga ito. Matapos ko siyang gamutin ay niligpit ko ang nga ginamit ko, pero napatigil ako dahil hinawakan niya ang kamay ko. "Salamat Keith." "Tss. Wala yun." Iniligpit ko na nang tuluyan mga ginamit ko. Nagbeep ang phone ko at nang tignan ko ay may dalawang messages. Isa galing kay Paolo na nagsasabing nasa bahay na siya. Yung isa naman galing kay Yosef, gagabihin daw ng uwi dahil may tinatapos pa. "Kumain ka na ba?" tanong ko sakanya nang balikan ko siya sa sala. Nakahilata padin siya sa sofa. "Wala akong gana." Sagot naman niya. Hinayaan ko nalang dahil mukhang pagod na pagod siguro sa pakikipag-suntukan ang gago. Di rin naman ako gutom dahil kumain kami kanila Paolo kanina. "Tara sa kwarto ka na magpahinga." "Uwi nalang ako sa dorm." "Sus. Tara na, halatang di mo naman kaya eh." "Eh kasi..." "Kasi?" "Baka makita ako ni Yosef." "Gagabihin siya. Kaya tara na sa taas para makapagpahinga na tayo." Tumayo siya pero nahihilo pa siya kaya napaupo siya ulit sa sofa. Kaya naman inalalayan ko nalng ulit siya. "Dahan dahan lang." Sabi ko. Naglalakad nakami papaitaas sa hagdan papunta sa kwarto ko. Nang malapit nakami sa pinto ko biglang dumulas ang paa ko kaya muntik akong ma-off balance, buti nalang ay nahila niya ako patayo ulit. Sa ginawa niyang iyon ay napayakap siya sa akin. Di naman sinasadyang malapit ang mga mukha namin. As in malapit. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya. Nakatingin siya sa akin, ganun din ako sakanya. Nang tignan ko ang kanyang mga mata ay nakaramdam ako nang familiar na pakiramdam. Parang nakita ko na ang mga matang iyon. Hindi ko sigurado kung kanino pero isa lang ang nasisigurado ko... Nakita ko na ang mga matang iyan. "Ayos ka lang ba?" tanong niya na nakapagpabalik sa sarili ko. Medyo lumipad kaluluwa ko eh. "Ah.. Eh. Oo naman." Mabilis akong humiwalay sakanya at sa sobrang bilis ay di ko napansin na pader pala ang makakaharap ko. Ayun. Bull's eye ang noo ko sa pader! "Keith! Uy, ayos ka lang ba?" "O-oo. Sinubukan ko lang kung matigas nga ba yung pader." Tangina. Sobrang tigas pala. Ramdam mo padin yung pader sa noo ko eh. *End of Flashback* So ayun nga ang alamat nang bukol ko. Kaya hindi na ako pumasok pa ay dahil hulatang-hulata pa ito. Kaya minabuti kong magpahinga na muna. Pag-gising ko naman kaninang tanghali ay wala na si Cholo. Napasarap tulog ko at nakalimutan ko pala mag-alarm. Nagtext siya, maaga daw siyang umalis para di na sila magpang-abot ni Yosef. Matapos ko maligo at magbihis ay bumaba na ako. Sigurado akong nagluto si Yosef, amoy hanggang sa taas yung Sunog na sinangag eh. "Oh good morning! Di na kita ginising kasi himbing ng tulog mo. Baka pagod ka eh." Bati ni Yosef sa akin. Ewan ko kung dapat ba ako magpasalamat o batukan ko siya? "Ge. Ano oras ka umuwi?" "1am na din. Kain na tayo. Nagluto na ako bago pumasok." Habang kumakain kami ay binasa ko naman ang mga text ni Paolo. OA din yun eh. Dami pang miss-calls. Sinabihan ko nalang siya na Buhay pa ako at di ako papasok. Pinapadiretso ko nalang after ng klase niya dito. May pa-overnight siyang nalalaman eh. "Bakit di ka agad nagising?" "Masakit kasi ulo ko." Sabay turo sa bukol ko. "Aw. s**t. Napano yan?" Medyo natatawang sabi ni Yosef. "Nauntog malamang. Ramdam ko pa nga sa bungo ko eh." Natawa naman siya sa sinabi ko kahit alam ko na hindi iyon nakakatawa dahil totoong masakit pa. Habang kumakain ay pansin ko na may katxt si Yosef at may pangiti-ngiti pa ang gago. Hindi naman ako mang-mang para di mahulat iyon at hindi magets diba? "Aga mong kinikilig ah?" Alaska ko sakanya. "Oi di ah. Kaibigan ko lang to." Huli ka boy. Masyado kang defensive. Wala pa ako sinasabi sumasagot ka na. "Sus. Ako wag mong utuin ah. Ge. Pag handa ka na magshare tsaka mo nalang sabihin." Tinignan naman niya ako at medyo nakakunot pa noo niya. Tapos ay umiling. "Ewan ko sayo. Alis nako. Ikaw na maghugas ah! Bye!" Mabilis niyang sabi at mabilis din na umeskapo palabas. Nalupin ako dun ah! Matapos makaalis ni Yosef ay nilinis ko na yung mga pinagkainan. Inartehan ako eh. Mabilisan ko lang ginawa ang lahat dahil maglilinis pa ako nang bahay. Wala naman ako gagawin eh. Minsan napapaisip din ako eh, madalas naman ako maglinis nang bahay (pawalis-walis, papunas-punas) pero may mga kaunting kalat padin at alikabok. Ewan ko ah pero ako kasi wala naman ako dinadalang kalat, personally ah. Si Yosef makalat sa gamit pero yung alikabok ewan ko lang. Baka nagsusupot pala siya nang mga alikabok tapos papakawalan sa bahay. Pero di lang naman kaming dalawa ang posibleng magdala nang kalat sa bahay, may isa pa, yung hindi nakatira dito pero solid magkalat nang kwarto ko. Alam na ah. ... Nakaligo na ako't lahat-lahat pero wala pa din si Paolo. Hanggang 3pm lang daw sila ngayon dahil wala na last subject. Yung huli niyang text bibili lang daw siya 'Foods' pero that's an hour ago pa ah?! Mumurahin ko pa sana siya kaso nagambala na ako nang doorbell. "Hi B." Matamlay na bati ni Paolo. Latang-lata siya, pawisan tapos parang nagjogging na nagbola na ewan. Nakonsensya naman ako kung uusisain ko pa yung tao. Pinapark ko muna kotse niya sa garahe tapos ay Inabot ko yung dala niyang paperbag nang pagkain. "B, sorry ah. May dinaan lang kasi ako saglit eh." "Ayos lang yun Pao." Habang paakyat kami nang kwarto ko. Pagdating naman dun ay agad talon sa kama ko. "Parang pagod ka?" "Medyo. Tinulungan ko pa kasi yung babaeng nasiraan nang gulong." "Sobrang nakakapagod ba yun?" "Nagtulak pa ako." Kahit makeso man ay pinunasan ko yung pawis niya. Baka naman kasi malagyan nang pawis niya yung kobre kama ko? Kakalaba lang ni Aling Nena eh? Nang makapahinga muna siya ay naligo siya. Kahit cheesy ulit to ah pero parang lakas nang dating nang pawis niya? Dugyot ko pero may dating eh?! Nagbeep phone niya (bigla ako napatinging, bigla) at nabasa ko sa preview ng text sa screen ito: "Hi Laurence, salamat sa paghatid kanina ah? Katherine to." May pacute pa na Emoji na sa tingin ko ay kamukha niya. Sabi niya may tinulungan lang siya kanina ah. Nagsinungaling siya. Nawalan bigla ako nang gana. Di naman ako seloso pero nairita ako bigla. Naasar. Nyeta, ayoko nang ganito parang ang arte. Pero sino ba naman di magagalit kapag pinagsinungalingan ka diba? May karapatan naman ako magalit. Pero alam ko din na di tama ang pakelaman ko ang personal niyang gamit, basahin pa kaya ang text message? Pero kung di ko ginawa yun eh di ko din malalaman ang totoong ginawa niya kanina which is may hinatid siyang girl at hindi tumulong sa naflatan ng gulong at pagtutulak. Wala naman kaso yung maghatid siya nang babae eh, pero ang kasi nagsinungaling siya. Kung wala naman siya ginawang masama bakit kailangan pa siya magsisinungaling diba? Paglabas niya nang banyo ay di ko mapigilan na tignan siya nang masama pero iniwas ko agad tingin ko dahil hubad siya (boxers only) at naiirita ako sakanya. Promise. He checked his phone and read the text, saw him typed something maybe a reply for the Girl. Out of my control I stood up and went out of my room. Wala naman ako gagawin pero bigla nalang naUrge yung katawan ko na layuan muna siya. Instead, I got a stick of cigar and went straight to the balcony. "Nyeta." Naaasar ko na sabi. "May problema ba, Keith?" Di ko napansin na sumunod pala siya. Tae. I did not answer back. I wasn't interested on talking right now. Besides silence means yes naman diba? Sana alam niya yun for his sake. "Oi." Kalabit niya. Tsss. Pumiling nalang ako. I watched him light a cigar and puff out the smoke. Tumayo ako sa kinauupuan ko at papasok na sana nang hilain niya ako. "Naknang, ano ba?" "Kilala naman na kita eh. Dali mo basahin Keith, ano ba problema?" "Wala." I said in monotone. As much as possible ayoko nang drama. Puta. Hinila niya ako para maupo sa tabi niya at inakbayan ako. I tried to escape pero obvious naman na kung gagawin ko yun. We sat in silence for a few minutes. 6pm na di pa namin nakakain yung dala niyang merienda sana. So I used that for me to escape from his grasp. "Iaahin ko lang yung pagkain." Tumayo ako pero di pa ako nakakahakbang ay nagsalita siya. "Keith di naman ako manghuhula eh! Napano ka ba?! Pagod ako from school tapos ganito lang tayo?" "Pagod? O edi sana nagpahinga ka na lang sainyo." "Tss, magusap nga tayo." Hinila niya (ulit) ako paakyat sa kwarto ko at inilock niya ang pinto. Ano para he's free to shout at me? so that no one can hear? "May nagawa ba ako? Bakit di mo naman sabihin oh kung meron man." "Bakit, meron nga ba?" "Diretsohin mo na ako." "No. Answer me Paolo. Meron ka ba nagawa na dapat mong sabihin?" Umupo siya sa kama at napatakip nang mukha gamit ang palad niya. Huminga siya nang malalim habang nakapikit. Kinusot ang mukha at tinignan ako. Baliw. Ganyan siya lagi eh kapag nagiisip, maybe he's trying to come up with another lie? Or maybe the truth this time. "Sorry. I lied. Kaya ako nalate nang dating ay dahil nakita ko si Katherine, friend ko, she asked kung pwede ba daw ko siya ihatid dahil nasiraan siya nang car. Di naman ako makatanggi dahil parang binastos ko na din siya nun at ayoko naman nun dahil babae siya tapos-" "Bakit di mo nalang sinabi yung totoo?!" "Baka kasi magselos ka-" "What?! Ganun ba kababaw?! Oi ba-" tinakpan nang bastos ang bibig ko. "Teka lang naman patapusin mo muna ako." Tumango ako. "She asked kung pwede ba daw kami kumain muna... and magchill sa bahay niya." What the f**k. May ganoon ba talagang babae? sorry ah pero sa pagkakaalam ko ang Babae ang niyaya at hindi sila ang nagiinvite sa guy. Malay ko na kung anong klaseng chill ang alam nang babaeng yun?! "Sorry. Sorry talaga Keith." "Tumanggi ka ba?" "Oo naman-" "Talaga?!" "Oo nga kasi!" "Oh bakit doon nakatanggi ka?!" "Kasi naalala kita. Siyempre mas uunahin kita! Gusto mo ba malaman yung reason ko sakanya?" "Ano?!" "Hinihintay ako nang Mahal ko." ... "Lakas mg pag-ibig ni Julie ah, nabuhay niyang muli si R!" Sabi niya. Pinapanood kasi namin yung Warm Bodies na bigay niyang DVD sakin. Naayos na namin yung very slight na tampuhan. Ayoko rin nang masyadong arte. Gusto ko chill lang kami, tropa lang. Inabuso namin ang T.V ko. Naglaro kami mula kanina at ngayon nanunood ng movie. Di lang yan, kanina pa din kami kumakain. Pakiramdam ko nga I gained 5lbs na. Nang maubos kasi namin yung dala niya ay nagdrive-thru pa kami. Ewan ko pero gutom na gutom ang gago. Kaya pala latang-lata siya ay naisipan pa nilang magbasketball ni Alex nung break. Andaming alam. Inaamin ko na nakaramdam ako nang selos nang malaman ko na may hinatid siyang babae. Ewan ko lang ah pero talagang unti-unti na akong nagiging cheesy na ewan. Iba siguro talaga ang love no? Nagagawa niyang baguhin ang taong nagmamahal nang totoo. Maraming dahilan kung bakit dapat kang umibig, pero isa lang nakikita ko na dahilan at yun ay si Paolo. "Babe, ang payat mo." sabi ni Paolo habang nakayakap sakin. "Sus, para namang siya ang laki po nang katawan." De asar ko lang yun. Kahit papano may laman si Paolo. May hubog naman kahit papano. Yung tipong kapag niyakap mo ay may madadama ka naman. "Alam ko namang nagsisinungaling ka." Sabay pitik sa noo ko. Niyakap ko siya nang mahigpit. Iba talaga tong gagong to. Nakakaasar na sobrang mahal ko siya. Nagulat ako nang bigla siyang pumaibabaw sakin. Itinukod niya anv magkabilang kamay niya sa ulo ko. Ramdam ko na dahan dahan niyang ipinatong ang katawan niya sa katawan ko pero hindi siya nagpabigat nang todo (kasi kung gagawin niya yun may mababali sakin). "B, magdadalawang buwan na tayo ah pero di pa tayo nagkahalikan." Ay punyeta. Ito na nga ba yung inaalala ko dati eh. Di naman sa nagiinarte ako o pa-girl pero nakakahiya kasi sakanya dahil di ako marunong humalik. Obvious naman na marunong tong gagong to eh, nagkasyota na siya dati. Naramdaman ko nalang na dumampi ang labi niya sa labi ko. Mainit. Malambot. Ramdam ko na gumalaw ito at naghihintay nang sagot ko. Nang igalaw ko ang mga labi ko ay ikinagulat ko ito dahil tila ba sumabay ang mga ito sa lani ni Paolo. Lalong lumalim ang halikan namin ng kagatin niya ang lower lip ko dahilan upang bumukas bibig ko. Di niya sinayang ang pagkakataon at pinasok niya ang dila niya sa bibig ko. Kusang sumayaw ang mga dila namin. Tumagal pa nang ilang minuto ang halikan namin bago siya humiwalay na ikinagulat ko. "Tama na." Sabi niya. "M-may nagawa ba akong m-mali?" "Wala." Napangisi siya at naglabas ng mahinang tawa. "Tama na. Baka di ko mapigilan ang sarili ko at may magawa akong di dapat." Tangina. Kailan pa siya nagkaganong boses?! Nakakalibog. Kinabig ko siya upang magkahalikan kami ulit. Pinilit kong magpalit kami nang pwesto pa siya ang nakahiga at ako ang nasa taas. Umupo ako sa kandungan niya at humiwalay sa halikan namin. Tinignan ko kung pano niya buksan anv mata niya. Dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa tenga niya at bumulong. "Gusto ko yung sexy mong boses. Nakakaturn-on." Hindi ko alam kung saan nangaling pero kinagat ko nang mahina ang tenga niya.  "Keith kapag di ka pa humiga di ko ma pipigilan ang sarili ko at mawawalan ka nang virginity." End of Chapter 14
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD