Rule of Three: Chapter 10

2625 Words
Keith's POV "Pwede ka bang... matulog muna dito ngayong gabi?" Kasi naman tong si Paolo kung ano-ano pinagsasabi. Andami tuloy pumasok sa isip ko na nakakatakit na bagay. Pano kung bigla nalang ako pasukin ng mga baliw na magnanakaw? Hindi sila mahihirapang makuha ang mga gusto nila kasi ako na mismo magbibigay kapag tinutukan nila ako ng kutsilyo, kesa naman magkalat pa laman loob ko dun sa bahay. Papasok na sana siya sa loob ng kotse niya. Nakayuko na nga siya para pumasok sa loob ng kotse niya, kasabay nang pagtingala niya ay ang pag-guhit ng isang nakakalokong ngisi. Nagkamali ata ako nang niyaya.. "Talaga?!" Tatango na sana ako kaso biglang "Yes! Buti nalang pala may dala akong extrang underwear at uniform sa kotse, ayos!" Wala na akong nagawa kundi ang pumasok na kami sa loob nang inilabas na niya sa kotse ang backpack niyang naglalaman ng mga damit niya. Hindi ko na naitanong kung bakit siya meron nun o kung para saan yun. Di ko na inusisa pa dahil medyo gustom na din ako. "Ayos lang ba sayo kung deprito lang ang kainin natin? Di ako marunong magluto ng totoong ulam eh." "Ayos na yun... okaya ikaw." Medyo mahina yung huli pero narinig ko. Di ko na pinansin pa. Bahala siya kung ano gusto niyang kainin. Umakyat kami nang kwarto ko upang makapagpalit ng damit. Naka-uniporme pa kasi kami eh. Pagdating doon ay parang batang nasa toy-store nang makita niya ang mga regalong sapatos ni Papa. Ewan ko ba doon, ngayon lang ba siya nakakita nang sapatos. "Dude! Andami mong shoes! Vans, Nike SB and as dope as f**k you have Jordan and Lebron 11!" "Gift ni Papa." Habang kumukuha ako nang damit pangbahay. Sa totoo lang di ko naman nagagamit ang iba sa mga sapatos ko. Talagang gusto lang nakadisplay ni Nanay dahil bigay daw ni Papa. Pagbigyan nalang. Matapos niyang suriin tapos nagsukat din ng iba ay nilabas na niya ang damit niyang pangpalit. Pagkatangal niya nang mga butones sa uniform niya ay hinubad niyang mabilis ang t-shirt niya. f**k. "Papasok lamok diyan sa bibig mo." Sinamaan ko lang siya nang tingin. Feeling. "Laki nang tiyan mo." Sabi ko kahit di naman. "Oo nga eh, tignan mo ABS ko oh namimilog." Sabay kindat. Hindi na ako sumagot pa dahil nonesense siya. Tumuloy ako sa kusina upang magluto, este magprito pala. Naayos na namin kanina ni Paolo kanina yung mga pinamili ko. Nailagay na sa pantry at ref ang mga bagay-bagay. Nailabas ko na ang mga dapat iprito nang mapansin kong wala palang mantika. Utang na loob oh. Sakto naman na andito na sa kusina si Paolo. "Paolo walang mantika." "O edi bumili." "Sa may labasan pa yung tindahan." "Tara na. Lakarin na lang natin para naman matagtag ka." "Wala nang dapat tagtagin sakin." "Sabagay." Sabay akbay. Madaming nakalabas na nagbebenta ng streetfood sa mismong kalye. Yung bahay kasi ni Nanay medyo nasa bandang likuran kaya medyo malayo sa kalye. "May boarding house pala malapit dito." Sabi ni Paolo. "Oo." Nang mapadaan kami sa boarding house may mga lalaking nagiinuman sa labas at ang mas kapansin-pansin pa ay yung isa nakatingin sa direksyon namin at kung hindi ako nagkakamali ay sakin. "Kilala mo ba yun?" Tanon ni Paolo. "Hindi eh. Pero parang nakita ko na siya dati." Hindi ko na pinansin pa at pumunta na kami sa tindahan para bumili nang mantika. Dalawang bote na binili ko dahil isang linggo akong kakain ng prito. Naglalakad na kami uli pabalik sa bahay at nadaanan namin ulit ang boarding house. Hindi ako nakatingin sa direksyon ng boarding house pero nang marinig ko na may nag 'psst' ay napalingon ako. Paglingon ko ay nakita kong nakatingin sakin yung lalaki kanina at ganun din ang nga kasama nila. Naramdaman ko namang napaamba si Paolo kaya tinignan ko siya. Mukhang galit. Kaya naman hinila ko nalang siya pabalik ng bahay. Dalawa lang kami kumpara sa 6 na yun. "Bakit mo ko pinigilan? Halata namang pinagtitripan ka nung mga yun." "Anim sila, dalawa lang tayo." "Kaya ko sila kahit buong boarding house pa nila." "Sabi mo eh, gusto mo balikan natin?" "Tara ba!" at pabalik nga talaga siya. "Hoy biro lang! Tara na sa bahay at gutom nako!" Pagdating sa bahay ay inumpisahan na namin ang pagprito ng ham, bacon at hotdog. Parang almusal lang. Nagsaing na din si Paolo ng kanin. Pinilit niya ako na kumain nang kanin. Hindi ko talaga hilig kumain nun, madalas tinapay at ulam lang. Kung kakain man ako nang kanin ay kapag may okasyon lang at sapilitan pa. Atsaka madalas naman kasi pasta ang niluluto ni Nanay sa dinner. Wala naman ako maghapon kaya naman hindi ko siya kasabay maglunch kaya hindi ko alam ano kinakain niya pag lunch. Habang kumakain kami ay nangungulit lang si Paolo. Hindi ko ba alam sa taong to di maubusan nang kakulitan pati na din kayabangan. Hindi ko din alam kung bakit ko natitiis ang ugali nito. Aaminin ko na masaya siya kasama at hindi ako nakakaramdam ng hiya sakanya. Pero hindi naman yung walang hiya na talaga. Yung tipo lang na nagdadaldal ako sakanya. ... "Ganito ba?" "Hina, diin mo nang konti." "O yan?" "Konti pa sige." "Ayos na ba yan?" "Ahhhh.." "Wag ka maingay Paolo!" "Sarap eh." "Tama na. Masakit na kamay ko." "Ay ano ba yan, bitin ka naman eh!" "Tama na, masakit na kamay ko tsaka inaantok na ako." Sumimangot siya. Kanina pa kasi niya pinapamassage yung kamay niya sakin. Napagod daw kasi sa paghuhugas ng plato. Ilang beses niya ako kinonsensya at pinilit para lang gawin ang gusto niya. Wala naman kasi ako alam sa gusto niyang mangyari. Nakulitan ako kaya pumayag nalang ako, andami niya kasing pinagsasabi. And mostly nakakakonsensyang bagay, ayoko naman nang mastress pa. "Bakit mo namang naisipang patulugin ako dito" Tanong niya "Wala lang." "Natatakot ka no?" "Hindi kaya?!" Di pwede sabihin sakanya na natatakot nga ako, pero di sa multo, sa mga magnanakaw okay? Pero knowing Paolo sigurado di niya madaling paniniwalaan ang 'reason' ko at ipipilit na takot ako sa multo. Seryoso, baka multo pa matakot sakin. Or worse aakalain din akong multo ng multo. Natahimik kaming dalawa at halos walang ingay sa kwarto ko. Halos naririnig ko na nga yung tunog ng umaandar na aircon. Di ko alam kung minumulto na ba kami kaya ganito kami katahimik. Nakatalikod ako sakanya at nakaharap sa pader nang naka fatal position na higa. Siya naman ay nakatihaya at di man lang naisipang pumasok sa comforter. "Payakap." Bigla niyang sabi. "Malamig eh." "Bakit di ka pumasok dito sa comforter." "Di mo naman inoffer kanina yan." Habang inaayos niya ang sarili papasok sa comforter. "Kala ko nga maninigas na ako sa lamig dito." "Di manigas ka." Niyakap niya ako ulit. This time wala nang comforter na nakapagitan samin kaya magkadikit na ang likod ko at sa dibdib niya. Parang ako naman ang nanlamig nang ilapit niya ang labi niya sa tenga ko at bumulong.. "...Naninigas na nga eh." ... Pagising ko nang umaga ay tulog padin si Paolo (at nakayakap padin) kagabi nakatalikod ako pero ngayon magkaharap na kami ng dibdib niya. Ramdam ko ang lamig mula sa aircon, siguro ay naitodo (o tinodo) ni Paolo kagabi yan dahil siya ang pinagsindihan ko. Dahan-dahan kong inangat ang kamay niya sa pagkapatong mula sa tagiliran ko at dumausdos ako pababa ng kama ng di siya nagigising. Nang makatayo na ako mula sa kama ay napatitig ako sa tulog na si Paolo. Taimtim at parang nakangiti nang konti ang labi niya. Kinuha ko ang Polaroid Camera ko na di ko pa gamit at kasalukuyang nakadisplay din. Kinuha ko ang anggulo at kinuhana siya ng larawan. Paglabas at pinagpag ko at tinignan ito. "Gwapo nga itong ugok na to." Habang naiiling ako. Ewan ko ba. Bumaba ako at pumasok sa C.R at naligo. Sampung minuto lang akong naligo at lumabas na. Malamig ang tubig. Tae bakit nakalimutan ko tungkol dun. At isa pa sa nakalimutan ko ay sabado pala ngayon at walang pasok. Paglabas ko naman nang banyo ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Nakaawang ang pintong iniwan ko talaga na medyo bukas para lumabas yung lamig. Una ko nakita sa loob ay si Paolo na nagpupush-ups. Aba, health conscious na pala to? "Tama na yan magbibihis ako." Halatang nagulat siya dahil napatigil siya at napatitig sakin saglit at biglang bumagsak. Ewan ko lang ha pero parang napangitan ata siya sakin? o sa katawan kong patpatin at maputla. "Good morning, Keith." With a smile pa. Suot ko na ang shorts ko kaya sinuot ko muna ang t-shirt ko bago ko siya binati pabalik. "Pao ayos lang kung magdrive-thru nalang tayo? Para wag na tayo magluto pa." Nilingon ko siya. "Treat ko." "Oo naman. Maghihilamos lang ako. Nakakahiya naman sa freshness mo." Sabay tawa. Hindi lang simpleng tawa, is it just me or half laugh half moan yung tawa niya. Either of which can I say that that was a sexy laugh. "Ayos ka lang?" Tanong niya. "Oo naman?" He gave me a weird smile (and look) tapos ay kinamot ang batok niya bago pumasok sa banyo kosa kwarto. Naligo ako sa labas kanina para hindi ako gumawa nang ingay para di siya magising. Nagpatuyo naman ako nang buhok at nagsuklay na din (I don't usually do that) nang lumabas siya sa banyo. Kumuha nang t-shirt at basketball shorts mula sa bag niya at hindi nagatubiling magpalit ng damit kahit nakaharap pa siguro ako, nakayuko ako eh. Nang matapos siyang magbold-star ay niyaya na niya akong bumili nang almusal. "Good morning, Honey!" Sabay tapik niya sa kotse niyang kulay itim bago pinindot ang unlock mula sa susi nang makapasok kami. "Ang sweet mo naman sa kotse mo." "Ganun talaga pag single, sa kotse nalang sweet. Pero pag tayo na don't worry mas sweet ako sayo kaya wag ka selos." Napa-roll nalang ako nang mata sa nga sinabi niya. Ang aga po ah? After few arguments and wasted gasoline, we've decided to drive-thru on my favorite restaurant when I was a kid. We love that Bee when were kids. Who doesn't? Some even love him still even now that they're teens and all grown-up. We got home and opened-up mine and surprisingly it was a rice meal. I gave Paolo a questioning look. "Para malatayan naman ng kanin yang sikmura mo." Kinain ko nalang. The best padin talaga si fave. Di nagbago ang lasa... matamis padin. Pati fried rice nila matamis sa panlasa ko. Hot chocolate nila parang isang kilo nang asukal ang nilagay sa sobrang tamis. Maya naman ang daming diabetic and overweight (No Offense) dahil sa mga ganitong uri nang pagkain. They should cut down the sugar. But since it's a 'Restaurant' for kids and by cutting down the sugar it deflects its purpose. "Busog! May pancake pa oh." Sabi niya tapos ay binigay sakin ang isa sa dalawang pancake na may butter at syrup. I took a bite, Matamais nanaman. Matapos kumain ay naglinis na kami. Nagpunta kami sa t.v room at nagpahinga nang konti habang nanonood ng random movie. Before lunch na umuwi si Paolo dahil naalala niya na imi-meet pala niya ang kagroup niya para sa report nila sa lunes sa isang feeling major subject namin and by that I mean Social Science (No Offense ulit)✌️ ... As I've said, everything nowadays are mostly sugared. Even words, sugarcoated. Wednesday Morning tumawag ang Papa ko, sinabi niya na naipadala na daw niya ang pambili nang ticket ni Nanay. Kinukuha na kasi siya nang America, I mean, natapos na ang processing ng Petition niya kaya kailangan na niyang pumunta doon para maproseso naman ang citizenship niya. Hindi ako nagalit nang malaman ko iyon. Ayoko namang magdrama na 'Lagi nalang nila akong iniiwan' line. Masagwa at gasgas na pre. Pero siyempre nakaramdam naman ako nang lungkot, ilang taon na kaming magkasama ni Nanay tapos bigla nalang malalaman ko na aalis na siya. Pero masaya ako para sakanya dahil sawakas makakasama na niya yung isa pa niyang anak, si Tita Julianda. Sa sabado na ang alis ni Nanay, mabilis, para mahabol niya ang fisrt birthday ng pinsan ko . Isa na din yun sa dahilan kaya kailangan na siya pumunta sa America, kaialangan nang kasama ng Pinsan kong baby palamang. As for me, matanda na ako para bantaya pa pero not at the right age para maiwan mag-isa. "Anak, pag nandun na ako siguraduhin mong mag-Skype tayo ah?! Nako bata ka kakaltukan kita pag di mo ko tinawagan!" Biglang bungad ni Nanay habang tahimik kaming kumakain at nanonood ng T.V Inilapag ko sa coffee table ang hawak kong bowl na may laman na Mac & Cheese at lumingon sakanya. "Nay, di baleng magpuyat ako makausap ka lang. Ikaw pa ba kakalimutan ko?" Aba, nagdrama po siya. Naluha siya at niyakap ako. "Nako talagang bata ka, Basta tandaan mo ha, Ikaw ang Paborito kong apo." Sabay hagod sa likod ko. Sa mga ganitong simpleng pangyayari ay nararamdaman ko na may nagmamahal talaga sakin. Minsan kasi pakiramdam ko wala o wala na. "Darating pala mamaya si Yosef. Yung pinsan mong galing maynila." Uminom ako nang juice. "Dito na po siya titira?" "Oo, para may kasama ka." Kinwento naman ni Nanay ang dahilan nang paglipat niya. Si Kuya Yosef ay mas matanda nang dalawang taon sakin, 21. Pero dahil may pagkabulakbol ay 3rd year palamang siya sa College. Engineering ang course niya, tapos sinabayan pa nang bulakbol. Mabait si Kuya Yosef, naalala ko noong nagreunion kami ay siya lang halos ang nakausap ko. Nahihiya kasi ako sa iba kong pinsan. Pero siya yung gumawa nang paraan para lang makausap ako. Siya lang din (kung di ako nagkakamali) ang sumasalo sa mga Shot ko noon. Di naman kasi ako palainom pa noon. Bandang 5pm nanv dumating si Kuya Yosef. Hinatid siya nang Daddy niya pero kaagad lang din umalis dahil baka matraffic pa. nagdinner kami pagkapahinga niya. Ipinagluto siya ni Nanay nang sisig at kare-kare, specialty ng mga kapampangan. Nagustuhan niya halos ng pagkain pansin ko lang kasi andami niya nakain. O baka gutom lang? Pero di biro naman kasing masarap magluto si Nanay Amanda. Matapos namin kumain ay pinasamahan siya ni Nanay sa kwarto niya. Di na ako pinaghugas ni Nanay dahil nga sasamahan ko si Kuya Yosef. "Malaki pala kwarto ko. Ayos!" Sabi niya nang makita ang kwarto niya. Apat lang naman ang kwarto sa bahay at halos malalaki iyon dahil nasa second floor. Ang ground floor naman ay halos occupied nang kusina, sala, dalawang banyo at ang T.V room. Priority ang space nang bawat lugar sa bahay dahil ito ay bahay ng pamilya. Dito madalas dinadaos ang mga party at reunion sa side ni Mama. "Keith, tahimik ka pa din talaga no?" "Medyo nalang Kuya-" "Yosef nalang, di pwede sakin yan, dalawa nalang tayo dito tapos tahimik ka pa. Dapat madaldal ka na pag kasama mo ako ah?" Sabi niya yan tapos ay tumawa. Parang familiar naman yung mga sinabi niya. "Osige, Yosef. Pipilitin ko ah?" Sabi ko naman tapos ay sumimple nang tawa. Inabas niya mula sa shoes organizer mga sapatos niya at binilang. Inilabas naman niya sa tabi yung leather shoes at sa tingin ko yung madalas niyang gamitin na sneakers. Mahilig din pala siya sa sapatos. Meron kaming ibang sapatos na pareho. "Sayang di tayo magkakahiraman ng sapatos. Size 8 ka eh ako 11." "Ayos lang yung, Yosef. Andami mo naman sapatos na pang basketball." "Oo, ikaw din naman ah. Laro tayo minsan gusto mo?" Napakamot naman ako sa batok ko. "Basketball shoes lang meron Ako eh. Talent wala." Tumawa naman siya. Halos pareho nung tawa ni Paolo na manly-laugh. Grabe. "Don't worry dude, tuturuan kita." "Talaga?!" Masigasig ko namang tanong. Aba, matututo nadin ako nang mga damoves sa Basketball! "Oo naman! Sayang naman yung Court sa likod kung di gagamitin." Matapos niyang ayusin ang mga sapatos ay isinunod niya yung mga damit niya. Tinulungan ko na siya sa parteng yun dahil balahura kung maglagay nang damit sa cabinet. Tangal bag - lagay sa caninet. Wala nang ayos ayos pa kaya pinakelaman ko na. Nang matapos kami ay 10:30pm na kaya naman nagpaalam na ako dahil magrereview pala ako sa isang subject ko. Bago naman ako umalis ay may sinabi siya. "Keith, samahan mo ako bukas sa school mo. Mageenroll ako." "Osige. Tawagan mo nalang ako." Sagot ko naman. "Osige. Di na din naman tayo mahihirapan kasi inayos na ni Dad. Enroll nalang." "Osige. Good Night, Yosef" "Good Night din Kitkit." Napalingon naman ako sakanya nang nalalaki ang mata. "Diba, nung bata kayo ni Nicollo, Kitkit ang tawag niya Sayo?" End of Chapter 10.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD