"Nasan ka na ba... Nicollo."
Pagbibigay buhay niya sa hawak na T-shirt nang kanyang unang itinuring na kaibigan. Si Nicollo, siya ang unang tao bukod sa kanyang magulang ang pilit na umintindi sakanya. Madalas mapag-isa si Keith noong bata pa man siya, takot ito na makasalamuha ang mga tao. Lagi siyang natatakot na maiwan nang mga ito kapag napalapit na siya sa mga ito. Takot siya na pag dumating ang panahon na napamahal na siya sa mga ito ay bigla nalang siyang iiwan muli.
Pinaniniwalaan ni Keith na natanggap na niya ang pagkawala nang kanyang Mama. Oo, nagawa niya iyon pero ang epekto nito sakanya ay hindi nabago. Hindi man niya iyon napapansin o pinapansin, talagang qnaging malaki ang epekto nito sakanya. Naging takot na niya ang maiwan kaya tinuruan at sinanay ang sarili na wag umasa o kumapit sa iba dahil baka iwan din siya ulit. Tulad ngayon ng kaibigan niyang si Alex, hindi niya binubuhos ang lahat ng atensyon dito hindi niya binibigay ang buong loob nito sakanya. Playsafe siya pagdating sakanya. Para kung sakali man na iwan siya nito ay hindi siya masasaktan tulad nang dati dahil hindi siya buong nakadepende dito. Hindi niya sinanay ang sarili na may Alex siyang kaibigan. Kung andiyan si Alex, edi andiyan. Kapag wala, hindi niya hinahanap o hahanap-hanapin at kaya pa dinnniya ipagpatuloy ang mga bagay na dapat niyang gawin kahit na wala ang mga ito.
Pero iba siya noon kay Nicollo. Buong pagkatao niya ay sinanay niya na naka depende sa kaibigan niya. Nag-iisang kaibigan. Ito lamang kasi ang nakukuhanan niya ng atensyong napagkait nang pagiging mapag-isa. Hindi siya masisi dahil nasaktan siya at umiiwas lang na masaktan pa ulit. Naging mapagaruga si Nicollo sakanya, hands-on siya kay Keith. Buong atensyon at pagmamahal ay ibinigay niya dito. Walang araw na hindi niya ito kinausap at bawat pagkakataon na meron siya upang makasama siya ay di niya ito pinalampas. Para silang magkapatid kung magturingan. Nabago nito ng unti-unti ang makasarili at mapag-isang si Keith. Kahit na mabagal ay natuto itong makisalamuha sa mga iba pang kaklase. Pero hindi kailanman humiwalay kay Nicollo.
Nang mag-graduate sila ng Grade 6 ay nabago ang lahat. Lumipat ng maynila ang pamilya ni Nicollo. Biglaan ang lahat dahil doon ang oportunidad para sakanyang Mga magulang. Hindi na nagawang magpaalam pa ni Nicollo kay Keith. Wala pang maayos na komunikasyon noon. Wala pa ang Social networking sites. Hanggang sa malimutan na nila na gumawa ng paraan upang sila ay makapag-communicate. Nang magdaan ang taon, noong highschool na si Nicollo ay naisipan nitong hanapin sa mga social networking sites na alam niya si Keith. Pero bigo siya dahil walang Gene Keith Henson na lumitaw sakanyang searches.
Hindi kasi kailan man gumawa nang ganito si Keith. Hindi niya hilig. Para saan pa at wala rin naman siyang kaibigang makakasalamuha sa mga ganoong websites. Wala siyang kaibigang kailangan ng bagong updates mula sakanya o galing sakanila.
Tahimik at impit ang pag-iyak niya habang yakap padin ang t-shirt ni Nicollo. Lalo siyang nalulungkot sa tuwing naaalala niya ang nalayong kaibigan. Sa loob ng ilang taon ay ngayon lamang niya muling iniyakan ang nawalay na kaibigan. Totoong mahal niya ito. Nais niya muling maramdaman ang aruga at atensyon na si Nicollo lamang ang nagbigay. Ang pagmamahal na tunay at walang hinihinging kapalit. Iba ang pagiintindi na ibinigay ni Nicollo kay Keith. Matinding pasensya nito sakanya. Ayaw niya kasi na laging nakikita si Keith na nag-iisa at malungkot. Natural kay Nicollo ang ganoong ugali, kaya nga andami niyang kaibigan sa loob at labas ng eskwelahan. Isa siya sa maituturing na crush-ng-bayan noon. Lahat kasi ng hahanapin ng isang babae o binabae ay nasakanya. Siguro dahil nadin sa pagpapalaki ng kanyang mga magulang.
Pilit na binago ni Keith ang sarili. Ibinalik niya ang ugali na mapag-isa at hindi na muling dumepende sa ibang tao. Wala na siyang kaibigan na itinuring. Sawiang mga tao na gusto siyang kaibiganin. Naging matigas at walang emosyon siya sa loob at labas. Pilit niyang tinuruan ang sarili na hindi magpakita ng emosyon sa iba. Masyado niyang dinamdam ang pagkawala ni Nicollo. Mas itinuring niya itong mas masakit dahil wala siyang alam na dahilan kung bakit siya nawala. Alam niyang buhay ito. Akala niya ay walang ginawang paraang ang binata upang muli silang makapag-usap o magkita, mas lalong naging masakit ito para sakanya.
Ang inaakala niyang taong hindi siya iiwan ay nawala sa isang iglap lamang. Napaglaruan ng tadhana ang dalawang magkaibigan. Pero darating din ang panahon at oras na sa muling pagkakataon ay gagawa ng paraang ang tadhana upang silang muling magkita. Sa tamang oras at panahon. Sa tamang lugar at sitwasyon.
Inabot ng gabi ang pagdadalamhati ni Keith. Nakatulog na siya dahil sa pagod sa pag-iyak at sakit ng ulo. Talagang dinamdam niya ito. Sa pagkakataong ito ay hindi niya pinigilan at inilabas ang tunay nararamdaman. Hinayaan niya ang sarili na maglabas ng emosyon. Hindi niya ito madalas gawin, siguro ngayon ay dahil napuno na siya at di na kinaya pang pigilan ang mga ito.
Natapos ang sabado't linggo na parang lutang si Keith. Tila bumalik siyang muli sa Keith na walang nararamdaman at parang robot na sumusunod lang sa pangyayari. Nahulat ito ni Paolo at Alex. Madalas na tulala si Keith. Kung dati ay unti-unti na siyang nakakausap at ngumingiti, ngayon ay parang blankong papel siya muli na walang makabasa maging ang matatalino. Hindi nila pinilit kausapin o kulitin ang kaibigan. Hinayaan lamang nila ito kapag hiniling na mapag-isa.
...
Niyaya ni Paolo si Keith na manood ng laban ng basketball sa gym noon. Sinubukan lamang niya ito kahit na alam niyang hindi ito papayag at mas pipiliing magpaiwang mag-isa. Pero laking gulat niya nang pumayag ito. Napaguhit ang isang ngiti sa labi ni Paolo nang kakalain niyang gusto siyang talagang kasama ni Keith. Ngunit ang tunay na dahilan nito ay gusto lamang makalimot ni Keith. Ayaw na niyang isipin pa si Nicollo.
Masang nanonood si Paolo at halata sakanya na hilig nito ang basketball. Nang napalingon ito kay Keith ay nakita niyang tutok din ito sa panonood. Nagtaka siya dahil ngayon lang niya nakitang nagbigay nang atensyon si Keith sa mga ganitong bagay. Napaisip tuloy siya.
"Hindi kaya may gusto siya sa mga naglalaro?"
Nabuong ideya nito. Pero mali ito, maling mali. Kung titignang mabuti ay binibigyan niya nang atensyon ang buong laro. Para bang isinasaulo ang mga galaw nang mga manlalaro dahil may hilig siyang magllaro ng basketball sa xbox niya.
Naconcious naman si Paolo dahil maganda at malaki ang mga katawan ng mga Basketball players. Talagang isinautak niya na may pagtingin si Keith sa mga manlalaro gayong wala naman talaga dahil walang malisya ang mga katwan ng mga ito para kay Keith.
"Yan pala mga type mo. Simula bukas magbubuhat na ako para magka-muscles din ako." Sabi nito sa sarili.
Pursigido ang binata na makuha ang atensyon ni Keith. Meron siyang pagtingin dito. Nasabi na niya iyon dati kay Keith pero hindi na niya nasundan pa dahil akala niya ay walang gusto ito sakanya. Nilamon na siya ng katorpehan kaya hindi na niya nagawang tanungin pa kung may posibilidad ba na maging sila. Kaya ngayon ay gumagawa siya nang paraang upang makuha ang atensyong gusto nito kay Keith. Naisip din niya na masyado niyang binilisan ang pag-amin kaya naman minabuti niyang daanin muna sa pakikipagkaibigan ang lahat.
Habang nakatuon ang atensyon ni Keith umiinit na laban sa loob ng basketball court, siya din pagbibigay-tuon at atensyon ni Paolo sa mukha ni Keith na kala mo ay isinasaulo nito ang hugis ng mapupungay ngunit maramdaming mata ni Keith. Ang ilong nito tamang tama ang hugis para sa mukha niyang maliit at maamo. Hindi pwedeng hindi mapansin ang alaga at makinis na kutis nito.
"Tangina, tinamaan ako. Ano na nangyare sa matigas na Paolo?! Lintik ka Paolo!"
Hindi ikinakaila ni Paolo na talagang may nararamdaman siya kay Keith. Noong una ay Paghanga o Crush lamang ito dahil sa personalidad nito na may pagka-misteryoso. Kakaiba ang dating ni Keith, hindi na niya kailangang magmukhang maangas o mayabang dahil nasa hitsura na niya ito ngunit ang mas nakakapukaw ng atensyon ng bawat titingin sakanya ay ang mapupungay na mata. May kakaibang emosyon ang mga ito. Natural at maalindog.
Habang tumatagal ay napapalapit sila sa isa't-isa. Nalalaman ang mga mumunting kilos at gawa nang bawat isa. Madalas magpahiwatig si Paolo kay Keith tungkol sa nararamdaman nito sakanya ngunit walang reaksyon ang isa dito at parang pinagkikibit-balikat lamang nito. Ito ang dahilan kung kaya't napanghihinaan ng loob si Paolo at lalong natotorpe. Ang akala kasi nito ay hindi napapansin ni Keith ang mga bagay na ginagawa niya. Ngunit ang di niya alam at hindi nahuhulata ay pasimpleng nagugustuhan nito ni Keith. Gustong-gusto niya ang atensyong madalang lamang niyang natatamasa.
Paminsan-minsan ay pumapasok pa din sa isip ni Keith ang tungkol kay Nicollo at sa tuwing mangyayari iyon ay nakakaramdam nang kaunting lungkot ito. Kirot at muling panunumbalik nang mga emosyon at pakiramdam. Hindi niya maikubli na nasasaktan padin siya sa biglaang pagkawala nang kanyang minahal na kababata.
"Gene Keith Henson!" Pasigaw na tawag ni Alex mula sa ibaba. Nais nitong makuha ang atensyon ni Keith, nagtagumpay naman siya dito dahil nakakunot-noo niya itong tinignan. Hindi siya sanay marinig ang Gene na pangalan niya.
Umakyat naman si Alex at umupo sa tabi ni Keith. Inabot nito sa dalawa ang bitbit niyang Burgers at Fruit shakes na binili niya. Nais pa sanang bayaran ni Keith ang mga ito mgunit isang malutong na pitik sa tenga ang inabot nito. Labag man ay kinain nito ang binigay na pagkain sakanya. Sadyang ayaw niyang tumatanggap ng mga ganoong bagay mula sa ibang tao, maging sa mga itinuturing siyang kaibigan.
"Rence, sinong Lead?" Tanong ni Alex.
Hindi naman nasagot ni Laurence Paolo ang tanong sakanya dahil hindi naman sa laban nakatuon ang binata kundi sa kasama nito. Nagkibit-balikat nalamang ito bilang sagot.
"Visitors. Six points. Satin ang bola." Pagsagot naman ni Keith.
"Aba, buti naman at nanonood ka pala."
Hindi na sumagot ito at kumagat nalamang sa hawak niyang burger. Sa di inaasahan ay dumikit ang ketchup sa gilid nang labi nito. Dahil pasimpleng nililingon ni Paolo si Keith kaya naman agad niya itong nakita.
"Mapicturan nga!" Sabi nito sa isip. Matapos simpleng kuhanan ni Paolo ang mukha ni Keith ay sinabi niya ito.
"Oh panyo. Punasan mo yang ketchup sa labi mo."
Naalarma naman si Keith kaya kaagad niyang inabot ang panyo at pinunasan ang magkabilang gilid ng labi nito.
"Akin na yan, bakit mo binulsa?"
"Lalabhan ko muna eh."
"Tss, amin na sabi! Isa!"
"Nadumihan eh."
"Dalawa!"
"Eto na nga."
Pasimple namang nagmamasid sakanila ang kaibigang si Alex. Natutuwa ito sa kanyang nakikita. Ramdam niya na merong namamagitan sa dalawa at sa nakikita niya ay natutuwa siya bilang kaibigan, unti-unting nagiging sociable si Keith. Hindi na siya masyadong mailip sa ibang tao bukod sakanya.
"Good. Gusto pa niyang mabilangan eh."
"Lalabhan ko na muna sana eh."
"Sus, para yun lan!"
Nanalo ang kalabang university kaya naman nawalan ng gana manood pa ang tatlo. Nagpasya silang magliwaliw muna sa mall dahil wala na silang subjects. Rest day nila dahil malapit na ang midterm exams nila kaya naman binibigyan sila nang ilang araw na wala masyadong ginagawa. Pabor naman ang mga estudyante at mga guro dahil pareho silang nakikinabang. Sino ba naman ang aayaw sa ilang araw na walang masyadong ginagawa.
Habang nasa kotse sila ay nagtext si Amanda (Lola/Nanay ni Keith) at naghabilin siya. Isang linggo kasi itong mawawala dahil bibisitahin niya ang kapatid sa Cebu. Kaagad na tinawagan ni Keith ito at nagpaalam nang maayos. Kahit papano ay napamahal na ang bata kay Amanda kaya ganoon nalamang niya ito ituring na parang totoong Ina, hindi naman nagkakalayo dahil Ina ito ni Miranda na siyang Tunay na Ina ni Keith.
"Oh sige po. Ingat po kayo doon Nay! Bye po."
"Edi mag-isa mo sa bahay Keith?" Tanong ni Alex
"One week lang naman."
"Tsk, uso pa man din ang mga nag-gagalang espirito."
Hindi likas na matatakitin si Keith. Pero dahil sa kakapanood nito nang mga horror movies at kakabasa nang librong may ganoong tema ay kung ano-anong naiimagine nito. Kinilabutan naman siya sa di malamang dahilan.
"Gagu, takutin mo yan!" Natatawang sabi ni Paolo. "Mas nakakatakot si Keith!" Dagdag nito at sabay silang tumawa nang napakalutong ni Alex.
"Okay." Sabi lamang ni Keith.
Pagdating nila sa mall ay kaagad silang dumiretso sa C.R dahil naiihi na si Alex. Naghinatay na lamang sa labas si Keith at Paolo dahil di naman sila gagamit ng banyo. Nakatayo sila ilang hakbang mula sa banyo.
"Sino katext mo?" Tanong ni Paolo. Nanibago ito dahil di naman madalas makitaang may hawak na Cellphone si Keith.
"Si Nanay, pinapabili ako nang mga kakainin ko daw. Nakalimutan daw niya mamili last week."
"Ah, edi samahan ka na namin sa Supermarket."
"Kayo bahala."
"Sasamah-"
"Oh tara na! Nagugutom ako!" Pagputol ni Alex sa dapat sasabihin ni Paolo nang makalabas ito mula sa banyo.
Kumain muna sila sa isang fastfood. Minadali nila ang pagkain dahil nag-gagabi na at may mga kanya-kanya pa silang dapat bilhin. Inuna nila ang pagpunta sa Bookstore at bumili ng mga gamit. Matapos ay sinamahan nang dalawa si Alex sa pagpili nang damit dahil may debut siyang aatendan sa sabado.
"Par, bagay ba to?"
"Pwede na yan! Pang-ilan mo nang sukat yan wala ka pa napipili." Reklamo ni Paolo.
"Mas bagay mo yung kanina." Pagsingit ni Keith. Wala silang mapapala kung ang dalawa lang ang maguusap dahil parehong may saltik.
"Sabi sayo eh!" Sabi ni Alex at tinuro pa si Paolo.
Sinunod ni Alex ang payo ni Keith at binayaran na nag napiling mga damit. Nagpunta na sila sa Supermarket at sasamahan namang mamili ng grocery si Keith.
Habang hinahanap ni Keith ang mga gusto niyang bilhin at ibinilin ng kanyang Nanay, tulak-tulak naman ni Paolo ang pushcart habang nakikipagkulitan pa kay Alex. Iniiscoran nila ng 1-10 ang mga babaeng nakakasalubong nila. Hindi naman pinapansin ni Keith ang dalawa dahil gusto na niya matapos ang pamimili dahil gusto na niya umuwi. Inaalala nito ang bahay nila dahil walang tao.
Matapos makapamili ni Keith ay binayaran na nila at nagpasya nang umuwi. Humiwalay na Si Alex sa dalawa dahil may sakayan pauwi malapit sa mall. Kaya naman inihatid na Paolo si Keith. Hindi na umangal pa si Keith dahil wala naman siya mapapala dahil makulit itong si Paolo at saka may dala niya ang pinamili. Mahihirapan siyang magbitbit kung magko-comute lamang siya. Bente minutos lamang ang layo nang mall sa bahay nila Keith kaya naman hindi hussle ito kay Paolo.
"Salamat sa paghatid Paolo."
"Samahan na kita magbaba ng binili mo."
Pagpasok nila sa bahay ay idineretso na nila sa kusina ang mga plastic bags. Hinatid na sa labasan ng bahay ni Keith si Paolo.
"Kaya mo na mag-isa?"
"Oo naman." Medyo nagaalangang sagot ni Keith. Ngayon lamang kasi siya naiwan mag-isa sa bahay ng ilang araw.
"Sige. Tawagan mo ako kung may problema."
"Oo sige."
Naglakad na papunta sa kotse niya ang binata. Napaisip naman si Keith kung kaya nga ba niya mag-isa sa bahay. Medyo may kalakihan ang bahay ng Lola niya. Hindi siya handa kung may magtangkang magnakaw. Lalo siyang nagalangan nang maalala niya ang sinabi ni Alex.
"Tsk, uso pa man din ang mga nag-gagalang espirito."
Nakaisip agad si Keith ng plano. Buti na lamang at di pa nakasakay sa kotse si Paolo.
"Paolo..."
Lumingon naman ito at nagtaas ng dalawang kilay.
"Pwede ka bang... matulog muna dito ngayong gabi?"
End of Chapter 9