Rule of Three: Chapter 8

2603 Words
Keith's POV Normal na araw. Ewan ko kung bakit pinasok ko pa ang course na ito. Pakiramdam ko hindi ako bagay dito. Caring, yan ang mga Nurses. Bukod sa Natural ang pagiging Caring ng mga Nurses ay mas lalo pang ineenhance ng mga itinuturo sa amin. Sana lang maturuan nila ako noon. Isa ako sa mga tao na di natural ang pagiging caring sa kapwa tao. Hindi naman ako selfish na tao, yung tipong di lang ako ma-amor na tao. Isa lang naman kasi ang nasa-isip ko kaya pinili ko ito. Gusto kong maging isang nurse tulad ng Mama ko. Idol ko siya. Magaling siyang Nurse at magaling din na Ina sa akin. Hindi ako napapabayaan noon.. noon na buhay pa siya. Mahilig ako sa Science. Medyo nerdy na yung maituturing, pero pakialam ko ba? Eh sa mahal ko ang Sciencia. Sabi kasi nila halos Science ang course na ito kaya naman ayun, nasabik ako. Atsaka nung nakita ko yung mga laman loob ng tao sa mga napapanood na movies parang naexcite ako. Yung tipong hahalungkatin mo yung mga laman loob. Satisfying. Pero ngayon ko palang nararamdaman ang bigat ng responsibilidad bilang isang Nurse (to be). Hindi lang ito puro Science, dugo, tahi, laman loob at sugat, Buhay ng tao ang nakasalalay sa aming kamay. Hindi man kami ang doctor pero sa aming mga kamay pa din unang dadaan ang pasyente. Isang maling information lang ay maaari nang magdulot ng malaking epekto o komplikasyon sa pasyente na maaari niyang ikasama, worse ikamatay. Pano nalang kung mali pala ang mainject ko na gamot sigurado malaking kapahamakan yun. Di madali itong pagne-nurse ah. Siguro kailangan ko na, sa ngayon pa lang, ang matutong maging Caring at matutong makisalamuha sa Tao. Yung totoong pakikisalamuha. Nakikipag-usap, Kwentuhan, Kumustahan. Kailangan ko din siguro malaman ang pakikipag-chismisan? Oh hindi na. Baka makahiligan ko eh, matulad pa ako kay Nanay. Kasi nakikita ko yung mga Nurse na talaga sa hospital ay kinakausap ang mga pasyente, yung parang kilala na nila ang mga ito. Yung tipong, "Mother, take na po natin ang gamot. Kumusta ho ang sugat, di po ba nagbleed or bumukaka? Eh si tatay ho, tumigil na ba sa pambababa?" Mas madali daw matuto ang tao kapag ina-apply nito ang gusto niyang matutunan. Paano ko naman gagawin yung application kung ang gusto kong matutunan ay ang pagiging caring? Sino naman gagawin kong pangpractise? Di naman pwede yung aso ko na si Bacon kasi malaki ang pinagkaiba nang Aso sa Tao at higit sa lahat tao ang inaalagaan naming mga Nurse hindi Aso. Eh kung si Nanay kaya? Eh para namang Caregiver ako nun. May Care padin pero baka iba pa matutunan ko dun. Paolo Eh kung siya kaya ang pagpractisan ko? Parang di ko gusto idea na yun. Kung si Alex naman baka naman pag-yaya ang matutunan ko, isip bata yun eh. Eh pag si Paolo? Baka matutunan ko ay pakikipagsyota. At ayoko namang matutunan ang kamanyakan. Wrongshit, naman yun at gayshit. Mahalaga ang buhay nang tao. Come to think of it, we are the lucky Ones. Sa dami ng semilya nang tatay mo na lumalangoy ay ikaw (bilang sperm) ang nakaabot sa egg cell ng iyong inay. Andaming sumuko na iba mo pang ka-batch at tumigil na sa paglangoy or di lang natin alam nagpaubaya lang okaya naman ay naging sakim tayo, pinatay natin sila habang lumalangoy. Hindi naman kaya niligaw natin sila? Hmmm.. Hindi madaling responsibilidad ang buhay. Dalawang pananaw lang nito ang para sa akin ang umiikot, maging masaya dahil buhay ka o hinihiling na hindi nalang nabuhay pa. Ako? Nasa gitna lang. Ayos lang na nabuhay at kung minsan hinihiling ko nalang na sana, Sana, hindi nalang ako nabuhay pa. Normal na araw. Walang katapusang discussion at activities. Mga sandamakmak na experiments patungkol sa katawan at kalusugan ng tao. Pareho lang halos noong nasa first year pa kami ang kinaibihan lang ay humirap at lumalim ang nga topics namin. First Aid. Topic namin ngayon yan ngayon. Mga simpleng tips at tricks sa mga sitwasyong nangangailangan nito. Mga panlunas na unang isinasagawa. Parang pa-segway lang ito nang main topic namin. Actually parang pahabol nalang kasi tapos na ang main topic. Patapos na ako sa 8-pages written report ko nang magawi ang tingin ko sa bandang likuran ng Lab. Habang kami ay atat na atat matapos at halos di na magkanda-ugaga sa pagsulat at pag-iisip, may dalawang taong nakatutok lang sa isang iPad. Halatang nagcoconcentrate sila doon, magkasalubong pa ang kanilang kilay. Namamawis pa nga yung isa. Itinuon ko muli ang atensyon ko sa pagsulat sa nalalabing pahina ng aking report. Malaking bagay ito sa grade namin this prelim. Kailangan ito upang mahila ang mga dapat mahila, pero hindi dahil gumagawa ako nito ay dahil kailangan kong manghila, sadyang ayoko lang ng hassle. Maayos naman ang mga grades ko, sa tingin ko? Matapos kong gawin ang report ay nagpass na ako isang oras pa bago matapos ang oras ng klase. May oras pa ako upang kumain ng hapunan dahil magduduty pa kami sa Hospital. Inilagay ko ang mga libro at notebook ko sa bag. Iniligpit ko na din ang ginamit kong apparatus at equipments. Patayo na sana ako kinauupuan ko nang madako ulit ang tingin ko sa direksyon niya. Siya nalang ang nanonood. Ganun pa din ang ginagawa niya. Pinagpapawisan na nakatutok sa screen. Walang tigil din da pagtaas-baba nang paa niya. Parang nagru-rush nang tinatahi. Tahimik akong lumapit sa lugar niya upang magpaalam na lalabas muna ako at baka maisipan din nilang kumain dalawa ni Alex. Madilim na kasi sa labas ng campus at kailangan pang lumakad papunta sa foodcourt. Dahil mas malapit si Alex ay siya muna ang nilapitan ko. Halatang nagru-rush siya nang sinusulat. Inuna pa kasi ang pagtutok sa screen kanina kasama si Paolo. Ngayon ayan, mabilisang sulatan. "Pangdoktor na ang sulat mo." Halatang di niya inaasahan ang pagsalita ko kaya kitang-kita na napaigtad siya. "Oh ikaw pala! Ah-eh di ko pa kasi tapos." Sagot naman niya. "Ah, Labas muna ako para magdinner. Kayo?" Sabay lingon ko sa tutok parin sa screen na si Paolo. "Ako kasi may baon kaya baka sa Hospital na ako kumain. Tanungin mo si Laurence kung gusto niya" Natawa siya nigla nang mapalingon siya kay Paolo at napansing tutok padin sa iPad. "Gagong yan, tinapos talaga! Hahaha!" Tinapos ang alin? Siguro may pinapanood silang movie doon. Sa tingin ko thrilling yun kasi parang natetense siya eh. "Sige, tanungin ko muna siya." Palapit na ako kay Paolo, nakatalikod siya sakin kaya di niya ako nakikita habang papalapit ako sakanya. Naisipan ko munang sumilip sa kung ano ba yang pinag kakaabalahan niya. Sumilip ako sa screen. Isang babae ang kasalukuyang umiindayog sa taas ng lalake. Halatang parehong gusto ang kanilang ginagawa.. Tsk. Ang inaakala kong thrill/suspense na movie na pinapanood niya sa screen ay di pala. "Paolo." Napatayo siya at mabilisang tinakpan ng leather case ang iPad niya. Namumula ang mukha at namamawis. Nanlaki ang mata niya nang Napadako sa baba niya ang mata ko sa di sinasadyang pagkakataon. May umbok. Tinakpan niya ito agad gamit ang hawak niya. "K-keith, ah-eh ano?" Huli ka dude noh? "Nakakaabala ba ako?" "Ah-ah di naman! May gusto ka ba sabihin?" "Kakain ako sa foodcourt, uhm, di ka ba sasabay?" "Oo sige sasabay na ako!" Mabilisan siyang tumalikod at inayos yung problema niya. Nang nakasigurado na ito ay hinila na ako palabas ng lab. Nangangailangan ng 'First Aid' ang problema ni Paolo. Wala akong balak na tulungan siya dun. Anong nakukuha nila sa panonood ng ganun? Eh mata lang nila ang masasatisfy at imagination. Parang lalo lang nila pinapalakas ang urge nila sa ginagawa nila. Parang lalong pinapatakam ang sarili. Pero di ko naman sinasabi na dapat gawin na nila ang totoong bagay. Hindi kaya't naghahanda siya dahil may gagawin siyang ganun at kailangan niya ng reference o idea upang alam niya ang kanyang gagawin? Pero sabi naman niya sakin na wala na siya Girlfriend. Kanino naman niya ia-apply yung natutunan niya sa pinanood niya? Remember, mas madaling matuto ang tao kapag isinasagawa niya ang kanyang gustong matutunan. Laurence Paolo's POV Awkward ang paglalakad namin papuntang foodcourt o ako lang ang na-aawkward? Nahuli kasi niya akong nanonood ng p**n. Ang tahimik naman kasi niya maglakad, di man lang nagparamdam na papalapit siya! Nakakahhiya tuloy sakanya. Sigurado akong nakita niya ang pinapanood ko. Namula pisngi niya eh. Di ko tuloy alam kung pano ko siya kakausapin. Nahihiya talaga ako. Napansin pa niya na may boner ako! Tangna lang. Umorder siya nang lasagna at mango shake na large. Ako naman ay umorder ng dalawang rice at ulam. Hindi ko alam pano ko uumpisahan ang usapan kaya idadaan ko nalang sa pagkain to. Umupo kami ng magkatapat. Inumpisahan na niyang kainin ang lasagna habang may tinetext ata. Di siya madalas magtext ah? Sino kaya yang kadutdutan niya? "Keith?" "Hmm?" Sagot niya habang ngumunguya. "Tungkol sa kanina.." Lumunok siya at uminom ng shake. "Alin, yung bang nanonood ka nang p**n?" Shit na s**t! Bakit naman niya dineretso?! Iba talaga to. Pero mabuti na din yun para di na ako magpaligoy pa. Tumango ako. "Sorry ah. Nakakahiya sayo." "Sorry? Wala ka naman dapat ikasorry. Saka wala yun. Normal lang naman na manuod kayo ni Alex nun." "Di.. Di ka naturn off?" "Di." Simpleng sagot niya at kumain na muli. Kung sabagay, lalaki din siya kaya naiintindihan niya ako. Ayos to ah. Parang nagugustuhan ko na talaga to, less sensitive siya kasi lalaki. Di tulad ng mga babae, ang aarte! Sigurado kung babae lang siy at nakita yung pinapanood ko, nako sigurado lang naturn-off yun at sasabihan nang 'ewww' o 'yuuucck'. Punyeta. Pero mahirap din basahin ugali niya ah. Di ko alam kung ano iniisip niya. Masyado siyang tahimik at masyado din siyang mapagmasid. Teka, sino nga kaya yung katext niya kanina? Eh walang hilig yan sa pagtext. Sayang ang load sakanya at sayang din ang cellphone niya. Bukod sa pagpicture ng lectures ay wala nang iba pang use sakanya yan. Pero ngayon nagtetext siya, ah? At tumagal iyon ng 10 mins! "Ah, Keith?" "Oh?" Habang nakayuko padin siya't kumakain. "Sino katext mo?" Napataas siya nang ulo. Poker-face padin siya habang ngumunguya. Tapos ay lumunok at uminom saglit. Nagpunas ng labi. "Si Nanay." "Yung Lola mo?" Tumango siya at muling kumain. Gutom na gutom ang nilalang na ito. Kawawa. Masyado kasing sineryoso ang pag-gawa nang report kanina. "Nakukulitan ka ba sakin?" Tanong ko. "Hindi naman. Bakit mo natanong yan?" "Wala naman. Hindi ko kasi alam kung naiirita ka na pala sakin okaya naman ayaw mo naman pala ako kausap." "Ahh.." Keith's POV "Ahh, hindi naman. Mali iniisip mo." Sa katunayan nga gusto kong naririnig yang boses niya. Ewan ko ba? Dapat ba akong mabwisit o ano? "Hirap kasi basahin nang nasa isip mo.." Napatigil siya at nanlaki ang mata. " I mean, hindi kita minsan mabasa. Wala ka pang expression sa mukha." Tama naman siya. Bakit siya naaalarma? "Di ko alam kung ano isasagot ko sa tanong mo." Sabi ko at ngumiti ako. Ngumingiti ako, di naman ako kahoy. Hindi kaya siya natatakot sa ngiti ko? "Diba noon sabi ko sayo na kung pwede lang maging madaldal ka sakin?" "Oo." "Kung di mo mamasamain, pwede din bang lagi mo akong ngitian?" "Oo naman." At ngumiti pa ako. Yung nakalitaw na ipin. Di naman yung parang joker na papatay. "Grabe. Iba ka talaga!" Tanging sabi niya at kumain na. Dahil sa gutom ko naging busy ako sa pagkain ko kanina. Halos malimutan ko na kasama ko si Paolo. Nagutom talaga ako sa pagsusulay kanina. Nagayon ko lang napansin na ang dami pala niyang kinakain, dalawang serving ng kanin at korean barbeque. Hindi ba masisira porma nang katawan niya? Oy, hindi naman sa tinitignan ko katawan niya. Makikita lang talaga yung hubog ng katawan niya sa puting uniporme namin. Bagay iyon sakanya lalo na't matangkad siya. Carbs, ang kanin at mataas sa calories. Bakit hindi siya nagkakataba? "Ano iniisip mo?" Tanong niya. "Ang dami nang kanin mo. Hindi ka ba tataba niyan?" Napahawak siya sa tiyan niya na parang nacoconcious. "Di naman. Mabilis naman ang metabolism ko. Saka dati pa naman ako maraming kinakain na kanin pero ganito padin katawan ko." "Ah ganun ba." "Oo, sa bahay nga mas marami akong nakakain eh. Pero pag may kasama ako binbawasan ko. Nakakahiya eh Hahaha! Lalo na sayo." Ganito ba talaga tong lalaking to. Lagi nalang niya iniisip na nakakahiya sakin. Eh ayos lang naman sakin at lagi ko naman sinasabi sakanya na ayos lang magpakatotoo siya. Sino ba naman ako diba? "Sabi ko sayo diba na be yourself. Angas nga eh, kahit madami ka kainin di ka tumataba." Napakamot naman siya sa batok niya. "Di naman. Wag ka nga ganyan, nahihiya na talaga tuloy ako sayo Hahaha!" Matapos niyang kumain ay niyaya na niya akong bumalik sa Lab dahil oras na at pupunta na kami sa Hospital para magduty. Ibang klase din kasi course namin, pang malakas na tao. Sinalubong kami ni Alex dala ang mga bag namin. Kinuha ko naman ang backpack ko at isinuot ito. Naglakad kami papunta sa parking lot. Lagi kasing kotse ni Paolo ang gamit namin papunta sa Hospital para magduty. Minsan siya din naghahatid sakin, kapag napipilit niya ako at kapag tamad na talaga ako magcommute. "Tol, ayos yung video diba?! Hahaha!" Sabi ni Alex. Napatingin siya sa rareview mirror at tinignan ako bago siya sunagot. "Gago! Hahaha!" Di ko makakalimutan ang epic na boner niya. Bakit kasi nanonood sa habang nasa school. Di ba pwedeng pigilan iyon hanggang sa bahay nila? ... "Keith, kumain ka na ba hijo?" Bungad ni Nanay nang pagbuksan niya akong pinto. "Opo nay, sa school po." "Kung magutom ka ulit meron pang ulam at sandwich sa pridyider. Maglalaro muna ako nang Candy Crush!" Binuhat ko si Bacon, yung aso ko, at tumuloy na ako sa pagtaas sa kwarto ko. Nakakapagod ang araw na ito. Sa monday na kasi ang prelims eh at biyernes na ngayon. Narinig ko namang nagbeep yung iPad na nasa bag ko. Tanda na may meron itong notification. Kinuha ko ito at tinignan kung ano iyon. Message sa mula kay Papa. "Anak, kumusta ka? Ayos lang si Papa dito. Lagi kang magiingat lalo na pag umuuwi ka nang gabi. Lagi kitang naiisip anak ko. Nasa account mo na yung pera niyo ni Nanay. Love you 'nak!" Madalas siya magmessage sakin nang ganyan. Oo, may sama ako mang loob sakanya. Pero may pag-galang parin ako. Siya pa din ang Ama ko o kahit bilang tao gagalangin ko siya. Nagrereply ako sa mga message niya. Madalas sinasagot ko lang tanong niya okaya naman ay nagthathank-you lang at konting 'ingat po.' ... Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Pagising ko ngayon ay naka-uniporme pa ako. Sabado ngayon at wala nanaman akong alam gawin kundi ang linisin ang bahay at ang kwarto ko. Pagkatapos nun ay nagluto ako nang lunch ko. Wala si Nanay, nasa kapatid niya daw siya at mamaya pa siya uuwi. Nagpapasundo nga pala siya. Naisipan kong magluto nang spaghetti kahit hindi ako sigurado sa kahihinatnan nito. Ito lang ang alam kong iluto. Tinuruan kasi ako nang isang taong mahalaga sa akin bukod sa pamilya ko. Siya yung unang taong nagbigay sa akin nang totoong halaga bilang tao. Pero wala na siya. Sa hindi ko alam na dahilan, wala na siya. Umalis na eh. Minsan mas gusto ko talaga ang mapag-isa. Walang inaalalang tao o kung ano pa. Ayoko na rin kasi talaga ang pinapakealaman o inaalala. Mas mabuti na tong mapag-isa ako, atleast nakakapag-isip ako nang mabuti. Hindi ko na tinuloy pa ang pagluto dahil sa nakaramdam ako ng biglang lungkot. Lungkot nga ba itong matatawag o pangungulila sakanya. Minabuti ko nalang na pumasok sa kwarto ko at humiga nalamang. Ayoko nang ganitong pakiramdam. Hindi ako malakas na tao, inaamin ko naman iyon. Ayoko nang gawin ang bagay na iyon.. Huli na yun nang mawala siya, Sila. Hindi ko na muling iiyakan pa ang mga nawala na. Wala na nga sila diba, bakit kailangan ko pa iyakan. Wala na rin namang silbi iyon. Wala na rin namang matutulong pa ang tanginang pagiyak. Masakit ang mawalan. Natanggap ko na yung pagkawala ni Mama, atleast alam ko na hindi na niya kailangan pa pagdaanan ang sakit na dulot ng pagtataksil nang Papa ko. Pero ang ginawa niyang pag-iwan sakin ay ibang-iba. Nawala nalang siya. Iniwan ako sa ere. Iniwan ako at ang nararamdaman ko para sakanya. Masakit na mahirap. "Nasan ka na ba... Nicollo." End of Chapter 8.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD