Rule of Three: Chapter 7

2062 Words
Laurence Paolo's POV "Paolo, ano ba ako sayo?" Napalingon ako sakanya at tumingin sa mga mata niya na bakas ang lungkot. Napayuko ako at hinawakan ang noo ko gamit ang aking kabilang kamay. Pumikit ako at huminga ng malalim tapos ay tinignan siya ulit. Ano nga ba siya sa akin? Gusto kong sagutin ang tanong niya. Marami akong gustong isagot sa tanong niyang iyon. Hindi iyon simpleng tanong na pwede kong sagutan gamit ang Tatlomng choices, hindi rin siya matching-type na pwede akong gumuhit ng linya patungo sa mga posibleng sagot. Hindi rin siya enumeration na maglista ako nang tatlong sagot sa isang tanong niya. Identification, isa lang ang tamang sagot at wrong spelling is wrong pa.  "Ikaw? Mahalaga ka sakin." Huminga ako ng malalim. "Lalakasan ko na loob ko, sa ngayon magkaibigan pa lang tayo. Pero, iba ka sa lahat ng kaibigan ko. Importante ka. Iba ka." Alam ko may hindi tama sa mga sinabi ko at alam ko din na maaaring mali ang sagot ko sa tanong niya. Marami akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano sabihin. Kulang ang lakas ng loob kong umamin sakanya at kung masabi ko man iyon sakanya, umamin man ako sa tingin ko hindi pa ako ganoon kalakas upang panindigan ang mga haharapin kong consequences. Mahina na ako, oo. Pero hahanap ako nang tiyempo at tamang oras upang sabihin ang lahat. Kapag alam ko na wala nang sabit. Kapag umamin ako itutuloy-tuloy ko na.  "May Girlfriend ka. Bakit mo ginagawa to?" Itinaas niya ang kamay naming magkahawak. Bumibitaw siya sa pagkahawak ng kamay namin pero ayoko. Hinigputan ko ang hawak sa kamay niya at nilapit sa dibdib ko ang magkahawak naming kamay. "Wag. Please. Hayaan mo naman ako na kahit sa ganitong paraan lang maramdaman ko na akin ka." Naluluha kong nasabi. Naalarma ako nang biglang may tumulong luha mula sa mga mata niya. Ganoon ba ako kagago at nasasaktan ko siya ng sobra?  Bumitaw siya sa pagkahawak namin at tumayo. Biglang napalitan na galit na mukha ang kaninang umiiyak. "Kung gusto mo nang ganyan, gawin mo sa syota mo! Wag mo akong paglaruan!" Natulala ako sa sinabi niya. Sa sobrang gulat ko ay di ko na siya napigilan sa pagpasok sa kanilang bahay. Naiwan ako sa terrace nila. Ininom ko ang alak na natira at niligpit ang mga kalat.  "Tangina mo Laurence! Tanga mo!" Nasigaw ko at nasuntok ang manubela. Gusto kong mag-explain sakanya na baka mali ang iniisip niya, ang inaakala niya. Ayokong isispin niya na nilalaro ko siya. Gusto kong malaman niya ang totoo! Pero bakit ganun, ang hina ko kapag nasa harapan ko na siya!? Ayokong masaktan siya dahil akala niya ay ginagago ko siya. Mas nasasaktan ako.. "Torpe!" ... "Baby let's go doon oh. Andaming clothes and shoes! Omg!" Wala ako nagawa kundi ang sumunod sa girlfriend ko na parang alalay niya. Bitbit ko ang mga paperbag na pinamili namin, ay mali, pinabili niya. Ganito kami lagi. Tutulungan siya sa mall. Pipili nang mga damit at sapatos na bago o uso. Siyempre bilang gentleman naman ako, mag-ooffer ako na magbayad ng mga pinipili niya. Pero nasanay ata at ginawang legal. Matapos namin magmall, naihatid ko siya sa bahay nila. Nakakasawa na ang relasyon namin. Masyado siyang maarte. Ginagawa na niya akong driver, alipin at higit sa lahat gasgasin ang aking credit card! ... Ilang linggo ang lumipas, hindi ako pinapansin ni Keith. Kung dati ay medyo nalalapit nakami, ngayon ay as in wala na siya pakealam sa akin. Parang hindi ako nageexist sakanya. Lagi na din siyang humihiwalay sa amin ni Alex. "Pare, naka move-on ka na ba sa BilMoko mo na Ex?!" Tanong ni Alex. "Di kailangan mag-move on." "Bakit? Don't tell me babalikan mo siya?" Natawa ako. Di pa ako ganoon katanga at kabobo. "Ang move-on ay sa mga nagmahal lang. Matagal ko na siya di mahal. Humahanap lang ako tiyempo upang mahiwalayan yun." "Matalinong bata naman pala! Hahaha! O, pano ba yan, may bago ka na ba?" Sana andito si Keith para marinig niya ang sasabihin ko. "Meron. May mahal na ako ngayon. Gagawin ko ang lahat para maging kami." "Goodboy! Inuman na! Hahaha" Nagkahiwalay na kami ni BilMoko, nalaman ko na pinagkakalat niya sa mga kabarkada niya na Under ako. Na kaya niyang ipabili sa akin ang kahit ano. Sobrang napahiya ako kaya sa harap ng mga kabarkada niya, kaya nakipagbreak ako sakanya. Wala naman na siyang nagawa dahil pinamukha ko na bilmoko siya sa harap ng mga barkada niya. Alam ko kabastusan iyon sa p********e niya pero napuno na ako. Di lahat ng mabait nanatiling mabait, meron ding natututo. Sobrang nakakainip na dito sa Lab. Tapos na ako sa activity namin pero may isang oras pa kami. Di naman pwedeng umalis dahil hindi pa time. Nakita ko si Keith na may sinusulat. Isang buwan na din kaming di nagkakausap. Hindi ko siya malapitan o mahawakan man lang. Nung minsang subukan ko siyang kausapin at hawakan sa kamay ay tanging tingin lang ang binigay niya sa akin. Para akong multo, invisible sakanya. Di ko na kaya pang tumagal sa sitwasyon namin. Kailangan ko nang umaksyon. May plano na ako at matindi ito. "Class dismissed!" Sigaw nung prof namin. Nagpahuli akong lumabas. Nakita kong naglalakad si Keith sa bandang likuran ng mga kaklase namin. Hinila ko siya. "Ano ba?!" Bigla niyang sigaw dahil nagulat. "Sasama ka sakin! Whether you like it or not!" Hinawakan ko siya nang mahigpit at kinaladkad ko siya papunta sa kotse ko at pinapasok siya at inilock ang pinto. Kidnap na itu! Dinala ko siya sa bahay namin dahil walang tao doon. May 3days meeting ang parents ko sa Cebu. Kami lang ni Hanes, bata kong kapatid sa bahay at ang mga kasambahay. "Ano tong ginagawa mo Paolo?! San mo ko dadalhin?!" Keith' POV Anong kaabnormalan ba ang binabalak ni Paolo. Baliw to. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi naman siya nagsasalita, tuloy lang sa pagdrive niyang mabilis. Napansin ko na papasok na pala kami sa. gate ng isang subdivision. Kinausap ang gurad at pumasok na ang kotse. Ilang liko at paandar pa ay tumigil kami sa harap ng isang bahay. Lumabas siya sa kotse at binuksan ang pintuan ko. "Baba." Bumaba ako at hinawakan niya ang kamay ko. Bumaba na ako. Baka hilain pa ako nang isang to. Pagpasok namin ay dumiretso kami sa 2nd floor at pumasok sa isang kwarto, sakanya siguro. Nilock niya ang pinto at Kinuha niya ang backpack ko at inilagay sa couch tapos ay hinarap niya ako. Napapaatras naman ako sa bawat hakbang palapit niya sa akin. Iba ang tingin niya. Makahulugan. Nakaka-kaba. "AHHHH!" Napasigaw ako sa gulat dahil natumba ako sa kama. Ngumis siya. Pumaibabaw siya sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "P-Paolo?" "Bakit? Bakit di mo ako kinakausap?" Napatingin ako sa mukha niya. Seryosong-seryoso siya. "Dinala mo ako dito sa inyo at dumagan sakin para tanungin yan?" Umalis siya sa pagkadagan sakin at umupo sa kama. Napahawak siya sa ulo niya at halatang nakukunsimisyon na sakin. Narinig ko naman na parang humihikbi siya. Ano nagawa ko? Nakakakonsensya kaya hinagod ko nalang likod niya. Alam ko naman na ako may kasalanan. "Bakit mo ginagawa sakin to Keith?" Sabi niya habang umiiyak. Natahimik ako. "Parang awa mo naman.." "Paolo, natatakot ako.. Natatakot akong masaktan, ang maiwan sa bandang huli kapag pinili mo na ang girlfriend mo." "Wala na kami.. pinaglalaruan lang niya ako." Tumingin siya sakin. "Keith, let us work this thing out. Kung ano man meron satin, kung ano man ang pwedeng magkaroon between us." Niyakap niyaka niya. "Drama mo pala, Paolo." tinulak niya pahiga at dumaga ulit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at unti-unting nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Gusto mong umuwi nang may masakit?" Tanong niya. Kinabahan naman ako sakanya, iba ang tingin niya. Nakakakilabot. "P-paolo-" Biglang may kumatok sa pinto. "Kuya! I know you're there! Open the door." Bata? Ngumisi naman si Paolo at tumayo. "Pasalamat ka lang talaga. Kundi di nako nakapagpigil pa." What in the world is he trying to say. "Hanes what do you need?" "Kuya let me play on your XBox?" "You have yours naman ah?" "I broke it." Ang cute naman ng bata. Kapatid niya siguro iyon dahil magkahawig talaga sila. "Oh, may visitor ka pala?" "Oo. Kaya go to your room-" Bago pa niya natapos ang sasabihin niya ay tumalon na papunta sakin yung bata at dinaganan ako. Balak ba nang magkuyang to na balian ako? Tinanggal naman ni Paolo yung bata sa pagkakadagan sakin at iniupo sa tabi niya. "Hanes that's bad!" "Okay lang, Paolo." "Kuya who is he? Friend mo ba?" "Oo. His name is Keith." "Oh, hi Kuya Keith. My name is Hanes Scotchford. I'm already 5 years old-" "Ayayay, stop it na Hanes. Wala ka sa school." Ngumuso naman siya at sobrang cute! Di tulad ng kuya niyang mukhang manyak. Niyaya akong maglaro ni Hanes which I gladly accepted. Mahirap tumanggi sa bata. Naglaro kami sa Xbox, magaling ako dito. Lagi ako nakakulong sa kwarto tuwing weekends at bakasyon. Game consols lang naman lagi ko kasama. Halos nakakadalawang panalo na ako nang makipagpalit si Paolo sakin. Sila nang kapatid niya ang naglalaro habang ako naman ay nanonood lang. Ilang minuto pa ay tinawag na si Hanes ng yaya niya para maligo. Ayaw pa nga tumayo eh, kung di pa inasar ni Paolo na ang baho na niya at nakakahiya daw sakin yung kabahuan niya. Pero sa totoo lang di naman mabaho yung bata. Pano mangangamoy pawis eh ang lamig sa bahay nila. Nagpaluto nang meriyenda si Paolo kaya heto kami at kumakain. Buti nalang at naisipan niya gawin yun dahil di pa ako naglalunch, gawa nga nang biglang paghatak niya sakin kanina. Kahit na baliw si Paolo at abnormal siya sakin, ang bait niya sa bahay nila. Magalang sa mga kasambahay nila. Laging may 'Po'. Mabait din siyang kuya kay Hanes. Siguro masyado lang akong judgemental, pano ba naman kasi mukha talaga siyang manyak at bad boy. Yung tipong malapit ka lang sakanya titignan ka na niya nang nakakakilabot.. o. sakin lang? Basta siya yung tipo nang lalaki na magalang pero medyo bastos. Naninibago ako sa mga nangyayari. Biglaan ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang matatawag sa kung ano kami ngayon. Basta alam ko magkaibigan, yun na yun. Pero di naman ako tanga o pinanganak kahapon. Di normal sa magkaibigan lang ang magholding-hands. Kung babae pareho siguro okay lang, kung babae ang isa samin okay lang din. Pero hindi eh, pareho kaming lalaki. Nakahiga kami sa kama niya. Magkahawak ang kamay at nanonood ng The Walking Dead. "Baliw ata yan. Alam na niyang may walker eh lumabas pa! Bobo!" Paminsan minsan ay nililingon niya ako at tinitignan. Parang chinecheck ba. Para namang makakaalis ako eh hawak niya kamay ko. "Oi." Sabay kalabit niya sakin. "Bakit?" "Nagka-BF ka na ba?" Baliw ba to? Eh Girlfriend nga wala Boyfriend pa kaya? "Wala. Girlfriend wala pa din." "Wala bang nanliligaw sayo?" "Iniisip mo talaga na bakla ako?" Tinignan niya ako na parang sinasabi ng Duh?! "Hindi ba?!" "Hindi. Pero alam ko na hindi din ako straight." "Gulo mo. May itatanong ako." "Kanina ka pa nagtatanong." "Wag ka nga magulo. Pwede ba kita ligawan?!" Sa babae lang yun diba? Abnormal talaga to. Minsan pakiramdam ko naalog utak nito nung bata pa siya. Siguro nahulog sa duyan okaya nasipa nung tulog. "Ayoko nga." "Bakit?! Keith naman!" "Sa babae lang yun tsaka ayoko sa chicboy." Hindi ko alam kung bakit pero parang siguradong sigurado ng gagong to na Bakla ako. Masyado ata siyang assuming? Hay. "Di kaya?! Basta liligawan kita!" Tinignan niya ako sa mata. "Di ako chicboy." "Weh? Sabi kaya ni Alex ang dami mo nililigawan." "Isa na lang ngayon!" "Sabi pa niya timer ka daw." "Dati yun! Nagbago na ako." "Sabi din niya marami ka na daw nagalaw na-" Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya. "Isang 'sabi niya' mo hahalikan kita or worse.." Napalunok ako. Mukha talaga siyang seryoso at nakakatakot ang tingin niya. "Basta kung ano yung mga sinabi niya sayo na di maganda tungkol sakin wala na yun. Nagbago na ako.. para sayo." Tumango ako. "So ano sagot mo?" Tinanggal niya takip sa bibig ko. "Oo, payag nako." "YES!" "Pero.." "Ano nanaman yan?!" "Hindi naman ako Bakla." ... Ilang araw na din nang pumayag ako sa 'panliligaw'  Ewan ko ba kung pano niya ako napapayag. Siguradong mas mabubulahaw ang tahimik kong pananatili sa University na ito. Ang Invisible ko na imahe ay mukhang mababago na. Normal lang naman siya kung gawin ang bagay na iyon. Ayoko nang tinatrato akong babae, cause I'm not.  Hindi ko din alam kung matatawag na ba akong Bakla dahil nagpapaligaw ako sa Lalake. Ang sakin lang naman kasi sinunod ko lang ang nararamdaman ko. Iba si Paolo, iba siya sa lahat. At nang araw din iyon ay napag-usapan namin na hindi namin kailangan ng label (gender). Walang maling desisyon kapag ginamit ang Puso at Isip nang sabay. Sabi niya wala siyang pakealam sa iispin nang iba, pero ang sabi ko ay gusto ko na Samin-samin nalang dalawa mamagitan ang bagay na ito. Ayoko namang pagpiyestahan ng buong Univ. kapag sa tamang oras doon nalng lalabas ang lahat, assming na magiging kami man.  "Tama bang siya ang First Boyfriend ko?" End of Chapter 7
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD