Kinship
Sinalubong kami ng mainit na pagbati at mga yakap mula kay Tita Lecia. Excited na excited siya dahil sa wakas ay kumpleto na silang magkakapatid na dumalaw kay lolo.
Mahigpit ang yakap na ginawad niya sa akin bago ako bitawan.
“It’s so nice to see you again, my beautiful niece.”
Hawak niya ang aking balikat na bahagyang hinahaplos at nakangiti. Kitang kita ko ang galak sa kaniyang mga mata.
“Ang tangkad mo na!” dagdag pa niya, sabay kindat. “Parang kahapon lang, karga-karga pa kita dito sa may veranda habang naghihintay sa mga dumadaang truck ng palm oil.”
Napatawa ako, kahit hindi ko halos maalala ang eksaktong eksena na sinasabi niya. Pero ramdam ko yung sincerity ng memorya sa tono niya. Amoy ko pa ang faint scent ng pabango niyang floral habang magkahawak pa rin kami sa braso.
Sa likod niya, tanaw ko si Mama at si Tita Lyra na nagsimula nang magkwentuhan, parehong animated at puno ng energy, parang walang lumipas na taon mula nang huli silang nagkita nang kumpleto. May mga bata ring naglalaro sa may gilid ng malaking bakuran, mga pinsan ko raw, pero halata sa kilos nila na hindi pa kami masyadong magkakakilala.
“Halika na sa loob,” aya ni Tita Lecia, “Si Papa kanina pa naghihintay sa inyo sa sala. Nasa favorite chair niya pa rin—‘yung gawa sa kahoy na ipina-restore mo, Lara,” sabi niya kay Mama.
Pagpasok namin, bumungad agad ang amoy ng kahoy na luma pero maayos pa rin, halong amoy ng cassava cake na dala namin. May mga lumang retrato sa dingding—mga graduation pictures, wedding portraits, pati faded na group photo ng buong pamilya Carvalho noong wala pa ako.
Tinutulungan ng caregiver sa pagtayo si Lolo Laurentio. Kahit mabagal ang kilos niya, halata ang galak sa kanya nang makita niya kaming pumasok. Nakikilala niya pa rin kami kahit matanda na siya—at doon pa lang, parang gumaan ang loob ko. Malawak ang ngiti niya, at sa mga mata niya ay may kislap na parang naibalik ang ilang taon ng kabataan. Halatang namiss niya ang mga anak.
“Papa!” sabay-sabay na tawag ng magkakapatid, halos mag-uunahan pa sa paglapit. Si Mama ang unang nakayakap sa kanya, kasunod si Tita Lyra at Tita Lecia. Mahigpit ang yakap ni Lolo, yung tipong kahit mahina na ang bisig ay ramdam mo pa rin ang lakas ng pagmamahal.
“Mga anak ko…” halos bulong pero puno ng emosyon ang boses niya. “Kompleto na uli kayo.”
Nakangiti lang ako sa tabi, pinagmamasdan silang tatlo habang sabay-sabay silang nagtatawanan at nagkukwento kahit hindi pa nauupo. May halong saya at lungkot sa puso ko—saya dahil kita ko ang closeness nila, at lungkot dahil bihira mangyari ang ganitong pagkakataon.
Tinapik ni Mama ang braso ko. “Papa, si Lauren oh.”
Lumapit ako, at kahit mabagal ay iniunat niya ang kamay niya para hawakan ang akin. Mainit pa rin ang palad niya, at medyo gaspang na dala ng mga taon sa bukid. “Apo… parang kahapon lang, tinutulungan mo ako magpakain ng mga kalapati sa labas,” sabi niya, sabay ngiti.
Hindi ko mapigilang ngumiti rin. “Namiss ko po kayo, Lolo.”
“Do you remember, Pa? Inaagawan ka niya ng basket dahil gusto niya din mag-ani.” Singit ni Tita Lecia, na siyang nagpahalakhak kay Lolo. Umiling-iling siya habang humahagikhik, para bang sariwang sariwa pa rin sa isip niya ang eksena.
“Oo nga,” sagot ni Lolo, halos matigil sa kakatawa. “Eh halos hindi mo naman mabuhat ‘yung basket, pero ayaw mo magpatalo. Sabi ko nga noon, matigas ang ulo nitong apo ko, mana sa…” Napatingin siya kay Mama na nagkunwaring nag-aayos ng buhok para takpan ang ngiti. “Mana sa nanay niya!”
Sabay-sabay silang nagtawanan, at sa ilang segundo, parang bumalik ang panahon sa mga araw na mas bata pa silang lahat. Ako naman, hindi ko halos maalala ang eksenang iyon, pero ramdam ko yung init at saya sa paraan ng pagkukwento nila.
“Eh ngayon,” dagdag ni Tita Lyra, “baka hindi na lang basket ang agawin mo, baka buong truck ng ani na.”
“Truck agad po?” biro ko, at muling sumabog ang tawanan sa sala.
Sa gilid, ramdam ko ang amoy ng cassava cake na inilapag na ni Mama sa mesa. Ang ingay ng tawanan, ang tunog ng mga kutsarang kumakaskas sa platito, at ang kaluskos ng hangin sa bintana—lahat iyon parang musika na nagpapaalala kung gaano kahalaga ang ganitong mga sandali.
Lumipat ang aming kwentuhan sa dining area. Naroon si Mama habang nakabantay ang mga kasambahay sa kaniya. Ayaw niyang magpatulong sa mga ito, kahit ilang beses na siyang inalok ng tulong.
“Ano ka ba, kaya ko ‘to,” sabi niya habang maingat na inaalis ang tape sa gilid ng kahon. “Baka mabasag pa ng iba ang presentation.”
Tiningnan siya ni Tita Lecia at umiling, nakangiti. “Hindi ka pa rin nagbabago, Lara. Kahit noong bata pa tayo, ayaw mo talagang may humahawak sa mga ginagawa mo. Naalala mo ‘yung binilhan ka ni Papa ng bagong set ng plato galing pa sa Maynila? Halos dalawang linggo bago mo iyon pinagamit sa amin.”
Napatawa si Mama, “Eh kasi naman, gusto ko special ‘yung gamit para sa special occasions. Eh kayo, halos araw-araw gusto niyo gamitin.”
“That’s what plates are for, Lara.” Sagot ni Tita Lyra. “Para saan ‘yun kung hindi gagamitin?”
“Edi pang display! Hay nako, Papa. Iyan talagang bunso mo!” Natatawang sambit naman ni Tita Lecia.
Sumabay sa tawanan si Lolo mula sa kabilang dulo ng mesa, na ngayo’y pinapatungan ng mga platito at tasa. “Ay naku, ganyan talaga ‘yang bunso. Minsan ay mas malakas pa ang loob kaysa sa mga ate niya.”
Habang nag-aayos sila ng mga pagkain, ramdam ko ang init ng samahan nila—parang lahat ng maliliit na alaala ay may kasamang halakhak at biro. Kahit ako na hindi saksi sa karamihan sa mga ito, nadadala sa atmosphere ng isang pamilyang matagal nang hindi nagkasama nang ganito kakumpleto.
Pagkaupo namin sa mahabang mesa, napansin ko agad ang dalawang bagong mukha sa kabilang dulo. Kahit may pagkakahawig sila sa mga tita ko, ramdam ko na ito na siguro sina Levi at Lexa—yung dalawang matandang pinsan na nababanggit lang sa mga kwento pero ngayon ko lang makikita nang personal.
“Lauren, I’d like you to meet Levi,” sabi ni Tita Lyra, itinuro ang binatang may matipuno at athletic na katawan, at medyo seryosong aura. “He’s my eldest. Four years older than you.”
Tumango siya sa akin at ngumiti nang bahagya. “Hi, cousin,” bati niya. May lambing sa boses pero halata ring may kaunting awkwardness—siguro dahil first time naming magkita.
“And this is Lexa,” dagdag ni Tita Lecia, itinuturo naman ang babaeng may mahaba at makinis na buhok, at parang may sariling spotlight sa ganda. “Two years older than you, at panganay ko.”
“Nice to finally meet you,” ani Lexa sabay abot ng kamay. May kislap ang mga mata niya—parang sanay makipag-socialize at madaling mag-blend in kahit kanino.
Nagpasalamat ako at ngumiti, sabay upo sa tabi ni Mama. Habang pinapasa namin ang mga ulam at nagsasalin ng sabaw sa mga mangkok, nagsimula na ang mga simpleng tanong—kung saan ako nag-aaral, anong kurso, at ilang beses na akong nakakapunta dito sa mansyon.
Medyo nahihiya pa ako, pero unti-unti, sa bawat sagot at palitan ng biro, parang nababawasan yung pagitan ng pagiging estranghero.
“I’ve heard so much about you, Lauren. You are an artist pala, katulad ni Tita Lara.” Sabi ni Lexa habang hinihiwa ang karne sa kanyang plato.
Bahagya akong ngumiti. “I try,” sagot ko, maingat ang boses para hindi magmukhang pagmamayabang. “Pero mas iba pa rin ang dedication ni Mama sa craft niya.”
Malayo ang mga gawa ko sa mga obra ni Mama. She received formal education, artists’ feedback, and years of experience honing her craft. Ako, wala. What I have are hours of trial and error, countless erasures, and the stubborn belief that I could make something beautiful without the credentials.
Tumango si Lexa, parang sinusuri ang bawat salita ko. “Art takes patience. Not everyone can commit to it,” dagdag niya, saka dahan-dahang inilapag ang kutsilyo’t tinidor.
Napatingin ako kay Levi na tahimik lang mula kanina. “And you?” tanong ko, sinusubukang isama siya sa usapan.
“I handle some parts of the business,” maikli niyang sagot, pero matatag ang tono. “It’s… different from art. But it also takes patience.”
Nagpatuloy ang katahimikan habang lahat kami ay kumukuha ng ulam. May bigat sa hangin na hindi galing sa hindi pagkakaunawaan, kundi sa pakiramdam na pare-pareho kaming nag-o-obserbahan, sinusukat kung paano kami babagay sa isa’t isa.
She paints, she does pottery, at sa pagkakatanda ko ay sumubok din siya sa paggawa ng sculptures. Para bang lahat ng anyo ng sining, napasok na niya—at napagtagumpayan. Narito pa rin daw sa bodega ang mga gawa ni Mama. Lolo refused to move anything inside that room dahil alam niyang babalik si Mama.
Hindi lang sa bahay na ito. Kundi sa dati niyang buhay.
Sa buhay na minahal niya bago ako dumating.
Pero habang pinagmamasdan ko siya mula sa tabi ko, iniisip ko kung iyon ba ang dahilan kung bakit parang laging may pagitan sa amin. She moves with the quiet assurance of someone who knows she belongs in her field. Ako… I’m still trying to prove that I do.
Patuloy ang aming pagkain habang ang mga bagong kakilala kong pinsan ay maingat ang obserbasyon sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil ito ang unang pagkakataon na nagkita kami. Ang kanilang mga kapatid ay nasa sala at naglalaro habang pinapakain ng kanilang babysitters.
Tahimik akong ngumunguya, ramdam ang bigat ng bawat tingin nila—hindi nakakasakit, pero parang sinusukat ako. Parang gusto nilang makita kung saan ako babagay sa pamilyang ito. Hindi ko alam kung ano ang nakikita nila: ang anak ng bunsong kapatid na matagal nang wala sa bayan, o isang estrangherong sinubukang bumalik sa pinagmulan.
Sa gitna ng pag nguya, nagsimula ang kwentuhan ng magkakapatid.
“Naalala niyo ba nung college tayo, lagi tayong sabay-sabay umuuwi dito kahit iba-iba ang schedule natin?” bungad ni Mama, bahagyang nakangiti habang inaayos ang kutsara’t tinidor sa harap niya.
“Of course,” sagot ni Tita Lyra, “lalo na kapag fiesta. Si Papa pa mismo ang naghihintay sa may gate.”
“Huwag niyo namang kalimutan,” singit ni Tita Lecia, “yung palaging nauubos agad ang cassava cake kasi ayaw ninyong mag-share.”
Nagtawanan sila, may halong halakhak ng alaala. Tahimik lang kaming magpipinsan, pinapanood silang tila bumabalik sa mga panahong wala pa kami sa eksena.
“Ang dami na talagang nagbago dito,” ani Mama habang sinusulyapan ang paligid ng dining hall. “Pero iba pa rin ‘yung pakiramdam kapag nandito tayo. Parang kahit gaano tayo katagal nawala, alam mong uuwi ka pa rin.”
“Hindi lang lugar, Lara,” dagdag ni Tita Lyra. “Pamilya ang hinihintuan natin. Si Papa… at ang mga taong kasama natin dito sa bahay.”
Tumango si Tita Lecia, ngunit may bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. “Kaya dapat mas madalas tayo. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo bibigyan ng pagkakataon na ganito ulit.”
Sandaling tumahimik ang mesa, tanging kaluskos ng mga kubyertos at mahihinang yabag ng kasambahay sa kusina ang maririnig. Sa di kalayuan, naririnig ang tawa ng mga bata sa sala—masigla at walang bahid ng alalahanin.
Ako, nanatiling tahimik. Pinagmamasdan ko silang magkakapatid, iniisip kung kailan ko huling nakita si Mama na ganito—bukas ang puso, nakangiti sa mga kapatid, at nakapikit sa bigat ng kasalukuyan habang nilalasap ang nakaraan.
“Lara, anak. Bukas ang bahay ko palagi sa inyong lahat, lalo na sayo. Kung gusto mong bumalik ay tatanggapin kita ng buong buo.” Sambit ni lolo sa gitna ng katahimikan naming lahat.
Lumingon si Mama, diretso ang tingin kay Lolo. Kita ko sa mukha niya ang halo ng gulat at pag-aalala, para bang biglang bumigat ang hangin sa pagitan nila.
“Pa…” mahina niyang tugon, halos bulong, ngunit ramdam ko ang bigat sa bawat salita.
Ngumiti si Lolo, bagaman bakas ang pagod sa kanyang mukha. “Hindi lahat ng tao, anak, may lugar na uuwian. Kaya habang kaya ko pa, gusto kong alam niyo na meron kayong tahanan dito. Kahit anong mangyari.”
Tahimik ang mga kapatid ni Mama, nakayuko, ngunit ramdam ang pag-ayon sa sinabi ni Lolo. Ako naman, napatingin lang kay Mama—hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, pero parang may hinahabol siyang alaala na matagal nang naiwala.
“And the company needs you too,” singit ni Tita Lyra kasabay ang pagtango ni Tita Lecia.
Parang sabay na bumigat ang mesa at hangin sa paligid. Hindi ko alam kung dahil sa tono ni Tita Lyra o dahil alam kong matagal nang iniiwasan ni Mama ang paksang iyon.
Nakatingin lang si Mama sa kanila, hawak ang tinidor pero hindi gumagalaw. “Ate… hindi ko alam kung kaya ko pa.” Mahina niyang sagot, para bang bawat salita ay tinutunaw muna sa isip bago ilabas.
Tahimik ang lahat, tanging tunog ng kutsara’t tinidor sa plato ni Lexa ang naririnig. Ako naman, nakaupo lang sa tabi, sinusubukang intindihin kung bakit parang ang daming nakataya sa simpleng pag-oo o pag-hindi ni Mama.
“Kaya mo. Kayang kaya mo, anak. Hinanda ko kayong magkakapatid para dito,” sambit ni Lolo, diretso ang tingin kay Mama. Ramdam ko sa boses niya ang dating sigasig ng isang negosyanteng minsan ay pinagsabay ang pamamahala sa pamilya at sa kumpanya.
Napayuko si Mama, marahan niyang idinampi ang tinidor sa plato, para bang kailangan niyang huminga nang malalim bago muling magsalita. “Pa… iba na ang buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung kaya kong balikan lahat ng iniwan ko noon.”
Tahimik ang mesa. Wala ni isang kumibo, kahit si Levi na kanina pa seryosong nakikinig.
Sa gilid, pinagmamasdan ko ang mukha ni Mama. May halong pangungulila at pag-aalinlangan. Para bang hinahatak siya pabalik ng nakaraan habang pinipilit niyang manatili sa kasalukuyan.
“Nang dumating kayo sa buhay namin,” patuloy ni Lolo habang nakatingin sa magkakapatid, “hindi na ganoon kabigat ang pasan namin. Established na ang negosyo, may mga tao nang katuwang sa trabaho. Pero hindi ibig sabihin na wala na tayong hamon.”
“Oo,” sabat ni Tita Lyra. “Ang mga problema noon ay hindi na yung pagtatanim o pag-aani. Ang hinaharap natin ay kung paano mapapalaki ang market, kung paano makikipagsabayan sa mga banyagang kumpanya, at kung paano mapapanatiling matatag ang presyo ng produkto natin.”
“Hindi biro ‘yun,” dagdag ni Tita Lecia. “Kapag bumabagsak ang presyo ng palm oil sa merkado, damay lahat—mga empleyado, mga supplier, pati mga pamilya nila. Kailangan naming maging matatag at mabilis magdesisyon.”
Tahimik lang akong nakikinig, pinagmamasdan ang tatlong magkakapatid habang binabalikan nila ang mga panahong iyon. Sa isip ko, ibang klase pala ang pinagmulan ni Mama. Habang lumalaki ako, ang alam ko lang ay may malawak na lupain sa Lipa at isang kompanyang pinamamahalaan ng pamilya. Ngayon ko lang naririnig kung paano nila hinarap ang mga hamon na kahit hindi na sa bukid, ay kasing bigat pa rin ng pisikal na trabaho.
Sa akin kasi, iba ang takbo ng buhay. Ang pinakamalaking pasya na madalas kong harapin ay kung tatapusin ko ba ang isang painting o itatambak muna sa gilid hanggang magkaroon ulit ng inspirasyon. Ang mga hamon ko ay personal at tahimik—kakulangan sa oras, pakikipaglaban sa sarili kong pag-aalinlangan, at paghahanap ng boses sa mundo ng sining.
Para sa kanila, ang bawat desisyon ay may bigat na hindi lang nakakaapekto sa sarili kundi sa daan-daang tao. Na-realize ko, siguro kaya ganoon katatag si Mama—hindi lang dahil sa galing niya sa sining, kundi dahil lumaki siya sa pamilyang marunong humarap sa hamon, magtiwala sa isa’t isa, at magpatuloy kahit mahirap.
Parang ngayon ko lang nakikita nang buo ang pinanggalingan niya… at kung bakit ganoon katahimik pero matatag ang paraan niya ng pagharap sa buhay.
Pagkatapos ng hapunan at matapos makapagligpit ang mga kasambahay, medyo nagkahiwa-hiwalay na ang mga tao sa bahay. Ang ilan ay nasa sala at nagkakape, ang mga bata ay patuloy sa paglalaro. Ako naman ay tahimik na sumunod kay Mama sa veranda, kung saan siya umupo para magpahinga.
Humihip ang malamig na hangin mula sa bukas na bintana, at tanaw namin ang malawak na lupain na bahagyang natatakpan ng dilim. Umupo ako sa tabi niya, marahan, parang ayokong gambalain ang tahimik niyang sandali.
“Ma…” mahinahong tawag ko. Napalingon siya sa akin, may bahagyang ngiti, pero may lungkot sa mata. “Kanina sa hapunan… narinig ko yung sinabi mo kina Tita at Lolo tungkol sa struggles mo noon. Pwede mo bang ikwento sa akin? I want to understand.”
Saglit siyang tumingin sa malayo bago muling nagsalita.
“Anak… may mga bagay na hindi ko madalas binubuksan kasi kapag ginagawa ko, parang bumabalik lahat ng bigat.”
Tahimik lang ako, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
“Hindi madali ang umalis sa lugar na kinalakihan mo, lalo na kung may responsibilidad ka. Noong pinili kong sumama sa tatay mo, marami akong iniwan. Hindi lang negosyo, kundi yung tiwala at expectation ng pamilya.” Huminga siya nang malalim. “Akala ko noon, kaya kong pagsabayin—ang bagong buhay at ang lumang mundo ko. Pero hindi ganoon kadali. At sa totoo lang… may sugat pa rin na hindi tuluyang naghihilom.”
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, kaya pinili kong hawakan lang ang kamay niya. Mainit iyon, at ramdam ko ang bahagyang panginginig.
“Pero Ma… you seem happy now.”
Ngumiti siya, mas totoo ngayon. “Masaya ako, anak. Kasi ikaw ang kapalit ng lahat ng iniwan ko. At sa totoo lang, iyon na ang pinakamahalagang desisyon na nagawa ko.”
Hindi na ako sumagot. Pinili ko na lang na manahimik, maramdaman ang bigat at init ng kanyang mga salita, at ang hangin ng gabing parang nakikiayon sa amin.
“At kung magkakaroon ulit ako ng pagkakataon na ulitin ang kahapon, hindi magbabago ang pagpili ko sayo. Dahil ikaw ang naging buhay ko sa gitna ng patay kong kalayaan…” Hinaplos niya ang pisngi ko.
Parang tumigil ang oras sa sinabi ni Mama. Naramdaman ko ang bigat at lalim ng mga salitang iyon—na kahit may mga bagay siyang isinuko, may mga pangarap siyang iniwan, hindi siya nagsisisi. Dahil ako ang naging dahilan.
Hindi ko alam kung paano ko susuklian ang ganoong klaseng pagmamahal. Ang alam ko lang, sa gabing iyon, mas malinaw na sa akin kung gaano karami ang isinakripisyo niya para sa buhay na meron kami ngayon.
“Papa was opposed to my union with your father. Pero kahit siya ay walang nagawa. Wala eh, umibig ako. At sabi ko sa kanya, kung hindi niya ako hahayaan sa gusto ko, I will leave.”
Tahimik lang akong nakikinig habang marahan siyang ngumiti, pero may bakas ng lungkot sa kanyang mga mata.
“Masakit iyon para sa kanya,” patuloy ni Mama. “Ako ang bunso, at ako rin ang pinaka-madaling lapitan noon. Pero pinili ko pa ring lumayo. Hindi madali… pero alam kong tama para sa akin.”
Parang may kumurot sa dibdib ko. Hindi ko ma-imagine si Mama sa ganoong sitwasyon—nakikipaglaban para sa taong mahal niya kahit kapalit nito ay ang distansya sa pamilya na kinamulatan niya.
“Did you regret it? Leaving just because of love?” naglakas loob akong itanong iyon.
Napatingin siya sa akin, saglit na natahimik na para bang iniipon muna ang tamang salita.
“May mga gabing tinatanong ko ang sarili ko niyan,” mahina niyang sabi. “Pero hindi dahil sa pinili ko ang tatay mo… kundi dahil sa mga taong naiwan ko. Sa mga panahong wala ako para sa kanila.”
Huminga siya nang malalim, saka ngumiti nang mapait. “Love will always cost you something, Lauren. The question is—handa ka bang bayaran iyon hanggang dulo?”
Parang may lamig na dumaloy sa batok ko. Hindi ko alam kung dahil sa tanong niya o dahil alam kong totoo ang bawat salitang binitawan niya.
Tumango lang ako, pilit na pinipigilan ang pag-init ng aking mga mata. “Thank you, Ma. For being honest.”
Ngumiti siya at marahang hinaplos ang aking pisngi. “That’s all I need to hear, anak.”
Sa labas, patuloy ang katahimikan ng gabi, pero sa loob ko, parang may natunaw na matagal nang nakabukas na tanong.