Roots
Ilang linggo na ang dumaan nang hindi ko siya iniisip.
Tatlong linggo na akong nasasanay na hindi ko siya nakakausap.
Dalawang linggo ang lumipas nang makasalubong ko siya sa corridor noong papunta ako ng studio. Nakasuot ulit siya ng white uniform. Tanging pagtango lang ang naging batian naming dalawa.
Mabuti na rin na ganoon na lang. Hindi naman kami strangers para hindi magpansinan.
Nitong mga nakaraang araw, inukol ko ang aking atensyon sa aking sarili. I've been very invested with studying designs and oil painting. Familiar pa lang ako sa acrylics pero mas nagustuhan ko na ang oil paints lately.
Mas banayad. Mas matingkad. Mas madali siyang i-blend sa canvas. Pero ang cons lang nito ay mabagal matuyo.
I had to put the painting in a dry room for days para lang matuyo iyon.
"Gusto ko talaga ang mga gawa mo," sambit ni Mica nang lumapit ito sa aking canvas para tingnan ang ginawa ko.
Napangiti na lamang ako.
I painted my lolo's palm tree plantation just as I remembered it. Matataas na puno ng palmera– na may bunga ng gintong langis. Maraming bunga. Mahahaba at kulay berdeng patusok na dahil. It was one of the beautiful plantation I have ever seen kung titingingan ito sa bird's eye view, pantay ang tangkad ng mga puno, iisang direksyon ang pagkakatanim, at nagmimistulang mga taong nakapila. Pantay at organized.
"Salamat," sagot ko.
Mahabang panahon na ang nakalipas simula nang bumisita kami kay lolo. Ngunit tanda ko pa rin ang mga lugar na madalas kong puntahan para maglaro. Tanda ko pa rin ang mga tauhan na tinutulungan ko pa sa pag ani ng bunga para ibigay sa namamahala sa pabrika. At syempre, ang mansyon na minsan ko nang naging tahanan tuwing bakasyon.
Nakakamiss bigla.
I wonder if Mama missed her luxurious lifestyle back then. I wonder if she ever had regrets of following her heart that results in her own heartbreak. I wonder... if she ever regrets meeting my father.
Last day of class for this week at excited na akong umuwi. Mama and I planned to visit lolo, gayun na din sina Tita Lyra at Tita Lecia. They will be reunited under one roof at masaya ako para kay Mama.
Niligpit ko na ang gamit ko at maingat na isinilid sa bag ko. Nakita ko naman ang paglapit ni Sir Andrada sa direksyon ko.
"This is beautiful, Lauren." He commented on my painting.
"Thank you, Sir."
I zipped by bag nang matapos ako sa pagliligpit. The time on my phone says four fifty seven in the afternoon. Tatlong minuto na lang para makauwi na ako sa dorm.
"Why don't you put this in the catalog? To represent the school for the district contest." Ani Sir habang pinapasadahan ng kamay ang gilid ng canvas ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. He wants me to join the contest? Not inside the university. But to represent the university as a contestant for the whole district two of Batangas.
"Talaga po?"
How do I even earn that spot?
"Pero Sir, may representative na po kayong napili. Si Marshall."
"Yes, tama ka. But we're not limiting to only one. Ang dean na mismo ang nagsabi, to send as many as we can para madami ang representative."
Pero buong distrito dos na ang makakakita ng painting ko. Well, technically, sa mga judges naman ipapakita. But still, malayo na iyon sa nakasanayan ko.
"Huwag kang mag alala. Pasok naman sa criteria ang painting mo. Sasamahan ko kayo roon." Sambit ni Sir na hindi ko alam kung ikakagaan ba ng damdamin ko.
"Konting finishing touches na lang ito. May pangalan ka na bang naisip para dito?"
Pangalan? Kailangan ko pang mag isip ng pangalan para dito?
Elaeis guineensis? Plantation? Hindi ko pa alam!
"Wala pa po," mahinang banggit ko.
"That's okay. May two weeks ka pa naman para pag-isipan. Let me know or let Prof Sison know if you ever want to join." He smiled. The wrinkles on the side of his eyes were showing too.
"The world deserve to see that talent in you," dugtong niya bago lumabas ng room.
Pag iisipan ko pa kung susubok akong sumali. Hindi ako sigurado kung paniniwalaan ko ang sinasabi ni Sir Andrada about my paintings. It looks ordinary, emotional pa nga based on what I feel when I make them. At is pa, hindi rin ako sigurado kung ano ang ipapamagat ko sa painting na ito.
Tumunog ang aking phone sa pamilyar na ritmo ng isang tawag. Si Tita Lyra.
"Hi dear! Tapos ka na ba sa mga klase mo?I'm nearby kasi, pwede kita isabay."
The typical afternoon of my Titas. I'm sure nakipag lunch date siya sa kaniyang mga kaibigan.
"Yes po, tita. Pero kasabay ko po sana si Mama sa byahe papunta kay lolo." Sagot ko.
Hindi na rin naman ako magdadala ng mga damit dahil may mga naiwan pa kaming gamit sa bahay roon.
"Don't worry, hija. Dadaanan din natin siya. I already called her. Kaya halika na. I'm outside the gate."
"Sige po. Palabas na rin po ako."
Agad kong sinukbit ang aking tote bag at pinatay ang tawag. Sinarado ko na ang pinto ng studio dahil ako na lang naman ang naiwan doon.
Pagharap ko ay napatigil ako sa paglalakad nang hindi ko inaasahan na nasa labas din pala si Ivan at Daniel ng kanilang kitchen.
Napahinto ako sa paggalaw. Bumilis ang t***k ng puso. At ngayon ay hindi maalis ang tingin sa kanya.
Si Daniel ay may hawak na phone pero nang makita ako ay ngumiti at tinago ang mga kamay sa bulsa. Si Ivan naman ay nakasandal sa haligi, naka ekis ang mga braso habang tulala sa hangin. Nang makita nya ako o sa mismong paglabas ko ng studio ay nakatingin na pala siya.
Isang normal na tingin. Na parang walang pakialam sa presensya ko.
"Hi Lauren! Nandito ka pala." Si Daniel ang unang bumati.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Hello. Umattend ako ng workshop ni Sir Andrada. Pauwi na rin."
"Oh talaga? SO may bago kang gawa? Patingin."
Tumingin sya sa likod ko, sa saradong pinto. Na para bang may kakayahan siyang makita ang loob ng saradong pintuan.
"Sa ibang araw na lang, Dan. Nagmamadali din kasi ako."
Baka mamaya ay kanina pa naghihintay si Tita. Mabuti na rin nga iyon dahil hindi na kami gagastos sa pamasahe. Mahal din iyon.
"May date ka 'no?" Panunuya ni Daniel habang pakunwaring inaabot ang aking tagiliran para ako ay kilitiin.
Marahan kong tinabig ang kamay niya na malapit nang maabot ang aking balat. Sinasabayan ko siya sa pagtawa. Hindi naman nakatakas sa akin ang pagtaas ng kilay ni Ivan. Maaaring sa sinabi ni Dan o sa kulitan namin ngayon.
Muli akong pumirmi at tumikhim. "Wala. Nandyan kasi ang tita ko. Sasabay ako sa kanya pauwi."
"Sa dorm? Nilalakad lang naman iyon ah."
"Oo nga. Sa Lipa kaso ako uuwi. Sa bahay ni lolo. Dadalaw na rin."
"I see. Hatid na kita–"
"Ako na ang maghahatid." May pinal na sambit ni Ivan.
Tumayo siya ng maayos at pinagpagan ang uniporme na gustong gusto kong suot niya.
Humigpit naman ang hawak ko sa strap ng aking bag dahil hindi ko maitanggi na may epekto pa rin siya sa akin. Malakas pa rin. Kahit pilit ko nang nilalayo ang sarili ko.
"H-hindi na. Hindi na kailangan. Kaya ko na" Nagawa ko pang lumunok ng sarili kong laway. Ano ba yan!
Itinaas ko pa ang aking mga kamay para pigilan siya sa paglalakad.
"Kailangan ko na talagang umalis. Baka gabihin pa kami sa byahe."
Tumingin ako sa kanilang dalawa. Ngumiti kay Dan at mas tinagalan ang titig kay Ivan.
I am batting my eyelashes as if some wind is blowing through my face that it hurts. Almost like they're trying to cry but the tears won't come.
Pinilit kong ngumit. I did. Pero hindi ko na tinagalan. Umalis na akosa kanilang harapan at mabilis na bumaba ng hagdan. Maingat pa rin dahil ayoko naman na madisgrasya.
Pagdating ko ng gate ay naroon na nga si tita. Halos takbuhin ko na nga dahil baka kanina pa siya dyan. Ang kanyang puting SUV Everest ay nakaparada sa harap. Nakababa ang kaniyang bintana at nang makita ako ay kumaway pa sa akin.
Tumingin ako sa kaliwa't kanan at inubos muna ang mga dumadaang sasakyan bago tumawid.
I opened the door in the front seat. "Sorry po, tita. Medyo malayo pa po kasi ang nilakad ko."
Nagseat belt na ako at nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan.
"It's okay. Daanan na natin ang Mama mo."
Tumango na lang ako at nagtipa sa aking phone.
Dani:
Hindi ako uuwi ng dorm pala. I'm sorry hindi ko agad nasabi. I'll see you on Monday.
Sa buong biyahe, halos wala akong imik. Minsan lang tumatawa kapag may kwento si Tita tungkol sa bagong aso ng kapitbahay o sa hindi natuloy na outing nila ng mga amigas niya. Pero sa totoo lang, nasa isip ko pa rin ang kaninang tagpo.
Yung tingin ni Ivan. Yung paraan ng pagkakasabi niya na siya ang maghahatid. Yung simpleng pagtaas ng kilay niya. Lahat ng iyon—parang kinukutkot ang katahimikan na pinaghirapan kong buuin sa sarili ko.
Bumalik ang tanong na ilang linggo ko na ring tinatakasan:
Bakit ka pa nandiyan?
Akala ko ba... tapos na tayo sa kwento natin?
"The traffic is getting worse!" Reklamo ni Tita Lyra.
Malapit na pala kami sa Bauan kaya nagtatrapik na ngayon. Rush hour pa naman dahil uwian.
Napabuntong hininga si Tita. "Ay nako. Ganito na ba lagi ang traffic dito? Dati hindi naman ganito ka-grabe."
"Simula po noong nagkaroon ng bagong terminal sa may crossing," sagot ko. "Dagdag pa 'yung construction sa kanto ng palengke."
Ilang minuto pa ay umaandar na ang mga sasakyan. Mabagal pa rin pero at least nakakaalis na kami ng bahagya. Tahimik kong pinagmamasdan ang mga sasakyang nakakasabay namin sa trapiko. Ang pagkunot ng noo ng mga driver ng jeep, ang pagpupunas ng pawis sa leeg ng mga tricycle drivers, pati na rin ang mga pasaherong sinasamantala ang traffic para pumikit at matulog ng saglit.
Napakaordinaryo ng oras ng ito at normal na sa lugar na pinanggalingan ko.
"Tita, 'diba paborito ni Lolo ang cassava cake? Baka po may madaanan tayo, gusto ko po sana bumili."
"Sa Lipa na lang, hija. Baka matagalan pa tayo dito dahil sa traffic."
May punto nga naman siya. Marami rin ang nagiging perwisyo at epekto ng traffic at isa na dun ang oras.
Sa pagliko ng sasakyan at sa ilang minuto pang nakalipas ay nakarating na nga kami sa bahay. Bumaba ako ng front seat para salubungin si Mama na naghihintay sa may gate namin.
Bumeso ako sa kanyang pisngi at yumakap.
"Doon ka na po sa unahan, Ma." Sabi ko saka lumipat sa likod.
Nang makapasok siya sa loob at makapagsuot ng seat belt ay si Tita Lyra naman ang bumeso sa kaniya.
"It's been a while na makabisita tayo ng kumpleto kay Papa." Sambit ni Tita habang sinisimulang paandarin muli ang sasakyan.
"Oo nga, Ate. Bumili na ako ng cassava cake for him. For sure ay hindi niya ito titigilan hangga't hindi ubos."
The sisters both laugh. Kilalang kilala pa rin nila ang ama kahit matagal na silang hindi nagkikita o nagkakasama.
Kandong ni Mama ang dalawang box ng cassava cake na binili niya sa sikat na store nito. Kulay yellow at green ang kahon at naaamoy ko iyon kahit nasa likuran ako.
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila habang nakasandal ako sa likod, pinagmamasdan ang mga dumadaang tindahan at poste ng kuryente. Minsan lang talaga magkita ang magkapatid kaya kahit trapik, punô ng kuwentuhan ang sasakyan.
"Kamusta na nga pala si Kuya Theo?" tanong ni Mama habang inaayos ang pagkakapatong ng mga kahon ng cassava cake sa kanyang kandungan.
"He's doing good. Isang buwan na ang nakakaraan simula noong heart surgery niya. Ayun, out of the country naman kasama ang friends niya just to play golf!"
"Mabuti naman at maayos ang recovery niya. So that means, hindi natin siya kasama kina Papa?"
"Yes. Pero matagal na kasing nakaplano ang pagalis niya. Eh sayang naman kung ipaparebook pa niya."
Tumango si Mama, bagama't may bahagyang lungkot sa kanyang mga mata. "Oo nga. Naiintindihan ko naman. Pero for sure, babawi 'yun next time."
"Definitely," sagot naman ni Tita habang ang mata ay nasa harapan pa rin. "Hindi iyan papayag na hindi makapunta kay Papa. For sure, magdadala pa siya ng Red Horse at iinom ng konti habang nagkukwentuhan."
"Tama ka! Naku, kinahihiligan na ni Papa ang beers kung kailan tumanda na siya."
"Hayaan na lang natin. He's worked himself for the past decades at ngayon lang siya nakakabawi para sa sarili niya. Sinabihan ko naman mga tauhan doon na bantayan pa rin siya at i-make sure na moderation lang ang paginom."
Tumango si Mama. "Anyways, Kuya Theo, your husband. Saan nga palang hospital siya nagpasurgery?" Tanong niya na parang iniiba ang usapan.
"We went to Germany for almost five months. Ganoon katagal kasi recommended ng doctors para mamonitor pa rin siya. Noong nakaraang buwan lang kami nakauwi."
"That's why you're inactive. Ako ang kinukulit ni Ate Lecia para tulungan siya sa mga ginagawa mo sa company." Sambit ni Mama.
"You know what, Lara. The company and the plant are still open for you, if you wish to go back. We need another person who's knowledgeable about handling the business."
Napatingin ako sa kanilang dalawa. I briefly forgot na si Tita Lyra at Tita Lecia na nga pala ang namamala sa farm at company ni lolo. At si Mama, bilang bunsong kapatid ay may parte pa rin doon kung gugustuhin niyang bumalik.
"And you think I'm the perfect person for the job? Ate... I've been absent ever since I gave birth to Lauren. My knowledge for the business might be rusty. At isa pa, gusto ko na itong buhay namin ngayon."
Nagkatinginan sina Tita Lyra at Mama sa rearview mirror—may katahimikang hindi masabing buo, pero puno ng respeto.
"I understand," sagot ni Tita Lyra pagkatapos ng ilang segundo. "Pero hindi mo kailangan sumagot ngayon. Just know na open pa rin 'yung pinto, kung sakaling magbago ang isip mo."
"I appreciate that, Ate," mahinang tugon ni Mama. "Pero to be honest... hindi ko alam kung kaya ko pa. Ang daming nangyari noon, and I don't think I ever fully recovered from all of it."
Tahimik si Tita Lyra, pero ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Sa likod, tinigilan ko ang pag-scroll sa phone ko. Parang may panibagong layer akong nakita kay Mama—isang layer na hindi laging ipinapakita, hindi palaging naibabahagi. Parang may kapaitang hindi ko alam na bitbit pa rin niya hanggang ngayon.
"Walang nagsabing kailangan mong mag-recover nang buo para bumalik," wika ni Tita Lyra sa wakas. "Sometimes, being part of something bigger helps the healing."
"Or it brings back wounds na matagal mo nang tinakasan," sabi ni Mama, this time mas matatag ang boses niya.
Natahimik si Tita Lyra. Hindi siya nakatingin kay Mama, pero alam kong narinig niya iyon ng buo.
"Anyway," mabilis na dagdag ni Mama, pilit binabago ang tono ng usapan. "Let's not talk about this now. Mas gusto ko na lang muna isipin na magkakasama tayong muli bilang pamilya."
"Yes," sagot ni Tita Lyra, may ngiting pilit. "You're right. Today is about Papa. And about us being whole, even just for the day."
Nagpatuloy ang biyahe sa gitna ng mas tahimik na hangin. Sa labas, unti-unti nang namumuo ang kulay ng dapithapon, at sa loob ng sasakyan, ramdam ang bigat at ginhawa ng mga bagay na matagal nang hindi pinag-uusapan.
Pagliko ng sasakyan mula sa highway papuntang provincial road, agad kong naramdaman ang pagkakaiba. Binaba na Tita Lyra ang mga bintana ng sasakyan para mas maramdaman namin ang hangin. Mas presko ang hangin. Mas malawak ang tanawin. Mas tahimik. Ang ingay ng lungsod ay naiwan na sa likod, at ngayon, ang bintana ng sasakyan ay nagsilbing frame ng isang mundong dati ay bahagi ng kabataan ko—ngunit ngayo'y parang panaginip na lang.
"Malapit na tayo," sabi ni Mama habang tumingin sa labas ng bintana. May ngiti sa kanyang labi—hindi yung masaya lang, kundi yung may halong lungkot. Parang ngiting may tinatanggap.
Napalingon ako sa kanan, at doon ko nakita ang malawak na lupain ng Lolo. Hectares and hectares of green na puno ng palmera. Hindi ko alam kung ilang eksaktong puno ang meron doon, pero tila walang katapusan ang hanay nila. Tuwing ihahampas ng hangin ang mga mahahabang dahon, may tunog itong parang alon—parang dagat sa gitna ng lupa.
"Yan ang tinatawag ni Papa na 'legacy land,'" wika ni Tita Lyra, na sa harapan pa rin ang tingin. "Simula't sapul, 'yan ang inuna niyang buuin. Puno ng pawis, dugo, at pakikipagsapalaran 'yang lupaing 'yan."
"Mas tinutukan pa niya 'yan kaysa sa amin," pabirong hirit ni Mama.
Tumawa si Tita Lyra. "Hindi naman siguro. Pero oo, minsan ganyan ang pakiramdam. Mas marami siyang oras sa taniman kaysa sa bahay. Kaya siguro may pagka-military ang approach niya sa pagpapalaki sa atin."
Napangiti ako sa usapan nila. Pero nanatili akong nakatingin sa mga palmera. Bawat puno, tila may sariling kwento. Saksi sa mga desisyong ginawa ng pamilya namin noon—mga panahong hindi ko naabutan pero nararamdaman ko pa rin sa hangin.
Paglampas pa ng kaunti, tanaw na namin mula sa malayo ang pabrika.
"Is that the processing plant?" tanong ko, itinuturo ang estruktura sa may dulong bahagi ng lupa.
"Yes," sagot ni Tita Lyra, proud ang tono. "We renovated it ten years ago. Kaya modern na rin ang facilities. Pero 'yan pa rin 'yung original location."
Ang pabrika ay may anyong parang barn—malaking gusali na kulay red ang haligi at black ang bubong. Sa unang tingin, parang simpleng agricultural structure lang, pero may mga detalye itong nagpapakitang industrial na ito sa loob: ang mga tubo, ang smoke vents, at ang signage na may logo ng kompanya nila Lolo.
Dati raw, ayon kay Mama, isa lang itong maliit na press kung saan mano-manong pinipiga ang palm fruits. Pero ngayon, full-scale factory na ito na nagpo-produce ng palm oil for local and international use. At kahit na ganu'n na ito ka-moderno, hindi pa rin nawawala ang essence ng pinanggalingan—rural, grounded, rooted.
"Iba talaga ang pakiramdam pag bumabalik dito," bulong ni Mama, para bang hindi talaga para sa amin kundi para sa sarili niya. "Parang... kahit gaano ka pa katagal nawala, may parte pa rin ng sarili mong naghihintay sayo dito."
Tahimik lang akong nakinig, pero naiintindihan ko siya. Sa mga ganitong lugar—ang mga ancestral na lupa, mga tahanan ng alaala—parang may sariling t***k ng puso. Parang sinasabi nitong, "nandito pa rin ako."
Habang binabaybay pa rin namin ang kalsada patungo sa mismong bahay ng Lolo, palalim nang palalim ang pagdama ko sa bigat at ganda ng lugar na ito. Hindi lang siya lupang sinasaka. Isa itong kasaysayang buhay pa rin hanggang ngayon.
At sa bawat palmera na nadadaanan namin, pakiramdam ko ay binabati kami ng katahimikan at kumpirmasyon:
Welcome home.