Kabanata XXI

3573 Words
Stillness Alas sinco ng umaga. Pagdilat ng mata ko, parang may humupa. Wala yung usual na ingay sa isip ko, yung parang baha ng thoughts na sabay-sabay dumadating. Tahimik lang. Ang maririnig mo lang ay yung mahinang ugong ng aircon sa silid. May konting liwanag na pumapasok sa kurtina. Ang langit sa labas, kulay peach na malabo, parang nagdadalawang-isip pa kung sisikat na ba talaga. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo, hindi ako nagising na parang may pasan na mundo. Umupo ako nang dahan-dahan, nag-inat, pinipilit alisin yung bigat ng antok sa mga braso ko. Nahulog ang kumot sa lap ko. At andun siya sa tabi ko sa kama—yung sketchpad ko. Nakabukas ng bahagya. May bakas pa ng lapis sa pahina, parang bulong na naiwan. Binuhat ko ito at inilipat sa lap ko. Habang binubuklat ko yung mga pahina, parang diary na lumang-luma na. May mga drawing na malinis, may mga mukhang minadali. Mga mukha, kamay, anino. Isang pahina halos mapunit na, sobrang diin ng lapis. Yung isa naman may mantsa ng kape sa sulok. Bawat marka, may alaala. Pero parang galing sila sa iba't ibang bersyon ko. "Binubuklat mo 'yan kagabi bago ka pa nakatulog," sabi ni Dani, paos pa ang boses niya. Lumingon ako. Nakapikit pa halos yung mata niya, isang paa nakausli sa kama. "Talaga?" Tumango siya. "Medyo ngumingiti ka pa nga eh. Tapos bigla ka na lang natulog. Parang binagsakan ng langit." Napangiti ako, marahang nilapag yung sketchpad sa lap ko. "Siguro kailangan ko talaga 'yon." "'Yung tulog?" "Hindi," sabi ko, titig sa pahina kung saan may dalawang kamay na muntik nang mag-abot. "Yung katahimikan." Humikab si Dani at itinakip ang kumot sa baba niya. "Mas okay ka tingnan ngayon. Hindi ka na mukhang sinuntok ng limang emosyon." "Grabe ka talaga," natatawa kong sagot. "Alam mo naman, honesty is my love language," sabay kindat. Pero malumanay ang boses niya, parang alam niyang delicate ang umagang 'to. Tumango ako, hinahaplos ng daliri ko ang gilid ng sketchpad. "Mas magaan pakiramdam ko. Hindi pa okay lahat, pero... mas magaan." "That's something," ani Dani. Tahimik kami pareho saglit. Hindi 'yung awkward na silence—'yung kalmadong klase. Parang sinag ng araw sa umaga: banayad, walang hinihinging kapalit. Umupo na si Dani, niligpit ang buhok niya sa bun. "Kape?" "Mamaya. Gusto ko muna mag-drawing." "Wow, inspired si ma'am today," sabi niya habang inaabot yung stash niya ng instant coffee. Pero hindi inspiration ang tawag ko rito. Parang mas... paghinga. Parang may bagay sa loob ko na matagal nang nakatago, biglang lumaya habang natutulog ako. Baka wala namang nagbago sa mundo. Pero siguro, ako 'yung unti-unting nagbabago. Bumalik ako sa blangkong pahina. Tinitigan ko muna ng ilang segundo. Tapos hinayaan ko na lang gumalaw ang kamay ko. May mga linya na lumitaw kahit walang plano. Hindi mukha. Hindi memorya. Basta kurba, anino, outline ng isang landas na hindi ko pa nalalakad. Hindi siya maganda sa pangkaraniwang tingin. Pero totoo siya. "Ay," sabi ni Dani sa likod ko. "Lauren's sketchbook is getting serious again. Dapat pala may background music ako habang nagtitimpla ng kape mo." "Kalma ka lang diyan." "Hindi ako kalma. This is a moment of growth, char." Napailing ako habang natatawa, pero tuloy lang ang drawing. Kasi tama siya eh. Kahit hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong araw, o kung makikita ko ba ulit si Ivan at masaktan, isang bagay ang alam ko: Hindi sakit ang bumungad sa akin ngayong umaga. At para sa akin, sapat na 'yon. Nakahawak ako sa lapis pero hindi ako nagdo-drawing. Nasa design theory class kami, at habang nagsasalita si Prof. Reyes sa harap tungkol sa "minimalist spaces with emotional depth," iba ang takbo ng isip ko. May PowerPoint siya tungkol sa Scandinavian interiors—malinis, tahimik, maaliwalas. White walls, neutral tones, sobrang linis tingnan pero may dating. Hindi siya empty. Hindi rin siya trying hard. Sakto lang. Parang puso ko. May mga naiwan. Pero hindi na siya punong-puno ng kung anu-ano. "Spaces with absence, but not void," sabi ni Prof. "They speak through restraint. Through what is left behind." Napatingin ako sa notebook ko. Walang sulat. Pero sa gilid, may isang guhit—isang bukas na pinto. Di ko maalala kung kailan ko 'yun nagawa. Pero andun na siya. Nakatitig pabalik sa akin. "You're quiet today," bulong ni Reese sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. Mahinang ngiti, subtle lang. May hawak siyang iced coffee kahit malamig sa loob ng classroom. "Am I?" Tumango siya. "Pero hindi 'yung usual mo na tahimik. Iba ngayon. Parang... tahimik na payapa." Napatawa ako nang konti. "Ang galing mong magbasa ng aura." "Trained instinct," sabay kindat niya. "So... you're okay?" Nag-isip ako saglit bago sumagot. "Hindi ko alam kung okay na ako. Pero parang hindi ko na rin kailangan malaman. I just... am." She nodded. "That makes sense." Sa harap, patuloy lang si Prof. Reyes. May pinapakita siyang diagram ng negative space. Pero para sa akin, sapat na 'yung katahimikan naming dalawa ni Reese. "Hindi ko na masyadong nakikita si Gus lately," dagdag niya bigla. "Di ko alam kung napansin mo rin." Hindi ako agad sumagot. Napaisip ako kung kelan nga ba 'yung huli naming pagkikita. Noong Sunday lang. Noong may pinakita siya sa akin sa sketchpad niya, but it's not a drawing of portrait or places. Those are drawings of food plating and presentation. He asked about my opinion and I gave him tips. Until then, we haven't seen or talk to each other. At syempre, alam ko naman ang dahilan. "Napansin ko rin," sabi ko sa dulo. Tumingin siya sa akin, parang inaantay kung may dagdag pa akong sasabihin. Pero wala na. "Good for you," sabi niya sa huli. Walang sarcasm. Walang judgment. Totoo. She doesn't have any idea of my true feelings towards him. Hindi rin siya nagtatanong. Hindi siya nanghihimasok. I think, she's letting me move kung kailan ko gustong sabihin o kung gusto ko bang sabihin. She stayed quiet. Observant. At marunong bumasa ng galaw ko. "I think some people are meant to pass through lang talaga," dagdag ko. "And that doesn't mean the moment was any less real." Reese smiled. "Parang minimalist room. Hindi mo kailangan ng maraming gamit para masabing kumpleto siya. Minsan, 'yung mga wala—sila 'yung nagpapabigat sa kahulugan." "Exactly," tumango ako. At sa unang pagkakataon, hindi ko na naramdaman 'yung urge na i-check kung may message siya. Hindi ko na inalala kung bakit siya nawala bigla. Hindi ko na pinilit alalahanin kung paano kami nagsimula o natapos. Nandoon lang kami ni Reese, sa loob ng malamig na classroom, surrounded by clean lines and quiet spaces. At sa pagitan ng katahimikan at konting usapan, alam kong may natutunan akong bago: Hindi lahat ng bagay kailangang buuin para masabing buo ka na rin. The next day, I have to do errands before entering my first class period. Kung hindi ko gagawin ngayon ay baka makalimutan ko na sa dami ng gawain ko ngayon. Mainit ang araw, pero hindi siya nakakapaso. Sakto lang. Maaliwalas. Naka-shade din kasi ang mga pathway ng campus sa mga punong matataas at malalago. Tulad ng lagi, may tumutugtog sa open field—mga jazz instrumental na siguradong galing sa speaker ng Music Council kiosk. Kumakapit ang simoy ng hangin sa balat, pero hindi nananakit. Bitbit ko ang tote bag ko at nakasukbit ang ID sa leeg. Pupunta ako sa library. May binanggit si Prof. Reyes na reference kahapon—isang architectural book about human-centered space design. Medyo luma na raw at out-of-print, pero baka raw meron pang ilang copies sa archives section ng library. Tahimik ang hallway papunta ro'n. Ilang estudyante lang ang kasalubong ko. 'Yung iba nakayuko sa phones nila, 'yung iba nagmamadali. Habang papalapit ako sa entrance, saka ko lang napansin. Si Ivan. Nakatayo siya sa gilid, may kausap sa phone. Hindi siya nakatingin sa paligid—nakaharap siya sa fountain, parang may hinihintay. Si Briella, panigurado. Casual lang ang ayos niya, naka-hoodie at jeans, pero hindi mo mapagkakaila 'yung presence. Palagi siyang ganun eh—effortless. Kahit hindi sinusubukang tumayo bilang sentro ng eksena, napapatingin pa rin ang mga tao sa kanya. Mabilis ang t***k ng puso ko. Hindi dahil sa kaba. Hindi na. Kundi dahil sa laking posibilidad na mapansin niya ako. "Huwag kang lilingon, please." Pakiusap ko sa sarili ko na para bang mag-teleport ang mag salita palapit sa kanya. Pero hindi siya tumingin. Wala siyang ginagawa na may kinalaman sa akin. Hindi na rin ako lumiko. That's a relief. Dumeretso ako papasok ng library, nilampasan siya na parang normal lang. Siguro, normal na nga talaga. Walang nagbago sa paligid, pang limang balik ko na dito. Nandoon pa rin ang mga shelf ng libro, ang mga upuang kahoy, ang old-school na aircon na parang umuungol. Pero ako, alam kong may nagbago. Habang hinahanap ko 'yung title sa catalog, ramdam ko pa rin ang presensya niya sa likod ng isip ko. Hindi siya mawawala agad, at hindi ko rin 'yon hinihingi sa sarili ko. Pero hindi ko na kailangang lumingon. Hindi ko na kailangang umasa na tatapikin niya ako, tatawagin ang pangalan ko, o kahit ngitian ako. I found the book. Dusty siya. Kulay luma. Pero buo pa. Maingat ko siyang kinuha at binuklat. Ang mga pahina, amoy lumang papel—isang scent na palagi kong nai-uugnay sa kaalaman, at sa katahimikan. Umupo ako sa reading section, binuksan ang sketchpad, at isiniksik ang bagong inspirasyon. Hindi ko kailangang iguhit ang mukha niya. Hindi ko kailangang balikan ang kwento namin. Ang kailangan ko lang ngayon ay dumaan sa pahinang ito ng buhay ko nang hindi natitigilan. Hindi para burahin ang alaala, kundi para hindi na siya ang magdikta kung paano ko huhubugin ang mga susunod. At sa sandaling 'yon, sa gitna ng mga lumang libro at katahimikan ng silid, alam ko: Kaya ko nang maglakad sa tabi niya nang hindi na kailangang huminto. After all my classes for today, walang imik akong bumalik sa dorm. Wala pa si Dani. Malamang ay baka may org meeting sila o hindi pa tapos ang kalse niya. Hinubad ko ang sapatos ko at dumiretso sa study table. The book I borrowed was still in my bag, pero hindi ko muna binuksan. Instead, I picked up a sheet of stationery paper from the drawer. This is the first time that I will do it—ang sumulat. As in sulat na may pinatutunguhan. Wala namang plano na ipadala. Pero parang may parte ng sarili ko na kailangang ilabas 'to. Not for anyone else. Just for me. Sa itaas ng papel, isinulat ko ang pangalan niya. To Ivan, At saka ako nagsimulang magsulat: "Hindi ko alam kung paano magsisimula, pero siguro doon na lang sa pinakaprangka: gusto kita. At noong nalaman ko na may girlfriend ka na pala, nasaktan ako. Nasaktan ako kasi naniwala ako na kahit papaano, kahit konti lang, may espasyo ako sa mundo mo na walang halong ibang intensyon. Yung sapat lang para maramdaman kong totoo ang mga titig mo, ang mga salita mo, at 'yung mga sandaling akala ko ako lang ang nakakakita mo. Napaniwala mo ako. Sa una nating pagkikita, pinahulog mo agad ako sa mga ngiti mo. Sa paraan ng pagtitig mo na parang may kahulugan, nangungusap na parang may gustong sabihin. At syempre, ang chocolate cake na sinamahan mo pa ako sa dessert table para kumuha ng isang slice. Do you remember that? Noong gabi ng anniversary party ng parents ni Marco. I got invited and I saw you there. Pero hindi kita sisisihin. Dahil hindi naman ikaw lang ay may kasalanan dito. Ako rin. Because I hoped. Umasa ako na pwede tayo. Umasa ako na magustuhan mo rin ako. Umasa ako kahit wala ka namang ipinangako. Alam kong hindi na mahalaga sa'yo 'to. Hindi ko rin naman inaasahang babasahin mo 'to. Pero mahalaga sa akin ang maisulat ang damdamin ko. Para mapalaya ko ang sarili ko. Salamat. Sa totoo lang. Kasi kahit papaano, minulat mo ako sa parte ng sarili kong kay tagal kong tinatago. Ikaw ang naging tulay ko pabalik sa art ko. Sa sarili ko. Sa damdamin kong matagal ko nang kinulong. Ever since my father left us for another woman, nawala ang gana ko. Pero dahil sayo, nabuhay ulit ito. Masaya ako dahil nakikita ko naman na masaya ka kay Briella. You cared for her. You love her, I can see that. At ayoko naman na ako pa ang maging dahilan ng pagluha ni Briella dahil sa sakit o sa maling akala. Sa totoo lang, gusto ko rin maramdaman na mahalin ako ng isang lalaki. Romantically. Gusto kong maramdaman mahalikan, mayakap, alagaan. Pero, it's not gonna happen any time soon. Dahil ikaw lang ang gusto ko, sa ngayon. Pero siguro, sa paghupa ng panahon, maibabaon ko rin ang pagkagusto ko sayo. At ngayon, pinipili ko nang bitawan ka. Hindi dahil sa galit. Pero dahil gusto ko nang tahimik. Gusto kong matahimik ang loob ko, kahit hindi na kita marinig. Paumanhin kung sa sulat na 'to ko lang nasabi lahat. Pero ganito ako. Mas madaling magsulat kaysa magsalita." Tumigil ako, tumingin sa sulat. Hindi ko tinapos ng "love, Lauren." Kasi hindi siya ganun. Wala na akong gustong ibalik. Hindi ko na gustong kumapit pa. Marahan kong pinatuyo ang tinta. Maingat ko itong ni-fold at ipinasok sa lumang envelope. Walang pangalan sa labas. Walang date. Walang intention na ipadala. Binuksan ko ang sketchpad at sa likod ng isang pahina, isiniksik ko ang sulat. Hindi bilang alaala ng sakit. Pero bilang paalala na kaya kong harapin ang katotohanan kahit hindi ko gusto ang ending. Kaya kong magsulat ng kwento na hindi ako ang bida. At kaya ko ring tapusin ang kabanata kahit walang closure mula sa kabilang panig. Nang matapos ko ang sulat, naisip kong lumabas saglit. Gabi na rin, pero hindi pa ganun kahuli para sa isang mabilis na lakad. Hindi pa rin ako nagdidinner at wlala pa rin si Dani. The air was cooler now. Yung klase ng lamig na hindi nanunuot sa balat, pero sapat para huminga nang mas maluwag. Nag-text si Reese. Reese: Coffee? Sa labas ng campus. Libre ko. Ako: Sure. I'll meet you there. Wala pang sampung minuto, andoon na ako sa labas ng maliit na café sa kanto, hindi kalayuan sa school. Si Reese, naka-hoodie, may dalang dalawang paper cups. Umupo kami sa bench sa labas, under a small lamp, just far enough from the door para hindi marinig ng iba. 'Ber' months na ngayon kaya lumalamig na ang hangin. Kapag malapit na ang pasko ay mas lalamig pa ito. "Kamusta ang araw mo?" tanong niya, sabay abot ng kape. "Sakto lang. Medyo nakakapagod ang mga majors." "Mabigat rin ang puso?" Napatawa ako, pero hindi buo. "Siguro pareho na rin." Tahimik kami saglit. Pareho kaming nakatingin sa kalsada. May mga estudyanteng dumadaan paminsan, pero mostly tahimik ang paligid. "Huwag ka sana magagalit, ha. Napapansin ko lang din kasi. I've been with you since the very start." Humarap siya sa akin, handa nang magsalita pero hinihintay niya akong sumagot. "Ano 'yung napapansin mo?" Sumimsim ako sa mainit na kape. Habang tinitingnan ang mga dumadaang pampasaherong jeep na may karatulang palengke o Medicare, ang public hospital sa likod lamang ng university. "Your mood is dependent on how Gus' is treating you. Do you like him?" Sa pag amba kong paginom sa kape ay para akong nabulunan kahit wala pa naman akong nasisipsip. Muntik ko nang mabitawan ang mainit na cup dahil sa gulat. "What?" I tried to laugh, pero isa lang ang lumabas. "Paano mo naman nasabi?" "The way you look at him, duh. The way you talk kapag siya ang kausap mo. Pabebe! At kapag hindi ka niya napapansin, ayan ganyan ka! Matamlay, malungkot, walang imik. Akala mo palagi ay pasan ang mundo." Litanya niya na parang binabasa ang buo kong pagkatao. Hindi ako agad nakasagot. Parang may sumundot sa dibdib ko—hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa pagkaamin. Kasi totoo. "Sagutin mo nga ako nang totoo. You like him, don't you?" Napabuntong-hininga ako. Hindi pa rin ako makatingin kay Reese. "Oo," mahina kong sagot. "Pero hindi ko sinadya. Hindi ko naman talaga ginusto. Nangyari lang." "Gaga! May girlfriend na siya, ah." "I know." Tahimik kami. Narinig ko lang ang mahinang pagsinghot niya sa kape niya. "Saka hindi ko na alam kung gusto ko pa rin siya ngayon," dagdag ko. "Parang... gusto ko na lang yung alaala ng dati. Hindi na siya." "That's fair. Pero gusto ko lang sabihin: okay lang. Hindi mo kailangang ikahiya 'yon. You felt something real. That's more than most people are brave enough to admit." "Pero hindi ko rin naman sinabi. Sa kanya." "Sometimes, hindi kailangan. Alam mo, hindi palaging may closure sa buhay. Minsan, sarili mo lang ang kailangang makaintindi." Tumingin ako sa kanya, and she was just smiling softly, eyes kind. "Reese," bulong ko. "Thanks for knowing without me saying it." "That's what friends are for. Also, super obvious mo kasi." Tumawa ako, mas buo na ngayon. At doon ko lang napansin na kahit hindi nagbago ang paligid—madilim pa rin, malamig pa rin, matao pa rin—parang naging mas malinaw ang nasa loob ko. Hindi ko pa kayang kalimutan. Pero kayang-kaya ko nang aminin. At sa ganitong mga gabi, sa mga taong gaya ni Reese, natututo akong hindi maging galit sa sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman ginusto maramdaman. "Akala ko kasi kaya ko," mahina kong sabi, habang pinipihit ang cup ng kape sa mga daliri ko. "Akala ko kaya kong ituring siya na parang dati. Pero ang hirap pala kapag alam mong may mahal na siyang iba... at hindi ikaw 'yon." Nag-slow blink si Reese, then she gently leaned back sa bench. "So, totoo nga. May gusto ka sa kanya." Hindi ako agad sumagot. Pero wala rin akong maitanggi. "Oo." Hinawakan ko yung cup nang mas mahigpit. "Hindi ko alam kung bakit. Pero alam ko kung kailan nagsimula—sa unang kita pa lang. Sa mismong araw na expected ko siyang makikita. Hindi pa kami magkakilala noon, pero may kung anong kumalabog sa dibdib ko. Ang babaw nga, e. Nginitian lang niya ako, tapos ayun na. Parang na-reset 'yung mundo." Reese stared at me for a second, then exhaled softly. "Damn. Love at first sight levels." "Siguro," I shrugged, trying to laugh it off. "Tapos nang tumagal, hindi na siya basta crush. Kasi mas nakilala ko siya. Hindi lang siya 'yung gwapong upperclassman na tahimik at mysterious. May laman 'yung mga tingin niya, 'yung mga tanong niya. He listens, Reese. And sometimes, he just... sees through me." "Ngayon?" tanong niya, mas mahinahon na. "Ngayon... I'm trying not to look for him. Kasi kahit anong iwas, palagi ko pa rin siyang nararamdaman. Parang gravity. Kahit hindi ko hinahanap, nandiyan pa rin. At ako 'yung laging nahuhulog." Tahimik ulit. But Reese reached out and squeezed my hand gently. "Masakit ba?" bulong niya. Tumango lang ako, but my eyes welled up. "Sobra." Wala na akong kailangang itago pa sa kanya. Nalaman niya kahit hindi ko aminin. At okay lang naman yun sa akin. At least ngayon, I don't have to pretend. Nagdinner na rin kami ng spaghetti and meatballs na tinda rin ng cafe. At nagtake out ng tira ko dahil hindi ko naman naubos sa hindi ko inaasahang malaking serving. Malapit lang pala ang bahay nina Reese from here kaya nagtricycle na lang siya pauwi. Pagbalik ko sa dorm, naririnig ko ang tubig na rumaragasa mula sa banyo. That must be Dani. Dumiretso ako ng ref para ilagay ang tupperware ng leftover kong spagheti. Pagkatapos ay pumasok ako ng kwarto at lumapit sa aking study desk. Nakabukas ang sketchpad ko sa isang malinis at blankong pahina. Ang umbok na mula sa sobre ay kapansin pansin pa pero hinayaan ko na lang. Sa tabi nito, ang lapis, ang uling, ang art pen. Nakalatag na, parang hinihintay lang akong kumilos. Umupo ako. Walang balak. Walang plano. Pero may parte sa akin na parang sinasabing: subukan mo ulit. Kinuha ko ang lapis. Walang subject. Walang reference. Walang tema. Sinubukan ko lang gumuhit—isang mukha. Isang babae. Hindi ako sigurado kung saan ko siya nakita, o kung nakita ko na ba talaga siya. Ang una kong ginuhit ay ang mga mata. Malalim. Hindi malungkot, pero may bigat. Sunod ang hugis ng pisngi—medyo bilugan, parang bata pa, pero hindi inosente. May iniinda. Hindi ko agad nalaman kung sino siya. Habang tinutuloy ko ang sketch, napansin kong may familiarity sa mukha niya. Hindi siya ako. Pero parang may bahagi ng sarili kong emosyon ang nalipat sa kanya. Parang lahat ng hindi ko masabi, lumipat sa lapad ng papel at sa bawat guhit ng lapis. May konting kapal ang kilay niya. May liwanag ang gilid ng pisngi. Ang labi niya, parang may gustong sabihin pero hindi masambit. Tahimik siya, pero may bigat sa tingin. Pagkatapos ng halos isang oras, natapos ko rin siya. Isang portrait na walang pangalan. Walang kwento. Pero may damdamin. Sa unang tingin, maaaring isipin ng titingin na malungkot siya. Pero hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nagtatago. Parang handa na siyang tumanggap ng lungkot, at sabay nito, ng posibilidad ng muling paghinga. Napangiti ako nang kaunti. Kasi sa wakas, gumuhit ako hindi dahil may gusto akong patunayan. Hindi dahil kailangan. Hindi dahil para kay Ivan. Gumuhit ako dahil may kailangan akong ilabas. At kahit hindi ko pa masabi nang buo kung ano iyon, sapat na ang paunti-unting pagkilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD