Kabanata VI

3463 Words
Concept "You still want that chocolate cake?" Natigil ang aking pagguhit at napakurap ng sandali. He knows me. Kahit ang simpleng pagkagusto ko sa chocolate cake ay alam niya. It’s very confusing but I am glad at the same time. Hindi ko mawari kung tama pa ba ang nararamdaman kong ito. Normal naman siguro na magkagusto sa isang tao sa unang beses na pagkikita, ‘di ba? Hindi naman siguro masama ang paghanga. Kahit na apat na taon ang agwat naming dalawa. Bukod sa gwapo niyang pagmumukha ay maginoo din. “Hindi…” ang tanging nasagot ko, pero hindi ko rin alam kung sinasabi ko iyon para kontrahin siya—o kontrahin ang sarili ko. Hindi ako tumingin sa kanya, baka kasi bumigay ang bibig ko sa hindi kayang itago ng puso ko. Kahit ang mga daliri kong nakakapit sa lapis ay tila nanigas. Pinilit kong bumalik sa sketching, pero kahit anong guhit ang gawin ko, para bang nawawala na naman ako sa presensya niya. Na para bang kahit tahimik kami, may sinasabi pa rin siya. At mas nakakabingi pa iyon kaysa salita. "Anong ginagawa mo?" tanong niya, mahina pero sapat para marinig ko kahit may earphones ako. "Assignment," sagot ko, hindi inaalis ang tingin sa papel. "Garden perspective." "Mukhang hindi garden 'yan." Napakunot ang noo ko. "Bakit mo nasabi?" "Kasi parang tao 'yan. Yung sketch mo—may balikat, may kwelyo, may buhok." Tumigil siya sandali. "Mukhang ako." Napahinto ako sa paglalapat ng lapis. Hindi ko alam kung matatawa ako o maglalakad palayo. Tinanggal ko ang earphones ko at tumingin sa kanya. "Assumption mo lang 'yan," tanggi ko, pero alam naming pareho na hindi totoo iyon. Bumuklat ako ng panibagong pahina sa aking sketchbook. Sa pagkakataong ito, pinilit ko nang iguhit ang kung anong dapat na para sa assignment ko. Umupo siya sa tabi ko, pero hindi masyadong malapit. "Kung ako nga, ayos lang. Mas okay kung ikaw ang gumuhit." Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang sarili kong hindi kiligin. O kung paano ko papatahimikin ang t***k ng puso ko na unti-unti nang lumalakas. Nakakahiya na nadatnan niya pa ang pasimpleng pangangarap ko sa kanya. At nakakainis na tila may sariling utak ang aking mga daliri na may lakas ng loob na iguhit si Ivan. “Anong oras ang sunod mong klase?” Tanong niya pero nararamdaman ko ang pagtuon ng kanyang tingin sa akin. “Mamaya pa after lunch. Kaya may oras ako na gawin ito ngayon.” Sagot ko naman na hindi inaalis ang tingin sa aking ginagawa. “So, pwede kang lumabas ng campus?” Napahinto ako at humarap sa kanya. “Ha? Bakit naman ako lalabas?” “To buy… chocolate cake.” Nakita ko ang paggalaw ng kanyang makapal na kilay. Nanghahalina na pumayag ako sa kagustuhan niya. Sumilip rin ang maliit na ngisi sa kanyang bibig na lalong nagpabilis ng t***k ng aking dibdib. Lumunok ako na parang may nakabara sa lalamunan. Iniwas ang tingin at nagkunwaring busy na ulit sa aking ginagawa. Grabeng epekto ito, nakakabaliw. “Hindi na. O-okay na ako. Kailangan ko ring tapusin ito.” Sambit ko. Biglang bumagsak ang ulan. Walang pasabi. Walang panimula. Isang iglap lang, parang binuhusan ng balde ang buong paligid. Napatingala ako, at sa sumunod na segundo, pareho kaming napasigaw ni Ivan. Mabilis kong niligpit ang lahat ng gamit ko at tinulungan niya na rin ako. "Takbo!" sigaw niya, sabay hawak sa pulso ko. Hindi na ako nakatutol. Kasunod na lang ako sa pagtakbo niya, palayo mula sa garden, papunta sa pinakalapit na silungan. Isang bakanteng silid-aralan na bukas ang pinto. Pagkarating namin, parehong hingal. Basa ang balikat ko, pati ang buhok ko'y dumidikit na sa pisngi. Siya naman, basang-basa ang polo at may tubig pa sa pilikmata. "Ayos ka lang?" tanong niya, habang pinapasan ang kanyang coat mula sa balikat niya. "Oo naman—" Hindi ko na naituloy ang sagot. Isinampay niya ang coat sa balikat ko. Mainit-init pa mula sa katawan niya. Naamoy ko agad ang faint scent ng vanilla at spices, parang kape na may konting alcohol. Mula siguro sa iniinom niya sa tumbler kanina. Nakakabaliw sa lapit. "Ikaw?" balik kong tanong, pilit na pinapanatag ang sarili. "Okay lang ako. Mas importante na hindi ka sipunin," sagot niya, nakangiti. Pero hindi yung usual na confident grin niya. Mas gentle. Mas... totoo. Tumigil ang mundo ko ng ilang segundo. Sa mga mata niya, wala akong nakikitang laro. Wala akong nakikitang yabang. Kundi puro pag-aalala. Bakit ganito? Bakit sa tuwing pinapakita niya 'to, parang unti-unting nadudurog 'yung paniniwala kong hindi ako dapat umasa? Nilingon ko ang labas. Ang lakas pa rin ng ulan. Pero sa loob ng silid na ito, mas malakas ang kabog ng dibdib ko. "Wala ka talagang dalang payong?" tanong niya ulit. Umiling ako. "Wala eh. Akala ko kasi maganda ang panahon." Walang ibang sensyales na uulan ngayong araw. Kahit ang ulap ay maliwanag kanina pa pero nakakapagtaka na biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Next time, ako na bahala." Napatingin ako sa kanya. Walang halong biro. Naramdaman ko tuloy na baka hindi lang sa ulan niya ako kayang silungan. Baka pati sa sarili kong bagyo. Kumakanta si Dani sa kanyang study table. Kakatapos ko lang maligo dahil nabasa ako ng ulan. Tumuloy pa rin ako sa mga sumunod kong klase kahit basang basa ako. Napakagaan ng aura ni Dani habang may sinusulat ito sa kanyang notebook at kaharap ang makapal na textbook. Kumakanta pa na tila sinasabayan ang tugtog mula sa kanyang earphone. Ako? Nakalugmok sa kama at gulong gulo ang isip mula sa pangayayri kanina. Humiga ako at hinayaan ang aking mga mata na maglibot sa aming kisame. It’s so funny how Ivan can effortlessly slid through my mind from every interaction we had. Parang hindi pa nakukuntento at kahit wala na siya sa harapan ko ay siya pa rin ang nasa isip ko. Pinakawalan ko ang malalim na buntong hininga. “Tama na muna, Lauren. May mga homework ka pang tatapusin.” Bulong ko sa aking sarili. Pero kahit anong pilit kong ibalik ang focus sa to-do list ko, bumabalik sa isip ko ang eksena sa bakanteng silid—ang tunog ng ulan sa labas, ang init ng coat niya sa balikat ko, ang titig niyang parang may gustong sabihin pero piniling manahimik. Napapikit ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit siya pa rin? Bakit siya agad ang pumasok sa puso ko nang ganoon kabilis? At bakit parang hindi ko na siya kayang paalisin? Napatagilid ako, at sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang sketchpad sa tabi ng study table. Nakalabas pa rin ang drawing ng isang lalaking naka-chef uniform. Hindi ko na tinakpan. "Tsk. Lauren, ano ba..." Tumayo ako, kinuha ang aking ballpen, at pilit na iniba ang sketch. Dinagdagan ko ng background. Ginawang abstract. Nilagyan ng plantsa ng liwanag sa likuran. Pero kahit anong baguhin ko—mukha pa rin siyang si Ivan. Sa isang iglap, narinig ko ang mahinang tunog ng text notification mula sa aking phone. May message. From an unknown number. Unknown Number: Nakarating ka ba ng maayos? Hindi na kita naabutan sa classroom niyo kanina. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko na kailangang itanong kung sino ‘yun. I know it’s him. Ivan. “Is it loud?” Napabalik ang aking diwa nang magsalita si Dani. “Ano ‘yun?” Tanong ko. “Ang sabi ko, ‘is it loud?’. Kasi napansin kong hindi ka magkaintindihan diyan.” Pagtukoy ni Dani sa kanyang soundtrip. Napansin niya pala ang ginawa ko. Umupo ako sa upuan ng study table ko. “Hindi naman. Pasensya na kung naabala kita. Hindi ko lang alam kung ano uunahin ko.” Ang isipin siya o ang assignments ko. Ngumiti lang siya at bumalik na sa kanyang gawain. Muli akong bumuntong hininga para tuluyan nang simulan ang aking mga dapat tapusin. The next morning, maaga akong pumasok. Alas siete ang simula ng first class ko at sa fifth floor pa iyon. Walang elevator ang aming campus so I don’t have a choice to take the stair. "Alright, everyone. Let's get into our next major project," ani Professor Sison habang tinitingnan ang projected slide sa whiteboard. "You’ll be working on a conceptual mini-exhibit with the theme: emotion. This is a collaborative project, so you’ll be working in pairs. The exhibit must convey a specific emotional experience through space, color, texture, and visual story." Napatigil ako sa pagkuha ng notes. Emotion? Pairs? Napalingon ako sa paligid, umaasang baka may pamilyar akong makapartner. Sana'y makuha ko ‘yung tahimik lang. Ayoko ng mayabang. Ayoko ng sobrang ingay. Someone who will let me work in peace. Pero syempre, mukhang hindi ganoon ka-generous ang universe. "Lauren Davino, you’ll be working with... Reese Adriano." Aba, parang pamilyar. At hindi pa man ako nakalingon, narinig ko na agad ang boses. "Oh my gosh, yes! We’re partners! Finally!" Napakagat ako ng labi. Nginitian ko siya ng tipid habang dahan-dahang umiiling sa loob-loob ko. Reese. Of course. Si Reese ang walking megaphone ng klase. Parang palaging may naka-plug na mic sa bibig niya—lagi siyang may opinion, kwento, o random fact na gustong ibahagi. Hindi ko pa man siya nakakasama ng matagal, parang alam na niya kung sino ako, kung anong gusto ko, at kung kailan ako hindi okay. Nakakabigla, pero in a strange way, comforting din. Parang si Dani. Habang pinaplano namin ang initial concept sa kabilang side ng classroom, nakatitig lang ako sa papel. Si Reese, meanwhile, is a ball of energy beside me. Drawing arrows. Writing random words. Color-coding emotions. May pa-idea pa siya na mag-paint kami ng wall using literal fingerprints para raw "from the soul." Then she said— "What if... hear me out, ha... what if we center our exhibit on food? Like culinary-inspired installations na ang focus ay comfort? Kasi food is an emotional language din, ‘di ba?" Tumigil ako sa pagsusulat. "Like... a visual of how a kitchen feels like home? Or how baking relieves anxiety," dagdag pa niya. Hindi ko napigilang mapangiti. Not because of the idea—though it was good—but because again, Ivan’s name floated to the surface of my thoughts. Culinary… Lagi talaga siyang bumabalik. “Lauren?” Reese blinked at me. “You okay?” “Ah. Oo. Maganda ‘yung idea. Let’s try that.” Bumalik ako sa pagsulat, pilit na ibinabalik ang atensyon sa papel. But in my head, there was already a familiar scene forming—tiles warmed by sunlight, the scent of vanilla and cocoa wafting through the air, and a plate of chocolate cake that looked almost too perfect to eat. Sa gilid ng imahe, naroon siya. Nakasuot ng puting apron, ang buhok ay magulo na parang ilang oras na siyang nasa kusina, at ang mga pisngi ay pulang-pula, malamang dahil sa init ng kalan. Ivan. With that calm intensity in his eyes and the kind of smile that sneaks into your memory and refuses to leave. A boy who made me feel all these emotions I can’t even name—and yet somehow, they all tasted like home. “Okay, so…” Reese twirled her pen and pulled out a fresh sheet of graphing paper. “Kung food ang center concept natin, what specific emotion should we evoke? Comfort? Nostalgia? Love?” “Comfort,” I replied softly. “Mas malawak, mas relatable.” “Yun nga rin ang naisip ko! Imagine—may mini kitchen installation tayo, with warm lighting and maybe even scent diffusers na amoy cinnamon or vanilla!” I nodded slowly, already imagining it. “Pwede tayong gumawa ng layered visual timeline... from ingredients to finished dish. Gamit ang textures at material transitions.” “Love it. Pwede ring may hanging recipe cards—‘yung handwritten, like from moms or lolas. Ganyan!” Reese clapped. I found myself actually smiling. Her energy was contagious, in the best way. “Tapos mag-3D print tayo ng utensils na sobrang laki para whimsical,” she added. “Or a giant cracked egg na may ilaw sa loob!” I let out a small laugh. “Okay ka lang talaga, Reese.” “Always!” she grinned. “But seriously, Lauren, thanks. I thought you'd hate working with me.” “No,” I said honestly, my voice softer than usual. “I think this could actually work.” And I meant it. Somehow, despite the whirlwind that is Reese, there was something grounding about her optimism. Parang hindi siya nauubusan ng sigla, at napapaisip tuloy ako kung bakit ako natatakot makihalubilo sa ganitong klaseng enerhiya. Maybe I’ve just been used to silence for too long. She grinned wider, almost like she could sense the shift in me. “Told you we’d vibe!” I chuckled under my breath and nodded. “Let’s make something they won’t forget.” Buong maghapon ay naging kasama ko si Reese. Hindi ko akalain na magiging close kami. She’s just like Dani na bubbly kaya hindi siya mahirap pakisamahan. A total opposite of mine. Kinuha niya ang number ko at pati na rin ang f*******: para maging online friends rin daw kami. I really liked her idea on how we can express emotion through food. Pati ang professor namin ay aprubado sa aming idea. Kaya naman sa mga susunod na araw ay magiging abala kami para paghandaan ang exhibit. Binigyan kami ng isang linggo para paghandaan ang project na ito. Ang saya lang dahil napapamalas ko kung saan ako marunong sa kursong ito. I painted everything by hand—mula sa mga wall panels hanggang sa maliit na signage ng exhibit. Lahat ay sinigurado kong may texture, warmth, at detalye. Si Reese naman ang gumagawa ng 3D model gamit ang CAD software na parang laruan lang sa kanya. Maliit lang ang booth namin, pero unti-unti na itong nagkakabuhay—may hugis, may kulay, at may kwento. Pati ang layout niya ay naka-base sa flow ng kitchen workspace. Tuwang tuwa si Reese nang makita ang mock-up. "Parang totoong kusina na may magic," aniya. “Konti na lang. Ma-visualize na natin na mga planong ginawa natin.” Sambit ko habang tinitingan ang booth. At sa gitna ng ginagawa namin, hindi ko maiwasang mapaisip—ang saya pala ng pakiramdam kapag may katuwang ka na hindi lang masipag, kundi masaya ring kasama. Dalawang araw na lang at mas lalo kaming naging busy. Nagkukulang ang oras dahil nagiging limitado lamang ang aming vacant time sa mga sumusunod na klase. Lalo na ngayong kailangan pa naming mag-revise ng ilang detalye sa layout. May feedback si Prof na dapat daw mas malinaw ang emotional transition ng bawat section. Kaya kahit pagod na kami, push pa rin. Kahit sandali lang ang pahinga, sinisigurado kong napipinturahan ko pa rin ng tama ang bawat sulok ng panels. Si Reese, habang naka-headphones, ay naka-focus sa final rendering ng digital mock-up namin. Sa gitna ng pagod, ramdam ko pa rin ang excitement. Kapag ganito pala ang pakiramdam ng paggawa ng isang bagay na mahal mo, kahit ang stress ay may halong saya. Biglang dumating si Professor Sison, may hawak na clipboard at may kasama pang dalawang student assistants. Tumigil kami saglit sa ginagawa nang marinig namin ang kanyang boses. "Okay, team. Good progress so far," aniya habang tinitingnan ang setup namin. "Dalawang araw na lang, ha. Make sure that the concept is clear and emotionally compelling. Hindi lang ito basta design—gusto kong maramdaman ang kwento." Sumaludo pa si Reese na parang sundalo. "Yes, Prof! Meron po kaming scent diffuser for cinnamon and vanilla, and we're layering the panels para mas ramdam ‘yung emotional flow." Tumango si Prof at ngumiti. "Nice touch. Continue refining the transitions. Gusto kong makita ‘yung build-up ng emotion. Malaki ang potential ng concept niyo. Keep it up." Pagkaalis niya ay sabay kaming napabuntong-hininga. "Parang biglang triple ‘yung pressure, ah," bulong ko. "Challenge accepted," sagot ni Reese sabay wink. Bumalik siya sa laptop habang ako naman ay muling bumalik sa pagpe-paint. Mas lalong naging malinaw sa akin na gusto ko talaga ‘tong ginagawa ko—lalo na kapag may taong naniniwala rin sa kakayahan ko. Ang ibang kaklase namin ay busy rin. Sa kani-kanilang booth ay halos hindi na sila ngumingiti sa dami ng ginagawa. Tapos na ang lahat ng klase namin para sa araw na ito kaya ito na lang pinagkakaabalahan ng buong klase. “Lauren! Careful! Basa pa iyan.” Sigaw ni Reese. Sa pagmamadali ko sa paglalakad ay muntik na akong madapa sa bago kong pinta na panel. “I’m fine, Reese. Don’t worry, hindi naman nasira. Mabuti na lang.” I chuckled. “Naku! Kapag nagkataon ay uulitin pa natin iyan. We don’t have much time,” sabay dungaw ni Professor Sison sa gawa naming panel. "Be careful with the textures—delicate ang mood na pinipinta niyo rito. A small smudge can change the whole emotion." Tumango siya at saka ngumiti. “Kaya ‘yan. Just stay focused and consistent. Don’t lose the message in the details.” Kinabukasan ay exhibit day na. Maaga pa lang ay nasa gymnasium na kami, kung saan gaganapin ang buong exhibit ng klase. Iba’t ibang booths ang inaayos sa magkabilang gilid ng malawak na espasyo—halos bawat sulok ay may kanya-kanyang tema, kulay, at disenyo. Ramdam ang excitement at kaba sa paligid, lalo na’t bukas ito para sa lahat ng estudyante at guro sa buong university. Halos wala na kaming tulog pero mas nanaig ang adrenaline. Pinagpapawisan ako habang inaayos ang mga signage sa harap ng booth namin, sinisiguradong pantay ang pagkakalapat at klaro ang font. Si Reese ay nag-aayos ng mga LED lights at sinisiguradong tama ang placement ng scent diffusers para kumalat ang amoy ng cinnamon at vanilla. Dumating si Prof Sison para sa final check. Suot ang ID lanyard niya at may clipboard sa kamay, inikot niya ang buong gymnasium. Tahimik kaming lahat habang sinusuri niya ang bawat booth. Pagdating sa amin, sandali siyang tumigil, pinakiramdaman ang paligid. Lumapit siya sa panel, lumanghap ng konting hangin, at saka ngumiti. “This... this feels like home,” aniya. “Very well done. Let’s get ready to present.” Ilang sandali pang paghihintay at tinawag na kaming lahat para sa huddle. Pinalibutan namin si Prof Sison habang ito ay nagsasalita. Hawak ni Reese ang kamay ko at nagpapawis na ito. Alam kong kinakabahan siya at ganoon na rin ako. “All your concepts were extraordinary. With that, great job class.” Nagpalakpakan kaming lahat sa unang papuri ng professor namin. “Now is the time to present it to everyone. Remember, buong school ang maaring makakita nito. Me and the judges will continuously round to check up on you. Smile and be confident.” “Kayo ang gumawa ng project. Kayo ang nagbigay buhay sa exhibit na ito. I’m sure you will explain it thoroughly to everyone, especially to yourselves. So class, enjoy!” Napatingin ako kay Reese at pareho kaming napangiti. Mula sa makalat na sketches, endless na revisions, at gabi-gabing pagod, heto na kami—nakatayo sa harap ng gawa naming booth na tila may sariling buhay. Ilang sandali pa’y nagsimula nang pumasok ang mga estudyante at guro, bawat isa’y umiikot sa iba’t ibang exhibit. May lumapit sa amin na grupo ng freshmen na halatang curious. Tumango ako kay Reese na parang senyas na siya na ang bahala. Habang masiglang ipinapaliwanag ni Reese ang layout at design choices namin, ako naman ay pinakiramdaman ang paligid. Sa ilaw, sa amoy, sa mga detalyeng pinaghirapan namin—nandoon nga ang comfort. Ang tahanan. At sa puso ko, naroon pa rin ang alaala ng isang taong nagbigay ng inspirasyon para buuin ito. Napalingon ako sa may gilid ng gym. Wala naman akong inaasahan, pero para bang kahit hindi ko gustong aminin, may inaantay ako. Kahit isang sulyap lang mula sa taong laging bumabalik sa isip ko sa tuwing naiisip ko ang salitang "home." At sa gitna ng amoy ng vanilla at cinnamon, naalala ko si Mama. Ang kusina namin sa bahay, ang apron niya na may nakaburdang “Best Mom”, at ang paraan ng pagtitig niya sa akin habang nagpipinta ako sa dining table. “You look so happy doing the things you actually love, anak.” Naririnig kong sinasabi niya ito ngayon sa akin. Binubulong sa aking tainga at yumayakap ang kanyang bango sa buo kong katawan. Ngayong narito ako, sa exhibit na ito, dala ko ang bawat alaala niya sa bawat kulay, bawat texture, bawat amoy na nasa booth naming ito. Ito ang tahanan. Hindi lang dahil sa itsura. Kundi dahil sa damdaming dala nito—alaala, inspirasyon, at pagmamahal. At sa puso ko, naroon pa rin ang alaala ng isang taong nagbigay ng inspirasyon para buuin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD