Layers
Sa gitna ng maingay at makulay na gymnasium, tahimik lang ang booth namin—parang lihim na espasyong humihinga sa pagitan ng gulo. Square lang ang layout, walang paligoy-ligoy, pero may sariling anyo ng katahimikan.
Ang mga pader ay punong-puno ng karakter—bawat tile na ginamit ay may kwento. Mexican tiles na makukulay ang pinili naming gayahin, parang mosaic ng mga alaala. Sa taas, nakasabit ang mga olive green cabinets, halos sumasayaw sa hangin na parang dahon sa hardin ni Mama. Pamilyar. Mainit. Tahanan.
Sa gitna ng booth, nandoon ang mock-up na induction cooker at oven—mga props lang, gawa sa painted wood at karton, pero crafted na parang totoo. Hindi man sila functional, may bigat pa rin ang presensya nila. Kasi para sa akin, they were a symbol. Ng paggawa. Ng pagmamahal. Ng proseso. Ng mga alaala na dahan-dahang binubuo.
Yung countertop na parang marble, pero hindi naman talaga—pintadong plywood lang na nilagyan ng plastic wrap na may marble design. Sabi ni Reese, reclaimed daw kunwari for storytelling, pero para sa akin, parang alaala rin siya—makinis pero may history, may pinagdaanan. Sa ilalim ng clustered warm bulbs na nakasabit sa kisame, parang pinapainitan ang mga kwento ng booth. Golden ‘yung ilaw. Parang memorya na hindi mo ma-let go.
Sa taas, may mga index card na nakasabit. Gawa sa lumang papel, sulat kamay, may mantsa pa ng tinta at punô ng karakter. Mga recipe. May iba galing kay Reese. Yung iba, galing sa lola niya raw. May isa, ako ang gumawa—chocolate cake na kinuha ko lang ang recipe sa internet. Hindi ko nga alam kung napansin ni Reese ‘yon, pero wala na akong pake. Ang mahalaga, nandoon siya. Kasama sa kwento.
Sa kaliwang bahagi, naamoy mo na agad ang cinnamon at vanilla mula sa diffuser. Subtle, pero ramdam. Parang amoy ng umagang hindi mo na kailangan magsalita. Sa kanan naman, nandoon ang art piece ni Reese—isang itlog na parang may bitak, tapos sa loob may orange light na parang tumitibok. Fragile pero buhay.
May maliit na table for two sa harap ng counter. Simple lang, gawa sa kahoy at anggulo ng bahagyang naka-lean in. Parang niyayaya ka pumasok. Sa ibabaw, may cardboard at Styrofoam versions ng comfort foods. Gawa ko. Pancit, champorado, sinangag na may itlog, adobo at sinigang na baboy. Hindi sila totoo—pero hindi mo rin kailangan kainin para maramdaman kung anong ibig sabihin nila.
Ito ang booth namin. Hindi lang siya art. Hindi lang siya design. Para sa akin, kwento siya ng lahat ng hindi ko masabi. At ngayong nakatayo ako rito, sa gitna ng cinnamon air at golden lights, hindi ko mapigilang mapangiti.
“Lauren,” tawag ni Reese habang inaayos niya ‘yung ilaw sa egg installation. “We did it.”
Tumango lang ako. "Oo nga, no? We actually did.
Habang abala si Reese sa pag-eentertain ng mga estudyante at guro sa harap ng booth—kulang na lang ay magpasa siya ng feedback form—napansin ko ang unti-unting pagdami ng tao sa loob ng gymnasium. May mga propesor, upperclassmen, freshmen. Lahat sila curious, may hawak na phones, o kaya'y may notebook pang nagja-jot down ng napupusuan nilang design.
And then, sa kabilang dulo ng gym, nakita ko siya.
Ivan.
Nakasuot ng simpleng gray shirt at itim na jacket, at habang naglalakad siya, parang bumagal ang buong paligid. Parang tumahimik bigla ang gym, kahit alam kong hindi naman.
Wala ba siyang klase?
Naglakad siya nang dahan-dahan, pasulyap-sulyap sa mga booth habang hawak ang isang piraso ng folded event pamphlet. Hindi ko alam kung hinahanap niya ako. Hindi ko rin alam kung para saan talaga ang pagpunta niya. Pero nang magtagpo ang mga mata namin, kahit saglit lang, parang may humawak sa puso ko at pinigang marahan.
Nag-iwas ako agad ng tingin. Baka kasi isipin niya, masyado akong assuming. Pero kahit tumalikod na ako, hindi ko mapigilang mapangiti. He’s here.
“Thank you for coming! Sabihan niyo rin friends niyo na magpunta dito. I’m sure mag-enjoy din sila!” Masiglang masigla si Reese at abala sa mga taong nagpupunta sa booth namin.
“Ang ganda naman nito,” isang boses mula sa gilid ang pumukaw sa amin.
Paglingon ko, isang propesor mula sa Fine Arts department ang nakatayo sa harap ng booth namin. Naka-slacks at button-up shirt siya, may hawak na clipboard at mukhang sinusuri ang bawat detalye.
“Napakalinaw ng emotional message,” sabi niya, lumapit pa sa table for two. “It feels nostalgic. Warm. Very personal.”
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Parang napako ako sa kinatatayuan ko, tila naubusan ng salita. May gustong lumabas mula sa dibdib ko—pasasalamat, tuwa, lungkot, lahat sabay-sabay—pero parang naghalo-halo at hindi ko alam kung alin ang uunahin. Ang lalamunan ko, parang may bara. Nakatingin lang ako sa propesor, saka kay Reese, habang pilit kong inaayos ang sarili ko sa loob.
Buti na lang at si Reese ay parang palaging ready. Parang nabasa niya agad ang takbo ng isip ko at kusa na siyang humakbang para saluhin ang katahimikan ko.
“Thank you po, sir!” masigla niyang sagot. “We wanted to recreate the feeling of home through food and design. Si Lauren po ang nag-design ng layout and spatial feel. Siya rin ang nagpaint ng background panels.”
“Siya naman po ang gumawa ng mga 3D models at lahat ng may kinalaman sa technology. We really worked hard to come up with this idea po.” Sagot ko naman para hindi naman maramdaman ni Reese na magisa siya sa pagpapaliwanag ng concept namin.
“Talaga?” Tumango ang propesor, saka tumingin sa akin. “Maganda ang mata niyo sa detalye. At mas maganda pa kasi ramdam. Keep that spirit.”
Napalunok ako. Hindi ako agad nakapagsalita. Parang may kung anong namuo sa lalamunan ko—hindi luha, hindi salita—basta bigat lang ng damdaming hindi ko alam kung paano ilalabas. Ilang beses kong sinubukang magsalita, pero kahit 'yung salitang "thank you" ay ayaw lumabas.
Tumango na lang ako, pilit ang ngiti. Pero alam kong hindi iyon pilit sa loob. Dahil sa simpleng papuri, parang may gumuhit na liwanag sa dibdib ko. Reese placed a hand on my back, a gentle squeeze, as if to say, "you did it." At kahit walang ibang salita, ramdam ko ang ibig niyang iparating.
Sa unang beses, hindi lang ako nagpakita ng galing. Nagpakita rin ako ng puso. At naramdaman nila iyon. Nararamdaman ko rin.
Sa di kalayuan, napansin kong nakikinig si Prof Sison. Hindi siya lumapit, pero nakita kong tumango siya. Nakangiti. Parang sinasabing, ‘I told you so.’
Napatingin ako sa booth namin. Sa mga huwad na kagamitan—mga mock-up lang na cooker at oven, mga props na pinturang kahoy at karton. Sa countertop na plastik at pinatadong plywood na ginaya lang sa marble. Sa mga recipe cards na parang totoo pero mga print-out lang na sinadyang gusutin para magmukhang lumang sulat. Sa ilaw na binili lang sa hardware. Sa diffuser na halos hindi na gumagana. Sa art installation na itlog na may ilaw sa loob, gawa sa papier-mâché at Christmas lights. Lahat ito, mga peke kung iisipin. Pero sa pagkakapeke nila, naging totoo silang representasyon ng isang damdamin—ng tahanan, ng pag-aalaga, ng alaala.
Pinaghirapan naming dalawa ni Reese ang bawat detalye. At sa kauna-unahang pagkakataon, hindi lang ako narinig bilang estudyante—kundi bilang isang taong may kayang magpahayag ng damdamin sa art. Parang sinasabi ng bawat bisita, "Nakikita ka namin."
Sa loob-loob ko, ang sarap pala ng pakiramdam na makita. Hindi lang academically, pero emotionally rin. Parang sinasabing: valid ka. Kumpleto ka.
Nagpatuloy ang pagpasok ng mga bisita, habang si Reese ay walang kapaguran sa pag-eexplain sa bawat dumadaan.
“Yung concept po talaga namin ay built from layers of sensory memory,” paliwanag niya sa isang grupo ng mga estudyante.
“Parang pag naamoy mo ‘yung cinnamon, bigla mong naaalala ‘yung kusina ng lola mo. Ganun po sana ‘yung goal.”
“Amazing,” bulalas ng isa. “Yung visuals niyo po, sobrang cohesive. Parang themed café pero may lalim.”
“Grabe ‘yung egg sculpture,” dagdag pa ng isa. “Who made that?”
“I did,” turo ni Reese sa sarili. “Pero ‘yung buong layout? ‘Yung mood, lighting, and paintings? Si Lauren po ang gumawa. Her hands made this place feel alive.”
Lumingon sila sa akin, sabay-sabay pang tumango. “Ang galing mo, ate.”
Napangiti lang ako, pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Parang ang tagal kong hindi napansin. At ngayon, parang bigla akong napuno.
Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang unti-unting paglapit ni Ivan. Ngunit hindi siya nagiisa. May isa pa siyang lalaki na kasama na nakasuot ng puting culinary uniform. Nakita ko na iyan na sinuot niya noon kaya kaklase niya siguro.
Habang palapit siya ay ginagalaw ko ang kung anomamg mahawakan ko. I tried to be busy para lang mapagtakpan ang kabang nararamdaman.
“Lauren, huy, ilang ikot pa sa plato ang kailangan no dyan?” Sambit ni Reese sa likod ko, mahina lang para hindi marinig ng ibang estudyante sa loob ng booth.
“Sorry. Nagulo ko lang.”
Pinirmi ko na lang ang aking mga kamay sa aking gilid at humarap. Wala na rin namang patutunguhan dahil nasa harap ko na rin si Ivan at ang isa pang lalaki.
“This is nice. A very unique booth.” Komento ng lalaki pagkatapos libutin ng tingin ang aming booth.
“Hi. W-welcome to our booth.” Sa sobrang hina ay para na itong bulong.
“You're Lauren, right?” Ang kasama niya pa ring lalaki ang nagsasalita habang siya ay nakatitig lang sa akin.
“Opo. I'm Lauren. Nice to meet you.” Ako na ang nagextend ng aking braso sa kanyang harapan.
“Daniel Revamonte. I'm Dani’s brother. She told me a lot about you.” He smiled then accepted my hand for a handshake.
Marahan niya itong pinisil bago bitawan nang narinig ko ang pagtikhim ni Ivan.
Reese turned around with her usual sparkle. “Hi! Welcome! Halika, I’ll give you a quick tour.”
Habang abala si Reese sa pag-eexplain kay Daniel kung paano namin bina-build ang concept ng comfort at emotional storytelling, lumapit ng bahagya si Ivan. Hindi siya agad nagsalita, pero tiningnan niya ang buong booth—mula sa mga fake appliances hanggang sa egg light installation.
“Ang galing nito,” sabi niya, halos pabulong. “Parang... totoo.”
“Thanks,” sagot ko, mahina rin. Hindi ako makatingin ng diretso. Parang biglang bumigat ‘yung hangin sa paligid ko. Kasi he’s here. He really came.
“Lahat ‘to gawa niyo?”
Tumango ako. “Mostly props lang. Peke ‘yung countertop, karton lang ‘yung oven, pero...”
“Pero ramdam,” sabat niya. Tumingin siya sa akin. “Ramdam ‘yung warmth. Like may kwento talaga.”
Napangiti ako, pero hindi ko pa rin alam kung anong dapat isagot. Gusto kong magsalita—sabihin kung gaano kahalaga ‘tong booth na ‘to para sa akin, kung paano siya naging dahilan ng ilan sa mga inspirasyon ko. Pero hindi ko magawa. Parang may takip ang bibig ko. Sa halip, tumango lang ako ulit. At tinanggap ang presensya niya. Sa katahimikan.
“You did good here, Lauren.”
Tiningala ko ang kanyang tangkad at nakita ko ang lambot ng kanyang mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyon.
“This was different from the mural you made from our garden but it feels the same. It feels you.”
Hindi ako agad nakasagot. Parang may nahulog sa loob ko. O baka ako ‘yung nahulog ulit. Sa mismong tono ng boses niya, sa titig, sa paraan ng pagkakabanggit niya ng salitang “you.”
Nagpumiglas ang puso ko. Pero pinilit kong ngumiti.
“Salamat,” mahina kong tugon. Baka ‘yun lang ang salitang hindi ko pagsisisihan sa ngayon.
Nasasanay na ako sa mga papuring binibigay niya. Pero ayoko ring masanay dahil alam ko dadating ang panahon na mawawala lang ito ng parang bula.
I mean, look at our differences. From status to our age. Sigurado ako na hindi naman siya magkakaroon ng interes sa mas bata sa kanya. I am like her sister, Adelina. He wants mature women, someone who's old enough to handle a relationship. Yung may karanasan.
Bakit ko ba iniisip ito?
Alam ko namang hindi mangyayari ang gusto ko.
Biglang bumalik sa akin ang alaala ng silid-aralang sinilungan namin noong umulan. Ang ingay ng ulan sa bubong. Ang init ng coat niya sa balikat ko. Ang amoy ng vanilla at spices na halos pareho ng naamoy ko ngayon sa diffuser. Ang pagkakatitig niya sa akin—tahimik pero buo.
"You still want that chocolate cake?"
Parang narinig ko ulit ang boses niya sa loob ng booth. Muling tumibok ang memorya. Yung eksena sa sketchpad ko, kung saan napansin niyang mukha niya ‘yung ginuhit ko kahit hindi ko amining oo nga. Yung mismong moment na gusto kong itago pero kusa pa ring bumabalik.
Ang chocolate cake na iniugnay ko sa alaala ni Mama, naging tulay para kay Ivan. At sa bawat pahina ng sketchpad ko, may himig na siya. Sa bawat guhit, sa bawat anino, nandoon siya—kahit pa pilitin kong burahin.
Napakapit ako sa gilid ng booth, pilit pinapakalma ang sarili. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nandito siya, o matakot na baka mahulog pa ako nang mas malalim. Pero sa ngayon, isa lang ang malinaw: nandito siya. At ako—ako ay naririto ring buo. Handa nang maramdaman ang lahat.
The event went well at marami din ang mga taong nagpunta para lang silipin ang bawat booth. Maraming papuri at opinyon ang natanggap namin ni Reese dahil sa aming concept. At talagang nagenjoy kami.
Muli kaming tinipon ni Prof Sison sa isang tabi upang kausapin. Kasama niya ang ibang professors na naging judge sa maghapon.
“Congratulations everyone, for your first successful event. I want to commend each and everyone of you for exerting your best efforts for this project.” Sabay kaming pumalakpak lahat. Ang mga judges naman ay nakangiti lamang habang kami ay pinagmamasdan.
Tinaas ni Prof Sison ay maliit na envelope. “Narito na ang result ng mananalo para sa may pinakamagandang booth. Each will receive one thousand pesos and all of you will receive a passing grade for this first semester!”
Lalong lumakas ang hiwayan at palakpakan ng buong klase sa magandang balita na hatid ni prof. Ang dami ko na agad naiisip kung ano ang maaari kong gawin sa one thousand pesos na iyon. Pwede ko na yun maging allowance ng isang linggo!
Pero syempre, lahat kami ng magkakaklase ay binigay ang lahat para lang maging maganda ang kalabasan ng bawat booth. Lahat maganda, walang tapon. Iba’t iba man kami ng naging konsepto, pero iisa ang layunin namin sa proyektong ito. At ang pinaka mahalaga nagenjoy kami.
Wala naman magiging talo dito. Passing grade for the first semester para sa lahat. Hindi na masama.
Hinawakan ni Reese ang kamay ko at marahang pinisil. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Wala nang kaba ang bumabalot sa aming dalawa. Ginhawa at pagod. Iyon na lamang ang natitira.
“Kung sino man ang manalo sa patimpalak na ito ni prof, nagpapasalamat pa rin ako sayo kasi pinagkatiwalaan mo ako.” Bulong niya.
“Kahit hindi tayo ang manalo, ginawa natin ang best natin. Okay na yun at nagpapasalamat din ako sa lahat ng tulong mo.”
Binuksan na ni Prof Sison ang sobre at ilang segundo pa ay nag anunsyo na siya ng panalo. Hindi kami ang pinili ni Reese. Yung isang kaklase namin ang nanalo. Kakaiba rin ang kanilang konsepto. Industrial with dismantled car parts. Ginawa nila iyong coffee shop at nagmistulang totoong negosyo nga iyon. Maganda at unique.
Umuwi pa rin ako sa dorm nang nakangiti kahit halata na ang pagod sa aking katawan. Agad akong naglinis ng mga kalat na natira kaninang umaga at nagsaing na rin. Pagkatapos ay naglinis na ako ng katawan.
Habang nagliligpit ako ng aking gamit sa bag ay nadala ko pala ang mga handwritten recipes na sinulat naming dalawa ni Reese. Isa roon ay may personal note na “handwritten by a mother”. Napangiti ako dahil muli kong naalala si Mama.
Kinuha ko ang aking phone at kinuhanan iyon ng litrato. Pinadala ko iyon kay Mama kasama ng ilang pictures na kuha ko habang nasa booth.
Ako:
First project po ng klase namin. Naalala kita. I miss you, Ma.
Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Kung kumain na ba siya. Kung ano na naman ang iniisip niya.
Matagal na silang hiwalay ni Papa at alam kong naiisip niya pa rin ang mga pangyayari noon.
Ayoko na malungkot siyang muli. At kung muli naman siyang iibig ay pabor sa akin. Kung iyon ang magiging rason para muli siyang ngumiti.
Mama:
Ang ganda ng gawa mo, anak. Miss na rin kita. Huwag mong pababayaan ang sarili mo ha.
Huwag mo rin pababayaan ang sarili mo, Ma.
Ilang minuto pa ay dumating na rin si Dani. Pabagsak na umupo sa sofa at halatang pagod rin.
“Kainin mo na muna ito habang mainit pa.” Nagluto kasi ako ng instant chicken noodles soup. Nilagyan ko rin ng tubig ang kanyang baso.
Nang maamoy niya siguro ang sabaw ay agad siyang tumayo at lumapit sa dining.
“Wow naman, Lauren. Salamat dito ha! Nauna ka na palang kumain.”
Tumango lang ako habang inaabot sa kanya ang baso ng tubig. “Oo, tinamad na akong lumabas ulit para bumili sana ng ulam kaya iyan na lang niluto ko."
Umupo siya sa tabi ko at sinimulang hipan ang mainit na sabaw. “Sumilip ako kanina saglit sa exhibit. Ang daming tao! Ang ganda ng booth niyo, sobra.”
“Sayang nga’t ‘di ka nakatagal,” sabi ko, pinipilit maging kalmado ang tono ko kahit umaapaw pa rin ang adrenaline mula sa mga nangyari kanina.
“May next class pa kasi ako,” sagot niya, bago sumimsim ng kaunti sa sabaw. “Pero proud ako sa’yo, Lauren. Galing mo. Ramdam ko ‘yung puso mo sa gawa mo.”
Hindi ako agad nakasagot. Parang biglang may lumukob na damdamin na hindi ko maipaliwanag—halo-halong tuwa, hiya, at gulat. Kasi totoo, hindi ko inakalang mapapansin nila. Akala ko kanina, 'yung feeling ng pagkakakita kay Ivan ang pinakamatimbang. Pero ngayon, itong simpleng papuri mula sa isang kaibigan, parang may ibang bigat.
Tumingin ako sa kanya, saka ngumiti. “Salamat, Dani. Hindi ko alam kung paano sasabihin, pero... parang ang gaan sa pakiramdam.”
Tumawa siya ng mahina, sabay abot ng tisyu sa akin kahit hindi ko naman sinabing naiiyak ako. “Hindi mo kailangang sabihin lahat. Ramdam naman,” dagdag niya, parang sinasabi na sapat na ‘yung pinakita ko. Sapat na ‘yung ginawa ko.
Bukas, sisimulan ko ulit magpinta. Hindi para ibenta. Kundi para mapagaan ang loob ko. Ang sarap sa pakiramdam na na appreciate ng ibang tao ang art ko.