Yellow
I threw away all my art supplies before going to college.
I made a promise to my mom that I will focus on my studies. I told myself that I will not paint again because it brings memories of my father. Pero kahit anong pilit ko o kahit itago ko sa pinaka ilalim, lumilitaw pa rin ang pagmamahal ko sa sining.
Art is not just about drawing or painting—it tells stories, expresses emotions, and keeps you grounded. It connects us to our deepest thoughts, reflects the beauty and chaos of life, and allows the soul to speak without words.
Sa ngayon, lapis at sketchpad lang ang meron ako. Pagiipunan ko para makabili ulit ako ng paint brushes, oil and acrylics pati na rin canvas.
Maaga akong nagising pero wala akong pasok. Uuwi ako mamaya kay Mama pero sa hapon pa naman ang biyahe ko. Kaharap ang blankong pahina ng sketchpad at hawak ang bagong tasang lapis, nagsimula akong gumihit ng mga linya. I will let my imagination flow while my hands will make them.
Gumuguhit ang aking lapis simula sa gitna ng papel. Hanggang sa makabuo ako ng bilog. Labindalawang petals sa paligid ng bilog at ginawan ko pa ng shadows para mas maging makatotohanan. Hanggang sa magkaroon rin ng tangkay na hahawak sa bulaklak.
Daisy. Isa itong daisy. Simpleng bulaklak, pero punong-puno ng kahulugan. Sumisimbolo ng bagong simula, ng kalinisan, ng inosente at payapang damdamin. Para sa akin, ito ang paalala na kahit ilang beses akong masaktan, may puwang pa rin para magsimula muli.
Sa likuran ng bulaklak, gumuhit ako ng maraming linya—mga magulong pattern, tila ulap na mabigat, o dilim na dumarapo tuwing gabi. Sinadya ko iyon. Gusto kong mas lalong luminaw ang daisy. Gusto kong makita ng sino mang makakasilip ng drawing na ito, na kahit may dilim, may liwanag pa ring pinipilit bumalot. Para bang inaarawan mula sa gilid ang bulaklak. Isang sinag ng pag-asa sa gitna ng lahat.
Napatingin ako sa buong drawing. Ang ganda.
Hindi lang dahil maganda siyang tignan, kundi dahil may laman. May kwento. May pinanggagalingan. Para itong sarili ko sa papel—puno ng peklat pero pilit pa ring namumukadkad.
I took a picture of my drawing and sent it to my Mama.
Ako:
Good morning, Mama.
Napangiti ako.
Sinend ko kay Mama ang ginuhit kong daisy dahil alam kong alam niya rin ang kahulugan. Hindi ko na kailangang i-explain pa. Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa, sapat na ang isang larawan para maintindihan niya ang gusto kong sabihin. Isang simpleng drawing lang sa mata ng iba, pero para sa amin ni Mama, ito’y paalala na kaya pa ring magsimula muli kahit pagod na. Na kahit ilang beses nang nagkadurog-durog ang mga pangarap, may pagkakataon pa ring mamukadkad.
Tahimik lang ang phone ko matapos kong i-send sa kanya. Wala pa ring reply. Pero sa loob-loob ko, alam kong tinitigan niya rin ito nang matagal, gaya ng pagtitig ko habang ginagawa ito. At kung sakaling mapaluha man siya, gusto kong maramdaman niya na hindi siya nag-iisa.
Nagpatuloy ako sa araw ako. Inilagay ko sa isang malaking eco bag ang mga gamit at damit na dadalhin ko sa bahay para linisan.
“Sayang, uuwi ka pala. Gusto ko sana isama ka sa gala ko ngayon.” Sambit ni Dani habang pinapanood akong magayos ng gamit sa kama ko. Kakagising niya lang at hindi pa bumabangon sa kanyang kama.
“Next week na lang, Dani. Plano ko na talaga kasing umuwi this weekend kaya hindi kita masasamahan.”
“Sige! Clear out your calendar ha. Gusto ko Sabado at Linggo tayong aalis.”
Napatawa na lamang ako. Wala rin kasi siyang pasok ng weekend. Sabi niya ay dito lamang siya sa dorm at magpapadeliver na lang ng pagkain dahil nga pareho kaming hindi marunong magluto.
Pagsapit ng Lunes, bumalik na rin ako sa dorm bitbit ang mga bagong kwento at bagong labang mga damit mula sa bahay. Maaga akong pumasok sa klase, dala pa rin ang pakiramdam ng katahimikang hatid ng weekend sa piling ni Mama. Pero habang unti-unting napupuno ang hallway ng mga estudyante at ang classroom ng maingay na usapan, ramdam kong balik na naman ako sa reyalidad—sa mundong kailangang harapin araw-araw.
Naging makabuluhan naman ang bonding namin ni Mama kahit limitado lang dahil sa kanyang trabaho. Natikman kong muli ang lutong bahay na kalderetang spare ribs at ang mainit na sabaw ng sinigang na baboy. Pinasyal ako ni Mama sa mall at nabasa niya ata ang aking isipan dahil binilhan niya ako ng maliliit na acrylic paint set mula sa bookstore. Basic colors lang pero ang dami ko nang naiisip na larawan ang maaari kong kulayan.
Pagkarating ko sa campus ay agad akong pinatawag ni Professor Sison sa faculty room.
“Good morning, Sir. Pinatawag nyo raw po ako?” Pagbati ko nang makarating ako sa kanyang station.
Iminuwestra niya ang upuan sa harapan ng kanyang lamesa para ako ay maupo.
“This will just be quick and I want you to think of this thoroughly.”
Bigla naman akong kinabahan. Pero ang paraan ng pagkakasabi niya ay tila masigla at puno ng excitement. Kumukurba rin ang kanyang labi kaya magandang balita naman siguro ang hatid.
“Ano po ba iyon?” Tanong ko.
“Well…” may kinuha siya sa kanyang drawer, isang papel. “Fine Arts Club.”
Iyon nga ang nakasulat sa pinakaunang bahagi ng papel. Pinakita niya iyon sa akin at mas lalo lamang akong nacurious dahil sa mga larawan na naroon.
“The school offers this club to artistic students. It’s an extracurricular activity that has workshops, regular art sessions and collaborative projects.”
“Pwede yan sa physical or digital art. Kahit ano. Kahit saan mo gusto, Lauren. I want you to join this club.”
The offer sounds exciting. Biruin mo, makakapagpaint o sketch ako araw araw basta kasama ako sa club na ito. Kung may kulang man sa mga skills ko, may workshop at mentor na magtuturo. Makakakilala rin ako ng iba pang students na mahilig din magpinta.
“At hindi lang iyan. Since the club is doing collaborative projects, pwede kang sumali rin sa mga competitions and exhibits. Nagpapacontest din naman ang school paminsan minsan once they have the budget.”
Alam kong kumikinang ang mata ko sa mga sinasabi ngayon ni prof. Pero nagaalinlangan ako sa pagpasok sa contests o exhibits. Paano kung hindi naman maganda ang maging obra ko? Paano kung hindi magustuhan ng mga tao? Paano kung hindi naman para sa akin ito?
“Hindi ko ito ioffer sayo kung hindi ka para dito.”
Napatingin akong bigla sa kanya dahil tila nabasa niya ang nasa isip ko. Lumawak ang kanyang ngiti at nagabot siyang muli ng papel sa akin. Admission form for the Fine Arts Club.
“Think this through, hija. Minsan lang ang estudyanteng may ganitong talento. At ayoko na itago mo ito.” Wika niya, mahinahon pero may bigat sa boses.
Gusto kong abutin ang papel at sulatan ng aking pangalan ngunit pinipigilan ako ng aking isip. What’s stopping me? Kung magpinta ba ako ulit o ipamalas ito sa mata ng ibang tao, may mangyayari ba?
What if they like it? What if they don’t?
What if I pour my heart into something, and still feel empty?
Pinikit ko ang mga mata ko ng ilang segundo, pilit pinapakalma ang utak kong masyadong maingay.
Hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Pero sa dami ng tanong sa puso ko ngayon…
Isa lang ang malinaw.
Miss ko na rin ito.
Hindi naman ako agad pinilit ni Prof Sison sa desisyon ko. Imbis ay sinamahan niya ako para ipakita sa akin ang art studio ng campus. Nasa isang di kalayuang building iyon mula sa faculty at sa pinaka top floor pa. Hanggang tatlong palapag lang naman pero malawak iyon at puno ng marami pang pinto. Nakakapagtaka lang dahil parang ang tahimik naman ng building na ito. Wala masyadong estudyante at sa mga nadaanan namin ay walang mga guro.
“This building is actually designed for clubs and studios. Kaya wala masyadong tao rito, minsan lang if they really need to be here.” Sambit ni prof. Which explains it.
Binuksan niya ang pinakahuling pintuan. “We’re here.”
Pagpasok ko, napahinto ako sa mismong bungad.
Maluwag ang silid. Mataas ang kisame, may mga bintanang halos abot sa bubong at pinapasok ng natural na liwanag ang buong kwarto. Ang init ng sikat ng araw ay dumudungaw sa mga sahig na may bahid pa ng mga tuyong pintura. May ilang splotches ng red, blue, green—na parang bakas ng mga damdaming naiwan ng mga naunang artists.
May mga easels na nakaayos sa magkabilang panig. Yung iba, may canvas pa—unfinished paintings na parang nananabik matapos. Sa gitna ng studio, may mahaba at makapal na worktable, puno ng art materials: oil pastels, tubes of acrylic paint, jars of cloudy water, brushes na parang pagod pero ready pa ring gamitin.
May dalawang industrial fans sa gilid. Hindi aircon, pero presko pa rin dahil sa bukas na bintana.
Sa likod, may isang corner na may shelves na puno ng sketchpads, portfolios, at ilang plaster busts—mga classical figures na ginagamit sa pag-aaral ng form.
Tahimik ang buong lugar. Pero hindi patay—bagkus, parang buhay na buhay sa sarili niyang paraan. Yung tipo ng katahimikan na hindi nakakabingi, kundi nakakapag-isip. Nakakapagpinta.
Parang humigop ng hangin ang puso ko. Walang salita, pero may mararamdaman ka.
“This is where the Fine Arts Club holds most of their sessions,” ani Prof Sison. “Walang pressure, walang deadline. Just pure expression.”
Tumingin ako sa paligid. And for a moment, I didn’t feel like a student being asked to join a club. I felt like someone was being asked to come home.
“Ang tahimik nga po rito,” mahinang sambit ko habang dahan-dahang naglakad palapit sa worktable. Nilapat ko ang kamay ko sa kahoy na ibabaw nito. Magaspang. May mga talsik pa ng tuyong pintura.
“Parang... ang daming kwento ng mga taong dumaan dito.” Napatingin ako kay Prof Sison. “Gano’n ba talaga ‘yon, sir? Ang art… kwento ng damdamin?”
Ngumiti siya. Hindi ‘yung tipong pang-guro lang—kundi ‘yung parang may alam siyang mas malalim pa kaysa sa sinasabi niya.
“Hindi lang kwento, Lauren. Kundi paalala. Minsan, paalala ng kung sino tayo. O kung saan tayo galing. O kung ano ang kaya pa nating maramdaman.”
Napayuko ako. Hindi dahil nahihiya—kundi dahil may parte sa akin na parang naiintindihan siya, kahit hindi ko pa kayang ilabas lahat ng iyon.
“Baka hindi pa ako handa,” bulong ko. “Pero gusto ko. Gusto kong matutong sabihin ang mga bagay na ‘yon sa ganitong paraan.”
Lumapit siya at marahang tinapik ang balikat ko. “That’s more than enough, hija. Hindi mo kailangang sigaw. Pwedeng paunti-unti. Pwedeng pabulong. Basta totoo.”
Tumango ako. Hindi ko man sabihin nang buo, alam kong narinig niya ang hindi ko nasabi.
“That’s what I saw with your art during the previous exhibit we had. Hindi ka lang basta nagpinta o gumawa ng isang sining. Naramdaman ko rin kung ano ang gusto mong ipahatid. Nakita ko ang mga salitang hindi mo kayang banggitin. Nagkwento ka, Lauren. Ipinamalas mo ang istoryang iyong nabuo sa pamamagitan ng painting.” Marahan na halos pabulong ang kanyang pagkakasabi na siyang tumagos sa aking puso.
Buo na ang loob ko. Buo na ang desisyon ko.
I will join this club.
Tahimik kong binuksan ang admission form na kanina ko pang hawak pero hindi ko mabitawan. Kung kanina ay parang isang bato ang bigat nito – ngunit ngayon ay kasing gaan na ng isang feather. Kinuha ko ang aking ballpen sa bag at umupo sa gilid ng mesa. Mabilis ngunit maingat kong sinulat ang aking pangalan at iba pang detalyeng hinihingi bago ito pirmahan.
Inabot ko ang form kay prof at ramdam ko ang unti unting paggaan ng dibdib ko.
“Ms. Lauren Davino,” pagbanggit niya sa pangalan ko, “welcome to the club.”
Tinapik ni prof ang aking balikat.
Napangiti ako.
“Salamat, sir. Salamat sa opportunity.”
Naglakad siya papunta sa isang estante at kumuha ng maliit na canvas at bagong set ng brushes. Inilapag niya ito sa mesa sa harapan ko.
“You belong here. Start whenever you’re ready.”
Ilang minuto pa ay narito pa rin ako sa loob ng studio. Kaharap ang maliit na blankong canvas na nakatayo sa easel. Nakapalibot sa akin ang iba’t ibang klase ng paint at brushes. May mga lapis na bagong tasa na tila hindi pa rin ginagamit.
But I don’t know what to paint.
Hindi naman ako nawalan ng idea dati. Kulay pa lang ng langit sa hapon, may naipipinta na agad ako sa isipan. Pero ngayon, ang dami kong nararamdaman pero hindi ko alam kung alin ang unang lalabas. Galit ba sa sarili? Lungkot? Saya? O yung parang pagod na hindi mo alam kung saan nanggaling?
Pinikit ko ang aking mga mata. Inalala ko ang mga nakaraang araw—ang ulan sa bintana ng silid-aralan, ang chocolate cake, ang booth sa exhibit, ang simpleng papuri ni Ivan, at ang pagtanggap ko sa sarili kong talento.
Hindi ko pa rin alam kung anong uunahin ko. Pero siguro, hindi ko kailangang malaman agad.
Bumuntong-hininga ako. Dinampot ang brush. Binasa ito ng tubig at kinulay ang unang guhit sa canvas—manipis, kulang sa tiwala, pero nandiyan.
Bago ko pa man masundan ang mga guhit ay may narinig akong mahinang kaluskos. Tila isang bagay na natapon sa sahig. Bukas ang pintuan ng studio kaya madali ko iyong narinig. Binitawan ko ang paint brush at nilapitan ang pinto.
Wala namang ibang tao sa labas. Saan nanggagaling ang kaluskos na iyon?
Ilang segundo ay muli ko iyong narinig. Ngayon naman ay parang isang bagay na nagalaw o naiba ang pwesto. Ang tinis na maihahalintulad ko sa stainless na bagay.
Naririnig ko iyon sa katapat na pinto ng kwarto na naroon ako.
May multo ba dito? O engkanto?
Hindi sara ang pintuan sa katapat na kwarto. Madilim ang loob at mas lalo lamang bumubunga ang kaba sa aking dibdib sa sunod sunod na mahihinang halinghing ang aking naririnig.
Nilapitan ko pa rin ang pintuan. Kahit parang kakawala na sa loob ko ang aking puso ay pinilit ko pa ring tingan ang nasa loob. Habang palapit ako ay mas lumalakas ang kaluskos.
“Ahh…”
Hindi iyon kaluskos. Boses. Mahina at mahinhin na boses.
Napalunok ako ng aking laway at nanginginig na binuksan ang pintuan. Konti lamang at marahan para hindi ko maistorbo ang kung sino o ano man na nasa loob ng kwarto na ito.
Nang tuluyan kong nabuksan ang pinto, sapat lamang para makita ko ang nasa loob, sumalubong sa akin ang malamlam na liwanag mula sa overhead bulb sa dikalayuang lamesa. Tama nga ang hinala ko sa gumagalaw na bagay dahil mahabang stainless steel na lamesa ang naroon. Para itong isang kusina dahil nahahagip ng mahinang ilaw ang stove sa gilid ng lamesa.
Pero hindi iyon ang mas pumukaw ng aking pansin.
Sa ilalim ng dilim at sa liwanag na hatid ng isang overhead bulb, nakita ko ang isang lalaki – pamilyar ang tindig, ang buhok at ang puting uniporme na palagi kong nakikitang suot niya.
Si Ivan.
At ang kaharap niya… isang magandang babae. Mas matangkad sa akin, balingkinitan – parang model. Hanggang balikat ang kanyang tuwid na buhok. Nakasuot ng maroon na blusang pang designer brand pa. Alam ko dahil nakita ko na ang blusang iyon kay Tita Lecia. At sa pagitan nilang dalawa, wala ni katiting na espasyo. Magkadikit ang dibdib at mga labi. Gumagalaw iyon sa mapusok na paraan at sumusunod ang kanilang ulo. Magkayap na gumagala ang mga kamay sa kabuuan ng likod ng babae at sa dibdib nito. Samantalang ang mga braso ng babae ang nakapirming nakapulupot sa leeg ni Ivan.
Parang may bumagsak sa dibdib ko. Pero wala namang tunog. Tahimik lang.
Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo roon. Ang katawan ko, parang naging estatwa. Ang utak ko, blanko.
That was him. Alam ko dahil saulado ko siya.
I thought– no. I never expected anything. But why does it hurt? Bakit ang bigat?
Biglang kumalabog ang puso nang gumalaw si Ivan. Napaatras ako, ngunit sa aking paggalaw ay ang pagkakasarado ng pintuan ng malakas.
“s**t!”
Narinig ko ang boses ng boses. Alerto at parang nagalit. Naramdaman ko ang kaba sa buong katawan. Hindi ako makahinga.
Bumalik ako sa studio at marahang sinarado ang pinto. Nilock ko pa. Nagtago ako sa gilid nito habang hindi na malaman kung paano susundan ang aking hininga. Wala na naman akong narinig mula sa labas.
Hindi ko na namalayan na tumulo ang luha ko sa aking kaliwang pisngi. Isa lang iyon at walang hikbi na lumabas sa aking bibig.
Isa lang, pero parang sapat na para masira ang lahat ng binubuo ko.
Pumikit ako nang mariin, pilit pinipigilan ang kasunod pang patak. Pero ang mga mata ko ay may sariling isip.
Napaupo ako sa sahig ng studio, nakasandal sa pinto. Tinakpan ko ang aking bibig, hindi dahil umiiyak ako, kundi dahil ayokong marinig ang sarili kong hinga—na tila basag, parang nasamid sa sakit na hindi ko pa kayang pangalanan.
Bumaling ako sa bakanteng canvas. Tahimik pa rin ito. Walang laman. Katulad ko ngayon.
Hindi naman siya sa akin. Wala namang kami. Ni hindi pa nga nasisimulan o kung may pagasa ba. Pero bakit ang sakit?
Nag-angat ako ng kamay, at sa gitna ng dilim ng studio ay tinapik-tapik ko ang sahig sa tabi ko, para bang hinahanap ang katinuan.
Biglang bumalik sa isip ko ang isang eksena—yung araw ng exhibit. Yung titig niya. Yung mga salitang “It feels you.”
Napapikit ako muli. This time, hindi para pigilan ang luha—kundi para hayaan na lang siyang tumulo. Tahimik. Isa-isa. Tuloy-tuloy.
Maybe I mistook something for something more.
Nanatili akong nakaupo sa malamig na sahig. Hindi ako gumalaw. Walang gumawa ng kahit anong ingay, ni ang mga alon sa dibdib ko. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko ay parang may bagyong hindi ko kayang pigilan.
Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong ganito. Ang studio, na kanina ay tila isang ligtas na lugar para sa akin, ay para bang naging kulungan ng tanong na hindi ko alam kung paano sagutin.
Sa gilid ng paningin ko, nandoon pa rin ang canvas. Walang laman. Tila nanunuya.
Huminga ako nang malalim. Mabagal. Pilit sinasalansan ang mga damdaming hindi ko maipinta.
“Bakit ba ako umaasa?” Bulong ko.
‘Yan ang tanong na ayokong tanungin. Pero siya rin ang tanong na hindi ko mapigilan.
Sa bawat pintig ng puso ko, may kasabay na kirot. Hindi sigaw. Hindi galit. Kundi yung uri ng sakit na nanggagaling sa mga bagay na hindi mo naman inaangkin pero ipinagdasal mong sana… ikaw na lang.
Umayos ako ng upo. Pinunasan ang pisngi gamit ang likod ng kamay. Napansin kong nanginginig pa ang daliri ko.
Tumingin ulit ako sa canvas. Hindi ko alam kung saan magsisimula, pero marahan kong kinuha ang lapis. Walang plano. Walang ideya. Basta gumuhit ako.
Hindi ko man mailabas ang sakit sa salita, baka kaya ko sa linya.
Tahimik pa rin ang buong paligid. Pero sa unang beses mula kanina, may naramdaman akong kaunting… lakas. Hindi ito galak. Hindi rin tapang. Pero sapat para umpisahan.
Isa. Isa pang guhit. Isa pang linya. Kahit wala pa akong malinaw na direksyon, pipilitin kong ilabas ang bigat sa dibdib.
At kung hindi man ito maintindihan ng iba, ayos lang.
Basta mailabas ko.
Hindi ko na alintana ang oras nang tumunog ang cellphone ko sa isang tawag.
“Reese…” mahina kong sagot habang sinusubukang itago ang basag sa boses ko.
“Girl! Where are you? Hindi ka umattend ng first period. Magsisimula na ang susunod na klase!”
Narinig ko ang bahagyang pagkataranta sa boses niya, pero hindi ko agad alam kung paano sasagot. Hindi pa rin ako makagalaw.
“Sorry,” bulong ko. “Nandito lang ako sa studio…”
“Studio?! Ren, seryoso? Paparating na si prof sa susunod na klase, andito na kami sa labas ng room. Baka ma-late ka na naman. Okay ka lang ba?”
“Okay lang ako,” sagot ko agad. Mabilis. Mababaw. Kasinipis ng excuse na hindi niya tinanggap pero hindi rin niya kinulit.
“Punta ka na dito, please. Kahit 'yung next class na lang. Text mo ko kung ayaw mo sumabay, okay?”
“Oo…”
“Promise me,” dagdag niya, mas mahinahon.
“Promise,” sagot ko, bago ibaba ang tawag.
Pagkababa ko ng cellphone, dumampi ang mga mata ko sa maliit na canvas sa harapan. Puno pa rin ng puti, maliban sa ilang pahid ng bughaw at abong kulay na parang wala pang direksyon.
Kinuha ko ulit ang brush. Mas mahigpit ang hawak ko ngayon. Hindi para burahin ang sakit, kundi para kilalanin ito.
Hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas sa isip ko—pero bigla akong nagpinta ng eksena sa park. Maulan. Lahat ng paligid kulay abo. Isang babae ang nakaupo sa bench. Wala siyang payong, wala ring taklob ang ulo. Pero siya lang ang may kulay sa buong canvas. Bright yellow ang suot niyang damit. Red ang sapatos niya. Maliit lang ang katawan sa gitna ng canvas, pero siya ang pinakakita.
Siya ang pinakapansin.
Siya ang naiiba.
Siya ang nararamdaman ko.
Tapos na. Simple lang. Mabilis. Pero sapat.