Cracks
Maaga akong nagising kinabukasan. Tahimik ang buong bahay. It is unusually quiet because of Dani. Tulog pa siya noong lumabas ako ng kwarto. Walang kahit anong tunog akong naririnig. Maging ang sarili kong damdamin ay tahimik din.
Nilabas ko mula sa aking bag ang aking painting kahapon. Inalis ko ang kwadrado at isinilid iyon sa aking bag bago ako umalis ng studio. Hindi pa ako handang makita ito ng ibang tao lalo na ni Prof Sison. Para kasing isa itong pahina sa journal ko. Personal. Para sa akin lang muna.
Mula sa bintana ay nasulyapan ko ang mataas na sikat ng araw. Walang bahid ng pag ulan maghapon kaya magiging maganda ang panahon. Bago ako maligo ay muli kong sinulyapan ang painting, isang batang babae ang natatanging maliwanag sa paligid ng kulay abong parke. Siya lang ang buo. Siya lang ang may buhay.
At bago pa man ako maiyak muli ay sinara ko na ang aking sketchbook na pinaglalagyan nito.
"Okay na muna ito." Bulong ko sa aking sarili.
We've developed a habit na hindi kumakain ng breakfast recently. Sa pagtagal namin sa college ay mas nagiging limitado ang oras dahil sa karamihan na rin ng ginagawa. Kagaya ngayon, umalis ako ng bahay nang hindi kunakain dahil sa jam-pack na araw ko ngayon. Tulog pa rin si Dani nang iwan ko.
Ang topic ng lesson namin ngayon ay Psychology of Colors. Katabi ko si Reese sa likuran at paminsan minsan ay sumusulyap sa akin ng tingin.
"Let's discuss how color psychology plays a crucial role in interior design," panimula ng professor namin habang pinapakita ang una niyang slide. "Different colors have the power to affect our mood, emotions, and even behavior—meaning, the right color choices can transform how people experience a space."
Nagsisimula nang magsalita ang aming professor pero sa akin nakatuon ang kanyang atensyon.
"What's with you yesterday?" Marahan niyang bulong.
Hindi ako lumingon. Pilit kong pinako ang mata ko sa screen kung saan lumilitaw ang mga examples ng mga silid na may dominanteng kulay—may isang bedroom na puro pastel blue, isang café na may earthy tones, at isang playroom na puro primary colors.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Sagot kong pabulong din.
"For example," pagpapatuloy ni prof. "Warm tones like red or yellow can energize, while cool blues and greens promote calmness. As future designers, understanding this will help you create spaces that not only look good but also evoke the right psychological response."
"You are not the type who'll skip a subject. May nangyari, for sure. Are you okay?" Tanong pa ni Reese, this time with a touch of worry in her voice.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko siyang inusog ang kanyang armchair palapit pa sa akin. Hindi ko alam kung susuwayin ko ba siya o mananatiling dedma para hindi mapansin ng prof namin na iba ang aming ginagawa imbis na makinig.
"Okay lang ako." Mahina kong sagot. "Nawili lang talaga ako sa art studio kahapon kaya hindi ko namalayan ang oras." Palusot ko.
Ayoko namang sabihin sa kanya ang nakita ko kahapon. Ang pakikipaghalikan ni Ivan sa ibang babae. Ang pagiyak ko. Ang pagiging confused ko sa nararamdaman ko. Hindi ko naman gusto ibahagi ang parte na iyon sa kanya dahil ayokong may ibang makaalam. Siguro, sa ngayon.
"So pag pumipili tayo ng colors, isipin natin hindi lang aesthetics, kundi pati psychological effect sa mga tao."
Dumampi ang mga mata ng aming prof kaya agad akong nagayos ng upo at pinirmi ang aking mga maya sa armrest ng aking upuan. Si Reese naman ay tuluyan na ngang nakalapit pero may espasyo pa rin para hindi mapansin sa unahan.
"Take yellow, for example." Pinakita naman ang next slide– "is associated with happiness and energy. Pero it can also be overstimulating when overused. Balance is key."
Napatingin ako sa screen—isang image ng isang hallway na may dilaw na pader. Naalala ko ang painting ko. Ang dilaw na bestida.
Masaya ba siya? O pinili ko lang 'yong kulay dahil gusto kong mag mukhang masaya ang babae sa ilalim ng ulan?
"Cool colors, like blue and green, bring calm and clarity," dagdag ng prof. "That's why they're popular in bedrooms, clinics, and meditation rooms."
"Still," muling bulong ni Reese, "if you need anything, kahit ice cream, or kahit gusto mo lang magwalk, sabihin mo lang. Okay?"
Tumango lang ako ng bahagya.
"Colors affect perception," bigkas ng professor, tumingin sa amin. "A room with pale blue walls will feel bigger. A red dining room will feel warmer and more social. The psychology of space is emotional before it becomes visual.
Narealize ko, hindi lang pala objects ang naapektuhan ng kulay. Pati tao. Pati alaala. Pati damdamin.
Parang ako.
Wala pa akong nasasabing kahit ano, pero ramdam ko ang epekto. Parang nababalutan ako ng kulay na hindi ko pa matukoy. Hindi ko pa maipinta.
At sa pagtingin ko sa paligid ng classroom, sa simpleng upuan, sa mga faces ng kaklase ko na nakikinig—naisip ko, lahat kami may kulay sa loob. Hindi lang halata.
The classes went well. Dalawang period pa ang nasurvive ko bago kami nakapag lunch. Si Reese pa rin ang kasama ko. Simula noong exhibit sy mas naging close na kami.
"Sagot ko na dessert. Anong gusto mo?" Tanong niya habang nakapila kami para kumuha ng meal.
"Mamaya na 'yun. Ito muna unahin natin kasi mahaba ang pila." Hinila ko siya pabalik sa pila.
"Okay, fine! Pero libre ko ha."
Napangiti na lamang ako sa pagsuko. Kapag gusto niyang gawin ay walang makakapigil sa kanya. Kaya hinayaan ko na lang.
Adobong sitaw at baboy ang ulam ngayon. Melon naman ang fruit of the week. Ang kagandahan sa university na ito ay may sarili silang nutritionist. Kaya kahit mga pagkain namin sa loob ng campus ay healthy ang portion at may nutrients talaga.
Nagsimula na kaming kumain ni Reese. May ibang students kaming kasama sa mahabang table kaya tahimik lang kami. Para lang talaga kumain.
Natatawa ako sa kanya kasi hindi siya mapakali kahit sumusubo siya ng pagkain. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi magawa dahil may ibang tao sa table namin. Pigil na pigil at nakatitiyak akong marami siyang sasabihin kapag nakalabas na kami ng cafeteria.
"The food's good."
"Yeah, it is. Sana masarap din bukas."
Narinig kong mahinang usapan ng aking katabi.
Tiningnan kong muli si Reese at ngumiti na lamang ako sa kanya.
Hindi pa man kami tapos kumain ay napalingon ako sa pintuan ng cafeteria. Kakarating lang si Ivan. Kasama niya si Daniel, ang kapatid ni Dani.
Parang tumigil ang paligid sa paningin ko. Ilang hakbang pa lang sila papasok pero parang ang tagal-tagal bago sila umabot sa food counter. Tumawa si Daniel sa sinabi ni Ivan, at kahit medyo malayo, alam kong nakangiti rin siya.
Ganito ba siya palagi? Lalo na kapag... kasama niya ang ibang babae?
Hindi ko alam kung saan ako titingin. Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi naman niya ako tinitingnan. Ni hindi nga niya alam na narito ako. Pero sa sandaling iyon, parang ayoko siyang makita.
Ayoko munang makita ang mga mata niya.
Ayoko rin na magtagpo ang mga mata namin at wala siyang naramdaman.
Kaya bago pa ako maunahan ng kung anong emosyong hindi ko kayang ipaliwanag, agad akong bumalik sa pagkain ko.
"Ren?" Mahinang tawag ni Reese.
Sinulyapan niya rin ang direksyong tinitingnan ko kanina.
"Oh," narinig ko ang tahimik niyang reaksyon.
"Bilisan na natin. Ayoko na dito," mahina kong bulong.
Hindi na siya nagtanong. Sa halip ay tinulungan pa niya akong ipunin ang tray ko. Alam niyang hindi ako okay, at sapat na sa kanya iyon para hindi na mangulit.
Habang naglalakad kami palabas ng cafeteria, hindi ko napigilan ang mapalingon pa ulit kahit sandali.
Nandoon pa rin si Ivan. Nakatalikod, nakapila. Tila wala siyang alam sa unos na iniwan niya sa akin kagabi.
Hindi ko pa gustong pumasok sa classroom kaya nagdiretso ako sa labas– makalagpas sa main gate. Nakasunod lang sa akin si Reese at unti unti nang nagtatanong. Ang mga salitang kanina niya pang pinipigil.
"Something must have really happened yesterday." Sambit niya.
Napatigil ako sa paglalakad dahil hindi ko rin alam kung saan ako tutungo.
"At ano yung kanina? Kilala mo ba siya? May something ba kayo?"
I'm pretty sure she's referring to Ivan. At wala namang something sa aming dalawa. At hindi ko iyon masabi.
Bago ko pa masagot ang sunod sunod na tanong ni Reese ay napansin ko ang pamilyar na tindig sa di kalayuan. Nakaparada ang pamilyar na Subaru sa gilid ng kalsada habang ang lalaki ay nakapaloob ang mga kamay sa bulsa ng kanyang slacks. Puting polo na uniporme ng ibang university at ang red lanyard ng kanyang ID.
Si Marco. Ang kaibigan ko at kaklase noong High School.
"Wait lang ha," sambit ko kay Reese at umalis na sa aking kinatatayuan.
Ngumiti si Marco sa akin habang papalapit ako sa kanya.
"What are you doing here?" Hindi galit. Kundi gulat dahil narito siya ngayon.
"Is that how you greet a friend?" He opened his arms, wide enough for me to fit.
Lumapit pa ako para mayakap siya ng mabilis at agad ding bumitaw.
"It's good to see you again, Marco."
"How's college life? Is it treating you well?" He asked.
Inayos niya ang kanyang buhok gamit ang daliri at tumingin sa paligid.
"Okay naman. How about you? Magkasama kayo ni Chloe?" Tiningnan ko ang ang kanyang sasakyan kahit na tinted sa pagkakaalam na naroon sa loob si Chloe, ang isa ko pang kaibigan.
"No, she's in Manila. Doon siya nag aaral na."
"Oh," tiningnan ko siya. "Then why are you here?"
"Masama na bang dalawin ang kaibigan? I'm just worried kasi mag isa ka dito."
"I'm not. I met new friends naman."
Napakamot siya sa batok at tumawa nang mahina. "Alam ko naman 'yon. Pero iba pa rin kasi 'pag may dating kakilala na nandiyan. Just wanted to check on you. You've been quiet sa group chat lately."
Napatingin ako sa kanya—sa bahagyang pagdilim ng ilalim ng kanyang mga mata, sa kung paanong kahit relaxed ang ayos niya, parang may halong pag-aalala ang mga kilos niya.
"I'm okay, Marco. Just... busy," sagot ko, sabay ngiti. Hindi ko alam kung nakumbinsi ko siya. O ako.
"Busy ka ba ngayon?" tanong niya bigla, sabay tingin sa kanyang relo. "I was planning to get coffee. Pwede kang sumama kung wala ka pa namang klase."
Nagdalawang-isip ako. Bumaling ako kay Reese sa may di kalayuan—nakatingin siya sa akin na parang nagtatanong kung sino itong kausap ko.
"I'd love to pero patapos na kasi lunch break namin. May susunod agad akong klase."
Bumaling ako kay Reese at winagayway ang kamay ko para siya ay tawagin. Agad naman siyang lumapit at mas nauna pa itong nagpakilala kay Marco.
"Hi! I'm Reese. Lauren's newfound friend and classmate. I like a lot of things, especially you. Are you single?" Walang prenong bigkas nito habang inaaro ang kanyang kamay sa gitna namin.
Napayuko na lamang ako at napakamot sa noo. Malaking kahihiyan ito kung maririnig pa ito ng ibang students dito.
Narinig ko ang mahinang halakhak ni Marco pero tinanggap din ang kamay ni Reese for a hand shake.
"Nice meeting you, Reese. I'm Marco, and I have a girlfriend."
Sa pagkakasabi ni Marco ay nakita ko kung paano napawi ang ngiti ni Reese. Lumambot ang kaninang makinang na mata at bumagal ang galaw ng kanyang kamay.
"Of course you do," ani Reese, na pilit bumawi sa ngiti. "Someone like you? Figures."
Napatawa na lang si Marco, at tumingin ulit sa akin. "Anyway, I should go. Just wanted to see how you're doing, Lauren. Ingat kayo, ha?"
Bago ko pa siya masagot, may narinig kaming mga yabag sa likuran. Mabilis pero hindi nagmamadali. Isa lang ang lakad na iyon na pamilyar sa akin. Mula pa lang sa rhythm ng hakbang, parang nabalot agad ng tensyon ang paligid ko.
Paglingon ko, si Ivan.
Suot pa rin niya ang uniform nila—white polo at black slacks. Hawak niya ang water bottle niya sa isang kamay, at bitbit ang lunch pack sa kabila. Kasama niya si Daniel, na agad din naming napansin ni Reese.
Nagtama ang mga mata namin ni Ivan, at para akong nahiya bigla. Hindi dahil may ginawa akong masama. Pero dahil alam ko ang isang bagay na ayaw ko sanang malaman.
Napatingin si Ivan kay Marco. Saglit lang. Isang sulyap na puno ng tanong. Hindi ko alam kung nagseselos siya, nagtataka, o wala lang. Pero hindi ako tiningnan ulit.
"Lauren," bati ni Daniel, habang kumakaway pa. "Hi, Reese!"
Ngumiti si Reese. "Hi!"
"Hey," mahinang bati ni Ivan, pero hindi malinaw kung para kanino.
"I see you had lunch too," pagtukoy ni Marco sa bitbit ni Ivan.
"Yeah, I did. And you're here." Matigas sa sabi ni Ivan.
Nakangisi si Marco nang tingnan ko. Ganyan ba talaga sila mag usap na magpinsan? Tipid.
Napatingin ulit si Marco sa akin, saka ibinaling ang tingin kay Ivan. Parang may gustong sabihin pero pinili niyang huwag na lang. "I'll get going," aniya. "Text me, okay?"
Tumango lang ako. "Ingat ka."
Nang lumakad na si Marco pabalik sa kotse niya, hindi ko mapigilang lingunin si Ivan. Pero sa pagkakataong ito, hindi siya tumingin pabalik. Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga na parang pinipigilang bumuka ang bibig.
Sumunod ako kay Reese sa paglalakad pabalik sa loob ng campus. Hindi pa man ako nakakahakbang ay hinarangan na ako ng braso ni Ivan.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya.
Hindi ko siya matingnan. "Bakit naman hindi ako magiging okay?" pilit kong sagot, tinatakpan ang pag-aalinlangan sa tono ko.
Muli akong humakbang, gustong umiwas. Pero ilang segundo lang, muling hinarang ni Ivan ang daan ko. Ngayon, buong katawan na niya ang nasa harapan ko. Malapit. Masyadong malapit.
Napaatras ako ng kaunti, pero hindi sapat. Tumingala ako. Kita ko ang pagkakunot ng kanyang makapal na kilay, at ang mga mata niyang diretso ang tingin sa akin. Hindi siya mukhang galit, pero halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"Are you sure?" mas mahina ngayon ang boses niya. "Iniiwasan mo ako, eh."
Tahimik.
"Did I do something that upsets you?"
Meron. Kahapon.
Pero hindi ko iyon aaminin sa kanya. Dahil wala naman akong karapatan.
Wala akong maisagot. Ang lakas ng t***k ng puso ko at para bang ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko rin alam kung paano.
Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa hindi nasabi. Sa hindi pa naintindihan. Sa hindi pa rin handang aminin.
Ilang segundo pa.
Sa likod niya, tanaw ko si Reese na nakatingin sa amin mula sa may gate. Pero hindi siya lumapit. Parang ramdam niyang hindi siya dapat manghimasok.
Binalik ko ang tingin ko kay Ivan. Sapat na ang tagal ng katahimikan.
"Hindi naman ako umiiwas," mahina kong sabi.
Pero hindi ko rin nasabing totoo ang lahat.
Mas lalo pa siyang lumapit. Marahan. Mabagal. Nagiingat ang kanyang kilos. Hindi ko siya kayang tingan ng ganito kalapit kung hindi ako kukurap. Napansin niya siguro ang pagpipigil ko nang hininga dahilan para bumuntong hininga siya.
Ang bango.
"Huwag mo akong iiwasan, please." Mahina niyang sambit, diretso ang tingin sa mga mata ko. "Hindi ko gusto na hindi mo ako pinapansin."
Parang may sariling isip ang aking bibig at pinilit na ngumiti. Tumango ng marahan tanda ng pagsang ayon.
Bumalik ako ng studio pagkatapos ng huling kalse ko para sa araw na ito. Tahimik ito nang nadatnan ko. Walang ibang tao. Payapa at wala akong ibang naririnig na ingay. Sinarado ko ang pinto ay nilock pa para hindi ako magambala.
Lumapit ako sa sulok kung saan naroon ang mga bagong canvas. Pinili ko ang isa—hindi masyadong malaki, hindi rin maliit. Sapat lang. Isinabit ko ito sa easel, tapos naupo ako sa harap nito. Nakatingin lang.
Hindi ako kumuha agad ng paint. Hindi rin ako naghanap ng brush.
Mula sa aking pencil case ay kumuha ako ng pinaka pamilyar na lapis. Luma na ito at matagal ko nang hindi nagagamit pero hindi ko pa rin magawang itapon. Pumunit pa ako ng isang pahina mula sa aking sktechpad, pero imbis na doon, ay sa canvas ako nagsulat.
Hindi ko alam kung bakit... pero parang, kailangan.
Marahang mga letra sa gitna ng canvas... hindi pa pantay ang pagkakasulat ko pero wala rin akong balak ayusin pa.
I wanted to mean something.
Am I too straightforward? Is it too drastic?
Nagpahinga ang kamay ko saglit. Pinikit ko ang mga mata. Inalala ko ang unang beses ko siyang nakita.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit. Unang kita ko pa lang sa kanya ay malalim na agad ang aking pagkagusto. Kahit hindi ko pa man siya lubusang kilala noon ay nakita ko na sa kanyang mga mata ang lungkot, at doon yata ako unang nahulog.
Tila gusto ko siyang pasayahin. Gusto ko siyang iligtas sa hindi ko mapangalanang panganib. Kahit alam ko naman na hindi nya kailangan ng tulong.
Sumulat akong muli.
I liked you before I even had the right to.
Tahimik pa rin ang paligid. Ang canvas sa harapan ko ay hindi napuno ng kulay, pero punong-puno na ng damdamin.
At sa gitna ng lahat ng iyon, naroon ako—hindi umiiyak, hindi rin lumalaban.
Basta naroon lang. At sa ngayon, sapat na 'yon.
Mahabang minuto ang nagdaan sa paninitig ko sa canvas.
Mga salitang sinulat ko na punong puno ng damdamin. Walang kasagutan. Pero totoo.
Hindi ako sigurado kung tapos na ako o kung ito pa lang ang simula. Pero isang bagay ang alam ko—hindi ko ito gustong ipakita sa kahit sino.
Kinuha ko ang maliit na tube ng puting pintura. Binuksan ko ito nang dahan-dahan. May bahagyang panginginig sa kamay ko habang binubuksan ang takip, para bang may ceremonial na pakiramdam sa ginagawa kong ito.
Dinampi ko ang brush sa pintura. Isa. Dalawa. Tatlo.
At saka ko sinimulang pahiran ng puti ang ibabaw ng canvas—hindi marahas, hindi rin tuluyang tinatakpan.
May mga parte pa ring mababasa kung titingnan nang mabuti. Pero sa unang tingin, wala na. Wala na ang mga salita. Wala na ang damdamin.
Ngunit alam ko—nandoon pa rin sila.
Nakapatong lang ang pintura. Hindi binura ang katotohanan, pero tinakpan ng kapayapaan.
Sa unang pagkakataon ngayong linggo, huminga ako nang malalim. Hindi masaya. Hindi rin malungkot.
Basta... tahimik.
At marahang umupo ako sa sahig ng studio, habang pinapanood ang pagkatuyo ng pintura. Tulad ng sakit, dahan-dahang nawawala sa ibabaw, pero hinding-hindi talaga nawawala sa ilalim.
Nakauwi ako ng dorm nang hindi pa naman masyadong nagdidilim. Naabutan ko si Dani sa kusina na kumakain ng donut. Dalawang box na may isang dosenang donut ang laman nito na nakapatong sa dining table.
"Nakakastress ang Anatomy," bungad ni Dani habang hawak ang may kagat nang pink frosted na donut. "Hindi ko alam kung kailan naging coping mechanism ang pagbili ng maraming donuts."
Umupo ako sa tapat niya at kinuha ang isa. Chocolate glazed with custard cream sa loob. Hindi naman talaga ako gutom, pero parang kailangan ko ng kahit anong matamis ngayon.
"Did something happen to you too? Nahirapan ka ba sa mga subjects nyo?" Tanong niya. Hindi seryoso ang tono pero nararamdaman ko ang pagaalala.
Ngumiti ako bilang sagot saka kinagatan ang donut na kinuha ko.
"Kuya Dan told me na ganito talaga kapag first year. Pero sa pag tagal naman ay sa pagdali 'daw'. Hindi ko alam kung maniniwala ako eh," sabi ni Dani habang sinisipsip ang daliri niyang may natirang icing.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Dahil habang ninanamnam ko ang donut sa aking bibig ay naaalala ko ang mga panahong gumagawa pa ako ng mural sa garden ng mga Navarro. Palagi akong may meryenda doon at kalimitan ay chocolate cake pa. I remember Adelina telling me that Ivan was the cook and baker in their house.
Hindi ko lang iyon masyadong pinansin dati. Ngayon, parang hindi ko na siya kayang ihiwalay sa mga alaala ng matamis.
"Huy!" Dani snapped her finger in front of me. "Natulala ka na."
"Wala naman," sagot ko. "Pagod lang."
Tumango siya at ngumiti, saka muling kumagat sa donut. Hindi na siya nagtanong pa. At na-appreciate ko 'yon—'yong katahimikan na walang tanong pero may presensyang nagsasabing nandito lang ako.
Minsan pala, sapat na 'yon.