Kabanata X

3932 Words
Girlfriend Weekend na ulit at sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang first semester ay hindi ako umuwi kay Mama. Tinupad ko ang pangako ko kay Dani sa samahan siya kung saan man niya gusto gumala. "Opo, Mama. Konti lang naman ang magiging labahin ko ngayon. Sinumulan ko na rin kagabi po." Sambit ko habang hawak sa tapat ng aking mukha ang cellphone dahil sa video call ni Mama. Pinaliwag ko sa kanya na hindi ako makakauwi dahil sa pangako ko kay Dani. Nakilala na rin siya ni Mama nang sendan ko siya ng picture naming dalawa nang magkasabay kaming pumasok sa school isang araw. "Sige, pero siguraduhin niyo na may kasama kayong matanda kung malayo ang pupuntahan ha. Message me your location, if ever." Sagot naman niya mula sa kabilang linya. Nakapatong sa counter ang cellphone niya at siya ay nasa harapan ng stove na tila nagluluto ng almusal. Scrambled egg with corned beef. Nahahalina naman ako dahil tila naaamoy ko ang bango ng corned beef na tumatagos sa aking phone. "Don't worry, Tita Lara. Ako na po ang bahala kay Lauren. I'll make sure that she will enjoy this time off from school!" Sumingit si Dani sa aking tabi para magkasya kaming dalawa sa frame ng camera. Magkadikit na ang aming mukha at pareho kaming nakangiti habang nakatingin kay Mama. "Oh siya, sige na. I'll hang up na. Enjoy kayong dalawa." Pagka-end ng tawag ay napabuntong hininga na lamang ako. At napaupo sa gilid ng aking kama. Si Dani naman ay abalang nagpreprepare ng playlist mula sa kanyang laptop. "We're gonna have fun this weekend. I promise!" Excited niyang sigaw. Nginitian ko na lamang siya at lumabas ng kwarto para kunin ang aking mga damit na ipapa-laundry. Kahit weekend ay may ganito pa ring gawain. Hindi talaga pwedeng puro gala lang. Hindi kalayuan ang laundry shop mula sa dorm namin—walking distance lang, kaya nagdesisyon akong maglakad. Bitbit ang laundry bag sa kanan kong kamay at ang phone ko sa kaliwa, tinahak ko ang pamilyar na daan palabas ng dormitory. Medyo makulimlim ang langit pero presko ang hangin, kaya masarap maglakad. Habang papunta ako, may ilang estudyanteng nakasalubong din na mukhang may pareho ring agenda: maglaba habang wala pang sabog na school requirements. Ilang hakbang pa at narating ko na ang maliit na laundry shop sa may kanto, medyo tago pero malinis at tahimik. Self service ang laundry shop na ito. May mahinang music, malamig at amoy fabric softener. Pamilyar din naman sa aking ang washing machine dahil meron nito sa bahay ni lolo pati na rin sa mga kapatid ni Mama. I know how to operate this too kaya madali akong matatapos. Inuna kong ipasok ang mga puting garments. Set the timer for only fifteen minutes dahil hindi naman marumi ang mga damit ko. Mostly mga pambahay na isang beses ko lang naman nasuot. Habang hinihintay, umupo ako sa bangkong kahoy sa tapat ng machine. Inilabas ko mula sa laundry bag ang mga natitirang damit at isa-isa ko itong pinaghihiwalay—maroon, asul, itim, pastel. Pinagmasdan ko ang mga kulay, para bang biglang naging mas buhay ang bawat isa. Maroon. Naalala ko ang blusa ng babaeng kahalikan ni Ivan. Blue. Ang paborito kong kulay sa mural na ginawa ko noon. Ang kulay ng langit. Yellow. The color of the girl's clothes in the painting I never planned to show. Napangiti ako nang bahagya. Dahil kahit sa ganitong pagkakataon ay sumusulpot sa aking alaala ang mga kulay na nagbigay kahulugan sa akin. Tumunog ang timer ng washing machine. Tumayo ako agad at inilipat ang mga labang damit ko sa hamper. Sinunod ko naman ang mga pastel colors at umupong muli para tiklopin ang mga natapos nang labahan. Isasampay ko pa rin naman ito sa dorm dahil basa pa rin ng konti ngunit hindi na iyong tumutulo pa. Nahagip ng mata ko ang aking cellphone pero wala akong balak na tingan iyon. Ayoko munang magbasa ng mga messages. Ayoko munang tingnan ang mga notifications. Gusto ko lang muna manatiling ganito... payapa, gumagalaw at walang ibang gumugulo sa isipan kundi chores. Nang matapos ako sa aking mga laundry ay umuwi na ako sa dorm. Laking gulat ko nang hindi si Dani ang bumungad sa akin, kundi ang kanyang Kuya Daniel na may hawak na kutsilyo at chopping board mula sa counter ng kusina. "Hi. Good morning," bati niya sabay hiwa ng bawang. "Hello po. Good morning po." Nahihiya pa ako sa pagpasok gayung dito naman ako nakatira. "Si Dani po?" Tanong ko nang hindi man lang mahagip ng paningin ko si Dani sa loob ng bahay namin. "Parking. May kinukuha lang sa kotse. She's setting up for a movie marathon." Tumango na lamang ako at nagdiretso na muna sa kwarto para isampay ang mga damit ko. Pagkatapos ay nagpalit na rin ako ng T-shirt para naman maging presentable ako sa harap ng kuya ni Dani. Pagkalabas ko ay nagsisimula na itong magluto. Si Dani naman ay nagseset up na ng projector sa aming sala. "Oh! I called kuya for help. Alam mo namang hindi tayo marunong magluto pareho." She chuckled. "Gusto ko naman na masarap ang kakainin natin habang nanonood tayo." Ngumiti ako sa kanya at bumaling sa kusina. Nakakahiya naman kung wala akong gagawin kaya nilapitan ko siya. Fidgeting my fingers dahil hindi ko alam kung tama bang ioffer ko ang tulong ko, kung makakatulong ba talaga. "May kailangan pa po ba kayo? May mga ingredients na kailangan pang hiwain?" Napangiti si Kuya Daniel nang marinig ang tanong ko. Tumingin siya saglit mula sa hinihiwang sibuyas, saka tumango. "Actually, meron pa. Pwede mo bang hiwain itong kamatis?" Inilahad niya sa akin ang isang maliit na mangkok na may tatlong hinugasang kamatis at isang kutsilyo. Kinuha ko ito at lumipat sa kabilang side ng counter. Tahimik akong nagsimulang maghiwa habang naririnig ko sa background ang maliliit na tunog ng projector at ang pagtawa ni Dani habang inaayos ang mga unan sa sahig. "Mahilig ka bang magluto?" tanong ni Kuya Daniel, habang patuloy sa pag-gisa ng bawang at sibuyas. "Hindi po masyado... Pero nanonood ako kay Mama minsan. Tsaka sa Tita ko," sagot ko, medyo mahina ang boses ko habang pinipilit kong huwag madurog ang kamatis sa paghiwa. Napatingin siya sa akin saglit, saka ngumiti. "Pwede bang huwag mo na akong i-'po'?" Napahinto ako sa paghiwa at napatingin sa kanya. "Ha?" "Wala lang," sabay kibit balikat niya. "Mas bata naman siguro ako sa Kuya mo, 'di ba? Parang ang tanda ko pakinggan." "Wala po akong kapatid." "That's better. Daniel na lang or what Dani calls me... Dan." Napatawa ako, bahagya lang. "Okay... sige." "Dan," ulit ko. Medyo nahihiya pa pero magaan ang loob ko. "Yan. Mas okay yan." Sabi niya sabay balik sa pag-gisa. "Ano'ng niluluto natin?" tanong ko ulit, kahit na naaamoy ko na ang sagot. "Simpleng tuna pasta lang. Naglagay lang ako ng konting baby shrimp para may twist." Sagot niya, kasabay ang tunog ng sizzling oil. "Wow! Ang sosyal mo ngayon, Kuya. Nagpapasikat!" Sigaw ni Dani mula sa sala. Napalingon ako kay Dani. Nakataas ang dalawang paa niya sa sofa habang nilalatag ang isang malambot na kumot. Malapit na nga ang buong setup. "Lauren, okay lang ba sayo kung dito na lang tayo mag-lunch today?" tanong niya habang nagpe-prepare ng mga paper cups at snacks sa maliit na mesa. "Okay lang," sagot ko, sabay baling ulit sa kamatis ko. Nagkatinginan kami ni Daniel saglit, saka siya tumango, parang nagpapasalamat. Nang matapos ang niluluto ni Dan ay nilagyan niya ang tatlong plato. Equal portions. Halatang sanay sa ginagawa. Nagtadtad din siya ng kulay green na halaman na kung aamoyin mo ay parang amoy toothpaste. Binudburan naman niya iyon sa ibabaw ng pasta. Sa mga commercials or palabas ko lamang nakikita ito noon pero ngayon ay nasaksihan ko na. Totoo pala talaga na ginagawa nila yun. Kung tawagin nila ay garnish. Nakakaganda sa presentation. "Are you into action? Ayoko kasi ng ganun. Masyadong violent." Narinig kong tanong ni Dani mula sa sala. "Kahit ano na lang. Ayoko rin ng action." Marahan kong sagot habang hindi inaalis ang tingin sa obrang meron sa harap ko. "Impressed?" tanong niya, sabay ngiti habang inaabot ang huling plato. Napatingin ako sa kanya at nahiya bigla nang mapansing kanina pa pala niya ako tinitingnan. "Sorry po, ang galing niyo lang po talaga magluto." "Wala nang 'po,' ha?" Nakangiti pa rin siya. "Hindi naman ako matanda." Napatawa na lang ako at tumango. "Okay... sige. Sorry. I mean—thanks." Dumating si Dani na may hawak na kumot at ilang throw pillows mula sa kwarto. "Okay, ready na ang setup!" sigaw niya habang nilalatag ang kumot sa carpet sa harap ng projector screen. "Anong napili mong panoorin?" tanong ni Daniel habang nililigpit ang pinaglutuan. "Grey's Anatomy!" ani Dani na parang batang excited. "First time ni Lauren manood kaya magsisimula tayo from season one!" "Oh," tugon ko, may kaunting ngiti. "Yan yung may mga doktor, 'di ba?" "Yes! But more drama than medicine, honestly. Prepare to cry." Tumabi siya sa akin at iniabot ang isang baso ng juice. Umupo kami sa sahig—tatlo kami, magkakatabi. Mainit pa ang pasta sa plato ko at mabango pa rin ang amoy ng bawang at herbs sa hangin. Sa mismong screen ay nagsisimula na ang intro music. At least for now, I did. Nasa sala ako, kasama sina Dani at Daniel, at wala muna akong kailangan intindihin kundi kung anong mangyayari sa Seattle Grace Hospital. The first episode went well. Nagustuhan ko. Hindi ko akalain na magugustuhan ko gayong kwento ito ng mga doktor. Wala naman akong alam sa medisina pero maganda talaga ang series na ito. Nang malapit na maglunch ay tumigil muna kami sa panonood. Kailangan kasing magluto na ni Daniel at gusto ko ulit tumulong. Si Dani naman ay umupo lamang sa counter habang pinagmamasdan akong hindi magkaintindihan dahil sa takot na magkamali. "Ano ba 'yan, Lauren." Pagtawa ni Dani sa paraan ng paghihiwa ko ng patatas. "You're sawing the potato!" Napairap ako sa kanya pero natatawa rin. "Edi ikaw na lang dito," sabay abot sa kanya ng tortured kong hiwa ng patatas. Pero tinulak niya iyon pabalik sa akin habang humahagikhik. "No way. Gusto ko lang manood." "Hay nako," napabuntong-hininga ako. "Mas madali pang magpinta ng wall kaysa dito." Tahimik lang si Kuya Daniel habang pinapanood ako at alam kong nagpipigil din siya ng tawa, pero hindi niya ako pinigilan. After a few moments, binigyan niya ako ng tips. "Don't push the knife too hard," sabi niya. "Let it slice, not fight." Sinubukan ko ang kanyang sinabi pero nahihirapan pa rin ako. Hanggang sa pumwesto siya sa aking likod, guiding my hands to the correct way of dicing the potato. Sinubukan ko ang sinabi niya—"Let it slice, not fight"—pero kahit anong gawin ko, parang ayaw pa rin sumunod ng patatas. Hindi pantay ang hiwa, at bawat bagsak ng kutsilyo ay parang may sariling buhay. "Hmm," narinig ko ang mahinang sambit ni Daniel. Hindi ako agad tumingin. Nahihiya ako. Pero sa isang iglap, naramdaman ko na lang ang paglapit niya sa aking likod. Tumigil ang kamay ko. Napalunok ako. "Like this," marahang sambit niya habang inaabot ang kamay ko na may hawak na kutsilyo. Hindi ko iyon binitawan bagkus ay hinayaan kong nakapatong ang kanyang mga kamayhabang ito ang gumagalaw. "Hold the knife on the edge part before the blade." Ginalaw niya ang mga daliri ko at inilagay sa dapat na pwesto nito sa hawakan ng kutsilyo. "See? You have better control of it." "Let your other hand be the guide without holding too tight." Hindi agad ako nakasagot. Nakatingin lang ako harapan, sa patatas, sa kutsilyo, sa mga daliring nakapatong sa akin. Tahimik ang paligid. Si Dani, mukhang may tinataype sa kanyang cellphone at hindi napapansin ang ayos namin ngayon. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto iyon. Basta ang alam ko lang, tumibok ng mas malakas ang puso ko. "Okay na?" Tanong niya nang bitawan ang mga kamay ko at umalis na rin sa likuran ko. Tumango ako agad, kahit hindi ako sigurado kung may natutunan ba talaga ako. "O-opo," nahihiyang sagot ko. Napangiti siya. "Sabi ko sa 'yo, huwag ka nang mag-'po' sa akin." Nagpaalam ako saglit para pumunta ng banyo. May valid excise naman ako – kailangan ko 'raw' umihi. Pero ang totoo ay kailangan ko lang huminga. Pagharap ko sa salamin, sa ilalim ng fluorescent light. Kitang kita ko agad ang pagod kong mga mata. Ramdam ang light flush sa pisngi ko. Hindi naman ako umiyak para ito ang makita ko sa sarili ko ngayon. Pinagmasdan ko ang sarili ko habang dahan-dahang binuksan ang gripo at hinugasan ang aking mga kamay. Hindi pa rin ako sanay. Sa lahat ng ito. Sa pakikitungo. Sa paglalapit. Sa pagtanggap ng kabutihang hindi ko hinihingi. Ano ito? Iba si Daniel. Hindi siya si Ivan. Pero sa bawat turo niya kanina—kung paano hiwain nang tama ang patatas, kung paano hawakan nang maayos ang kutsilyo—parang may hinahaplos siyang parte sa akin na matagal nang nananahimik. I wasn't expecting anything... but I felt something. Hindi iyon kilig. Hindi rin siguro aliw. Siguro... pakiramdam ko lang ay ligtas ako. At doon ako natakot. Bakit ako natetensyon kay Daniel? Dahil ba mabait siya? Dahil ba hindi ako sanay sa ganitong trato? O dahil lang ba... confused lang ako? Huminga ako nang malalim. Saka ako ngumiti nang pilit sa sarili sa salamin. Hindi para sabihin na ayos na ako. Pero para sabihing sinusubukan kong ayusin ang sarili ko. Sariling recipe ng hamburger ang aming lunch. Ang hiniwa kong patatas ay ginawang potato salad. Naka apat na episodes kaming muli sa Grey's Anatomy bago naming naisipan na tumigil muna. Gabi na rin naman, almost eight o'clock na. Umuwi muna si Daniel para maligo at magpalit ng damit. Nag aya kasi si Dani magbar. Syempre sasama ako dahil nangako ako. First time kong makakapasok sa ganoong lugar kaya may excitement akong nararamdaman. Pero habang nakaupo ako sa gilid ng sofa, hawak ang phone ko at tulalang nakatitig sa walong percent na battery, hindi ko maiwasang kabahan. "Wear something sexy! Magsasayaw tayo doon." Sigaw ni Dani mula sa loob ng banyo. Sexy? Napakunot ang noo ko. Seryoso? Requirement ba 'yon? Binuksan ko ang maliit kong closet. Isa lang ang dala kong fitted top. Hindi rin ako sanay magsuot ng above-the-knee. Pero... ito na 'yon. 'Wag nang maarte. Hindi araw-araw naiimbitahan sa bar. Hindi rin araw-araw may Dani na hihila sa'yo palabas sa comfort zone mo. Kahit hindi ako marunong sumayaw. Kahit hindi ko alam kung anong itsura ng bar sa totoong buhay. Madilim ba? Maingay? At paano 'yung mga lalaki? Nakakatakot ba sila roon? Pinili ko ang black ribbed top na may manipis na straps. Isinuot ko rin ang light-washed jeans ko—medyo high-waisted at maluwag sa laylayan. At least komportable. Nilagyan ko ng konting tint ang labi ko at pinunasan ang sapatos kong puti. 'Yun na 'yun. Wala nang bawian. Pagkalabas ni Dani mula sa banyo ay para siyang modelo. "Oh my gosh, girl. Ganyan ka lang?" tumili siya, suot ang isang silk camisole at skirt na sobrang ikli. "Hindi ba okay?" tanong ko habang pinapatag ang top ko. Kung tutuusin ay ayaw ko pa ngang ipakita ang kili-kili ko. Hindi naman ito maitim. Pero hindi lang ako sanay na magiging expose ito ngayong gabi. Nakoconscious pa ako dahil fitted pa ang suot ko. Yung mga taba ko sa katawan ay mas lalong lumilitaw. Tumango siya sabay ngiti. "Very innocent girl next door. Gusto ko 'yan. Kung ayaw mong magpakita ng balat, ipakita mo ang vibes. Ikaw na ang bahala." Huminga ako nang malalim. Ito na talaga 'yon. Si Daniel ang nag-drive. Nang bumalik siya, amoy malinis at bagong shampoo. Nakajacket siya at naka-all black. Parang bouncer. Sobrang laki ng sasakyan niya, SUV kung tawagin. Pamilyar sa akin ang logo dahil madalas ko itong makita sa mga kaibigan ni Tita Lyra. Ford and logo pero may Defender na nakalagay sa harap sa ibabaw ng plate number. "Ready?" tanong niya habang sinisilip ako sa rearview mirror. "Hindi ko alam," sagot ko, sabay ngiti na pilit. "Never pa ako nakapunta sa bar." "Tama 'yan. First time mo, kasama mo kami." Ani Dani, habang nag-aayos ng eyeliner. "Safe ka." Napatingin ako kay Daniel. "Bantay ako tonight," sabay taas ng kilay niya. "Pero kung ayaw mo ng shot, sabihin mo lang agad. Walang pilitan." Tumango ako. Shot? As in alak? Hindi ko ito nasabi kay Mama! Pagkapasok pa lang ay sinalubong kami ng malalakas na ilaw at bass na naramdaman ko agad sa dibdib ko. Parang may tumutunog na speaker sa ilalim ng mga paa ko. May amoy alak, pabango, at konting usok na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Ang daming tao. Ang daming nagsasayaw. At ang daming magaganda. Parang hindi ako nababagay dito. Naglakad kami papasok at tumuloy sa isang high table sa may likod. Medyo mas tahimik dito, malapit sa bar pero hindi ganun kasikip. "First round's on me!" ani Dani, sabay taas ng kamay para tawagin ang bartender. "Tubig lang muna ako," sabi ko agad. "Baka magulat ako." Tumawa si Daniel sa tabi ko. "Good call. Kahit tubig, okay na. Ang mahal din ng cocktail dito, baka hindi ka rin masiyahan." Bakit parang protective siya? "Lauren," bulong niya habang inaabot ang isang bottled water sa akin, "if at any point you feel off, you tell me. Walang masyadong rules dito, pero dapat alam mong may kasama ka." Tumingin ako sa kanya. Diretso. At kahit hindi ko maintindihan ang sarili ko, parang biglang naging mas mainit ang paligid. Pinanood ko ang paligid habang umiinom ng tubig. Nakita kong may grupo ng kababaihan sa kabilang table, nagtatawanan habang may hawak na mga cocktails. May isang lalaking napapikit habang sumasayaw mag-isa. Tapos may magka-holding hands na pumuwesto sa dance floor na parang wala silang pakialam sa paligid. "Ganito talaga palagi dito?" tanong ko, medyo sumisigaw dahil sa lakas ng tugtog. "Depende sa bar," sagot ni Daniel, bahagyang inilapit ang katawan para marinig ko siya. "Pero madalas, ganito. Light lang ito, actually." Tumango ako. Dani returned with three drinks—isang bright orange, isang dark purple, at isa pang parang juice lang. "This one's for you," sabay abot sa akin ng drink na mukhang pineapple juice. "Walang alak 'yan," ani Daniel agad. "Ako ang nagsabi." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o maiilang. Pero salamat na rin. Nag-clink kami ng baso, tapos sabay inom. Maasim-asim. Pero okay lang. "Sino pala usually kasama n'yong lumabas?" tanong ko, habang nakasandal sa upuan. "Ako lang madalas. Minsan si Kuya, pag pinilit ko," ani Dani. "May inner circle naman kami," dagdag ni Daniel. "Pero ngayon busy sila. Kaya kami muna." Parang alam ko kung sino ang ilan sa miyembro ng inner circle na tinutukoy niya. "Lucky me," sabi ni Dani sabay ngisi. Napangiti na rin ako. Masaya pala 'to. Hindi dahil sa lugar. Pero dahil kasama ko sila. Napalingon ako bigla nang may dumaan sa gilid ng paningin ko. Pamilyar ang tindig, ang lakad, ang presensya. Kumabog ang dibdib ko nang makumpirma ang hinala—si Ivan. At hindi siya mag-isa. Kasama niya ang isang babae. Mas matangkad ito sa akin, naka-all black din, pero mas daring. At sa loob ng isang segundo, tumigil ang paligid. Dahil kilala ko siya. Siya ang kahalikan ni Ivan noong gabing 'yon. Doon sa madilim na kwarto. Doon sa club building. Doon sa panahong pilit kong kinakalimutan. Nanlamig ang mga kamay ko. Hindi ako makagalaw. Totoo ba 'to? Nagkatitigan kami ni Ivan saglit. Pero agad akong umiwas. Parang biglang lumabo ang ilaw ng bar. Parang lahat ng tawa at musika ay naging tunog ng basag na salamin sa loob ng tenga ko. Napalunok ako habang pilit hinahanap ang direksyon ng hininga ko. May kirot sa dibdib na hindi ko maipaliwanag—hindi galit, pero hindi rin basta lungkot. Isa iyong uri ng pagkagulat na may kasamang kirot, na parang tinanggalan ako ng karapatan na umasa kahit wala naman akong hawak na dahilan. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ko sa baso. Mabuti na lang at walang laman, kundi baka nabitawan ko na. Nakayuko ako habang pinipilit na maging kalmado ang mukha ko, kahit ang buong katawan ko ay gusto nang tumayo at umalis. "Kuya, that's Ivan right?" Narinig ko si Dani. Napatingin si Daniel sa direksyon na tinuturo ni Dani. Kita sa mukha niya ang kunot sa noo at bahagyang pagtaas ng kilay. Nilingon niya kami, tapos ngumiti ng tipid. "Oo nga, siya nga. Kasama niya si..." Hindi na niya tinuloy. Sa halip, tumayo siya mula sa upuan. "Tawagin ko sila." "Ha? Kuya—" Pero huli na. Nakatayo na si Daniel at papalapit na sa kinaroroonan nina Ivan. Nanatili lang ako sa pwesto ko, pilit pinapakalma ang sarili. Maya-maya'y nakita kong palapit na sina Ivan at ang kasama niyang babae, kasunod si Daniel. Awkward ang kilos ko habang sinusubukang ayusin ang ngiti ko. Ayaw kong magmukhang apektado. Kahit na hindi ko alam kung paano. "Nandito rin pala kayo," sabi ni Ivan, may hawak na beer. Pinakilala niya ang babae. "Si Briella." "Hi," tipid kong bati. "Hi!" Masiglang bati ni Briella, sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ni Ivan. Napatingin ako kay Daniel. Tahimik lang siya, pero nakatitig sa akin. Para bang pinipilit intindihin ang gusto kong itago. Yung mga salita na ayokong bitawan pero pilit lumulutang sa mga mata ko. Nakakunot ang noo niya, bahagyang nakalapit ang katawan, parang handang sumalo kung sakaling tuluyan na akong mabasag. "Okay ka lang?" tanong niya sa mababang boses, halos bulong lang dahil sa ingay. Tumango ako kahit hindi ako sigurado sa sagot ko. "Gusto mong lumabas muna? Kumuha ng hangin?" dagdag niya, at bahagyang tumayo mula sa upuan. "Hindi, okay lang. I'm fine," mabilis kong sagot. Pero naramdaman ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya. Sandaling tumingin siya kina Ivan at Briella, tapos bumalik ang tingin niya sa akin. May tension sa mga mata niya—hindi galit, pero parang protective. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya. Sa halip, naupo siya muli, mas malapit na ngayon. Hindi na niya ako tinanong ulit, pero ramdam ko ang tahimik niyang presensya. "Brie is my girlfriend." Narinig kong deklara ni Ivan sa aming lahat. Tahimik ang bumalot sa pagitan namin. Sandali lang dahil si Dani ang agad na pumutol niyon. "Wow! Congrats! Hindi ka na single, Kuya Ivan." Nakangiti si Dani habang binabati ang couple. Si Daniel naman, bahagyang tumalikod, iniiwas ang tingin mula kay Ivan. Ako? Wala akong masabi. Para bang may kumurot sa dibdib ko, sabay hatak sa loob, pababa. Hindi ako sigurado kung dahil ba sa gulat, o dahil inamin niyang may ibang taong mahal siya—at hindi ako 'yon. Pero ngumiti ako. Kasi 'yun ang tamang gawin. "Nice to meet you, Brie," sabi ko, pilit inilalabas ang boses na akala ko'y nawala na. "Same here! Ivan's told me a lot about you guys," sagot ni Briella, masiglang ngumiti. Matalas ang mga mata niya. Confident. Alam niya kung nasaan siya at kung anong lugar niya sa mundo ni Ivan. Tumango lang ako, saka uminom ng natitirang tubig sa baso ko. Girlfriend. So 'yon pala 'yon. Kaya pala. Kaya pala ginawa nila 'yon. Kaya sila mapusok na naghahalikan, parang wala nang bukas. May karapatan pala siya. Hindi lang basta babae. Hindi lang fling. Siya talaga. Siya ang pinili. Siya ang girlfriend. Nakangiti pa rin ako. Pero sa loob-loob ko, parang may unti-unting napupunit. At wala akong karapatang ipakita 'yon. Dahil hindi rin naman niya alam ang nararamdaman ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD