AUTHOR POV
Isang linggo na ang lumipas matapos ang naging pagtatalo nina Belle at Jayden. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ni Belle ang mga salitang binitawan niya noong gabing iyon. Ramdam niya ang guilt sa tuwing naaalala niya ang ekspresyon ni Jayden—ang malamig ngunit nasasaktang tingin nito.
Mas lalong bumibigat ang puso niya tuwing naaalala niya ang huling bilin ng mommy niya bago ito mawala.
“Mommy… ito ba talaga ang gusto mo? Bakit kailangan pang magpakasal kay Jayden?”
Paulit-ulit iyong umiikot sa isip niya.
Halos isang linggo rin silang hindi nagkita dahil hindi na umuuwi si Jayden sa bahay.
Kinabukasan, habang tahimik na gumagawa si Belle ng crochet sa sala, biglang bumukas ang pinto. Napaangat agad siya ng tingin.
Si Jayden.
Sandaling natigilan silang dalawa habang magkatitigan bago halos sabay silang nagsalita.
“I’m sorry.”
Pareho silang natigilan at lumapit si Jayden sa kanya at magsasalita sana, pero nauna si Belle.
“I’m sorry sa mga nasabi ko that night,” mahina niyang sabi habang iniiwas nang bahagya ang tingin. “I was angry… and confused.”
Umiling si Jayden at marahang umupo sa tapat niya.
“No… you don’t have to apologize,” sagot niya. “Tama ka naman. Hindi ko dapat minamadali ang lahat.”
Tahimik na napabuntong-hininga si Belle.
“Everything just happened too fast.”
Tahimik lang na nakinig si Jayden habang pinaglalaruan ni Belle ang hawak niyang crochet needle.
“After mommy died… parang wala pa akong time para intindihin lahat ng nangyayari,” dugtong niya. “Then suddenly… marriage?”
Lumambot ang tingin ni Jayden sa kanya.
“I know,” mahina niyang sagot. “I’m sorry for pressuring you.”
Sandaling natahimik ang dalawa bago muling nagsalita si Belle.
“Ituloy mo na ang plano mo,” sabi niya habang dahan-dahang tumitingin kay Jayden. “I realized… doon din naman tayo papunta eventually. And mommy also wanted us to get married.”
Bahagyang nagulat si Jayden sa sinabi niya, pero bago pa ito makapagsalita ay mabilis na siyang dumagdag.
“But let’s not rush it too much. At least give me one month to prepare myself.”
Agad tumango si Jayden.
“Of course,” mahinahon niyang sagot. “Even if it’s just a simple civil wedding, I still want that day to be special for us. And I want you to feel comfortable… not trapped.”
Dahil doon, unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Belle.
Sa mga sumunod na araw, naging mas maayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Hindi sila naging sobrang sweet agad, pero naging komportable sila sa presence ng bawat isa. Minsan, sabay silang kumakain ng breakfast bago pumasok si Jayden sa trabaho. Minsan naman, tahimik lang silang nanonood ng TV sa sala habang gumagawa ng crochet si Belle at nagtatrabaho si Jayden sa laptop nito.
Unti-unti, nasasanay na si Belle sa idea na magiging asawa niya si Jayden.
Isang gabi, nadatnan ni Jayden si Belle na nakatulog sa sofa habang may hawak na maliit na crochet bouquet. May ilang puting crochet flowers sa tabi niya at nakakalat ang yarn sa sofa.
Napahinto si Jayden habang tahimik siyang nakatingin dito.
Simple lang ang bouquet. Pero halatang pinag-effortan.
Mukhang iyon ang balak gamitin ni Belle sa mismong civil wedding nila.
Dahan-dahan siyang lumapit at maingat na kinuha ang crochet hook mula sa kamay nito bago inayos ang kumot niya.
Habang nakatitig siya sa natutulog na mukha ni Belle, mahina itong napabulong.
“Don’t rush me…”
Bahagyang natigilan si Jayden. At sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari, mas lalo niyang naintindihan kung gaano ka-fragile si Belle sa kabila ng pagiging matapang nito. Kaya mula noon, hindi na niya ito pinressure. Hinayaan niyang kusa itong maging handa.
At habang papalapit ang araw ng kasal nila… unti-unti ring nagiging mas totoo ang relasyon nilang dalawa.
Isang buwan ang lumipas matapos silang magkaayos.
Handa na ang lahat para sa kasal nina Belle at Jayden.
March 3, 2024 (Sunday, 9:30 AM) Araw ng kasal.
Walang ibang nakakaalam maliban kay Jun, ang assistant ni Jayden. Gusto nilang manatiling pribado ang lahat kaya simpleng civil ceremony lang ang ginawa nila. Tahimik. Walang engrandeng bisita. Walang malaking handaan.
Pero para kay Belle, pakiramdam niya ay sobrang bigat ng araw na iyon.
Twenty-one years old pa lang siya habang may labindalawang taong age gap sila ni Jayden. Habang papalapit ang seremonya, halata ang kaba niya sa bawat galaw.
Suot niya ang simpleng puting dress na lalong nagpalitaw sa natural niyang ganda. Hawak niya rin ang maliit na crochet bouquet na siya mismo ang gumawa.
Tahimik siyang pinagmamasdan ni Jayden bago nito marahang hinawakan ang kamay niya.
“You look so beautiful,” mahina nitong sabi.
Ramdam ni Belle ang lamig ng palad niya habang mas lalong bumibilis ang t***k ng puso niya.
Napakagat siya sa labi bago mahina na nagsalita.
“Is this gonna take long? Parang gusto ko na lang umuwi.”
Bahagyang natawa si Jayden bago marahang pinisil ang kamay niya.
“Relax. Matatapos din agad.”
At nagsimula na ang seremonya.
Napaka-inosente ng mukha ni Belle habang ginagawa ang bahagi niya sa kasal. Halatang kinakabahan siya sa bawat salitang binibitawan niya habang si Jayden naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanya.
At nang matapos ang ceremony, hindi siya hinalikan ni Jayden sa labi.
Sa halip, mahigpit lang siya nitong niyakap dahil alam nitong hindi pa handa si Belle sa ganoong intimacy.
Pagkatapos ng kasal, umuwi rin agad sila na parang walang nangyari. Tahimik lang ang biyahe nila pauwi.
Pagdating sa bahay, diretso agad si Belle sa kanyang kwarto dahil sa pagod at emotional exhaustion. Hinayaan na lang siya ni Jayden na magpahinga bago ito tahimik na nagtungo rin sa sariling kwarto.
Sa mga sumunod na araw, nanatiling simple ang setup nilang dalawa. Opisyal na silang mag-asawa, pero hindi minadali ni Jayden ang relasyon nila. Hinayaan niya si Belle na mag-focus muna sa college at sa mga bagay na gusto nito.
Pero kahit ganoon, may awkward tension pa rin minsan sa pagitan nila.
Palaging busy si Jayden sa trabaho at madalas umuuwi nang late dahil sa overtime. Hindi dahil iniiwasan niya ang responsibilidad bilang asawa… kundi dahil hindi pa rin niya alam kung paano haharapin ang bagong setup nilang dalawa.
Isang gabi, alas-onse na pero wala pa rin si Jayden.
Paulit-ulit siyang tinatawagan ni Belle pero walang sagot. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa sofa habang nakabukas pa ang TV.
Pagdating ni Jayden sa bahay, iyon agad ang bumungad sa kanya.
Tahimik siyang napabuntong-hininga bago marahang lumapit kay Belle at dahan-dahan itong ginising.
“Belle… bakit dito ka natulog?”
Unti-unting dumilat si Belle bago napaupo.
“I waited for you…” mahina niyang sabi. “I’m sorry.”
Agad niyang napunasan ang mata niya bago napakagat sa labi.
“Why are you always working overtime?” tanong niya habang unti-unting tumutulo ang mga luha niya.
Nagulat si Jayden sa biglang pag-iyak nito.
“Belle… what’s wrong?” agad niyang tanong habang halatang nag-aalala.
Hindi na napigilan ni Belle ang sarili.
“I’ve been cooking dinner for you every night…” nanginginig niyang sabi. “I wanted us to eat together. Pero gabi-gabi na lang lumalamig yung pagkain because you never come home.”
Mas lalo siyang napaiyak.
“It feels like mas importante pa yung trabaho mo kaysa sa’kin.”
Nanahimik si Jayden bago siya agad niyakap nang mahigpit.
“I’m sorry,” bulong niya. “I didn’t even notice… I should’ve paid more attention to your effort.”
Tahimik lang na umiyak si Belle habang yakap siya nito.
At sa unang pagkakataon matapos ang kasal nila, mas lalo nilang naramdaman ang presence ng isa’t isa.
Pagkatapos noon, sinamahan siya ni Jayden pabalik sa kwarto hanggang sa muli itong makatulog.
Kinabukasan, napasarap ang tulog ni Belle.
Ngunit pagmulat niya ng mata, agad niyang naramdaman ang presence ni Jayden sa tabi niya.
Biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
At nang mapansing gising na rin si Jayden, mabilis niyang ipinikit ulit ang mga mata.
Napangiti si Jayden.
“Tsk… you’re pretending to sleep again,” bulong nito.
Bumangon ito at marahang hinalikan si Belle sa noo bago lumabas ng kwarto.
Pagkasara ng pinto, saka lang muling dumilat si Belle.
Napahawak siya sa dibdib niya habang pilit pinapakiramdaman ang mabilis na t***k ng puso niya.
Makalipas ang ilang minuto, bumaba siya sa kusina at nakita niyang naghahanda ng breakfast si Jayden.
“Belle, eat your breakfast,” sabi ni Jayden na may halong lambing sa boses.
Tahimik silang kumain.
Pagkatapos noon, naghanda na si Jayden para pumasok sa office. Bago ito umalis, tumingin muna ito kay Belle.
“Belle, I promise I won’t come home late again.”
Napakurap si Belle bago bahagyang tumango.
“O-okay… ingat ka.”
Akala ni Belle noon, hindi importante ang age gap.
Pero habang tumatagal, mas lalo niyang nararamdaman ang difference nila ni Jayden. Minsan, parang bata pa rin ang tingin nito sa kanya.
Ngayon, tahimik siyang gumagawa ng portrait ng kanilang maliit na pamilya—siya, si Jayden, at ang mommy niya.
Sa drawing, masaya silang tatlo.
At ang mommy niya ang may pinakamalawak na ngiti.
Miss na miss na niya ito.
Habang abala siya sa pagpipinta, biglang may nag-pop na notification sa cellphone niya.
Message from Eve. “Magkita tayo.”
Agad nagsalubong ang kilay ni Belle.
“I don’t have time. Stop bothering me,” bulong niya sa sarili habang hindi nire-replyan ang message.
Ilang segundo lang, tumawag si Eve.
Pero hindi niya iyon sinagot.
Hindi pa rin lubos na kampante si Belle dahil natatakot siyang baka gumawa ng paraan si Eve para makipagkita muli kay Jayden.
Pero sa kabila ng lahat…
May tiwala siya rito.
At ayaw niyang sirain ng takot ang unti-unti nilang binubuong relasyon.