CHAPTER 12

1522 Words
JAYDEN POV May nabasa akong article about married couples. Sabi roon, maraming asawa ang slowly becoming depressed kapag palagi silang naiiwan sa bahay at hindi nabibigyan ng enough attention ng partner nila. Siguro… ganito ang nararamdaman ni Belle ngayon. Ever since she cried because I kept coming home late, hindi na iyon mawala sa isip ko. Ngayon ko lang narealize how sensitive she really is when it comes to small things. Hindi dahil maarte siya… but because she genuinely cares. She waits for me every night. She cooks for me. And somehow, I still made her feel lonely. I decided to leave the office early. I wanted to spend time with her. Kahit simpleng dinner lang sa labas, okay na. I just wanted to make her smile again. Pero habang nasa biyahe ako, tumawag siya. Agad kong sinagot ang phone. “Yes, Belle? I’m on my way home.” Mahina ang boses niya sa kabilang linya. “Pwede ba tayong kumain sa labas?” Bahagya akong napangiti. “Sure. Where do you want to go?” “Remember the restaurant we always used to visit with mommy?” Napatahimik ako sandali. She probably missed those days. The days when mommy was still with us. The days when everything still felt warm and complete. “Okay. I’ll pick you up there.” Pero agad siyang sumagot. “No… let’s just meet outside the building.” “Alright. I’ll wait for you.” Pagkababa ko ng tawag, agad akong lumabas para hintayin siya sa labas. Pero ilang minuto lang, may babaeng papalapit sa akin. And the moment I recognized her, parang tumigil ang mundo ko. Si Eve. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. I never expected to see her again. And no matter how much I tried to deny it…I missed her. Lumapit siya sa akin habang namumula ang mga mata niya, parang matagal nang umiiyak. “Eve? What are you doing here?” tanong ko habang hindi makapaniwala. “Can we talk?” Basag ang boses niya. At doon, parang bumalik lahat ng memories naming dalawa. The memories I tried so hard to bury after marrying Belle. Napabuntong-hininga ako bago ko dahan-dahang hinawakan ang mga kamay niya. “Eve… I’m really sorry.” Hindi ko namalayang namumuo na rin ang luha sa mga mata ko. I pulled her into a hug. “I hope you can forgive me.” Ramdam kong nanginginig siya habang yakap ko. “I didn’t think our relationship would end like this,” umiiyak niyang sabi. “Can’t we go back? Please?” Nanikip ang dibdib ko. I didn’t know what to say. I loved her before. And maybe… a part of me still does. Dinala ko siya sa sasakyan para makapag-usap kami nang maayos. Tahimik kaming dalawa sa loob ng ilang segundo bago siya muling nagsalita. “Jayden… did you really marry her?” Napapikit ako sandali. She deserved to know the truth. “We’re already married.” Parang gumuho ang mundo niya sa narinig. Bigla siyang napaiyak habang tinatakpan ang bibig niya. Napabuntong-hininga ako at umiwas ng tingin. After a while, she looked at me again. “Okay… but do you already love her?” Natahimik ako. Love? Mahal ko si Belle. But in what way? Lumaki siyang kasama namin ni mommy. I watched her grow up right beside me. I’m used to taking care of her. Sanay ako na kasama siya sa bahay. Sanay akong iniintindi siya. Pero bilang babae? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kailan dapat magsimula ang ganoong feelings. “I know her very well,” sagot ko. “I watched her grow up with me and mommy. There’s no adjustment needed in our life together.” Tahimik na nakinig si Eve bago niya ako direktang tiningnan. “So… you don’t have romantic feelings for her?” Hindi ako agad nakasagot. And in that silence, I couldn’t understand my own feelings toward Belle. Pero isang bagay ang sigurado ako— I don’t want to hurt her. Napabuntong-hininga ako bago binuksan ang pinto ng sasakyan. “I’m sorry, Eve. I have to go.” Pero bago pa ako makalabas, hinawakan niya ang braso ko. “Jayden… wait.” At bago ko pa mapigilan ang lahat—She kissed me. Nanigas ako. For a few seconds, hindi ako nakagalaw. Ramdam ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya. Ramdam ko pa ring mahalaga siya sa akin. Part of me wanted to stay. Part of me still remembered how much I loved her. But at the same time… Biglang pumasok si Belle sa isip ko. Belle waiting for me. Agad akong lumayo kay Eve. Huminga siya nang malalim bago pilit na ngumiti. “I’m leaving now,” mahina niyang sabi. “Maybe it’ll take a long time before we see each other again.” At pagkatapos noon, tuluyan na siyang bumaba ng sasakyan. Napahawak ako sa buhok ko habang magulong-magulo ang isip ko. “Damn it…” This is wrong. At biglang nanlamig ang buong katawan ko. “Belle…” Baka nasa labas na siya ng building. Mabilis akong lumabas ng parking lot at naghanap sa paligid. Pero wala siya. At ilang segundo lang, may pumasok na text message. “I’m sorry. Just go home. Nawalan ako ng ganang kumain sa labas.” Nanlaki ang mga mata ko. Did she see us? Hindi…Hindi puwede. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan pauwi. Pagdating ko sa bahay, agad akong tumakbo papunta sa kwarto niya. “Belle!” Nakahiga siya sa kama habang nakatalukbong ng kumot. Lumapit agad ako sa kanya. “Belle… come on. Didn’t you want to eat out? There’s still time.” Hindi siya sumagot. “Belle…” Dahan-dahan siyang bumangon. At nang tumingin siya sa akin, parang may kung anong sumikip sa dibdib ko. “Jayden…” nanginginig niyang sabi. “Belle?” "I’m going to study abroad.” deretyahan niyang sabi. I pause for a while bago agsalita. “Why? I won’t allow this.” “Our marriage is just wasted if we stay together. You don’t love me, right?” Napatitig ako sa kanya. At sa unang pagkakataon… I wanted to ask her the same thing. Pero bago pa ako makapagsalita, nauna na siya. “You don’t want to be with me because you love someone else. Right?” Napapikit ako at tumalikod dahil ayokong makipagtalo tungkol dito. "Magluluto nalang ako nga dinner." Two steps before I reach the door she stand and shouting at me. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!" Hindi ko na napigilan ang emotion kaya nasigawan ko rin siya. “Ano pa ang gusto mong gawin ko para pagkatiwalaan mo ako?!” Natahimik kami pareho. Ngunit bigla kong hinila ang kamay niya at hinawakan ang magkabila niyang balikat. “Bitawan mo ako!” nagpumiglas siya. Sinubukan kong hawakan ang mukha niya. I wanted to kiss her. But my chest felt so heavy. Hindi ko magawa. Agad ko siyang niyakap. Pero mabilis niya akong itinulak palayo. “Lumayo ka! Get out of my room!” At sa pagkakataong iyon… wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay at inutusan ang katulong na ihanda ang breakfast ni Belle. Pagdating ko sa office, agad akong sinalubong ni Jun. "May problema ba?" "Si Belle, gustong mag-aral abroad." "Matagal na niyang gustong mag-aral abroad, but you can't allow her dahil mag-asawa na kayo." "I know... Pero, galit na galit siya sakin." "Nandito siya kahapon, hinahanap ka. Parang excited pa nga na makita ka." Hindi niya man sinabi sa'kin kahapon, pero alam kong nakita niya kami. I couldn’t focus on work the entire day. Si Belle lang ang laman ng isip ko. Pagsapit ng tanghali, agad akong tumawag sa bahay. Ang katulong ang sumagot. “Manang, kamusta si Belle? Kumain na ba siya?” Pero nagpanic ang boses nito. “Sir! Umalis po si Belle!” Bigla akong napatayo. “Ano?!” Agad akong umalis ng office at tinawagan siya nang paulit-ulit. Pero walang sumasagot. Pagkauwi ko sa bahay, agad kong hinalughog ang kwarto niya. Wala na ang mga gamit niya. Nanlamig ang buong katawan ko. “Belle… nasaan ka?” Bigla akong kinabahan. Baka umalis na siya ng bansa. Agad akong nagpunta sa airport kahit wala akong idea kung paano ko siya mahahanap. Paulit-ulit ko siyang tinatawagan hanggang sa wakas ay sumagot siya. “Belle! Where are you?!” Tahimik muna siya bago mahina siyang nagsalita. “Don’t look for me. I’m already on the plane.” Biglang sumikip ang dibdib ko. “Promise… I’ll come back after I finish my studies.” Nanlabo ang paningin ko. “No… come back. Please.” pagmamakaawa ko. Tahimik siya sandali bago mahina siyang nagsalita. “Bye, Jayden.” “Belle! Belle!” Pero naputol na ang tawag. March 13, 2024 (Araw na umalis siya.) At sa unang pagkakataon matapos ang lahat…doon ko tunay na narealize kung gaano ako natatakot na mawala siya. Months passed. Then one year passed. Hanggang sa lumagpas pa ng isang taon. Pero wala pa rin akong balita kay Belle. Hindi niya sinabi kung saang bansa siya nagpunta. And until now… I still don’t know how she’s doing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD