BELLE POV
I do not want to leave. But staying with Jayden hurts me even more. Every time I look at him, naaalala ko lang kung paano siya hindi makasagot nang tanungin ko kung mahal niya ba ako bilang asawa niya. At tuwing maaalala ko si Eve, parang hindi ako makahinga. Kaya mas mabuti nang lumayo muna ako. Maybe distance would make things easier for both of us. Maybe if I disappeared for a while, he could finally be happy.
Pagdating ko abroad, halos araw-araw akong umiiyak. Everything felt unfamiliar. The place, the people, the weather… pati ang buhay ko. I studied abroad while pursuing my dream of becoming a model. At first, akala ko madali lang. Pero sobrang hirap pala mabuhay mag-isa. There were nights when I wanted to give up. Mga gabing umiiyak ako habang mag-isa sa apartment ko sa New York. Mga gabing gusto ko na lang umuwi at kalimutan lahat. Pero wala akong choice. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko.
Unti-unti, nagsimula akong makilala bilang model. I was hired for magazine shoots, brand endorsements, and even television advertisements. Dahil doon, naging busy rin ang buhay ko. For the first time, I started building something on my own. Without Jayden. Without depending on him.
Pero kahit gaano ako ka-busy, I still missed him. At mas madalas, naaalala ko si mommy Elsa. Iyong tatlo lang kami noon. Simple pero masaya. Like those random nights na sabay kaming kumakain habang madaldal si mommy Elsa at tahimik lang nakikinig si Jayden. Paminsan-minsan, tatawa siya kapag kinukulit siya ni mommy. Naalala ko rin iyong mga araw na magkasama kaming tatlo sa favorite naming restaurant. Mommy Elsa would always smile habang pinapanood kaming magtalo ni Jayden sa maliliit na bagay.
Back then, everything felt complete. Parang walang problema. And every single time I remember those memories, mas lalo lang sumasakit ang puso ko.
I heard from Jun before na hinanap daw ako ni Jayden after kong umalis. Pero hindi ko sinabi kay Jun kung saan ako. Ilang buwan din daw siyang hindi mapakali. But eventually, naging busy ulit siya sa company. At doon ko narealize… maybe I wasn’t that important after all.
Pero aaminin ko… I really miss him. But does he miss me too?
One year later and 10 months later, I decided to go back to the country. February 16, 2026, Monday. Napakahabang taon din.
I already learned enough abroad. Marami na rin akong experience sa modeling industry, and honestly… napagod na rin akong tumakbo palayo. Pero hindi ko sinabi kay Jayden na babalik ako. Hindi pa ako handa na makita siya.
Pagdating ko sa bansa, hindi muna ako umuwi sa bahay namin. Instead, nag-stay muna ako sa isang hotel.
I needed time. A few days later, bumili rin ako ng sarili kong condominium. Ayoko munang bumalik sa bahay.
One morning, may tumawag sa akin mula sa Imperial Modeling & Advertising Agency. Our company. Pero walang nakakakilala sa akin doon bilang anak ng dating CEO. At lalong walang nakakaalam na asawa ako ni Jayden. And honestly, wala naman akong balak magpakilala. But I was expected na malalaman agad ni Jayden na papasok ako bilang model sa company.
“Good morning,” sagot ko sa tawag.
Narinig ko ang professional na boses ng babae sa kabilang linya.
“Ms. Belle, good morning. Will you be able to come to the office this morning? The advertiser wants to talk to you personally.”
Napahinga ako nang malalim bago sumagot. “Sure. I’ll be there.”
Pagkababa ko ng tawag, hindi ko maiwasang kabahan. There’s a possibility na magkita kami ni Jayden. And honestly… I didn’t know if I was ready for that.
Habang nasa sasakyan ako papunta sa Imperial Agency, halos hindi ako mapakali. My hands felt cold. Mabilis ang t***k ng puso ko. After one year… what if he already moved on? What if he’s back with Eve?
Pagdating ko sa building, parang gusto kong umatras. Nakatayo lang ako sa labas habang nakatingin sa malaking building ng Imperial Agency. Everything felt nostalgic.
Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok.
At pagpasok ko pa lang, agad akong natigilan.
Nakapaskil sa malaking digital poster ang mukha ko. It was one of my overseas advertisements promoting a luxury cosmetic brand. May malaking nakalagay na:
WELCOME, BELLE DANIELES.
Napakurap ako. I didn’t expect this at all.
Biglang lumapit sa akin si Mrs. Fe, ang manager na tumawag sa akin kanina. Nakangiti siya habang inaabot ang kamay niya.
“Good to finally see you in person, Ms. Belle,” nakangiti niyang sabi. “Shall we start the negotiation?”
Bahagya akong ngumiti kahit kinakabahan. “Okay.”
Dinala niya ako sa conference room kung saan namin pinag-usapan ang endorsement contract. Two years. Two-year exclusive contract bilang bagong face ng kanilang luxury campaign.
Hindi ko namalayang halos thirty minutes na pala ang lumipas.
Natapos rin ang meeting, at habang palabas ako ng conference room, bigla akong natigilan.
My heart started beating so fast.
Because standing in front of me… was Jayden.
Napakaseryoso ng mukha niya habang may kausap na staff. Mas lalo siyang naging mature tingnan kumpara noon. Mas malamig. Mas intimidating.
At kahit isang taon ko siyang hindi nakita, siya pa rin ang dahilan kung bakit kinakabahan ako nang ganito.
Napatingin siya sa direksyon ko.
At halos hindi ako makahinga.
Papalapit siya.
My chest tightened.
Akala ko… mapapansin niya agad ako. Akala ko magugulat siya. Akala ko titigil siya.
Pero hindi.
Nilampasan niya lang ako.
Diretso lang siyang naglakad na parang hindi niya ako kilala.
Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi niya ako nakilala?
Or… he just pretended not to?
Bigla kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Mabilis akong yumuko at naglakad palabas ng building. Halos tumakbo ako papunta sa sasakyan ko bago tuluyang bumagsak ang mga luha ko.
Tahimik akong umiyak habang hawak ang manibela.
Ang sakit.
After one year… ganito na lang ba ako para sa kanya?
At doon, unti-unting pumasok sa isip ko ang posibilidad na matagal ko nang iniiwasang isipin.
Maybe he already married someone else.
Or maybe… nagkabalikan na sila ni Eve.
Oo. Posibleng-posible iyon.
And maybe… he just couldn’t wait for me anymore.