Ang Isa pa nating Bida- Lennie

836 Words
Lennie "Ano na naman ang ginawa mo at pinatatawag na naman ako ni Major? Sino na namang babae ang pinakialaman mo? Wala ka na bang ibang alam gawin kung hindi isabit sa mga katarantaduhan mo ang pangalan ko?" Galit na galit na sigaw ni Alejandro Guanzon. "Papa, wala akong kasalanan. One night stand lang 'yon tapos ang gusto panagutan ko na ang nangyari. Hindi naman tama 'yon, di ba? Gusto niya at gusto ko rin kaya may nangyari sa amin. Pinagbigyan ko na nga tapos ako pa ngayon ang masama? Kasalanan ko ba kung namana ko sa iyo ang gandang lalaki at karisma sa mga chicks? At saka hindi lang ako ang kalaro ng babaeng 'yon. Ano 'yon, lokohan? Maniwala ka Papa, nakasuot ako ng kapote nang may mangyari sa amin. Kaya hindi akin ang nasa tiyan niya!" Hanep sa pangangatwiran 'no? 'Yan naman si Leonardo aka Lennie Guanzon. Bunsong anak ng isa sa pinaka maunlad na pamilya sa larangan ng pagnenegosyo hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi maging sa ilan pang bansa sa Asya. Beinte singko anyos siya at binata. Nagtataglay ng maraming M sa personalidad. M-akisig M-atipuno M-atangkad M-agandang magdala ng damit M-abango M-ayaman M-ahusay mambola M-agaling magpasakay at maraaaami pang iba! Certified lapitin ng chicks, at dahil palay ang lumalapit sa manok, tuka pa more ang loko. Generous daw kasi siya. Gano"n.? Ampotek! Eh di, wow! Kahit napapaligiran ng mga alindog ni Eba ay wala siyang naging steady girlfriend. According to him, hindi pa raw niya nakikilala ang babaeng walang description. Ang bebot na hindi niya kayang i-define. 'Yung tipong hindi lang hahanapin ng kanyang puson kung hindi hahanap-hanapin din ng kanyang puso. Kaya naman wala pa raw siyang sineseryoso. Hmp! Ewan kung totoo, o palusot niya lang yan. Kasi, si Lennie ay ayaw na ayaw nang nakatali. Life is too short so live your life to the fullest, ang kanyang motto. Pa easy-easy, ayaw ng commitments at walang plans for the future. Ang katwiran niya ay nakaka-stress lang daw ang bigyan ng pressure ang sarili. Kung ano ang dumating 'yun lang ang intindihin dahil hindi raw niya alam kung baka sa pagsapit ng isang umaga ay hindi na pala siya magigising. Walang plano, walang direksyon. Just go with the flow! Pupunta lang sa kumpanya ng ama kapag may hihingin. Natutulog lang sa upuan kapag may board meeting. Palibhasa ay bunso at super favorite ng ama dahil nga talagang kamukha niya ito kaya lahat ng gusto ay nakukuha nang walang kahirap-hirap. Kahit hindi magtrabaho ay may income dahil sa share of stocks na minana sa namayapang lola. Bukod pa sa siyempre, anak ng may ari ng kumpanya. But in fairness to him, hindi naman totally useless ang ating bida. Nakakatulong din siya sa pagsasara ng mga kontrata dahil nga sa magandang itsura at mahusay na pananalita. Lapitin ng chicks kaya lapitin din siya ng trobol. At sa mga gusot na nagagawa, ang ama ang laging to the rescue. Alam kasi niyang hindi siya nito matitikis kaya balewala lang sa kanya ang lahat. Tinulugan nga lang niya ang problemang tinatanong nito ngayon sa kanya. "Kapag hindi ka naglubay sa paggawa ng kalokohan, dalawa lang ang pamimilian mo. Una maglakad papunta sa harap ng altar at sumagot ng 'I DO' sa pari at ang ikalawa ay magsimbang may bulak sa ilong!" sermon pa rin ng ama. "Pa naman, papayagan mo bang ang bunso mo at kamukhang anak ay magkaganun? Ayusin mo na lang uli. Pangako, last na 'to. Hindi na talaga kita bibigyan ng problema." Tunog ng telepono ang pumutol sa usapan nilangg mag-ama. "Ikaw na ang bahala, pare. Okey, okey. Salamat. Dadaan ako diyan mamaya. Sige. Okey. Bye!" sabi ng ama sa kausap nito sa kabilang linya. Nakamaang lamang si Lennie habang pasimpleng sumusulyap at nakikinig sa pakikipag-usap ng ama sa telepono. Kung ang magkasalubong nitong kilay pagbabasehan ay hindi pa ayos ang problemang napasukan niya. Nakaramdam siya ng kaba at naghintay sa sasabihin ng ama. Alam niyang nag-iisip pa ito kung ano ang dapat gawin sa sitwasyong nasuungan niya... NA NAMAN. Napaunat siya sa pagkakatayo nang marinig ang maotoridad ngunit may pag-aalalang boses ng ama. "Dumoon ka na muna sa Antipolo. Magpalamig ka na muna sa resthouse ng kuya mo hanggang hindi pa natatapos ang gulong ito." Sabi ng matandang Guanzon matapos iabot muli sa katulong ang teleponong walang kurdon. "Pero, Pa. Madali akong makikita 'dun. Alam ng tropa ang lugar na 'yon." "Bahala ka na nga kung saan ka pwedeng pumunta. Sumasakit ang ulo ko sayo!" "Pasensya ka na, Papa. Malusutan ko lang ito, pangako magtitino na ako.'' Pagkasabi ay humalik ito sa ama at nagmamadaling pumasok sa sariling silid. Ilang sandali pa at muli itong lumabas bitbit ang isang bag na may lamang personal na gamit at limang credit card. "Tawagan mo agad ako kung nasaan ka ha. Mag-iingat ka!" Bilin na lang ng nag'aalalang ama. "Yes, Pa. I love you!" Sigaw ng binata at pagkatapos ay pinasibad na ang kotse palayo. Si Leonardo "Lennie" Guanzon. Ang ating leading man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD