CHAPTER 1 - Mommy

978 Words
Mommy "AW, s**t!" nasabi ni Rennie. Natapon kasi ang gatas na in-scoop niya. Natataranta siya sa pag-iyak ni King. Sa paglingon niya upang tignan ito ay hindi niya pala nagawang i-shoot sa bunganga ng feeding bottle ang scoop na gamit. "Wait lang, my King. Natataranta ang mommy, eh." Sabi niya sa eight month old na batang lalaki na para namang maiintindihan siya. Matapos matimpla ang gatas ay nagmamadali siyang lumapit sa crib at maingat na isinubo sa baby ang dede. "Naku naman, gutom na gutom na pala ang baby ko kaya iyak nang iyak. Pasensya na sa mommy ha, kailangan kasi niyang matapos ang work niya para maging cash. Para makabili ng maraaaaming maraming gatas at vitamins para maging malusog ka. Naiintindihan mo naman ang mommy di ba?" Pagkausap niya sa cute na cute na baby na nakakapit pa ang isang kamay sa daliri niya. Ngumingiti ito habang nakatingin sa kanya sa pagitan nang pagsipsip sa dedeng tinimpla niya. "Diyan ka lang ha, work uli si mommy." Nakangiti niyang paalam sa baby. Muli niyang inayos ang pagkakapusod ng mahabang buhok at isinuot ang salamin sa mata. Inupuan niya uli ang ginagawang draft para sa commercial ng isang sikat na food chain. Dahil na-destruct ay bahagyang nawala ang momentum na kanina ay nagsi-circulate sa kanyang mga ugat. Isinandal niya ang likod at ulo sa malambot na upuan na may pansalo sa batok. Tumingin siya sa kisame na para bang doon makikita ang picture na kailangang gawin. Ang kamay na may hawak na lapis ay nilalaro at ikinakatok-katok sa mesang narra na matanda pa sa kanya. Nakagawain na niya ang gano'n kapag nag-iisip. Madalas ay nagsasalita din siyang mag-isa. Kinakausap ang sarili, tatanungin at sasagutin pagkatapos. Sinikap niyang mag-concentrate. Ni-relax niya ang isip. Inalis ang mga alalahanin at initindihin. Malapit na. Maganda na ang paligid. Unti-unti na niyang naririnig ang lagaslas ng tubig mula sa napakalinis na batis. Ang mahinang huni ng mga ibon. Nararamdaman na niya ang paghalik ng mabangong hangin sa kanyang pisngi. Payapa na ang buong paligid. Ayan na. Paparating na ang mga ideas na kailangan niya. Papalapit na. "Waaah! Waaah!" Naigtad siya! Mabilis na napatayo at agad na nilapitan ang baby na umiiyak. "Uh, bakit?" malambing niyang tanong. Kinuha niya ang umiiyak na baby mula sa crib at kinarga. "Hindi ka naman pwedeng dumede nang sobra, anak. Sasakit ang tiyan mo kapag masyado kang nabusog. Sasayaw na lang tayo hanggang sa mag-antok ka ha. Huwag ka na umiyak karga ka ng mommy. Huhumn, huhumm, huhumn..." huni niya sa isang awiting pampaantok. Hindi niya alam kung anong awit ang hinuhuni niya. Halo-halo na lang. Kung ano lang basta makapag-produce lang siya ng tunog na para sa kanya ay lullaby ang category. Napangiti siya nang huminto na sa pag-iyak ang ipinaghehele. Nakasandal ang ulo nito sa kanyang balikat at ang maliit na mukha ay nakapaharap sa kanyang leeg. Habang isinasayaw ang karga ay hinahagod pa niya ang likod nito na parang kinakamot. Tahimik na si King. Bahagya niyang sinilip ang mukha nito at nang makitang nakapikit na ay dahan-dahan siyang lumapit sa crib upang maibaba na ito at maayos na maihiga. Dahan-dahan at ingat na ingat siya sa paglipat kay King. Kapag naramdaman nito na hindi na niya karga ay baka magising at umiyak uli. Gabuhok na lang at mailalapat na niya ito sa malambot na higaan nang biglang mag ring ang telepono! "Aw, s**t!" mahina niyang sabi. Ang kinatatakutan niya ay nangyari na nga! Nagulat si King, nagpalahaw ng iyak. Nagmadali siya sa pagkargang muli sa alaga at isinayaw uli. Pero hindi ito huminto. Palibhasa ay nagulat kaya patili ang iyak nito. Nataranta siya! Sumasabay pa ang maingay na tunog ng telepono. Habang karga si King ay nilapitan niya ang kinaroroonan ng teleponong makulit. Hindi na lang sana niya sasagutin ang tawag kaya lang ay naisip na baka ang lady boss niya ang nasa kabilang linya kaya inangat niya ang awditibo at inilapit sa isang tenga. "Hello..." "Hello, Rennie! Si Janine to, hindi ko na mao occupy ang place sa iyo. Biglang dumating ang kapatid ko at pinauuwi ako sa kanila." "Ha?" Nagulat niyang tanong. Na-disappoint siya sa narinig. Kailangang-kailangan pa naman niya ng extra income para sa mga bills niya sa bahay. Meralco, Nawasa, Internet, etsetera etsetera. "Hello, Rennie! Nandiyan ka pa ba?' "Yeah...'' Matamlay niyang sagot. "Pero may friend ako na papalit sa akin. Magbo-board siya diyan sa iyo kung papayag ka." Napangiti siya. Nagkaroon ng interes sa magandang balitang sinabi ng kausap. Hindi napansin ng dalaga na pilit na inaabot ni King ang mukha ng bentilador na malapit sa kanila. "Okey sa akin, basta kilala mo yan, ha. Sagot mo sa akin 'yan." Ngiting-ngiti niyang sabi. "Oo naman! Kilalang kilala ko si Lennie. Cowboy yun at walang arte sa katawan. Magkakasundo kayo nun, promise." "Alam na ba niya ang patakaran ko? Two months deposit, two months advance?" paniniguro niya. "Yes, Informed na siya. Actually, naka ready na ang pambayad niya at idedeposit na lang sa account mo once pumayag ka. Siya na ba ang papapirmahin ko sa agreement na nasa akin?" "Okey. Okey kung ganun!'' "One thing pa Rennie, Lennie is.." "Aw, s**t!" nasabi ng dalaga. Maagap niyang iniiwas ang kamay ni King sa bentilador. Namutla siya at agad na natakot nang muntik nang sumuot ang daliri ng bata! Dahil sa pag-iwas ay gumalaw ang mukha ng bentilador at natutok sa mesa niya. Nagliparan ang mga papel na sa ibabaw. Napapadyak siya sa inis. Biglang umiyak si King kaya nataranta na naman siya. "Hello, Rennie! Lennie is a guy, ha. Okey lang ba? Mabait naman siya kahit may pagka childish. Payag ka ba na mag-board siya diyan hanggang sa mai-settle niya ang misunderstanding nila ng Papa niya. Hello...Hello..." "Oh no, King. Hindi sa iyo galit si mommy. Huwag ka nang umiyak." "Hello!" "Hello. okey na. Okey na, salamat ha." "Salamat din, Rennie. Bye!" "Bye!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD