CHAPTER 2 - Suportahan Taka

919 Words
"OH, my God! Ano'ng nangyari?" Alalang-alalang tanong ni Emmari habang nakatingin sa mga nagkalat na papel sa sahig at pagkaraan ay sa kaibigang iyak nang iyak. Katabi nito ang yaya ni King na nakasabay papasok ng gate. "May nakapasok ba ditong mga masasamang loob? Violy! Tumawag ka agad sa presinto, dalian mo!" Utos ni Emmari sa yayang may bitbit na dalawang plastic bag na may tatak ng sikat na supermarket. Agad na ibinaba ng yaya ang hawak ngunit natigilan nang... "Si King kasi..." Humihikbing paunang salita ni Rennie na nakapagpahinto kay Violy sa balak gawin at nakinig sa sasabihin pa ng amo. "Ano'ng nangyari kay King?" Natatakot na tanong ni Emmari. Kung pagbabasehan kasi niya ang ang pag iyak ng kaibigan ay parang may masamang nangyari sa batang yakap yakap nito. Ilang ulit lumunok si Rennie kaya agad na pumunta ng kusina si Violy. Saglit lang at may dala na itong isang basong may lamang tubig at iniabot sa dalaga. Gamit ang isang kamay ay mabilis na inubos ni Rennie ang inumin at saka pa lang tila naginhawahan ang lalamunan. Ikinwento ni Rennie ang nangyari. Nakinig naman ang dalawang babaeng bagong dating. "Kung nagkataon ay naputol ang mga daliri ni King dahil sa kapabayaan ko." humahagulgol na sisi ni Rennie sa sarili. Nagdalang habag si Emmari sa itsura ng dalaga. Pawis na pawis ito, kahalo ang luha sa mukha. Ang mahabang buhok na nakapuyod paangat ay nakasabukot at ang ilang hibla ay nakadikit sa basang balat. Ang leeg ng tshirt na suot ay nakatabingi, tantiya niya ay iyon ang ginamit ng kaibigang pamunas ng luha at sipon. "Ibigay mo na nga muna si King kay Violy at pareho na kayong naliligo sa pawis.", sabi ni Emmari. "Violy, paki kuha na nga si King at iayos mo ng higa sa crib niya. Punasan mo ang pawis at sapnan mo ang likod, ha.", muli nitong sabi. Lumapit ang yaya at iniakma ang mga kamay sa pagkuha sa alaga ngunit nag atubili ang humihikbi hikbi pa ring dalaga. "Ibigay mo na si King kay Violy para mas maging komportable ang tulog niya, para makapagpunas ka na rin ng pawis. Kapag nagkasakit ka ay mas magiging mahirap para sa kanya." pangungumbinsi ni Emmari. Itinuloy na ng yaya ang pagkuha sa alaga. Hindi na nga tumutol pa si Rennie. Sinundan na lamang nito ng tingin ang ginagawa ni Violy na pag aasikaso sa kanyang King. "Halika nga dito sa sofa, babae ka." pagkasabi ay hinila ni Emmari ang kaibigan at iniupo. Naupo na rin siya. "Kailan ka pa ba huling nanalamin? Nakita mo na ba ang itsura mo lately?", natatawang tanong ni Emmari. "Bakit? Ano ba ang itsura ko?", maang na tanong ni Rennie sabay hawi ng buhok at ayos sa suot na damit. "Mukha kang losyang na misis ng walang kweeeentang asawa at may anim na anak! Tantiya ko nga kung may maligaw na ahente ng kung anu ano diyan sa gate ng bahay mo ay hanapin pa sa iyo ang amo mo. Aba! Eh mas mukhang may ari pa ng bahay mo iyang si Violy!" sagot ni Emmari na parang nang aasar. "Grabe ka naman! Kaibigan ba kita o kaaway?" Tila nagtatampong sabi ni Rennie sa kaibigang sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang anak ay maganda at mukhang dalaga pa rin. Natawa si Emmari sa paghaba ng nguso ng dalaga, natawa na rin si Rennie sa sarili. "Seriously speaking, Rennie." Seryosong putol ni Emmari sa pagtatawanan nila ng kaibigan. "Sa nakikita ko ay kinukunsumo na ni King ang buong panahon mo. Too much attachment will lead too much pain. Huwag mo sanang kakalimutan na hindi ikaw ang tunay niyang mommy," paalala nito. Mabilis na nilingon ni Rennie ang yayang si Violy. "Wala si Violy, pumasok na sa kusina bitbit ang mga pinamili niya. Kaya hindi niya maririnig ang pinag uusapan natin." Maagap na sabi ni Emmari upang pawiin ang agam agam ng kaibigan. "Alam ko namang hindi akin si King, Emms. Kaya lang ay mahal na mahal ko siya. Alam mo naman ang hirap ko para lamang mabuhay siya di ba? Iniwanan man siya ni Rizbeth na parang kalat gusto ko maramdaman niyang siya ang pinaka precious para sa akin. Hindi naman kaila sa iyo ang istorya ng buhay ko. Kung hindi na siya balikan ni Riz, hindi siya masasaktan kasi may Mommy Rennie siya." maluha luhang sabi ng dalaga. "Eh paano kung isang araw ay bumalik ang walang puso niyang ina at sabihing kukunin na sa iyo ang anak niya? Paano mo tatanggaping iiwanan ka ni King?", diretsahang tanong ni Emmari. Hindi agad nakasagot si Rennie. Pakiramdam niya ay isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang dibdib. Naiisip pa lang ang sinabi ng kaibigan ay gusto na niyang pumalahaw ng iyak. "O di ba, napatulala ka na?" "At saka ko na lang iisipin yang sinabi mo kapag nangyari na. Please Emms, kunsintihin mo na lang muna ako ngayon. Kay King ko nararamdamang buo ako, na may dahilan ang buhay ko. Masaya akong maging mommy niya. So please, pagbigyan mo na ako." Maluha luhang pakiusap ni Rennie. Napabuntong-hininga na lamang si Emmari at pagkatapos ay ngumiti. "Okey fine! Kung saan ka masaya, suportahan taka!" Sa tuwa ni Rennie ay inakap nito ang kaibigang maagap na umilag. "Yucks! Maligo ka na nga muna!" taboy ni Emmari na nakatakip pa ang isang daliri sa ilong. "Heh!" Pagkasabi ay tumayo si Rennie at inihagis ang bimpong pinamunas ng pawis sa mukha ng kaibigan at saka nagtatakbo. "Renata dela Cruz!" Sigaw nang natatawang si Emmari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD