CHAPTER 3 - Kilig ni Yaya

1107 Words
Kilig ni Yaya PAPASIKAT na ang araw nang matapos ni Rennie ang ginagawa. Hatinggabi nang magbalik ang gana kaya nilamay na niya ang trabahong kailangang mai submit. Tinignan niyang muli ang mga drawing at ang commercial script na natapos. Nasisiyahan siyang tumango matapos imagine-nin iyon. Nakangiti niyang isinandal ang batok at likod sa upuan upang mai-relax. Pagkatapos ay tumayo at inunat unat ang mga braso bilang pinaka-exercise. Pumunta siya sa kusina upang magtimpla ng gatas. Pagkatapos ay dumiretso sa silid nina King at Violy. Habang unti-unting iniinom ang maligamgam na gatas ay pinagmamasdan niya ang mukha ng tulog na tulog na anak-anakan. Pagod siya at ang mukha ni King ang pinaka mabisang pang-alis ng kanyang nararamdaman. Napangiti siya nang mapangiti ito habang tulog. "Siguro nararamdaman mong pinapanood ka ni Mommy, ano?" bulong niya. Matapos ang ilang minutong pag iinspeksyon ay ipinasya na niyang lumabas. Dumiretso siya sa sariling silid at agad na nahiga sa malambot na kama. "Iidlip lang muna ako para hindi ako magmukhang haggard mamaya pagpunta sa office." Sabi niya sa sarili at pagkatapos ay ipinikit na ang mga mata. Mabilis na tinangay sa kawalan ang kanyang diwa at sa maigsing sandali ay nakatulog na. MALAKAS na iyak ni King ang gumising sa kanya. Agad niyang tinignan ang suot na wristwatch. "Aw, s**t! Ten o'clock na pala!" Pagkasabi ay nagmamadali siyang bumangon at nilabas ang umiiyak na anak. "Good morning, ate. Nagising ka po yata ng iyak ni King." Nahihiyang sabi ni Violy habang panay ang pagsayaw sa kargang alaga. Nakangiti lang siya habang lumalapit sa dalawa. "Bakit nag-aalburoto na naman ang baby ko, ha? Pinapahirapan mo na naman si Naynay Violy mo. Siguro nami-miss mo na si Mommy, ano? Ang tagal-tagal kasing gumising. Pasensya na anak. Ayan, nandito na si Mommy. Karga na ni Mommy si King. Stop crying na, baby. Shh..." Malambing niyang pagkausap sa buhat-buhat na anak. Tumigil naman si King sa pag-iyak. Parang naintindihan ang paliwanag niya. Titig na titig ito sa mukha niya at mayamaya lang ay ngumiti na. "Love na love mo talaga Si mommy, ano? Oo, gusto mo lagi kausap at kasama si Mommy. Syempre gano'n din ang mommy, ang gusto, e lagi kang kasama. Kasi mahal na mahal ka niya. Mahal na mahal kita." Hindi nabubura ang ngiti sa mga labi niya. Aliw na aliw sa anak na panay ang hagikgik na tila naiintindihan ang mga sinabi niya. "Ate Ren, magko-coffee ka po ba, o carrot juice?" tanong ni Violy. "Coffee na lang para hindi ako antukin." Tumalikod na ang yaya at nang magbalik ay may dalang umuusok na kape. Ibinaba niya si King sa oversized crib na pinasadya niya dahil huminto na sa pag-iyak. Natapos na ang pag-aalburoto. Gumagapang na ito, umuupo at nangangabay na kaya pinaluwagan niya ang gagalawan ng anak. Naglaro na si King habang patingin-tingin sa kanya. Natawa siya sa ginagawang iyon ni King. Naisip na siguro ay tinitiyak nito na hindi siya aalis. Nilapitan niya ang anak at nakangiting hinagkan sa noo. "Violy, after lunch ay pupunta ako sa office. Ikaw na ang bahala dito sa bahay lalong-lalo na kay King." Bilin niya sa yayang nag-uumpisa nang magwalis. "Yes, Ate!" nakangiti at bibo nitong sagot. Pakaubos ng kape ay pumunta siya sa kusina. Nalilibang si King sa paglalaro kaya hindi nito napansin ang paglayo niya. Binuksan niya ang ref at kinuha ang mga gulay na gagamiting panahog sa nilagang iluluto niya. Nailabas na niya ang ribs kanina bago matulog at tamang tamang wala na itong yelo kaya pwede na isalang. Hinugasan niyang mabuti ang mga gulay at ang dalawang malalaking patatas para kay King. Habang nakasalang at pinalalambot ang karne, gano'n din ang bigas na isinalang naman sa sa rice cooker ay sinimulan na niyang linisin ang lababo. Maliksi ang kanyang kilos, at animo'y pakyawan kung gumalaw. Walang nakalalampas na sandaling walang nagagawa. Nang matantiyang malambot na ang nakasalang ay itinambog na niya ang mga panahog at muling naghintay na maluto. Lalo niyang binilisan ang paglilinis. Makintab na ang mesang narra na may nakapatong na makapal na salamin nang umangat sa 'keep warm' ang rice cooker. Nilapitan na rin niya ang kalderong umuusok at tinikman ang lasa ng nilaga. "Perfect!" Puri niya sa sarili. Mabilis siyang naghugas ng kamay at pagkatapos ay hinapaw ang malambot na patatas at dinurog gamit ang tinidor. Matapos lagyan ng kaunting sabaw at palamigin ay binalikan niya si King para pakainin. Maayos at sistemado ang kanyang mga galaw na hinahangaan ni Violy at pinag-aaralang magaya. Pagkaraang mananghalian ay maliksi na siyang naligo at nag ayos ng sarili. Matapos bilinan ang kasambahay ay maingat siyang humalik sa natutulog na anak at saka dumiretso palabas ng bahay. Hapon. Paulit-ulit na pagtunog ng doorbell ang pumukaw sa atensiyon ni Violy. Mabilis itong sumilip sa labas ng bintana upang tignan kung sino ang nasa labas ng gate. Nasisiguro nitong hindi si Rennie ang may gawa no'n dahil busina sana ng motorsiklo ang narinig. Karga si King, lumapit ito sa hanggang dibdib na taas ng gate upang sinuhin ang nasa labas. "Magandang hapon, mis..." Alanganing bati ng lalaking nakatayo sa tapat. "Miss pa ako. Ano'ng kailangan mo?" Maagap nitong sagot habang titig na titig sa mukha ng kausap. "Aysus, ginoo! Kay guwapo naman ng lalaking ito!" "Ako si Lennie, friend ni Janine. Nagkausap na sila nung Rennie na may-ari daw nitong bahay. Nandiyan ba siya?" Nakangiting sabi ng lalaking nang mag alis ng suot na rayban ay mas lalong lumabas ang kakisigan. Napalunok si Violy. Hindi naitago ang paghanga. Bahagya pang nakanganga ang bibig. "Miss..." "H-ha? A, e, umalis si Ate. Hindi ko sigurado kung anong oras ang balik niya. Kaya kahit napaka guwapo mo ay hindi pa rin kita pwedeng patuluyin dito sa amin dahil tiyak na maa-award ako ni Ate." Paliwanag ni Violy. "Gano'n ba? Ang layo pa kasi nang pinanggalingan ko at saka pagod na pagod na talaga ako." Ang nalulungkot na mukha ng kausap ay matuling lumipat sa mukha ni Violy. "Naku, kawawa ka naman." Awang- awa pa nitong sabi. "Wala ka bang alam na ibang paraan para maipaalam sa kanya na dumating na ako?" Dahil sa malambing na pakiusap ng lalaki ay may naisip itong gawin. "Ay, sige. Susubukan ko siyang tawagan sa office. Sandali lang." Nakaikot na ito at nakailang hakbang na nang muling lumingon. "Ano nga uli ang pangalan mo?" Nakangiting sabi. "Lennie. Lennie Guanzon. Friend kamo ni Janine." Sagot ng binata na sinamahan ng makalaglag panty na ngiti. Kinikilig itong bumungisngis na animo naiihi kaya pinagkikiskis ang mga hitang pinagdikit. "Diyan ka muna, at tatawagan ko si Ate, ha?" Nakangiti nitong sabi. Nakahandang mapudpod ang daliri makontak lang ang inaakalang ina ng kargang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD