CHAPTER 4 - At Home

1070 Words
At Home SANDALING sumilong sa gawing malilim si Lennie. Masakit na sa balat ang sikat ng araw. Halos lahat ng mapadaan sa kinatatayuan niya ay napapatingin. Ang iba ay hindi naitatago ang kilig na nararamdaman. At dahil doon na siya titira at magiging kapitbahay na ang mga nagdaraang nakangiti sa kanya ay panay rin ang ngiti niya. "Daig ko pa ang modelo ng toothpaste dito. Matagal pa kaya si 'Miss pa ako'. Kung alam ko lang na hindi ko aabutang nandito sa bahay niya ang kaibigan ni Janine ay nagpabukas na lang ako. Whew! Ang init!", reklamo ni Lennie. Habang panay ang punas ng pawis sa mukha ay hinagod nito ng tingin ang bahay na pansamantalang titirhan. "Hmn..., pwede na, mukhang okey naman. Maigi na dito. Sino nga ba ang mag aakalang sa ganitong lugar ako mapapadpad. Walang mag iisip na ang isang Lennie Guanzon ay titira sa ganitong bahay. Pahamak kasi ang babaeng yun! Iba ang nagtanim, nakibayo lang ako tapos ang gusto ako ang umani! Takbo, Lennie!", natatawa niyang sabi sa sarili. Samantala...., "Ha?! Lakasan mo at hindi kita marinig!" "Nandito po yung kaibigan ni miss Janine! Hinahanap po kayo! Lennie daw po ang pangalan niya!" "Naku! Nakalimutan ko, hindi ko pala naibilin sayo bago ako umalis." "Kawawa naman po ang init init sa labas! Pagud na pagod na daw po siya at gustong magpahinga! Hindi ko naman po mapapasok agad hanggang hindi nyo nalalaman! Papasukin ko na po ba?!" "Oo, Violy. Siya ang bagong boarder natin. Ibigay mo ang susi ng kwarto niya. Kunin mo dun sa ibabaw ng drawer ko sa kwarto. Asikasuhin mo na lang siya ha." "Eh ate, sigurado po ba kayo na sa atin titira yung Lennie kahit po ..." "Miss Rennie, tawag na po kayo ni mam." "Ah..., okey sige susunod na ako. Thank you." "Hello, Violy! Hindi tayo pwedeng mag usap ng matagal. May trabaho pa ako. Sige na ha. Bye!" "Ate, lalake po yun Lennie. Hello, ate?! Hello!" "Hala! Wala na pala akong kausap.", nakangangang sabi ni Violy. "Naku, King! May kasama na tayong guapo dito sa bahay. Pero huwag kang magtatampo ha.., ikaw pa rin ang love ni naynay Violy. At ang bago nating boarder? Aysus, past time ko lang yun. Promise! Halika na, papasukin na natin ang taytay mo!" Pagkasabi ay nagmamadaling humangos na si Violy palabas. Pinapasok na nito ang binatang namumula ang magkabilang pisngi dahil sa init na nararamdaman. "Ang cute cute naman ng alaga mo....?", nalulugod na puri ni Lennie kay King at pagtatanong na rin sa pangalan ng may buhat dito. "Ay! Violy ang pangalan ko. At ito namang alaga ko ay si King.", pagpapakilala ng yaya. "Hello, King! Dito na muna ako titira sa inyo ha?", puno ng fondness na sabi ni Lennie. Maingat pa nitong hinawi ang malambot na buhok ni King na ang ilang hibla ay nakatabing sa may mata. Ngumiti naman ang bata na tila naiintindihan ang sinasabi ng kausap. "Naku! Pwera usog ha.", nakangiting sabi ni Violy. "Wala ako nun, di ba dude? I'm your Pareng Lennie, King. Magkaibigan na tayo mula ngayon, okey ba sayo?", nakangiting tanong ni Lennie sa batang agad na humagikgik. Iniabot pa ng binata ang kamay na parang makikipag shake hands. Agad naman iyong hinawakan ni King. Malakas ang naging pagtawa ni Lennie. Hangang hanga sa katalinuhan ng batang kaharap. "Magsa shower lang ako ha, dude at pagkatapos ay maglalaro na tayo. Amoy pawis pa ang Pareng Lennie mo, o.", kausap pa rin ng binata sa batang tila aliw na aliw din sa kanya. Titig na titig ito sa kanyang mukha. "Parang hindi naman. Amoy baby ka nga din eh.., hay!", pabulong na sabi ni Violy. "Ano yun, Violy? May sinasabi ka ba?", nakangiting baling ni Lennie sa yaya. "H-ha? Ah eh.., sabi ko maiwan ka muna namin ni King, Kuya Lennie. Kukunin ko lang muna yung susi ng kwarto mo.", sagot ni Violy at saka naglakad palayo. "Umayos ka nga, Violy! Huwag kang alembong! Ka dalaga mong tao ay para kang pusang di mapaanak! Hindi ka na nahiya sa alaga mo!", saway ng yaya sa sarili at pagkatapos ay kinausap ang batang karga karga. "Pasensya ka na sa naynay ha, King. Na carried away lang.", natatawang sabi ni Violy. Agad nitong nakita ang susing sinabi sa kanya nang pumasok sa kwarto ni Rennie, kinuha at nagmamadali na uling lumabas. Nadatnan ni Violy na nakaupo sa sofa ang bagong boarder. Nakasandal ito at ang ulo ay bahagyang nakapatingala. "Hay! Napaka guapo naman ng lalaking ito. Kung ganito lang ang mapapangasawa ko kahit walang alisan sa pagkakatayo ay magpapakasal agad ako!", bulong ni Violy. Marahil ay naramdamang may kasama na uli..., nagmulat ng mata si Lennie. Namulatan niya ang nakangiting yaya na may iniaabot sa kanya. "Heto na ang susi mo, Kuya Lennie. Halika, sasamahan kita sa room mo.", aya ni Violy. Pagod na tumayo ang binata at sinundan ang mag yaya. Matapos maituro ang silid at magpasalamat ay iniwanan na siya ni Violy at King. Malapit sa kusina ang kwartong pinasok ni Lennie. Agad na ibinagsak ng binata ang dalang bag sa sahig at pinagmasdan ang kabuuan ng apat na sulok ng kwartong magsisilbing taguan niya. "Hmn..., malinis at maayos ang loob. Mukhang walang alikabok kahit konti. Okey naman, kaya lang walang aircon at walang sariling comfort room.'' Muling lumabas si Lennie matapos humugot ng twalya sa loob ng bag. Nagtuloy ito sa kusina at hinanap ang banyo. Malagkit na ang pakiramdam niya at init na init. "Pwede na.., malinis at nasa ayos ang mga gamit.", pagkasabi ay agad na naghubad at tumapat sa shower. Nagtagal sa paliligo ang binata at nang matapos ay preskong lumabas na at nagbihis ng pambahay. Nakaramdam siya ng antok, naisip niyang iunat muna ang likod at magpahinga ng kaunti. Ilang sandali lang ay wala na siyang namalayan sa paligid. Nakatulog si Lennie. Nagising siya dahil sa pagkalam ng sikmura. Napatingin siya sa wristwatch na suot. "Ang tagal ko pala nakatulog. Ngayon lang nangyari sa akin ang ganito ah! Namamahay ako at bago ako mahimbing sa ibang bahay ay inaabot pa muna ng ilang linggo. At home agad ako dito?", naiiling na nasabi niya. Muli niyang naramdaman ang pagkulo ng tiyan kaya lumabas na siya upang kumain. "Good evening Kuya Lennie! Gusto mo na kumain?", nakangiting tanong ni Violy pagkakita sa binata. "Gutum na gutom na nga ako eh.", nahihiyang sagot ni Lennie habang nakahawak sa tapat ng tiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD