I miss you, I love you TUWANG-TUWA ang matandang Guanzon pagkakita sa bunsong anak. Maging ang nakatatandang kapatid na naroroon ay masayang-masaya rin. Kapwa hindi makapaniwalang ang bunso nila ang nakatayo sa harapan at naririnig na nagsasalita. "Gusto kong magpasalamat sa engkantong nagpatino sa iyo anak! Ang akala ko'y magpapantay na ang mga paa ko ay hindi pa rin kita makikitang tumino!", nakangiting biro ng matanda matapos yakapin ang anak. "Natutuwa rin ako sa desisyon mo, Lennie. Hindi ko kaya mag-isa ang lahat ng trabaho dito sa opisina. Ngayon ay magkakaroon na ako ng panahon para makapag relax.", natatawang sabi ng panganay na Guanzon. Napapakamot ng batok ang binata. Ngayon lang niya nalamang napahirapan niya ang dalawang lalaking mula pa noon ay nagpapasensya at nagpapauba

