CHAPTER 16 - Tunay na Kaibigan

1577 Words

Tunay na Kaibigan NAGING mapayapa naman ang naging pagsasama ng kasera at ng boarder sa ilang araw pa na lumipas. Walang nagaganap na patutsadahan at benggahan ng katwiran at prinsipyo sa buhay. Isang tanghali. Kasalukuyang nagbubutingting ng kotse si Lennie nang marinig ang pagtunog ng telepono. Ilang ulit na itong tumutunog kaya iniwanan niya ang kotse at nagmamadaling pumasok sa sala. Nasa pintuan na siya nang marinig ang boses ng kasera. "Agad-agad, boss? Biglang-bigla naman yata. Ni walang early notice." Narinig niyang sabi ni Rennie. Nakita niyang nakakunot ang noo nito kaya agad niyang naisip na hindi maganda ang balita ng tinawag nitong boss. Hindi niya gawaing makinig sa usapan ng may usapan ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi niya naiwasang pakinggan ang sasabihin pa nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD