Sana ay si Rennie na MAAGA pa lang ay nagkukumahog na si Rennie. Matapos maihanda ang lahat ng gamit niya sa trabaho at masigurong wala na siyang nakalimutan ay ang mga gamit naman ni King ang inihanda niya. "Nanghiram lang ako ng yaya, nakakahiya naman kung lahat na lang ay iaasa ko sa kanya.", bulong nito sa sarili habang inilalagay sa isang mesang nasa tabi ng crib ang mga gamit ng anak. Pagkatapos ay inihanda naman niya ang lulutuin para sa pananghalian. Mabilis ang mga kilos ng dalaga. Tila isang manggagawang pakyawan kung gumalaw. Walang minutong naaaksaya. Ilang sandali pa at pumasok na ito sa loob ng banyo at naligo. Maging sa paliligo ay may limit siya. Nakasanayan na niya ang ganun. Mabilis nang nakakatapos, nakakatipid pa sa tubig. "Bakit naman ako magtatagal ng bonggang

