Miss agad NAKITA ni Manang ang mga maruruming damit sa laundry basket. Ilang piraso lang kung kaya naisip nitong isabay na ang mga bed sheets at kumot. Maging ang kama ni Lennie ay pinalitan na rin niya ng sapin. Matiyaga namang nakabantay si Lennie sa alaga niya kaya isisingit na niya ang paglalaba. Hindi naman mahirap labhan ang mga sapin ng kama dahil hindi naman napakarurumi. Isinalang niya sa malaking washing machine ang mga ito at saka nag umpisang magluto ng para sa pananghalian. Halos magkasunuran lang natapos ang ginagawa niya. Nakapagluto na siya ng ulam at ang bigas naman ay nakasalang sa rice cooker nang matapos niyang mapaikutan isa-isa ang mga bed sheets. "Manang ako na lang ho ang magbabanlaw. Masyadong mabigat ang mga iyan para sa inyo.", boses ni Lennie na ikinagul

