Kain sa Labas KINABUKASAN ay nagpunta si Lennie sa gym na pinagwo-workout-tan niya matapos makaalis ang kasera papunta sa trabaho. Kailangang maigalaw uli niya ang mga muscle upang mawala ang pananakit ng katawan na nararamdaman niya. Tagaktak na ang pawis niya nang lapitan ng isa sa mga nakakasama sa gimikan. "Pare! Long time no see ah. Saang lungga ka ba nagtatago at hindi ka namin mahagilap?", tanong nito. Itinigil ng binata ang ginagawa. "Diyan lang sa tabi-tabi pare. Sumasagap lang ng sariwang hangin.", sagot niya sa kaibigan habang pinupunasan ang pawis sa mukha. "Baka wala kang gagawin mamaya, sama ka sa tropa. Birthday ni Jam at tiyak na maraming hot babes sa party niya. Matagal tagal ka na naming hindi nakakasama, pare. Ano?", aya ng kaibigan. "Hindi ko sigurado, pare. Ng

