Naiihi Ako! "MASARAP ka bang gumawa ng kape?", tanong ni Lennie. Nakaupo pa ito sa harapan ng mesa habang pinanonood ang maliksing pagkilos ng dalaga. "Hindi eh., madalang lang kasi ako mag coffee. I preffered carrot juice in the morning. Black coffee lang ang iniinom ko paminsan-minsan pa. At....,", saglit na napipilan ang dalaga. Nakahalata sa ibig tukuyin ng kausap. "So.., gusto mo ng coffee? Tanghaling tapat, coffee?", tila napipikang tanong nito matapos ihinto sandali ang pagpupunas ng mesa. "Black.", nakangiting sagot ni Lennie. "Timpla na, amasonang bruha. Tumitingin pa eh." Pigil ang pagdabog na nagtimpla ng kape si Rennie. "Bwisit na 'to! Ano ang akala niya sa akin, personal maid? Kuuu..., kundi lang ako broke ngayon ay nungkang yumukod ako at maging sunud-sunuran sa kanya!

