Naipit NANGANGATOG na inilapit ni Rennie ang dalawang kamay sa harapang sinturera ng binata. Nagbubutil ang pawis nito sa noo. Dahil kinakabahan sa ginagawa ay hindi nito maalis-alis sa pagkakabutones ang pantalon. "Ang tagal naman! Naiihi na ako.", reklamo ni Lennie. "Hindi naman pwedeng ako na ang magtanggal. Tiyak na mabubulilyaso ako at nasisiguro kong hindi lang arnis ang aabutin ko. Malamang ay isalang na ako sa kawa ng bruhang ito at gawing hapunan mamaya!" Agad na napikon si Rennie . "Ang laki kasi ng tiyan mo, noh! Try mo kaya paliitin para matanggal ko agad!", mataray nitong sagot upang maitago ang nerbiyos at pagkailang na nararamdaman. Sa edad na meron siya ay hindi pa niya nagawa ni minsan ang magtanggal ng butones sa pantalon ng isang lalake. "Akala mo ba madali ang pi

