Bagong Tuli NAISALANG na ni Rennie sa kalan ang kalderong may lamang mga bote nang lumabas si Lennie mula sa banyo. Sa sulok ng mata ay nakikita nito ang binatang pabukaka ang lakad at dumiretso agad sa sariling silid. "Nasobrahan yata! Nakakapikon naman kasi. Naku! Baka pati iyon ay ipadoktor pa niya. Hmp! Bahala nga siya. Sa susunod na magpatulong siya sa akin sa pag ihi ay ipipitin ko na lahat. Tignan ko lang kung pakinabangan pa niya yun!", bulong niya. "Eherm!", pagpapapansin ni Lennie na ikinaigtad ng dalaga. Agad itong napalingon. Nakatayo ang boarder sa likuran niya! Hindi nagpahalata ng takot ang kasera. Taas noo na nagtanong. "Ano na naman?!", pataray nitong sabi. "Pahiram naman ng petroleum jelly ni King.", nakangiwing pakiusap ni Lennie. "Ha, petroleum jelly? Para saan,

