Chapter 5 BAGONG PAMILYA, BAGONG BUHAY
Pagkatapos ang kasal ay agad nang lumipat si Dina sa poder ng mga Ballestros. Mayroong sariling kuwarto si Dina pagkat di naman kase kaila sa mga Ballestros na ang layon ni Rico ay di upang maikama si Dina kundi pinakasalan ni Rico si Dina bilang kanyang responsibilidad… bubuhayin niya si Dina at bibigyan ng kalayaang di nito natamo bilang Ortega. Pero sa kabila nang “no strings attached” nina Rico at Dina ay umaasa pa din ang mama at papa ni Rico na magkakagustuhan nga ang dalawa. Tingin nila ay di na iyon malabong mangyari pagkat nasa isang bubong lang sila nakatira… kaya naman nang halikan ni Rico si Dina noong araw ng kasal nila ay tuwang-tuwa talaga sila at umaasang sa madaling panahon ay magkakaapo na rin sila agad… sana… sana…
“Kain na.”; ani Rico kay Dina. Binalewala lamang ni Dina ang sinabi ni Rico, kaya naman napilitan si Rico na pasukin si Dina sa kwarto nito.
“WHAT are you doing?!”; asik ni Dina.
“Kumain ka na sabi.”; pagpupumilit ni Rico. Kailangan niya kase baguhin ang unhealthy lifestyle ni Dina, di makakabuti sa dalaga ang pananatili nitong nagmumukmok sa kwarto, Dina needs to see the world… POSITIVELY! Kailangan niyang tulungan si Dina, madali lamang sana ito ung cooperative si Dina kaso unwilling ito at isa pa hindi din maamong tupa na susunod agad sa kanya, lumalaban ito at pinaninindigan ang mga bagay na gusto niyang gawin. Kailangan ipakita ni Rico kung sino ang boss, at kailangan niyang daanin sa sindak at tapang si Dina pero dahil din dito ay lalong silang di magkasundo… pero kailangan… dahil kung hindi iyon gagawin ni Rico, habangbuhay sisisihin ni Dina ang sarili, baka madepress at kung ano pa ang maisipang gawin sa sarili.
“Ayoko. Di ako gutom.”;palag ni Dina.
”Kakain ka sabi... sa ayaw at ayaw mo---”
”Bakit mo ba ako pinipilit?! Who gave you the authority para ako utus-utusan ha?! Mabuti pang hayaan---“
“I am your husband! Your father entrusted you to me!Right before your very eyes sinabi niyang responsibilidad kita and I know narinig mo rin iyon!” ; lumakas din ang tinig ni Rico. Natigilan si Dina dahil sa pagsigaw ni Rico.
“Eh ano ngayon kung nadinig ko?! Ikaw ba ang papa ko---!”
”I may not be your father but ako ang humalili sa papa mo. My words are as effective like you father’s word. Sa akin ka niya inihabilin so, therefore you must listen to me!”; matatag na wika ni Rico. Di makapaniwala si Dina, nagngingitngit siya at ibig niyang suntukin ang kausap.
“Baliw ka ba?! Kahit anong mangyari di kita papakinggan! Di kita susundin---“
“Kung mahalaga ang papa mo… pakikinggan mo siya, kahit na once lang. Wala na ang papa mo, susuwayin mo pa ba rin siya? I am sure di rin niya gugustuhing makita kang ganyan. Paraan mo na rin ito para makabawi sa mga panahong di mo siya pinakinggan.”; pagtatapos ni Rico bago tuluyang iniwan si Dina sa kwarto nito. Natigilan si Dina. Nasaktan siya sa mga sinabi ni Rico kaya napaluha siya.
“Papa…papa…”; hikbi ni Dina habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
Sa hapag-kainan, wariy nagulat ang magulang ni Rico na makita si Dina na kasalo nila, si Rico wariy ineexpect na iyon at masaya siya dahil nakumbinse nga niya si Dina na kumaing kasabay nila.
“Iha, I am glad at makakasalo ka naming kumain ngayon.”;ang papa ni Rico. Malungkot na tumingin si Dina sa papa ni Rico bilang tugon nito, she felt awkward dahil iba na ang mga kasalo niyang kumain ngayon... iba na nga pala ang pamilya niya ngayon.
”Wag kang mahihiya sa amin ha? Pamilya mo na rin kami ngayon.”; ngiti ng mama ni Rico, sinisikap niyang ipadama kay Dina na welcome siya sa dito. Tumango si Dina sa mga sinabi nila.
”Salamat po Mr. at Mrs.---“;naputol si Dina sa kanyang sasabihin.
“Papa. Please call me papa iha.”;singit ng papa ni Rico.
“And please call me mama.”; ngiti naman ng mama ni Rico, napatitig si Dina sa mag-asawa. Napakakomportable ng pakiramdam ni Dina na kapiling ang mga ito.. ganoon din ang pakiramdam niya sa kaniyang pamilya noong buhay pa ang kanyang papa at di pa siya sinisisi ng pagkamatay nito.
”O-opo, papa... mama...”; mahina at nahihiyang sagot ni Dina sa kanila.
”Kumain ka ng marami ha?”; nakangiting wika ni Rico sa kanya. Matalim ang pagtitig ang tugon ni Dina sa kanya.
Napakaplastic talaga ng lalaking ito! Kanina parang torong manunuwag at sinisigawan pa ako, ngayong kaharap ang mga magulang niya’y kunawari e mabait at may pangiti-ngiti pa! E ang totoo, lagi naman simangot ang suot niya sa kaniyang mukha at hindi ang ngiting iyan!;inis na isip ni Dina. Habang nag-iisip, ikinagulat ni Dina nang bigla siyang panlakihan ng mata ni Rico na wariy nagbabanta para lamang kumuha siya ng pagkain.
Plastic talaga!;tangi na lamang naisip ni Dina habang nagsasandok ng kanin at ulam. Bagamat nalulungkot, maganang kumain si Dina, di niya mawari kung nasarapan ba siya sa luto ng mama ni Rico o dahil sa siya ay gutom. Narealize bigla ni Dina, ilang araw na siyang walang maayos na kain, wala nag-aasikaso sa kanya o umalok man lang kumain, minsan napapalipas niya ang buong araw na hindi kumakain... muntik na niyang makasanayan ang ganoon. Napaluha siyang bigla habang kumakain, na-mimiss niya ang dating pamilya niya at ang nakakalungkot, alam niyang kahit kailan ay di na iyon maibabalik pa. Nagtaka sina Rico sa pagluha ni Dina.
”Bakit iha? Is there something wrong?”; usisa ng mama ni Rico. Nag-alala rin ang papa ni Rico. Nagtataka rin si Rico. Umiling si Dina bilang tugon.
”Na-mimiss ko po kase ang papa ko.”; wika ni Dina at sa di malamang kadahilanan, di niya na nagawang mapigilan pa ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng kaniyang mga luha. Tumayo ang mama ni Rico at nilapitan si Dina at agad niyakap, lalong napaiyak si Dina... hindi niya nagawang umiyak sa pagkamatay ng kanyang ama, pakiramdam niya ay wala siyang karapatang umiyak noon dahil siya ang sinisisi ng lahat. Sa pagkamatay ng kaniyang papa, walang kumocomfort sa kanya kaya naman nang yakapin siya ng mama ni Rico ay wariy nadama niyang dinamayan siya nito... ito ang pakiramdam na gustong maramdaman muli ni Dina, ang pakiramdam ng pagkalinga at pakikiramay na wariy nalimutan niya na. Napaluha din ang papa ni Rico nang makita niya ang pag-iyak ng panganay ng kanyang matalik na kaibigan. Napatingin si Rico sa kanyang ama bago niya ibinaling ang paningin kay Dina... bagamat naguguluhan, di kaila sa sarili niya na nakadama din siya ng awa kay Dina.
Mula nang mamatay ang ama ni Dina, nang gabing iyon lang uli nakatulog ng mahimbing si Dina. Madami siyang nailuha kaya kahit papaano naibsan ang dala-dala niyang pasan sa kanyang kalooban... ito rin ang naging dahilan para siya ay mapalapit sa mga magulang ni Rico. Pakiramdam ni Dina, ito ang kanyang mama at papa bago mangyari ang lahat ng pagababagong halos sumira na sa kanyang pagkatao.
Maalaga ang mga magulang ni Rico kay Dina kaya naman natutunan din ni Dina na suklian ng pagmamahal ang mga ito. Madaling pakisamahan ang mga Ballestros maliban kay Rico. Kasundo ni Dina ang lahat, pero si Rico ay madalas pa din niyang kasagutan. Paano nga naman kase, kontrabida palagi si Rico sa lahat ng gusto niya at sa huli ay napapasunod din naman siya nito laluna kung pinamumukha na niyo na siya na raw kuno ang humalili sa kanyang papa. Naisip ni Dina na tama din naman kasi para nga itong papa niya na disagree sa lahat ng bagay na gusto niya, parehong-pareho ngang sila talaga ni Rico. Bagamat iba na ang pamilya ni Dina, nararamdaman pa din niya ang prisensya ng dati niyang pamilya. Bagong pamilya na ang mayroon siya... isa na siyang Ballestros. Nabigyan na din siya ng bagong buhay upang maituwid ang mga nagging pagkakakmali na nagawa niya noon sa papa niya.
Sapilitan ding pinabalik ni Rico si Dina sa pag-aaral, marahil ganoon din ang gagawin ng papa ni Dina kung sakaling buhay pa ito.Malayo sa kanilang tirahan ang dating university na pinapasukan ni Dina kaya naman inilipat na din siya ni Rico sa mas malapit. Hindi pa din huli si Dina na bumawi sa mga na-miss niyang klase sa school kase di naman din siya slow learner.
“OO na! Babalik na ako sa pag-aaral! Pero promise me one thing.. isa lang ang gusto kong wag mong pakikialaman sa akin!!!”; si Dina kay Rico nang magkasagutan silang dalawa ukol sa pagbabalik ni Dina sa pag-aaral.
“It depends. What would that be?”; relax na wika ni Rico bagamat highblood na highblood na ang hitsura ni Dina.
“Sasali ako sa basketball club at di mo ako pwedeng pigilan don!”; ani Dina. Tumitig lang si Rico kay Dina, at sa ilang saglit ay nagpakita ito ng isang simpleng ngiti. Nagulat si Dina sa reaksyon ni Rico, dahilan para pamulahan siya ng mukha.
“Sure. You’re free to do that.”; ani Rico. Nagulat lalo si Dina sa di pagtutol sa kanya ni Rico pero sa galak ni Dina nawala na ang pamumula niya at lalo pa tuloy naexcite sa muli niyang pagbabalik sa pag-aaral. Miss na miss na miss niya na talaga ang pagbabasketball!
“YAHOOOOO!!!”; masayang napasigaw si Dina at dali-daling pumasok sa kanyang kuwarto. Na-amuse si Rico sa reaction ni Dina, di niya ineexpect na ganon ito kasaya nang payagan niya itong magpatuloy sa pagbabasketball.
Nang mailapat ni Dina nag pintuan ng kanyang kwarto, naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso, naramdaman niya rin na uminit ang kanyang pisngi.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?!; isip ni Dina nang bigla niyang maalala ang simpleng ngiti ni Rico kanina.
First time iyon ginawa ni Rico, ang ngumiti sa akin nang walang nakakakitang iba... ngiting hindi pakitang-tao… ngiting hindi paimbabaw.;isip pang muli ni Dina pero agad ding pinalis ang mga isiping iyon.
Nakakaexcite pala ang matigil nang matagal sa pagbabasketball at bigla-bigla’y makakabalik uli sa paglalaro!; tanging naisip na lamang ni Dina.