Chapter 4 ANG KASAL

2898 Words
Chapter 4 ANG KASAL Buong araw na nagkulong si Dina sa kaniyang kuwarto. Buhat nang mamatay ang kaniyang papa ay di na din siya pumapasok sa school... at hanggang ngayon ay hindi pa din sila nag-iimikan ng kaniyang mama at kapatid. Lubos na ikinagulat ni Dina nang isang araw ay katukin siya ni Sunshine sa kaniyang kuwarto at tinawag upang lumabas. Napipilitan at walang ganang binuksan ni Dina ang pintuan ng kaniyang kuwarto upang harapin si Sunshine. ”Nariyan ang mga Ballestros at ikaw ang kanilang sadya. Lumabas ka na.”; matabang na wika ni Sunshine. ”Ayoko.”; wala rin ganang sagot ni Dina sa kaniyang nakababatang kapatid at akmang pagsasarhan na sana ng pintuan ito pero pinigil iyon ni Sunshine. ”Alam mo... di ko alam kung bakit ako tumulong na kunsintihin ang mga kalokohan mo no’n! Ikaw lang pala ang magiging dahilan ng pagkawala ni papa!”; galit na wika ni Sunshine sa kaniyang ate. ”SHINE! PUWEDE BA?!”;asik ni Dina kay Sunshine. Wala siya sa mood para magdagdag pa ng sama ng loob at panunumbat. “MATALIK NA KAIBIGAN NI PAPA ANG MGA BISITA NATIN! PATI BA NAMAN SILA AY BABASTUSIN MO?! GANYAN KA NA LANG BA TALAGA KA WALANG UTANG NA LOOB KAY PAPA?!”;Sigaw ni Sunshine sa kanyang ate at dinig na dinig na sila sa buong bahay. “AT NGAYON DI MO NA AKO KAYANG TAWAGING ATE?! IKAW ANG BASTOS AT WALANG GALANG! BAKIT GANYAN KAYO MAKAASTA? BAKIT? AKALA MO BA IKAW LANG ANG NAULILA?!DI MO BA ALAM KUNG ILANG BESES KO NA SINABI SA SARILI KO NA AKO ANG DAHILAN NG PAGKAWALA NI PAPA?! KAYA DI MO NA KAILANGANG ULIT-ULITIN ITO SA AKIN! PARA KANG SIRANG PLAKA!”; bulyaw din ni Dina kay Sunshine. ”Sandali lang kumpadre... sasawayin ko muna ang aking mga dalaga at nagbabangayan na naman ulit.”;wika ng mama nina Dina at Sunshine kina Rico at Mr.&Mrs. Ballestros ”Ah wait po Mrs. Ortega... kung pwede ako na lang po ang kakausap kay Dina. Kelangan ko po siya makausap ng sarilinan. Ang mama at papa ko na lang po ang bahalang magpaliwanag ukol sa aming layunin kung bakit kami naparito.”;ani Rico kay Mrs. Ortega. ”Ah nakakahiya naman iho... pero sige kung kailangan mo talaga makausap si Dina ay papayagan kita.”; ang mama ni Dina. ”Salamat ho.”; nakangiting tugon ni Rico. Tumango lang si Mrs. Ortega at si Rico naman ay nagtuloy-tuloy na agad sa pagpunta kay Dina gabay ang bangayang naririnig niya sa magkapatid. ”DAPAT LANG! DAHIL NAMAN TALAGA SA’YO KAYA NAWALA SI PAPA!---”;si Sunshine di papaawat. ”ANONG GUSTO NIYO?! MAGPAKAMATAY NA LANG DIN AKO PARA MASIYAHAN NA KAYO?!---”;naputol si Dina sa biglaang pagsulpot ni Rico. ”Hey-hey!!! That’s enough.”; awat ni Rico sa magkapatid at agad pumagitna sa kanilang dalawa. “ANONG GINAGAWA MO RITO?!”;asik din ni Dina kay Rico. “Ako na ang bahala dito.”; pag-aassure ni Rico kay Sunshine. Nagbitiw muna ng matalim na pagtitig si Sunshine sa kaniyang ate bago niya nilisan ang kuwarto. “Bakit ka naparito?!”;iritable pa ring wika ni Dina kay Rico ngunit di na pasigaw. “Listen… Magpakasal tayo, Dina.”; ang prangkang sabi agad ni Rico kay Dina. Natigilan si Dina at nagulat, ni wala siyang reaksyon sa sinabi ni Rico. “I know it’s my fault. Sinisisi ko din ang sarili ko kung bakit kayo nagkaganito... at kung bakit ka din naulila sa ama. It’s because of my selfishness.That’s why… marry me, Dina.”;ani Rico. Bahagyang nakabawi si Dina sa pagkagulat. “Anong drama ito?”;sarkastikong wika ni Dina. ”I’m being serious and sincere... Marry me.”;si Rico. “Why should I?! Heck no! You rejected me! Why would I marry someone who don’t want me and refused me?!”;galit na sabi ni Dina. “Dahil iyon ang kahilingan ni kumpadre… ang makasal si Rico at Dina. Pananangutan ni Rico ang panganay niyo. Tiyak mamayapa ng maayos si kumpadre sa paggawa natin ng ganito.”;sagot ng papa ni Rico nang magtanong si Mrs. Ortega sa layon nila kung bakit pa itutuloy ang pagpapakasal nina Rico at Dina. ”Pero ayaw makasal ni Dina---”;naputol si Mrs. Ortega. ”She agreed. Magapapakasal si Dina sa akin.”; si Rico. ”P-paano mo nakumbinse si Dina?!;nagtatakang tanong ni Mrs. Ortega kay Rico. “Because she had no choice.”; tanging naibigay na paliwanag ni Rico. Sapat na iyon kay Mrs. Ortega upang wag na siyang magusisa pa. Iyon din ang gusto niya, mailayo na rin si Dina sa piling nila sa lalong madaling panahon. Naaalala niya lang ang galit at pagkamuhi nang pagkawala ng asawa sa tuwing nakikita niya si Dina. Mas makabubuting maikasal siya at mailayo na sa piling nila ni Sunshine. “Kung ito ang gusto ng lahat at maging ng asawa ko’y ito din ang hinihiling… sino ako para tumutol. Siyempre payag na rin ako.”; malumanay na wika ng mama ni Dina pero gawa ng kakabyuda lang nito, walang ngiti or masiglang aura ang masisilayan sa kaniya. Kabaliktaran naman sa mga magulang ni Rico na halos abot tenga ang ngiti ng mag-asawang Ballestros sa kaalamang pumayag na si Dina maikasal kay Rico. Nang makauwi sila nang gabing iyon ay nakatulog na ng mahimbing si Rico, first time in weeks. Nakadama na siya ng kapanatagan at nawalan na rin siya ng kabalisahan. Sariwa sa kaniyang alaala kung paano niya nakumbinse at napapayag si Dina na magpakasal sa kaniya. ”Alam kong ikaw ang sinisisi ng lahat... salamat dahil inako mo ang lahat, naingatan mo ang pagkakaibigan ng Ortega at Ballestros na binuo ng mga ama natin... pero naging dahilan ito para mawala ang papa mo, sa kabila nito inako mo ang kahihiyan. I’m sorry.”;sincere na sabi ni Rico kay Dina. Di umimik si Dina. “Hayaan mong akuin kitang responsibilidad. Tatanggapin ko ang kahihiyan at sakit na dinulot ko sa iyo. Magpapakasal tayo pero pangako... di kita tatalian.”; ani Rico ulit. Di maunawaan ni Dina ang ibig sabihin ni Rico. “Magiging kasal tayo sa papel, magiging responsibilidad kita... pero di kita ikukulong sa relasyong mag-asawa. Kundi magiging malaya ka pa rin. Magpakasal tayo alang-alang sa huling kahilingan ng iyong ama. Alam kong wala na siya but atleast lilisan siyang mapayapa dahil natupad natin ang kahilingan niya.”; si Rico. Di agad umimik si Dina. Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Wari’y nag-iisip si Dina at maya-maya pa’y nagbitiw ng isang malalim na buntong-hininga na parang nakapagpasya na sa kung anong isasagot niya kay Rico..isang desisyong labag sa kalooban niya. ”Sana ginawa mo ito nang mas maaga-aga...”; si Dina. Hindi sumagot si Rico, isip niya’y tatanggihan na siya ni Dina. “Pero ayaw ko nang makasakit pa. Alisin mo ako sa lugar na ito... tuparin natin ang gusto ng papa ko.”;wika ni Dina. Tumango si Rico na wari’y nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. --- Dahil nagmamadali ang mga magulang ni Rico, mabilis ding inasikaso ni Rico ang kasal nila ni Dina. Bagama’t wala naman ang presesnya at willingness ni Dina, nagawa pa ring asikasuhin ni Rico ang lahat. Si Dina naman ay nagkukulong lang palagi sa kanyang kwarto, kahit na nga ba niyaya siyang madalas ni Rico na pumili ng singsing o ng wedding gown na kanyang susuotin ay wala pa rin siyang pakialam. Laging sagot ni Dina sa binata ay “bahala ka na”. Hectic ang schedule ni Rico pero sa kabila noon ay pinilit niyang magawang asikasuhin ang kasal nila ni Dina… natatakot siyang baka magbago ang isip ni Dina, huli na para magback-out kaya ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para makuha na si Dina sa poder ng kanyang ina at kapatid at mapalaya na sa hawlang kinaroroonan nito doon. Sa paggawa nito ay tuluyan na ding niyang malilinis ang kanyang konsensya. --- Nakalipas ang mahigit isang buwan, nakahanda na nga ang lahat para sa kasal nina Rico at Dina. Araw na ng kasal ng dalawa... ngunit si Dina ay nasa kwarto lang, nagkukulong pa din gaya ng dati. Hindi siya aware sa kanyang paligid at pakiramdam ng dalaga ay di siya nasasakop ng oras at panahon. ”Nasaan na si Dina?” ;nag-aalalang tanong ni Mr. Ballestros sa mag-inang Ortega. ”Sinabihan ko si ate kagabi na magready na dahil kasal na nga niya at kinatok ko pa siya ng makailang beses kanina. Sabi niya mauna na daw kami.”;ani Sunshine. ”Puro talaga problema ang hatid ng batang yan!”;inis na wika ng mama nina Dina. “Calm down, I’ll call her instead.”;si Rico at inilabas ang cellphone upang tawagan si Dina. “Nagriring lang. Di niya sinasagot.”;ani Rico matapos na makailang beses na dinial ang numero ni Dina sa cellphone. Habang patuloy si Rico sa pagtawag sa cellphone napansin nilang may humintong taxi sa kanilang harapan. Bumaba sa taxi si Dina ngunit nakat-shirt na maluwag lang ito at maong pants, nakasneakers lang din at hindi man lang nag-ayos ng buhok na wari’y bagong gising lang ito. “DINA!”;ang mama ni Dina. “ATE?!”; si Sunshine na ikinagulat ang hitsura ni Dina. Walang kabuhay-buhay na tuminigin si Dina kay Rico, binalewala niya ang kanyang ina at kapatid. Hindi naman makapaniwala si Rico sa nakikita niya. Ano ang balak ng babaeng ito?!; naguguluhang isp ni Rico habang titig na titig pa din sa hitsura ng kanyang mapapangasawa. “Bakit ganyan ang hitsura mo?!”; galit na bulyaw ng mama ni Dina sa kanya. “Nasaan ang wedding gown mo?!”;natatarantang tanong ni Sunshine nang mapansing walang ibang dala si Dina kundi ang sarili lang niya. “Di ko mahanap e.”; walang ganang sagot ni Dina sa kapatid at iniwan sila habang dire-diretsong tinungo ang gayak na gayak na si Rico. ”Sasagot lang naman ako ng I DO e di ba?”;si Dina. Napatango na lang si Rico sa kausap bilang tugon. Gulat na gulat ang mga guests at ang pamilya Ballestros sa postura ni Dina, pero ang mahalaga ay sumipot ito sa kasal. ”Ate naman eh! Inilagay ko iyon sa may pintuan ng kwarto mo! Sabi mo don ko lang ilagay yung gown mo! May time pa para magbihis---“;si Sunshine habang hinahabol si Dina at inaawat na wag itong makapasok sa venue. “Wala akong nakita.”; malamig na wika ni Dina. ”Simulan na natin ang kasal.”;baling ni Dina kay Rico. ”O-Ok.”;natutulalang sagot ni Rico dahil di pa din siya maapaniwala at makaget over sa hitsura ni Dina. ”BASTOS kang bata ka! WALA ka bang pinag-aralan?! GANYAN KA NA BA TALAGA KASUWAIL?! BASTOS!”;galit na asi ng mama ni Dina, di nakapagtimpi sabay sinabunutan ang anak pero di naman lumalaban si Dina, hinayaan niya ang kannyang ina at tinaggap lamang ang galit nito sa kanya. ”Magbihis ka ng wedding gown mo!!!”;asik ng mama ni Dina na habang sinasabunutan pa din ang anak. Pumagitna si Rico at inwat ang mama ni Dina. ”Tama na po yan Mrs. Ortega.”; awat ni Rico dahil nagtitinginan na din ang mga tao sa paligid nila. Gulong-gulo na ang buhok ni Dina pero wala siyang pakialam, hindi siya tinatablan ng kahihiyan. “Anong akala mo sa pamilya Ballestros? Nababastos ng ganito?! Nakakalimutan mo bang, KAIBIGAN SILA NG PAPA MO... ng PAPA MONG namatay dahil sa iyo!”galit na bulyaw ng mama ni Dina. ”Kumare tama na. Calm down. We don’t really mind kahit na hindi naka-wedding gown si Dina.”; awat na din ng papa ni Rico bagamat gulat pa din sa inasal ni Dina. “Oo kumare, she must have her own reason.”; ang mama naman ni Rico. “Puro na lamang problema ang dulot ng batang yan! Puro kahihyan! Kaya namatay ang papa niya!”;napaluha ang mama ni Dina. Nasaktan si Dina sa paguulit-ulit at pagbibigay diin ng kanyang ina na siya ang sanhi ng kamatayan ng kanyang papa, at nadama din ni Rico ang sakit na iyon. “Nangako si Rico na di niya ako tatalian, na malaya ako kahit na ikakasal ako sa kanya. Edi ibig sabihin malaya din ako sa mga damit na nais kong suotin.”; walang ganang imi ni Dina, di iyon tanong kundi humihingi si Dina ng acknowledgment kay Rico. “Yes. I said that to her.”: pangungumpirma ni Rico sa mga sinabi ni Dina. “Yes, iha of course you can.”; maunawaing wika ng ama ni Rico at tumango-tango naman ang mama ni Rico. “Itutuloy pa ba natin ang kasal?”; si Dina habang kaharap si Rico, nasa himig ng dalaga ang pagbabantang huwag na lamang ituloy ang kasal. Kinabahan si Rico. “O-oo naman!”; awat ni Rico kay Dina. “Of course iha.”; ang mama ni Rico “Sure, I think we better start na.”; ang papa ni Rico. Nanahimik na lamang ang ina at kapatid ni Dina kahit na naiinis sila na makitang nakarampa si Dina gamit ang mga damit nitong panlalaki at hindi wedding gown. Taglay sa mga paningin ng mga saksi sa kasalan ang matinding pagtataka at pagkagulat dahil sa suot ni Dina. “Do you Dina Ortega accept---“; naputol ang judge. “I do.”; matabang na sagot ni Dina. Nagtaka ang judge pero nagpatuloy na lamang ito ng pagtatanong kay Rico. “Do you, Rico Ballestros accept Dina Ortega as your lawfully wedded wife,to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do you part?”; ang judge kay Rico. Nang mga oras na iyon wari nakadama ng nasang magback-out si Rico. Nagtaka naman ang buong paligid sa pananahimik ni Rico. “Do you, Rico Ballestros accept…”; ang judge, nagsasalita ito pero parang din na iyon nadidinig pa ni Rico. Gustong-gusto nang magback-out ni Rico, gagawin niya yon kase di niya mahal ang babaeng pakakasalan niya! Napabuka ang kanyang bibig pero wala namang tinig, Hindi ko mahal si Dina… mali ang magpakasal sa taong hindi mo mahal!; isip ni Rico at muling nagattempt na magsalita, binuka niya uli ang knayang bibig upang magsalita pero wala pa ding tinig nna lumalabas. Hindi ko makasundo si Dina.. tingnan mo nga ang ayos niya gayong kasal namin ngayon!...; napatingin si Rico kay Dina at napatitig siya sa dalaga, nakadama siya ng awa para rito. Hitsurang desperada na sa buhay si Dina, wala na itong gana pang mabuhay, matamlay walang buhay, walang pakialam sa mundo at sa sarili... Magagawa ko bang dagdagan pa ang kahihiyang dinadanas ng babaeng ito?; isip ni Rico. Nakayuko lamang si Dina… marahil sa hirap na pinagdadaanan niyam din a nito kaya pang harapin ang mundo nang nakataas ang noo. Ipapahiya ko ba ang baabeng ito? Kayak o nga bang magback-out at ipahiya ang ababeng ito?”;habang iniisip ito ni Rico, nakita niyang tinalikdan siya ni Dina at nagsimulang maglakad papalayo sa kanya. Bakit umaalis si Dina?; takang isip ni Rico. Nawala sa isip ni Rico ang kanyang kasal at natauhan lamang nang muli siyang tanungin ng judge. Nataranta si Rico. “I DO! I DO! I DO!!!”; napasigaw pa si Rico sa kanyang pagsagot dahil natataranta talaga siyang lubos laluna na nang makita niyang hindi natitinag si Dina dahil nagpatuloy pa din ito sa paglalakad papalayo sa kanya. Bagamat nagtataka ang lahat maging ang judge, ay ipinagpatuloy pa din nito ang pagbibitiw ng sikat na katagang… “And now, I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”;ang judge. Nasa kalagitnaan na si Dina kaya hinabol siya ni Rico… at na abutan… hawak ni Rico ang magkabilaang balikat ni Dina upang ipaharap sa kanya, agad hinawakan ng dalawang palad at kinulong ang magkabilaang pisngi ni Dina, saka nagbitiw agad siya ng halik sa mga labi ng dalaga. Nagulat si Dina, sobrang gulat. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid at sabay-sabay na napasigaw ang lahat ng; “MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!”; pagdiriwang ng lahat. Naghihiyawan ang lahat at nagpapalagpakan pero itinulak ni Dina si Rico at akmang susuntukin ngunit maagap siyang napigilan ni Rico. ”You can’t do that here.”; sabi ni Rico. “Yes, I can!”;si Dina sabay apak sa paa ni Rico. Dama ni Rico ang sakit pero pinigil niya lamang ito dahil napakadaming nakatingin na tao. Si Dina naman ay papalabas na sa dakong iyon at agad naman siyang hinabol ni Rico patungo sa labas. Lalong naghiyawan ang lahat. “MABUHAY SI RICO AT DINA!!! MABUHAY ANG BAGONG KASAL!”; masayang bati ng lahat sa mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD