Chapter 3 PAGKAUNAWA

2515 Words
Chapter 3 PAGKAUNAWA Kararating lamang ni Rico sa bahay galing trabaho nang maratnan niya ang kaniyang mga magulang na nakagayak ng damit na kulay itim. “Saan kayo pupunta?”; usisa ni Rico nang mapansin ang malungkot na aura ng kaniyang papa. ”Dalian mo, magbihis ka na. Makikiramay tayo sa pamilya Ortega.”;aniyang mama ni Rico. “W- Why?”; kinakabahang wika ni Rico. “Pumanaw na si Mr. Ortega, ang papa ni Dina.”; ana mama ni Rico nasa himig ang kalungkitan. Mapula ang mga mata ng kaniyang ama, marahil umiyak ito dahil close friend nito si M. Ortega. Di makaimik si Rico sa pagkabigla, akala niya’y stable na ang papa ni Dina. Sa lamay, nakita ni Rico na umiiyak ang mama at kapatid ni Dina… nguni’t si Dina ay nakaupo lamang sa isnag sulok, tahimik at walang luha. “Condolence.”; ani Rico kay Dina matapos nilang magcondolence sa mama at kapatid nito… ngunit parang walang narinig si Dina. Di ito natinag at wala pa ding imik. Umupo si Rico sa tabi ni Dina. “Ikinalulungkot ko talaga ang pangyayaring ito---“; ani Rico. “Kung ikinalulungkot mo ngang talaga, umalis ka na dito.”; malamig na wika ni Dina pero hindi pa din pinagukulan ng panahong tingnan ang kausap. ”I know what’s happening right now is extremely sad and depressing---” “UMALIS KA SABI! UMALIS KA!!!”; hiyaw ni Dina dahilan para magtinginan ang mga tao sa kanila. ”Dina! Pati ba ang lamay ng papa mo’y di mo pa rin siya patatahimikin?! Hindi mo na ba talaga bibigyan ng kapayapaan ang papa mo?!”; galit na wika ng mama ni Dina sa kaniya. Nahihimigan ni Rico ang bahid ng paninisi at hinanakit sa tono nito. Di umimik si Dina. ”Nakikiramay sila sa pagkawala ng papa mo... manggugulo ka nanaman ba? Umayos ka.”;dugtong pa uli ng kaniyang mama. Pumatak ang mga luha ni Dina pero walang narinig na salita sa kaniya, sa halip ay lumabas na lamang siya. Nagtataka si Rico sa komosyon sa pagitan ng mag-ina. Hinabol ni Rico si Dina sa labas at nasumpungan nga niya si Dina sa di-kalayuan. “PA… Papa…”; hikbi ni Dina. Nag-alala si Rico, gusto niyang aluin si Dina pero natatakot siyang baka magalit lamang si Dina pag nilapitan niya ito. Minabuti niyang tingnan na lamang si Dina buhat sa likuran nito, sa di-kalayuan. Sa huli, walang nagawa si Rico para kay Dina at napagdesisyunang hayaang mapag-isa si Dina at pumasok na lamang uli sa loob. Ilang saglit pang nanatili ang mga Ballestros sa lamay. Napaluha din ang ama ni Rico sa lungkot. SI Rico nama’y hinhintay na bumalik si Dina, ngunit bigo siya. Sa di malamang kadahilanan, di napanatag si Rico sa ginawang pag-iwas sa kaniya ni Dina. Bakit ganoon na lamang ang galit ni Dina sa kaniya? Dahilan para di bumalik si Dina hanggang sa makauwi na siya. ”Ma, ano ang naging dahilan ng pagkamatay ni Mr. Ortega?”; usisa ni Rico sa mama niya nang makauwi sila, alam niya kasing mas nagusap sila ng kaniyang mama at mama ni Dina dahil nanatili na lamang siyang tahimik na nakaupo matapos niyang sundan si Dina. ”Inatake uli si Mr. Ortega. Di na nakabawi pang muli ang kaniyang mahinang katawan nang maisugod siya sa ospital nong nakaraan. Dahil sa komplikasyon, di na nakayanan ng kaniyang katawan ang huling pag-atake.”; aniyang kaniyang mama. Malungkot ito. Tumango na lamng si Rico bilang pagtugon. ”I’ll go get some rest.”; ang kaniyang papa bago tumungo sa kwarto nito. “Malapit na kaibigan ng papa mo si Mr. Ortega. Nalulungkot talaga siya sa pagpanaw nito. Tiyak iiyak lamang siya sa kwarto. Sinisisi din kasi niya ang sarili.”; malungkot na wika ng kaniyang mama. Nagtaka naman si Rico kung bakit sinisisi ng papa niya ang sarili nito sa pagkawala ng malapit na kaibigan. ”Why?”; pagusisa pang muli ni Rico. ”Gustong-gusto ng papa mo ang panganay ni Mr. Ortega na ipakasal sa’yo at gayon din si Mr. Ortega sa iyo. Gustong-gusto ka din niya para kay Dina. Nagkasundo si Mr. Ortega at ang papa mo na ipagkasundo kayong dalaw at all cost. Malapit na magkaibigan silang dalawa kaya tiwala sila maging sa inyong dalawa.”;ang kaniyang mama, nanatili sa pakikinig si Rico. “Kaso di nakitaan ni Mr. Ortega si Dina ng willingness na makasal sa iyo. Di niya sinipot ang date niyo dahilan para siya atakehin at maisugod sa ospital… ‘yun nga yung time na dumalaw tayo na kasama ka diba?”; ang kaniyang mama. Tumango si Rico. “Yes ma… remembering it, I’m saddened that it was my first and last time that I saw of him.”;malungkot na wika ni Rico. “Oo nagmamadali na pala talaga si Mr. Ortega nun… I guess naramdaman niya na na malapit na siyang kunin at papagpahingahin. Kaya pala agad-agad ka na niyang tinapat na pakasalan si Dina.”; ang wika uli ng kaniyang mama. Dahil sa mga sinabi ng mama ni Rico, nakadama siya ng pagkabagabag at pagkakonsensya kahit papaano, tapos balak pa sana niya itong tanggihan ng harap-harapan sa kabila ng malubha nitong sitwasyon buti na lamang at naudlot dahil agad itong nagpahinga. “… pero nang makauwi sila, tinapat ni Dina si Mr. Ortega na ayaw niyang maikasal sa iyo. Muling nagkasagutan ang mag-ama, dahilan nga para atakehin siya muli at mangyari ito…”; ang malungkot ngunit malinaw na sabi ng mama ni Rico. Nanlaki ang mga mata ni Rico. Paano’ng tumutol si Dina? E Di ba nga willing na itong maikasal sa kaniya alang-alang sa ama nito?Bakit nito nagawang tumutol?!;nagtatakang isip ni Rico. ”Di maiiwasang mabaling ni Mrs. Ortega at ni Sunshine ang sisi kay Dina... pero naaawa pa rin ako sa babaeng iyon. Pakiramdam niya’y tinakwil, at sinisi niya din ang sarili, pakiramdam niya’y siya ang pumatay sa kaniyang ama.”; aniyang kaniyang mama at napabuntong-hininga’t napailing-iling pa. Unti-unting lumiwanag sa matalinong kaisipan ni Rico anglahat... kaya pala galit na galit sa kaniya si Dina… ‘pagkat si Rico pala ang dahilan kung bakit ngayo’y nawalan na siya ng ama. Ang pagtanggi ni Rico sa pagsusumamo ni Dina na pakasalan siya ang ugat ng pagkaulila ni Dina sa ama… at heto si Dina pa ang sinisi ng buong mundo gayong siya naman talaga ang totoong may sala. Di na makaimik pa si Rico, madami pang sinabi ang kaniyang mama pero lahat ng ito ay Malabo at di niya maintindihan, di ito nag-reregister sa isip niya… isa lang ang malinaw sa kaniya, kasalanan niya kung bakit naulila sa ama si Dina. “Iho, anak… Ayos ka lang ba? Mabuti pa ay magpahinga ka na din muna. Pagod tayo ngayong araw na ito. This has been a sad and long day for all of us.”; aniyang kaniyang mama, bago ito tuluyang pumasok na din sa kwarti nilang mag-asawa. A-ako…ako ang sinsising dahilan ni Dina kung bakit namatay ang papa niya! At totoong ako nga ang ugat ng lahat ng ito!Ma-pride si Dina at nilunok niya ang lahat ng pride na iyon nang alukin niya ko ng kasal…but… I refused! Lubos niyang ikinapahiya ang pagtanggi kong iyon! At upang wag maihayag sa kahihiyan ang kaniyang pamilya… upang wag matapakan ang dangal at reputasyon ng kaniyang ama… hindi niya sinabi ang totoo! Pinagtakpan niya ako at pinalabas niyang siya ang may ayaw… gayong ako naman talaga ang tumanggi!;isip ni Rico. Napaupo siya sa sopa, nanginging ang kaniyang mga tuhod sa narealize. Nawalan siya ng lakas at wari’y nanghihina ang buo niyang katawan. Naitutop niya ang kaniyang bibig at di makapaniwala sa ginawa niya. Inulila niya ang isang babae para mapagtakpan ang kaniyang kasakiman. Nalumo si Rico, lubos ang kaniyang pagkakonsensya... dala-dala niya itong pasan bawat araw na nagigising siya. Gabi-gabi ito din ang dahilan upang di siya makatulog ng maayos. Bumabagabag ito sa kaniyang kalooban at konsensya at maging ang kaniyang trabaho naaapektuhan na dahil sa kaalamang, siya ang dahilan ng pagkamatay ni Mr. Ortega. Pinipilit niyang kontrahin ang sarili niya, pinapangatwiranan niya sa kaniyang isipan na hindi naman niya ito sadya, sa huli nahuhulog ang lahat sa pagsisisi at pagkakunsensya. Di niya magawang itanggi ang kamalian niya, laluna sa tuwing maaalala niya si Dina at mga luha nito habang binibigkas ang ”papa” nang mag-isa at walang karamay. ”Rico, anak... may dinaramdam ka ba? Parang restless ka these days anak?”; usisa ng mama ni Rico sa halos isang lingo nitong pagiging balisa. Di na magagawa pa ni Rico na ilihim ang lahat, din a kaya ngkonsensya na itago ang katotohanan. Napaluha si Rico, di niya na kayang mag-isa ang bigat ng pasanin niya dahilan para mag-alala ang kaniyang ina nang makita ang mga luha ng kaniyang unica hijo. “Rico? Iho? Bakit?”; nagaalalang wika ng kaniyang mama. Napaiyak si Rico. ”Ma! I’m sorry! I cannot take this anymore! Ma I think… ako ang dahilan ng pagkamatay ni Mr. Ortega!”; amin ni Rico sa kaniyang mama. Nanlaki ang mga mata ng kaniyang mama, kararating lang ng kaniyang papa at saktong narinig ang kaniyang rebelasyon. ”W-what are you saying, Rico?!”; ang kaniyang mama. “S-si Dina… di naman talaga siya tutol na makasal sa akin. Ang totoo she was really begging me to marry her alang-alang kay Mr. Ortega… p-pero ako po yung tumanggi ma. Ako po yung may ayaw ma! I refused her. I turned her down. I rejected her even though I know it was hard for her na alukin ako ng kasl. I know she hated me pero nilunok niya yung kaniyang pride at galit sa’kin nung akuin niya ko ng kasal. I was aware of this but yet… I still rejected her. Pinahiya ko siyang lubos ma… at para mapagtakpan ang kahihiyan na ‘yon, pinalabas niya kay Mr. Ortega na siya ang may ayaw but in reality… it was me ma. It was me. My selfishness forced Dina to do that… in her good intention na wag mapahiya ang pamilya niya nagawa niyang magsinungaling at pagtakpan ako… and didn’t expect that… it would happen this way---“; naputol si Rico dahil sa biglang pagsugod ng kaniyang papa. Kinuwelyohan siya ng kaniyang ama. “Rodrigo! Huminahon ka!”; awat ng mama ni Rico sa kaniyang ama na galit na galit bagamat gulat pa din sa mga inamin ni Rico. “Papaano mo nagagawang matulog, Rico?! Papaano mo nagagawa ‘yon?! Sa kabila ng ginawa mo! Sa kabila ng kaalamang inulila mo ang mga Ortega! Inalisan mo sila ng Padre de pamilya, ha?! Inilayo mo ang aking matalik na kaibigan! Pero ang lalong di ko mapapatawad ay hinayaan mong si Dina ang umako sa lahat ng kahihiyan at paninisi ng lahat! Anong klaseng tao ba pinalaki ko?! Ganyan ba ang itinuro naming sa iyo?! NO! You are not my SON!”; gigil na gigil na wika ng kaniyang ama. Kinakapos ng hininga sag alit kaya minabuti nito itulak si Rico at pumasok na lamang sa kwarto nilang mag-asawa. “Rodrigo!”, habol ng kaniyang ina sa kaniyang ama. ”Magpahinga ka na muna anak.”; malumanay na wika ng kaniyang mama. Sinunod ni Rico ang mama at pumasok sa kwarto nguni’t pagkalapat ng pintuan, naubusan siya bigla ng lakas at napaupo sa sahig. Napaluha siya. Tama si Dina... wala na silang magagawa. Hindi na din kasi siya patatahimikin ng kaniyang konsensya. Kung sana ay narealize niya lamang ito ng mas maaga... di sana mawawala si Mr. Ortega… di sana aabot sa ganoong sitwasyon.; isip ni Rico. Di niya magawang magpahinga sa ganoong sitwasyon... isang desisyon ang napagpasyahan ni Rico... ”Papa!”; si Rico at walang kakatok-katok na pumasok sa silid ng mga magulang niya. Nagulat naman ang mga ito sa kanya. ”AND WHAT ARE YOU DOING HERE?!”; bulyaw ng kanyang ama. “Papa…”; panimula ni Rico ngunit walang balak ang kaniyang ama na makinig sa kaniya. “Don’t call me papa! You are no son of mine!”; galit na wika nito sa kaniya. “Rico, anak… umalis ka muna at hayaan mo munang makapagpahinga ang papa mo.”; aniyang kanyang ina. ”But pa! You must listen to me first!”; insist ni Rico. “WHY?! Why must I listen to you?! You’re no less evil than any beast without feelings!”; galit na wika pa din ng ama ni Rico. Di mapapawi ang galit na nararamdaman nito, “Papa… I’m begging you, please pakinggan mo po ako. Nakokonsensya nga po ako kaya please pakinggan mo po ako… Nagakamali ako papa! I know!”; ani Rico na halos maluluha na sa papa niya. Bahagyang kumalma ang kaniyang papa sa narinig at awa na din sa anak, sinamantala iyon ni Rico upang magsalita pang muli. ”Aakuin kong responsibilidad si Dina, pa! Pakakasalan ko po siya!”; ani Rico. Natigilan ang papa niya at maging ang mama niya ay nagulat din. “You should’ve decided that earlier.”; ang malungkot na wika ng kaniyang ama at tuluyan na ngang kumalma dulot na din ng awa sa anak. “Pa, I know it’s too late but because of what happened… nabaling kay Dina ang sisi not not even realizing that siya din mismo ay nasaktan, naulila, nalungkot… siya din ay nawalan pero pinagtakpan niya pa din ako. That’s why I won’t let her be alone pa. Nag-iisa na lang si Dina that’s why I want to stay by her side. Napalaki niyo akong maayos, at nagsisi ako kung bakit ko nagawa ito. All I want to do is to fulfill Mr. Ortega’s final wish at panagutan si Dina.”; ani Rico. Umiling-iling ang kaniyang ama. “Gugustuhin ko man na maikasal ka rin kay Dina, iho… pero di ko alam kung papayag pa si Dina sa kabila ng mga dinaranas niya ngayon. Hindi ako nakakasigurong matatanggap ka pa niya. Tandaan mo, sa mata ni Dina… Rico, ikaw ang pinakamumuhian niya sapagkat ikaw ang dahilan kung bakit pumanaw ang kaniyang papa.”;ang sagot ng kaniyang papa. “I know pa… so please, help me persuade the Ortegas na pumayag.”;ani Rico. Tumitig ang kaniyang papa sa kanya. Matapat si Rico sa kanyang mga sinabi at desidido talaga siya na pakasalan at panagutan si Dina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD