Chapter 2 ANG PAGTANGGI

2906 Words
Chapter 2 ANG PAGTANGGI Kinapalan ni Rico ang kaniyang pagmumukha na harapin ang magamang Ortega. Nang malaman niya buhat s akaniyang mga magulang na stable na ang situation ng ama ni Dina, hinailang niyang madalaw ng personal ito upang humingi ng paumanhin. Nasa ospital pa din ito ngunit nakalabas na sa ICU at under observation na lamang ng mga ilang mga araw. ”Napakaguwapong bata mo, iho.”; nakangiting compliment ni ginoong Ortega kay Rico nang masilayan ito. Tuwang-tuwa naman ang mga magulang ni Rico na nakasunod lamang sa may likuran dahil mukhang nagustuhan agad ng kumpadre si Rico sa unang tingin pa lamang. Pero napakapangit naman ng kalooban! Inis na isip ni Dina habang mabagsik na tinitingnan ang kabuoan ni Rico. Naiinis siya kung bakit ngayon pa dumalaw ang kinasusuklaman gayon siya ang kasalukuyang nagbabantay sa ama niya. Suklam na suklam talaga siya kay Rico. ”Mr. Ortega... I’m really sorry for what happened to you. Humihingi po ako ng tawad sa iyo at kay Dina. Ako po ang dahilan kung bakit nagkaganito po kayo.”; si Rico. Nagulat ang lahat, ang mga magulang ni Rico sapagka’t wala silang alam sa mga pinagsasabi nito, at maging si Dina na ni sa hinagap ay di niya inaasagang marunong itong humingi ng tawad at magpakumbaba. “Wag kang mag-alala iho, labas ka sa dahilan kung bakit ako nagkaganito ngayon. Matagal ko nang gustong huminto si Dina sa pagbabasketball. Mula nang ma-injure niya ang kaniyang kanang braso, sinabihan ko na siyang itigil na ang paglalaro nito. Nguni’t sadyang napakatigas ng kanyang ulo… at wala kang kasalanan ditto, nasa pag-uugali talaga ito ni Dina, iho.”; ang wika ni Mr. Ortega. “Mahal na mahal po ni Dina ang pagbabasketball... at di niya kakayaning mawala ito. Pakiusap, suportahan niyo po si Dina, tutal ay graduating na po siya.”; ani Rico. Lalong ikinagulat ni Dina ang mga sinabi ni Rico, parang ibang tao ang kaharap niya at hindi yung sarkastiko, antipatiko, masungit at walang pusong nakaharap niya noong mga nakaraang araw. Si Mr. Ortega ay wala ding masabi dahil humanga siya sa pagiging magalang ni Rico s kaniya at sa kaniyang anak na si Dina. “Kung di po dahil sa kadaldalan ko at kung sana ay pinakinggan ko lamang ang munting pakiusap ni Dina ay di po sana kayo nagkaganito. Di po sana mangyayari ang ganito sa inyo… Kaya pakiusap, pahintulutan iyo na po si Dina na ipagpatuloy ang kaniyang pagbabasketball. Pakiramdam ko’y nagging bahagi din po ako kung bakit kayo nagkaganito. Gusto ko po akuin ang responsibilidad sa pangyayaring ito, wag niyo lamang po patitigilin si Dina sa kaniyang pagbabasketball. Sermonan niyo po ako, saktan, laitin o kung ano pa man ay handa po akong tanggapin ito lahat.”;matapat na wika ni Rico sa ama ni Dina. “Anak, iho.”;gulat na reaksyon ng mga magulang ni Rico. Lalong-laluna si Dina, ni hindi niya alam kung paano ang dapat na maging reaksyon dahil sinsero si Rico sa kanyang mga sinabi, wari’y handa nga itong maparusahan. Ano marahil ang nakain ng lalaking ito? Bakit niya ako pinagtatanggol kay papa ukol sa aking pagbabasketball?; nagtatakang isip ni Dina. “Talaga bang aakuin mo ang kaparusahang iaatang ko sa anking panganay na si Dina?”;ang wika ni Mr. Ortega at wari sumeryoso na din ang aura nito. Kinakabahan lahat ng nasa kwarto, kung ano marahil ang kaparusahang ipapataw nito kay Rico. “Opo.”; desididong wika ni Rico sabay tango. Hindi mo kilala ang papa ko. Nakakaawa naman ang lalaking ito.. sigurado akong mabigat ang kapaurasahan ko... at handa siyang akuin ito!; nakokonsensyang isip ni Dina. Ayaw niya kay Rico at ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa lalaking iyon. Gagawin niya ang lahat ng paraan para patigilin ang kaniyang ama sa kung anuman ang ipapataw na parusa nito, siya ang may kasalanan at dapat siya ang magdusa.. hindi ang Rico Ballestros na iyon. Napatingin si Mr. Ortega sa mga magulang ni Rico at ngumiti ng bahagya. ”Pa---”; di natuloy si Dina sa tangkang pumagitna sa pagitan ng kaniyang papa at ni Rico dahil nagpasimula na ulit sa pagsasalita ang kaniyang papa. ”Bueno, alam kong di tututol ang mga magulang mo sa gusto kong mangyari. Tutal ay gusto mong akuin ang parusa ni Dina at mukhang desidido ka ngang gawin iyon... Pwes, iho... ang parusa ni Dina ay ang pakasalan ka.”; ani Mr. Ortega at diretsong nakatingin sa mga mata ni Rico. Nagulat si Rico at maging si Dina, wari naligayahan naman ang mga magulang ni Rico. ”HAH?”; sabay na wika nina Rico at Dina. “Gusto kong akuin mong responsibilidad si Dina habang buhay. Pakasalan mo siya.. dahil ang mapunta si Dina sa mga Ballestros ay ang tanging paraang makakapagalis ng aking alalahanin ukol sa kaniya.”; ani Mr. Ortega. “Pero papa---“;naputol uli si Dina sa kaniyang mga sasabihin nang biglang hiningal ang kanyang papa. ”Sumisikip nanaman uli ang dibdib ko... Nais ko munang magpahinga, pasensya na.”; ani Mr. Ortega sa mga magulang ni Rico, sapo ang dibdib na wari nilalabanan ang sakit at hirap ngunit nakikita naman sa mukha. ”Aasahan kong magiging tapat ka sa iyong salita, iho. Salamat sa inyong pagdalaw.”; ani Mr. Ortega ngunit kay Rico lamang ito mariing nakatingin. “Sige kumpadre, magpahinga ka na muna.”; ang mama ni Rico. ”Magpagaling ka agad, kumpadre.”; ang papa ni Rico. Tumango lamang si Mr. Ortega, at nagpakita ng mahinang ngiti kay Rico bago tuluyang humiga sa kama. Di inaasahan ni Rico na magiging ganito ang mga pangyayari. Ang gusto niya lang sana ay himingi ng tawad at maparusahan ng kaunti upang maibsan ang pagkakonsensya niya sa mga binitiwang salita sa kaniya ni Dina noong huli silang nagkita... pero, ang pakiusap nito na pakasalan si Dina--- kailanman ay di niya kayang gawin! Napatitig si Rico kay Dina, blangko din maging ang mga tingin ni Dina sa kaniya. DI niya alam kung ano ang sasabihin. ”Mag-usap tayo.”; si Dina na ang bumiyak sa kanilang katahimikan. Nagpatiuna si Dina sa paglalakad, walang nagawa si Rico kundi ang sundan siya papalabas ng kwarto. ”Anong ginawa mo?! Bakit kailangang magkaganito?! Bakit kailangan mong makialam sa buhay ng pamilya namin?!”; asik ni Dina kay Rico pilit na maging mahinahon. “I really didn’t mean na mapupunta tayo sa ganoong situation. I did not expect something like this at all! I just want to say sorry at matulungan kang magpatuloy sa pagbabasketball. That’s all. Believe me or not, nakonsenya ako sa mga sinabi mo that’s why I want to help you! But to marry you--- this is absurd!”; asik din ni Rico sa pagmamatapang ni Dina. Nababahala rin si Rico sa sitwasyon nila, kitang kita ni Dina sa pagmumukha ng binata na maging ito ay nashock din. “Edi paanong gagawin natin ngayon?!”; ibig nang maiyak ni Dina. “I don’t know. I don’t really know!”; si Rico na natataranta at napepressure. Nagtaka na ang mga tao sa kanilang paaligid s apagtataas ng boses ni Rico. “How about this… can we just forget that this had happened? Kalimutan na lamang natin na nagyari ang mga bagay na ito! Sabihin mo sa papa mo na hindi ko iyon narinig at nagpakalayu-layo na ako. Di na lang ako magpapakita sa family mo ever---“; naputol si Rico nang bigla siyang sapakin ni Dina. Nagulat ang mga tao sa paligid sa nagging bayolenteng reaksyon ni Dina… dahilan para magpasimulang umusyoso ang ilan. “Why did you hit me!? Ugali mo na ba talaga ang pagiging mapanakit?!”; galit na wika ni Rico. “Oo mapanakit ako laluna sa loko! Loko ka ba? Do you honestly think my family is that stupid para maniwala sa alibi and excuses mo?! Papa will never believe to that!”; galit din na wika ni Dina. “Then what should we do?!”;naiiritang wika ni Rico. Di alintana ang namumuong tensyon dahil sa mausyosong mga tao sa paligid. “Wala tayong ibang choice…”; seryosong wika ni Dina. Biglang kinabahan si Rico, ayaw niya marinig ang sasabihin ni Dina, ni malaman man lang ang mga iniisip nito ay ayaw niyang tangkaing malaman. “Papa will never accept NO for an answer---“; naputol si Dina. “We-wait! Stop! Hold on! Don’t say it! I don’t want to hear it!”;galit na wika ni Rico. “Ang yabang mo ah. Do you honestly think na gusto ko magpakasal sa isang tulad mong masungit, antipatiko, walang puso at saksakan ng yabang?! Di ba nga di kita sinipot sa date natin? Tingin mo bang ginusto ko rin na mapunta tayo sa ganitong sitwasyon?!”;galit na naikuyom ni Dina ang kaniyang mga kamay. “B-but---“; ibig sana tumututol ni Rico pero wala siyang mahagilap na maidadahilan. “Pero nakaratay sa ospital ang aking papa… Dahil sa akin! Dahil iyon sa ating dalawa! I can’t forgive myself kung may mangyayari pa sa kaniya dahil sa kagagawan nating dalawa. Di na kita sisisihin kung bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon.. but for papa’s sake…”; di maituloy-tuloy ni Dina ang kanyang nais sabihin dahil labag din ito sa kalooban niya. Pumikit si Rico, pinlit inihahanda ang sarili sa sasabihin ni Dina na ayaw niya sanang marinig. “…. Pakasalan mo’ko, Rico. Panagutan mo ako!”; lakas-loob na wika ni Dina di alintana ang mga nagbulong-bulungan sa paligid. Umugong ang ingay ng mga umuusyoso sa paligid, lahat ng tao ay halos nakatingin na lamang sa kanilang dalawa. Nagulat si Rico at pinamulahan ng pisngi sa matinding kahihiyang dinaranas niya ngayon dahil kay Dina. “What are you doing?! Anong pinagsasabi mo?! Wag kang magbiro! Wag kang mageskandalo! Nakakahiya!!”;iritadong wika ni Rico at pinagpapawisan pa habang sinusulyapan ang madlang pumaligid at nakatuon ang attensyon sa kanila. ”Di ako nagbibiro, Rico, alam mo iyan. Seryoso ako. Wala akong panahong makipaglokohan dahil sa kalagayan ng papa ko.”;si Dina at seryosong nakatingin kay Rico, pilit binabalewala ang matatalim ng pukol at mga pagtitig ng mga tao sa kanilang palagid. Sumeryoso na rin si Rico nang mapag-alamang desido si Dina na magpakasal sa kaniya. ”No.”; seryosong sagot ni Rico. Umugong lalo ang bulung-bulungan sa paligid na wari’y nakatunghay sa isang makabagbag-damdaming eksena ng isang pelikula. “I won’t take no for an answer.”; ani Dina. Di makapaniwala si Rico. “I can’t believe this! You’re a rebel to your father but… you are exactly like him!”; gigil at sarkastikong wika ni Rico, di na rin alintana ang eskandalong ginagawa nilang dalawa ni Dina, kahit na nga ba nagmumukha na siyang kontrabida. “I am begging you, Rico. Ayaw kong mawala ang papa ko, nakita ko ang kalagayan niya. Nakikiusap ako... PLEASE pakasalan mo ako!”;matibay na wika ni Dina nguni’t di namamalayang pumapatak na pala ang kaniyang mga luha. Natigilan si Rico nang makita ang mga luha ni Dina, naspeechless siya, ibig niyang maawa... pero di niya talaga kayang magpakasal sa babaeng di niya mahal at di niya kayang mahalin. ”I’m sorry... but I can’t marry you---”; di na natapos pa si Rico dahil tumakbo na si Dina papalayo sa kaniya. Naaawa si Rico kay Dina, pero iyon ang marapat niyang gawin. Pumapatak ang mga luha ni Dina, nilunok niya ang kaniyang pride nang magmakaawa siya kay Rico, buong buhay niya di niya nagawa ang magmakaawa ng ganun kahit pa sa papa niya para sa kaniyang pagbabasketball… pero ang lahat ng ito’y balewala lang kay Rico. Ilang araw na din ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente sa pagitan nilang dalawa ni Rico sa ospital, at maging si Rico ay binaon na din ang lahat sa limot lahat ng naganap nang araw na iyon. Nakalabas na ng ospital ang papa ni Dina, kakauwi lamang nila sa kanilang tahanan at kasalukuyang salu-salong kumakain ng kanilang hapunan… nang muli buksan ng kaniyang papa ang paksa ukol sa kasalan nila Rico at Dina. “Gustong-gusto ko talaga ang lalaking iyon. Responsible. Gusto ko na siya maging son-in-law sa lalong medaling panahon. Matuturuan niya ang boyish nating si Dina. Maswerte ka kay Rico, iha. Bibihira na lamang ang mga lalaking gaya niya.”; natutuwang wika ng kaniyang papa at puro papuri lamang ukol kay Rico ang namumutawi sa bibig nito. Masayang nagtawanan ang pamilya bilang tugon at pagsang-ayon liban kay Dina. Naikuyom ni Dina ang hawak na kutsilyo at tinidor, naiinis siya, naalala nanaman niya si Rico at ang kawalan ng puso ng lalaking iyon. Ayaw kong malaman ni Papa na tinanggihan ako ng lalaking gusto niya para sa akin… mas mainam pang malaman niyang ako ang tumanggi.; gigil na isip ni Dina at sa isang iglap ay gumawa ng desisyon. “Ayaw kong pakasal sa lalaking iyon papa.”;malamig na wika ni Dina. Natigil ang masasayang pagtatawanan ng kaniyang pamilya dahil sa kaniyang sinabi. ”Ate!”; saway ni Sunshine sa kaniya. Di pa kasi lubusang magaling ang kaniyang papa at di pa nito kakayaning tumanggap ng mga shocking or stressful disscussions. ”Ayaw ko sa lalaking iyon---”; naputol si Dina sa kaniyang mga sasabihin nang magsalita ang kaniyang mama. ”Dina! Kakalabas lang ng iyong papa sa ospital! Wag ka na munang magsalita kung di naman ito makabubuti sa papa mo!”; anito. ”Pero ma! Di dapat pinapaasa si Papa na magiging kami---”; pinutol uli si Dina, ngayon ay kaniyang papa na mismo ang nagsalita. ”Hanggang kelan mo ako susuwayin, bata ka! Hanggang kelan kita dapat pagtiisan?! Puro na lamang sama ng loob ang binibigay mo sa akin!”; galit na wika ng papa ni Dina sa kaniya. Nasaktan si Dina, ni minsan pala walang nakaimbak sa memorya ng kaniyang papa na may ginawa siyang mabuti. So lahat ba ng panahon papa na sinunod kita... yung mga panahon na pinilit kong makuha ang champion sa piano competition nung bata pa’ko.. lahat ng champion sa quiz bee na sinasalihan ko… Lahat ba ng iyon ay.. di nakapagpasaya sa’yo?; ibig sambitlain ni Dina pero di niya nagawa. “Papa!”; awat ni Sunshine sa kanilang papa. ”Napakatigas ng ulo mo! Wala ba kaming kwenta sa paningin mo?! Ikaw lang ba ang tama at kami ay mali na lamang palagi?! Napakaperpekto na lamang ba ng pagtingin mo sa sarili mo---”;aniyang kaniyang papa nang biglang magsalita si Dina. Masyado nang nasasaktan si Dina at di niya kayang itikom na lamang ang kaniyang bibig. ”HINDI Papa!!! Pero ang ipakasal ako sa lalaking iyon ay sobra-sobra na! Di ko kayang gawin ’yon!”;si Dina. ”Ate! Alam kong ayaw mo sa lalaking iyon, naiintindihan ko rin iyon pero di yan sapat na dahilan para saktan ang kalooban ng ating Papa! Ate, malubha ang karamdaman ni Papa! Dapat maunawaan mo rin sana ito!”; asik ni Sunshine kay Dina. “Pero Shine, saksi ka kung gaano ka-arogante ang taong iyon---“;naputol sa pagdadahilan si Dina. “Tama na! Mag-aaway ba tayong lahat dahil lamang diyan?! Sa ayaw o gusto mo, Dina… pakakasal ka kay Rico. And that is final!”; asik ng kaniyang papa. “Hindi Papa! HINDI!!! Mukha na ba akong robot sa iyo, Papa? Kailan mo ako pakikinggan, Papa? Sana pakinggan mo naman po ako… pakinggan mo po ako kahit ngayon lang!”; umiyak si Dina. Nasaktan ang kaniyang papa na makita ang mga luha ng kaniyang panganay. Matapang si Dina at ni minsan ay di ito umiyak sa harapan niya mula noong bata pa siya... pero ngayon ay umiiyak ito sa harapan niya. Nakadama siya ng kirot sa puso at awa sa kaniyang anak. Papa, pakiusap... wag tayong magpakababang ipilit ang sarili natin sa mga taong may ayaw sa atin! Pakiusap! Papa, pakinggan mo ako… kahit ngayon lang!; ang nasa ng puso ni Dina. “Dina!”; awat ng kaniyang mama. “Ate! Sobra ka na!”; si Sunshine. ”Ikaw.. Dina, anak ko? Kailan mo ko pakikinggan? Kailan mo maririnig ng tinig ng iyong sariling ama?”;naluluhang wika ng kaniyang ama. Malungkot na malungkot ito at bigla na lamang pinanawan ng ulirat. “PAPAAAA!!!”; sabay-sabay ang sigaw ng tatlo, ni Dina, ng kaniyang mama at ni Sunshine at dali-daling tinungo ang kaniyang ama. “Papa? Papa!!!!”; hiyaw ni Dina na niyakap ang ama. “Ate! Anong ginawa mo?! Pa!!! Papaaaa!!!”; iyak ni Sunshine at may bahid paninisi kay Dina ang himig ng kaniyang pagsasalita. Natulala si Dina, sa kagustuhang maingatan ang reputasyion ng ama at wag masaktan… siya ang lalong higit na sumugat sa damdamin ng kaniyang papa. Napaluha si Dina. Pa.. Papa, sorry…. Sorry, pakiusap… Gumising na po kayo.;tanging nasa isip ni Dina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD