Chapter 1 ANG PAGTATAGPO

1630 Words
Chapter 1 ANG PAGTATAGPO "Rico, anak sana ayusin mo naman ang pakikipagdate sa mga babaeng inirereto namin sa iyo."; ang mama ni Rico. "But ma... I can't just force myself. Di ko sila gusto."; ang sagot ni Rico. Ma, si Alice pa din ang mahal ko at di na yon magbabago.; isip ni Rico. "Just this once, iho. Siputin mo si Dina. Anak siya ng bestfriend ng papa mo. Sana wag mo siya idisappoint. Mageffort ka lang ng kahit kaunti?"; ang kaniyang mama, nagpupumilit. Naptingin si Rico sa mama niya, matanda na ito at bakas sa mukha nito ang matinding pagalala sa kaniya. "Ok ma. But just this once ok?"; ani Rico na labag naman talaga sa loob na makipagdate sa ibang babae liban kay Alice pero lubha naman iyong ikinalugod ng kaniyang mama at abot-tenga pa ang ngiti nito. "Iho, I'm not telling you to forget Alice pero sana wag mo din sarhan ang pintuan diyan sa puso mo para sa ibang babae, anak."; anito. Tumango na lamang si Rico para wala nang diskusyon. Matapos ang trabaho ni Rico, mabagal niyang tinungo ang restaurant ng pagkakatagpuan niya ng kaniyang kablind-date na si Dina Ortega. Naupo siya sa isang sulok, sa dako na hindi masyado matao pagka't ayaw niya ng lugar na masyadong crowded. Umorder siya ng kape habang naghihintay. Mahalaga ang oras para kay Rico at ayaw niya naaaksaya ito sa walang kuwenta.. gaya ngayon, lubos siyang disappointed dahil walang sense of time ang kaniyang kablind date. 15 minutes na late si Dina, pero komo nakapagsabi siya sa kaniyang mama na magkaroon ng kahit konting effort, hinabaan pa ni Rico ang kaniyang pasensya upang maging gentleman enough na hintayin ang kablind date. Ngunit ang 15 minutes na paghihintay ay nadagdagan pa... naging 30..... naging 40.... Naging 50 minutes! Sampung minuto na lang, magiisang oras na itong late. "1 hour late na ang babaeng iyon! I won't meet such an irresponsible person ma! I feel so insulted and my time is wasted!"; angal ni Rico sa kaniyang mama, kausap niya ito sa cellphone. "I'm going home now!"; iritableng wika ni Rico. Biruin mo, pinilit siyang makipagblind date tapos siya pala ang di sisiputin!? "Uh, e-excuse me... are you Rico Ballestros?"; wika ng isang magandang babae na lumapit sa gilid niya, pero di nahalina si Rico sa ganda nito, sa halip ay nainis siya. Sobrang arte nito sa katawan, mukha pa lang pinuno na ng kolorete at kung anu-anong make-up, sobrang iksi ng paldang suot at halos kita na kaluluwa sa kaniyang pananamit. Ayaw niya ng mga ganitong babae, gusto niya ay iyung gaya ni Alice, simple, mahinhin ngunit litaw na litaw pa rin ang ganda. "So, you are Dina Ortega?!"; sarkastikong wika ni Rico. "Uh, no, no. Hindi ako si Dina. Ako si Sunshine Ortega, nakababatang kapatid ni ate. Ate ko si Dina."; anito. "So?"; ani Rico na parang wala lang. "Anong so?"; usisa ni Sunshine na di maintindihan ang ibig ipunto ni Rico. "So what? Ano ngayon kung ikaw si Sunshine? Asan na ang ate mo, bakit ikaw ang narito? Di mo ba alam kung gaano kahalaga para sa akin ang oras? Inaksaya niya ang oras ko! Nakakainsulto itong ginagawa niyo!"; nasa himig ni Rico ang galit. "Nasa basketball tournament kasi si ate. Basketball player kasi siya ng university at finals na ngayon para makapasok sila sa championship. She can't afford to lose this game... pero ayaw niya malaman ni papa na di siya sumipot sa date niyo kaya kung pwede---"; naputol si Sunshine. "Ang dami mong satsat. Straight to the point, will you?!"; sarkastikong wika ni Rico. Ibig na mapikon at sabunutan ni Sunshine ang kausap. "What I want to say is, ako muna ang proxy ni ate. Kaya makikisuyo sana kami na wag mo na lang iinform si papa na di sumipot si ate kaya narito ako. Kaya please---"; naputol nanaman uli si Sunshine. "No. I don't tell lies. I'm going home... at ito? Itong pangiinsulto niyo sa akin ay makakarating sa mga magulang niyo. That's for sure."; inis na wika ni Rico. Nagulat si Sunshine at napatanga. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Ibig niya awayin ang kaharap pero mabilis din itong nakawala sa kaniyang paningin. Nagulat na lamang din siyang naiwan na siyang nag-iisa doon. Alam na ni sunshine ang susunod na mga pangyayaring magaganap... mapapagalitan ng kanilang papa ang kaniyang ate, madadamay siya pagka't knunsinti niya ang kaniyang ate. Matagal nang tutol ang kanilang papa sa pagbabasketball ni Dina pero heto tinutulungan pa niya ang kaniyang ate na mapagtakpan ang hilig. Di nga nagkamali si Sunshine sa kaniyang hinala. Naganap nga lahat ng kaniyang inaasahan oras nang makauwi sila ng kaniyang ate sa loob ng bahay. Papalabas na ng law firm office si Rico nang harangin siya bigla ng isang patpating lalaki. Halos tenga niya ang tangkad nito, nakasumbrero ito, tshirt na maluwang, nakamaong pants at mahaba din ang buhok nito. "Ikaw ba si Rico Ballestros?"; usisa nito sa kaniya. Nagulat si Rico, nahimigan niya ang inakala niyang humarang sa kaniya ay isang babae pala at hindi lalaki. Tumingala ito sa kaniya, nakita niya ang maganda nitong mukha, maamo itong tingnan bagama't mapagbanta ang himig na gamit. Ibig matawa ni Rico kung paano siya nalinlang ng kaniyang pagaakala na lalaki ito. "Yes."; simpleng sagot ni Rico. "Sinungitan mo ang kapatid ko."; anito sa kaniya. Nagtaka si Rico, hindi niya alam ang mga pinagsasabi nito. "Who the heck are you?!"; pagsusungit ni Rico sa kausap. "Dina Ortega.";anito na may mapagbantang titig sa kaniya. Nagulat si Rico. Ito pala ang dapat niyang kadate noong nakaraang araw. "Ah... so what brought you here?"; sarkastikong wika ni Rico. Tumitig lang si Dina sa kaniya. "Alam mo bang ibig na kitang upakan ngayon?!Masungit ka ngang pala talaga! Tama talaga ang sabi ni ---"; naputol si Dina sa kaniyang mga sasabihin. "Straight to the point will you?! Hindi lahat ng tao ay sin bakante gaya mo---"; naputol din si Rico sa kaniyang pagsasalita ng isang suntok sa labi na buhat kay Dina. Nangagalaiti si Dina, kanina pa siya naiirita sa bunganga ni Rico. "Di pa ako tapos magsalita! Lagi ka bang ganyan? Wala ka bang respeto sa kausap mo?! Makinig ka! Pinakiusapan ka ni Sunshine na wag mo ako isumbong dahil di ako sumipot sa date natin dahil sa basketball tournament ko. Isang pakiusap na inasahan naming maunawaan mo. Di mo ba alam anong ginawa mo?!"; gigil na wika ni Dina. "The heck no! Why would I care, anyway! And alam mo ba na pwede kitang kasuhan sa ginawa mong panununtok sa akin ngay---"; naputol uli si Rico sa kaniyang mga sasabihin dahil sinuntok siya muli ni Dina. "Iyung isa kanina ay para sa pagsusungit at pambabastos mo sa kapatid ko. Iyan, ay para naman sa maayos na pakikipagusap namin na di mo naman pinakinggan. At ito.. ito naman..."; si Dina na akmang susuntukin uli si Rico pero naagapan iyon. Hinawakang mahigpit ni Rico ang kamay ni Dina, dahil dito sinubukang gamitin ni Dina ang kabilang kamay nito upang suntukin si Rico kaso nahuli pa rin ito ni Rico. "Sobra ka na!Ouch!!!!"; si Rico nang bigla siyang iheadbutt ni Dina. "At yun... ay para sa papa kong nasa ICU ngayon!";galit na galit si Dina pero pilit pinipigil ang sarili na mapaluha sa harap ng kaniyang kalaban. Natigilan naman si Rico at kahit paano ay nakadama ng pagkakonsensiya. "Dahil sa'yo.. dahil sa katabilan ng dila mo... nalaman ni papa na nagbabasketball pa din ako. Nagalit siya, dahilan upang magkasagutan kami... dahilan para atakehin siya sa puso at kasalukuyang nakaratay ngayon sa ICU!"; galit na wika ni Dina. Nakabawi si Rico sa pagkabigla at mabilis nanumbalik ang pagiging arogante at sarkastiko nito. "Bakit mo sa akin binabaling ang sisi?! Kung nakinig ka lang sana sa papa mo na itigil na ang pagbabasketball edi di na nangyari ang ganito! Kasalanan mo 'yan! At ako... ay nagsasabi lang ng totoo sa papa mo!"; galit din ang pagsagot sa kaniya ni Rico. Doon narealize ni Dina na walang puso ang kausap niya. Sumeryoso si Dina. Di siya magpapakita kahit isang patak na luha sa harap ni Rico. Kinasusuklaman niyang mainam ang lalaking kaharap niya ngayon. "Kaya ko naman ginawa 'yon dahil isang simpleng pakiusap lang naman ang gusto namin. Pakiusap na di mo pinakinggan, binalewala... pinagkait. Kahit kelan di mo maiintindihan kung bakit di ko maiiwan-iwan ang pagbabasketball. Di mo kasi naranasan magmahal... magmahal na aabot sa puntong mas mahal mo pa ito higit sa iyong buhay. 'Yung tipong pag nawala ito sa'yo, parang patay na din ang puso mo."; si Dina direktang nakatingin sa mga mata ni Rico na walang kakurap-kurap. Matapang ang titig ni Dina bagamat di kaila na alam ni Rico na any moment ay luluha na ito pero pinipigilan lang nito. Di magawang kumurap ni Rico, di niya magawang wag tingnan ang maamong mukha ni Dina at lubos siyang tinamaan sa mga sinabi ni Dina. Bago pa man tuluyang mapaluha sa harap ni Rico ay pinili ni Dina na umalis na lamang, walang saysay na makipagusap sa mga taong gaya ni Rico... taong walang puso. Napako si Rico sa kaniyang kinatatayuan. Kahit wala na si Dina ay nanatili pa rin siya sa pwestong kinatatayuan. Malalim ang mga sinabi ni Dina, sobrang lalim dahilan para tumagos ito sa puso niya at matabig ang sugat na pilit nitong hinhilom. Ganoon kasi ang nararamdaman niya ngayon...parang patay na ang puso niya buhat nanag iwanan siya ni Alice. Di namalayan ni Rico, unti-unti na palang pumapatak ang kaniyang mga luha sa di malamang dahilan. Di makatulog si Rico nang gabing iyon. Tumatak sa kaniyang puso at isip ang mga pananalita ni Dina. Ngayon lang siya nakadama ng pagkakonsensya at awa buhat nang mawala si Alice. Ibig niyang humingi ng tawad kay Dina at sa papa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD