Chapter 8 ISANG MAHABANG ARAW

7700 Words
Chapter 8 ISANG MAHABANG ARAW Ilang araw nang di iniimik ni Dina si Rico... galit pa rin siya kay Rico. Sa kabila ng galit ni Dina kay Rico, nakakadama pa rin siya ng matinding kalungkutan, pakiramdam niya para din niyang pinipighati ang sarili sa ginagawa niyang pag-iwas kay Rico. Si Rico naman ay patuloy na binabagabag ng konsensya, hindi niya alam paano babawi kay Dina, hindi siya sanay na hindi inaaway ni Dina... hindi siya sanay na walang bangayang namamagitan sa kanilang dalawa... hindi siya sanay na balewala siya kay Dina. Hindi niya na kaya pang tiisin iyon. Araw ng sabado at magkasalo ang buong pamilya sa hapunan, mailap pa din sa kanya si Dina at di pa din siya iniimik. Dama naman ng mga magulang ni Rico ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kinabukasan ay araw ng linggo at hindi nagyaya ng date si Alice, ibig niyang yayaing mamasyal si Dina upang bumawi sa mga pagkukulang niya. "Ah... Dina... gusto mo bang mamasyal tayo? B-bukas?";mahinang sambitla ni Rico habang sumusubo ng pagkain si Dina. Bagamat mahina ay dinig na dinig iyon ni Dina,nagulat siya at ibig niyang mabilaukan, maging ang mga magulang ni Rico ay nagulat din. "I mean... kung wala kang gagawin bukas--- I mean kung free ka--- kung gusto mo---";si Rico na parang di alam paano ideliver ang ibig ipahiwatig kay Dina na wariy tensyonado pa. Kumunot ang noo ni Dina at kinabahan tuloy si Rico dahil baka tatanggihan siya nito. Ngiting-ngiti naman ang kanyang mga magulang habang minamasdan silang dalawa. "May sakit ka ba?"; si Dina. Pinamulahan ng pisngi si Rico, first time niya din kase yayain si Dina na mamasyal. Galit pa rin si Dina kay Rico pero nang mga panahong iyon wari biglang napawi ang lahat ng galit ng galit niya rito. "Ano ka ba? Di kase ako busy. At palagi ka lang nasa bahay kaya naman naisipan ko lang na ipasyal ka.";si Rico. Napasulyap si Rico sa kanyang mga magulang at nakitang ngiting-ngiti ito sa kanila. "Ma!Pa! Wag kayong masyadong malisyoso, di naman ito gaya ng iniisip niyo!"; pangangatwiran ni Rico dahil nauunawaan niya ang iniisip ng dalawang matanda pero lalo lamang napangiti ang mga ito. "Sige.";sagot bigla ni Dina. Sa loob-loob ay excited si Dina at tuwang-tuwa pero kinukubli lamang niya ito sa pamamagitan ng kanyang "parang walang-pakialam" na reaksyon. Hindi alam na Rico kung bakit sobrang saya niya at napapayag niya si Dina, di iyon maikukubli ng expresion sa kanyang mukha, abot-tenga ang masisilayang ngiti sa kanyang mukha. Nang gabing iyon, di makatulog si Dina sa kakaisip kung ano ang susuotin niya sa araw ng bukas... di maikakaila, excited talaga siya. Si Rico nama'y napapangiti pa rin dahil napapayag niya ang "napakahirap i-please" na si Dina. Pagkakataon niya nang bumawi kay Dina... dahil sa tuwing maaalala niya ang paghikbi ni Dina ay para ding nadudurog ang puso niya. Habang nagmumuni-muni sa mga lugar na pupuntahan nila ni Dina bukas, saka naman ay biglang nagring ang kanyang cellphone, si Alice... tumatawag. Napawi ang ngiti ni Rico nang makita a caller ID ang pangalan ni Alice. "Alice?" "Hello Rico... Rico, pwede mo ba akong samahan bukas?";ani Alice. "S-saan?" "Gusto kong pasyalan natin yung lugar kung saan tayo madalas magdate..." "A...e... Alice kase---" "Bakit Rico? Tatanggihan mo nab a ako?";nalungkot si Alice. "Hindi naman sa ganoon, Alice. Alam mo namang di kita kayang tanggihan e diba? Nga lang... may usapan kase kami ni Dina..." "Gano'n ba? I understand...";parang iiyak si Alice sa kabilang linya. Nabahal si Rico. "P-pero kung gusto mo... sumama ka na lang. Mas maganda if kasama ka namin.";ani Rico. "Really?! That would be nice!";masigla na ito a kabilang linya. Kaya sa huli, sa di maunawaang dahilan ni Rico, parang biglang naglaho ang kanyang excitement para sa araw ng bukas. Ang masiglang ngiti kanina ay napalitan ng pagbubuntong-hininga ni Rico. Araw na ng lingo. Ready na ready na si Dina at sobrang excited, kaso di pa din masabi-sabi ni Rico na kasama pala nila si Alice. Nag-aalala siyang baka din a tumuloy si Dina. Ding! Dong! "Huh? May bisita ba?";takang tingin ni Dina kay Rico dahil may nagdoorbell at wala naman silang inaasahang bisita, di ba nga ay mamasyal pa nga sila? "Ah... baka si Alice 'yon. Sasama daw kase siya sa atin."alanganing sagot ni Rico sa tanong ni Dina. Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Dina , napalitan iyon ng inis, gagawin lang pala siyang chaperone ng magkasintahan. Paiwas naman kung tumingin si Rico, nadidiwaan niyang hindi nagustuhan ni Dina ay kanyang sinabi. "Edi, ikaw na ang magbukas ng pintuan. Ikaw naman din pala ang sadya niyang nagdodoorbell e."; matabang na wika ni Dina, tuluyan na ngang naglaho ang excitement. Alam ni Rico na bad mood si Dina, alam niya naman kase hindi sila vibes ni Alice dahil magkaiba si Dina at Alice... hindi sila magkakasundong dalawa. Si Rico na ang nagbukas ng pintuan pero nagulat siya at hindi ang inaasahang si Alice ang naroroon... kundi isang matangkad, tsinito at mestisong lalaki. Guwapo din ito at nakangiti pa. May hitsura lang kahit paano... hindi naman talagang guwapong-guwapo.;isip ni Rico na wari hindi vibes ang lalaking kaharap na kung tutuusin ay para na ring modelo ang hitsura. "Good morning! I'm looking for Dina Ortega.";ang sabi nito. Nagpagting ang tenga ni Rico. Di niya gusto ang tabas ng dila ng lalaking kaharap, di niya talaga ito "vibes". "Walang Dina Ortega dito. Tahanan ito ng mga Ballestros.";pagsusungit ni Rico. "Oh, sorry... I forgot! Tama, Ballestros na nga pala siya. Yes, I'm actually looking for Dina Ballestros. Please tell her I'm Carlos Tan.";anito na nakangiti pa, lalong ikinainis iyon ni Rico. How dare him! Sabihin ba naman sa aking harapan na nakalimutan niyang kasal na si Dina! Aba! At akala mo kung sino inuutusan pa ako!;inis na isip ni Rico kahit na nga ba nag-"please" sa kanya ang lalaking kaharap at maukhang magiliw naman kung makitungo sa kanya. "Rico saan mo inilagay yung--- BEST!?";si Dina at gulat na makita si Carlos. Napatingin si Carlos kay Dina, sobrang saya niya nang makita si Dina kaya naman napayakap siya agad sa babae. Gumanti din ng yakap si Dina, dahilan upang magalit si Rico pero nanatili pa ding kalma ang itsura, pinanatili ang pagtitimpi kahit di gusto ang nakikita. "Ano bang meron?";pabalang na panguusisa ng Rico ngunit wari di siya pansin ng dalawa. "Best, I am so happy to see you!";ani Carlos at niyakap pang muli si Dina, super close nilang dalawa at sa pagkakataong iyon ay di na nagawang magtimpi pa ni Rico. Salubong ang kanyang mga kilay nang paghiwalayin niya ang dalawa. "HEY! Di ka pa nagiintroduce sa akin properly! Anong ginagawa mo sa asawa ko?!"; asik ni Rico kay Carlos, galit na galit ito na wari ibig pang balatan ng buhay ang lalaking kaharap. "Oh, I'm sorry. Sorry."; nakangiting wika ni Carlos. Ayaw makita ni Rico ang mga ngiting iyon, feeling niya nakakaloko at nakakainsulto iyon. "Ano ka ba, Rico! Wag kang malisyoso. Bestfriend ko ito... si Carlos. Best, asawa ko, si Rico.";pagpapakilala ni Dina sa dalawa at nakangiti ding hinarap si Carlos. Lalong ikinainis ni Rico na makita ang ngiting iyon. Ni hindi ka nga makangiti ng ganyan sa harap ko... e bakit pag sa lalaking yan daig mo pa yung mga sumali sa miss universe?!;inis na isip ni Rico habang nakatingin sa nakangiting si Dina at sa di malamang dahilan, napako ang kanyang paningin kay Dina lalo na sa magandang ngiti nito. "Glad to meet you, Dina's husband.";masayang inilahad ni Carlos ang kanyang kamay kay Rico. Napukaw si Rico sa ginawang pagtitig kay Dina ay walang kangiti-ngiting tinanggap ang shakehands pero agad din niyang binawi ang kamay. Natigilan si Rico. "Teka, teka... Dina, bestfriend mo siya?!"; late reaction ni Rico kay Dina. Tumango lang si Dina bilang tugon. "Siya ang tinutukoy mong bestfriend na pinangakuan mong unang makakakita ng feminine side mo?!";si Rico. Napatawa si Carlos. "He knows din pala iyung about sa promise mo sa akin?"; ngiti ni Carlos. Tumango lang si Dina bilang tugong sa tanong ng dalawa. "Pero Dina... lalaki siya!";ani Rico. Napatawa si Dina. "Ano ka ba, Rico. Natural! Walang babaeng gugustuhing maging kaibigan ang gaya ko no.";si Dina at iniaangat ang isang braso na wari pinoporma ang biceps kuno. "Well, too bad! Ako ang unang nakakita no'n!";nasambitla ni Rico sa inis. Natigilan si Carlos. "Oo, ikaw at si Alice... at pinagtawanan niyo ako no'n!";busangot ni Dina. Naguilty naman tuloy si Rico. "Pasok ka na nga, best. 'Lika.";ani Dina at nagpatiunang lumakad sa loob hang sumunod naman si Carlos sa kanyang likuran. "Teka, Dina may lakad tayo ngayon.";paalala ni Rico. "Naku, kayo na lang noh baka maistorbo ko pa ang date niyong dalawa ni Alice.";parinig ni Dina. Nagtataka naman si Carlos habang nakikinig sa conversation ng mag-asawa. "Rico?";si Alice, nakapasok sa loob ng bahay. "Speaking of Alice, ayan na siya oh.";si Dina uli. "Bukas na kase ang pintuan kaya pumasok na lamang ako sa loob.";ani Alice at agad umabrisiete kay Rico. Nagulat si Rico at ibig sana niyang iiwas ang braso niya kay Alice. Naningkit ang mga mata ni Dina pero nanatili pa ding cool... ang pagtataka ni Carlos ay napalitan ng naguguluhan. Nangibabaw ang katahimikan ng ilang saglit. "Best, si Alice... girlfriend siya ni Rico. Alice, bestfriend ko, si Carlos.";ani Dina,pagbibiyak ng katahimikan. "Nice to meet you.";masiglang wika ni Alice. Nagkibit-balikat lamang si Carlos. Natawa si Dina at lalong nagngitngit si Rico sapagkat ininsulto nito si Alice. Dama ni Alice na napahiya siya. "Wag kang mag-alala,best. Ang pagiging mag-asawa naming dalawa ni Rico ay di gaya ng usual at normal na mag-asawa,";biro ni Dina. Nangiti lang si Carlos bilang tugon. Natahimik si Rico, di niya tanggap na basta-basta na lang inioopen ni Dina ang buhay nilang magasawa sa ibang lalaki. "Aalis pa ba kayo?";pukaw ni Dina kay Rico sapagkat wari napako na ito sa kinatatayuan. "Di ka ba sasama?";ani Alice. "Ano ba ako? Chaperone niyo? Wag na noh, makakaistorbo lang ako sa inyo baka andami ko pang ipabiling pagkain diyan sa boyfriend mo, maagaw ko atensyon niya sa iyo."; biro ni Dina na may halong pagpapasaring. "Well, I guess we better go now, Rico.";ani Alice kay Rico. Napilitang tumango si Rico, wala siyang rason para manatili sa dakong iyon kaya tinungo na nila ang labasan. "Di ka sumipot no'ng reunion.";ani Carlos nang wala na sina Rico. "Sumipot ako noh. Di lang ako nagpakita, feeling ko mao-OP lang ako e. Pa'no, may girlfriend ka kaseng dala e.";si Dina. "Girlfriend?! What?! What girlfriend?";gulat na gulat si Carlos. "Sus, edi yung kumiss sa pisngi mo." "Ah... si Gela! Cousin ko yun saka mas bata yun sa atin, kuya na ako kung ituring non. Nagkita lang kami don by coincidence, nilapitan niya ko. Sweet talaga ang batang iyon. I think 3rd year highschool na siya or 4th. Not so sure since matagal na din mula nung huli kaming nagkita."; mahabang paliwanag ni Carlos at natatawa pa. napatawa din si Dina. "So you mean... nagsuot ka talaga ng dress that time but di ka tumuloy dahil do'n?";pangungumpirma ni Carlos. Tumango si Dina. "Oo. Sa halip, sina Rico pa ang nakakita at napagtawanan pa nilang dalawa.";ani Dina. "Well, you've got a lot of explanations, Dina. I am really confused sa inyong dalawa at bakit may girlfriend pa?";nagtataka si Carlos. "Si Alice and first love ni Rico. Kami ni Rico ay nagpakasal lang ayon sa last wish ni papa. No love involved in our marriage."; paliwanag ni Dina. "No love?";pagcoconfirm ni Carlos. Tumango lamang si Dina. "Atsaka malabong magkagusto yun si Rico sa akin kase magkaibang.magkaiba kami ni Alice. Una first love niya si Alice, e kami mortal enemies. Si Alice naman e masyadong pa-girl, sobrang hinhin, maamo, mabait... e ako?" "You look insecure Dina.";biro ni Carlos, napatawa si Dina. "But honestly, best... para sa akin, mas maganda ka sa babaeng iyon, siguro mas maappeal siya sa ibang guys dahil girly-girly siya which you are not. But I like you than her because you're gutsy, strong-willed, prangka at talagang hindi plastic ah, very athletic... tapos... without too much effort... you're still so beautiful pa.";si Carlos na napatitig pa kay Dina laluna sa huling sinabi nito. Medyo naging awkward kaya biglang tumawa si Dina. Masaya siya sa pagcomfort sa kaniya ni Carlos. "If he doesn't love you and your father's dead... then why do you still cling unto him?";ani Carlos. Napatitig si Dina kay Carlos. "Oh wait, Alice. I forgot my car keys. Wait for me here.";ani Rico nang mapansing wala pala sa bulsa niya ang susi ng kotse. "Ok.";ani Alice. Patungo na si Carlos sa may drawer upang kunin ang susi nang di sadyang maringgan ang usapan nina Dina at Carlos. "... then why do you still cling unto him?";narinig ni Rico na sabi ni Carlos. Dinig ni Rico ang malakas na buntong-hininga ni Dina na wari napakabigat ng dala-dala nitong pasan sa kalooban. "Nung araw na nagpalda ako upang katagpuin kitan nakasalubong ko si Sunshine pauwi. Nakuha ko ang sagot na hinihingi ko kung bakit ganoon na lang ang pagkasuklam ng mama niya at siya sa akin...";umpisa ni Dina. "Mama niya?";nagtatakang tanong ni Carlos kung bakit hindi mama lang ang sinabi ni Dina. "Ang totoo... I'm an illigitimate daughter of my father. Hindi kase kasal si papa sa tunay kong ina. Stepmom and stepsister ko ang mga kinikilala kong pamilya. Isa akong hadlang sa kayamanang makukuha nila, kaya gustong-gusto nila akong itakwil. That's why I cling unto Rico. Ayoko nang maging Ortega. Gusto ko sa pamilyang ito... sina mama, papa, at Rico. Sila ang bago kong pamilya. Honest sila at sincere sa akin. I don't want to be left alone.";si Dina. Gulat na gulat si Rico na di inaasahang mapapakinggan. Noong araw pa na iyon ay ginawa pa niyang katatawanan si Dina gayong ang bigat-bigat na pala ng problemang dala nito. How could her sister and mother do that to her?!;nabalot ng galit si Rico para sa naturingang pamilyani Dina, awa at pagkakonsenya naman para sa asawa. "What took you so long?";si Alice. Sinundan pala niya si Rico. Nagulat si Rico, maging sina Dina at Carlos nang makitang naroroon pa ang dalawa. "A..e di ko maalala kung san ko nilagay ang car keys.";si Rico nagdadahilan. "Nasa drawer mo nilalagay yun, PALAGI.";pagbibigay-diin ni Dina habang naniningkit ang mga matang nakatingin kay Rico. "Ah, Oo nga pala.";si Rico na panay ang sulyap kay Dina pero di naman makatingin ng diretso. "Best, may bola ako dyan. Gusto mong maglaro ng basketball? Baka kase nakakaistorbo tayo dito e, labas muna kaya tayo?";si Dina pero nakatingin pa din kay Rico. Si Rico naman ay pilit na binabalewala ang mapangusig na titig ni Dina. "Sure. Let's see how you've improved since I went abroad.";masayang sagot ni Carlos. Agad kinuha ni Dina ang bola sa di-kalayuan. "Tara, 'lika don tayo sa basketball court malapit lang dito. Tiyak wala tayong magagambalang nagdedate don";parinig pa din ni Dina saka hinila ang mga braso ni Carlos upang magmadali silang lumabas. Ibig pumalag ni Rico, gusto niya pigilan si Dina at gusto niya ding magpaliwanag, ibig niyang sundan si Dina pero di naman niya nagawa. "Shall we go now?";si Alice. Tumango na lamang si Rico. "Grabeh! Nagimprove ka ah! Pinawisan ako do'n!";si Carlos matapos nilang maglaro ni Dina. "Hehe... e pa'no, salamat sa techniques mo!";si Dina. Napatitig si Carlos kay Dina. "Hmn.. bakit?";ani ni Dina sa pananahimik ni Carlos. "Iniimagine ko lang kung ano ang hitsura mo kung inilabas mo na ang femine side mo.";anito. Napahalakhak si Dina. "Naku, 'wag na. Nakakahiya, best. Di ba nga pinagtawanan pa ako nina Rico at Alice.";ani Dina. "That's really unfair. Nakita na ng iba, pero sa akin na pinangakuan mo, hindi...";pagtatampo kunwari ni Carlos. "So, ano ang ibig sabihin ng pagsimangot na 'yan?";natatawang wika ni Dina para kaseng bata si Carlos. Napangiti si Carlos at may naisip na ideya. Wala pa ding pinagbago si Carlos, sensitive pa din siya sa feelings ko. .. kahit alam niya ang sitwasyon ko, sinisikap niyang makalimutan ko iyon... gusto niya kahit papaano'y ngumiti ako at malimutang illegitimate child ako, na si Rico ay may ibang babae, na ako ay isang pusang-ligaw na nagpupumilit sumiksik sa poder ng mga Ballestros. Gaya ng dati, ayaw ni Carlos na malungkot ako, kaya dapat ipakita ko din sa kanya na matatag at masaya din ako. Ayaw kong madisappoint itong bestfriend kong super dooper crush ko noon.;isip ni Dina. "Rico may iniisip ka nanaman ba?";pansin ni Alice dahil kanina pa tahimik si Rico. "Alam mo, napakaunfair niya talaga! Paano niya nagawang i-open ang mga ganoong bagay samantalang sa akin, hindi? Ako ang asawa niya!";naiinis na wika ni Rico, kanina pa kase ito nababagabag ng mga isipin ukol kay Dina. Kumusta na si Dina? Bakit di niya sinabi ang sitwasyon niya sa dating kinikilalang pamilya?Atsaka bakit masyadong close sila ng lalaking iyon? Ganyan ba sila ka-close noon pa, hindi ako papaya. Mula nang magsama kami, ako lang ang lalaking close sa kanya---,naputol si Rico sa kanyang mga iniisip. "...you sound like a jealous husband.";tanging nadinig ni Rico sa mga sinabi ni Alice. "What?" "See, you don't even listen to me now! Si Dina na lang palagi ang iniisip mo. Ako na lang ang palaging umuunawa! Pero this is too much! Maybe... you're starting to like her na. No, you like her already na!";si Alice na nasa himig ang pagkairita. First time na mangyari iyon at first time niyang makita si Alice na magkaganoon. Nagulat si Rico at natigilan. Tama si Alice, lagi niya na lang naiisip si Dina. Nainis si Rico sa sarili niya, dib a nga ang babaeng kasama niya ngayon ay ang babaeng mahal niya pero di niya maintindihan kung bakit si Dina ang nasa isip niya. "You even see her as your wife now.";napaluha si Alice. "Alice, sshhhhh... Forgive me. I'm sorry. Nag-aalala lang ako kay Dina bilang isang nakababatang kapatid. Kuya niya na ako kung ituring.";pagcomfort ni Rico ngunit alam niyang hindi naman iyon totoo, kelan pa ba siya itinuring na kuya ni Dina e madalas nga silang magbulyawan. "BEST!!! Bakit ito?! Masyadong daring!";angal ni Dina sa damit na pinasusuot sa kanya ni Carlos sa isang mamahaling branch ng damit sa isang mall. "Hoy, Best... kahit di kita nakikita sa likod ng pintuang yan alam kong braso at tuhod mo lang ang nakikita! Anong daring diyan?!"halakhak ni Carlos sabay abot nito ng high heels sa ilalim ng pintuan ng fitting room. Nanlaki ang mata ni Dina nang makita ang high heels na sandals. "Best, matatapilok naman ako niyan!";angal uli ni Dina. "Nope. No objections. Natalo kita sa match kanina kaya yun promise mo sa akin noon, gagawin mo ngayon at ako ang masusunod. Yan ang usapan.";ngiti ni Carlos. Ngitngit na ngitngit si Dina pero sumunod din naman dahil marunong siyang sumunod sa usapan laluna si Carlos pa ang kanyang kausap. Matapos nilang magsukat ng damit, agad naman nilang tinungo ang isang salon, excited na excited na si Carlos na makitang nakaayos si Dina pero kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Dina. Habang inaayusan n siya, naghihintay naman si Carlos sa lounge. Matapos maayusan, muling sinuot ni Dina ang damit at sandals na binili ni Carlos sa kanya, tiningnan niya ang sarili sa body mirror. Di siya makapaniwala sa nakikita dahil halos di niya na din makilala ang sarili, oo mukha niya pa din ang nasa salamin pero napakababae niyang tingnan. "Wow... para kang model. Very stunning!"puri ni Carlos kay Dina nang masilayan siya, tagalay sa paningin ang paghanga. Pinamulahan ng pisngi si Dina at lalong ikinatuwa iyon ni Carlos. "Wag ka nga magbiro diyan. Nakakailang ang ganito.";ani Dina na wari nahiya pa sa pagtitig sa kanya ni Carlos. "Ibang-iba ka ngayon best... ang feminine side mo...napakaganda mo, best.";ani Carlos na obvious ang paghanga talaga kay Dina. Halos din a maalis ang tingin nito kay Dina.Binigyan ni Dina ng mahihina ngunit sunod-sunod na suntok si Carlos sa tyan. Tawa naman ng tawa si Carlos. "Ikaw pa din si Dina! Haha! Oy, bawal yan! Ang feminine side mo!";halakhak ni Carlos. Di nagpaawat si Dina at humalakhak din. "Feminine side? Haha, wala ako non!";tawa ni Dina nang hawakan bigla ni Carlos ang kanyang mga kamay upang awatin si Dina. Natigilan si Dina at napatitig kay Carlos. Natigilan din si Carlos nang magtama ang kanilang paningin. Nakadama ng pagkaasiwa si Dina at agad binawi ang mga kamay sa pagkakahawak ni Carlos. "Uhm... ah, nagugutom ka na ba?";ani Carlos, alangan ang ngiti. Tumango si Dina. "May alam akong eat-all-you-can dito,best. Alam ko naman na lamon ang kaya mong gawin e, hindi kain.";si Carlos uli. "Buti naman alam mo!";natatawang wika ni Dina. "Tara!";masiglang wika ni Carlos at nagpatiuna. Agad siyang hinabol ni Dina at naunahan pa nga si Carlos. "Dalian mo no!";pang-aasar ni Dina na patalikod kung lumakad at nakaharap naman kay Carlos. "...at ito, itong mga sandals na ito...";pabiting wika ni Dina habang hinuhubad paisa-isa ang high heels na suot. Natatawa naman si Carlos kay Dina. "Di bagay sa akin ang mga 'to! Masyadong pinahihirapan ang mga paa ko e.";angal ni Dina pero tuloy-tuloy pa din sa paglalakad ng patalikod. Nanginguti pa din si Carlos habang sinusundan pa din si Dina sa paglalakad sa loob ng mall nang nakayapak. "Best, careful!";tangkang babala ni Carlos kay Dina. "Mas comportable---";si Dina may nakabunggo. "Ouch!";wika ng isang babae, nabunggo ito ni Dina. Napaharap si Dina sa babaeng nabunggo at nakita niyang ang hawak nitong juice ay natapon sa suot nito. "I'm sorry miss.";wika ni Dina. "No, it's ok. Are you alright?";maalalahaning wika ng babaeng nabunggo ni Dina. Napatingin si Dina sa babae. "A-Alice?";wika ni Dina, nagulat siyang makitang ang babaeng nabunggo niya ng di sadya ay si Alice pala. Napatitig si Alice sa kanya ng ilang saglit bago siya nito namukhaan. "Dina?";nagulat ding wika ni Alice nang makilala siya. "Are you ok,Alice?";si Rico, agad itong napatakbo sa dako nila. Agad din namang umabrisiete si Alice kay Rico. "I.. I'm ok...";sagot ni Alice kay Rico. "Miss, dapat kase nag-iingat ka sa paglalakad. Tumingin ka sa---";pagsusungit sana ni Rico kay Dina ngunit natigilan nang makilala siya. Nagulat si Rico nang makitang si Dina pala iyon. "Sorry Rico, di ko naman talaga sinasadya e.";wika ni Dina. Di makaimik si Rico. Ibig niyang bawiin ang pagsusungit ngayon-ngayon lang. Napatitig siya kay Dina at nagagandahan siya sa babaeng kaharap ngayon dahilan para di niya maialis ang tingin para rito. "Best, are you okay?";nag-aalalang wika ni Carlos kay Dina. "Ok lang best kaso si Alice---" "I'm ok. Don't worry.";si Alice. Nakatitig pa din si Rico kay Dina. "Oh, it's Dina's husband and his girlfriend. What a coincidence. What's their name again?";si Carlos parang nangiinis pa ang mga ngiti nito. Nagpagting ang tenga ni Rico kaya napilitan siyang ibaling ang tingin upang harapin si Carlos. Di talaga gusto ni Rico si Carlos. "Ah... si Rico, and Alice.";si Dina sabay turo sa mga kinauukulan. "Ah nice meeting both of you again."; si Carlos pero agad ding binaling ang tingin kay Dina. "Are you sure you're ok, best? Babae ka kase ngayon e.";panunukso ni Carlos. Napatawa naman si Dina... dahilan para maging awkward ito kina Rico at Alice. Pero si Rico napatingin pa din sa msayang ngiti ni Dina, di siya makapaniwalang si Dina ang babaeng kasama ni Carlos... di naman kase nagpaganda ng ganyan si Dina sa kanya, maging kahit sa araw nga ng kasal nila. Sa di malamang dahilan nakaramdam si Rico ng inggit. Gusto niyang siya ang magpapangiti kay Dina ng ganyan... gusto niya siya ang kasama ni Dina. "Well, it seems that everyone is okay naman. I guess, mauuna na muna kami sa inyo. And we don't want to disturb you both as well.";ani Carlos kina Rico at Alice, sabay kindat. Lalong ikinainis iyon ni Rico, parang natural lang ata kase kay Carlos ang pagiging cool. "Te-teka!";awat ni Rico sa papaalis na Dina atCarlos. "Kumain ka na ba Dina?";si Rico kay Dina. Nagtaka si Dina, nagulat naman pareho sina Alice at Carlos. "Sumabay na lang kayo... sa amin, kung di pa.";si Rico nang mapansin niyang unusual ang pagtatatnong niya kay Dina, di naman din niya kase maipaliwanag kung bakit niya nagawa iyon bigla.DI naman alam ni Dina kung paano ang isasagot kay Rico. "Don't you think that would be too awkward?";si Carlos na ang sumagot sa tanong ni Rico. "Why would that be?";pigil ang inis na sagot ni Rico sa sawsawerong si Carlos. "You're with Alice, your girlfriend... but you're Dina's husband. That's very unusual, the wife with her husband and his girl in one table. Another thing, ako ang ka-date ngayon ni Dina, gusto kong solo ko siya.";pasimpleng wika ni Carlos. Ibig suntukin ni Rico si Carlos sa kaprangkahan nito... kaso totoo naman ang sinasabi nito, pero di niya matanggap na "date" ni Dina ang lalaking ito. Ibig niya itong barahin. "Date?";si Rico ngunit naputol. "yes date, bakit ikaw lang ba ang may karapatang magdate?Si Dina din naman---";naputol si Carlos sa kanya pang mga sasabihin. "Date?! Anong date?! Gusto mong masaktan sa'kin?!";si Dina sabay sugod kay Carlos ng mahihina at sunod-sunod na suntok sa braso nito. Halakhak lang ang sagot ni Carlos na kunway umiiwas pa sa mga suntok ni Dina pero sadya namang nagpapatama. Nakadama ng inggit si Rico sa nakikitang eksena. Gusto niyang sirain ang masayang eksena nang dalawa pero... napigilan siya ng mahigpit na kalabit n Alice. Tama si Alice... kasama ko nga pala si Alice!;narealize ito ni Rico pero nanatili pa rin siyang nakatingin kina Dina, di niya magawang maalis ang kanyang mga mata kay Dina. "Paano, mauna na kami sa inyo, Rico, Alice... kung anu-ano na pinasgsasabi ni Carlos e. Alice, sorry uli ha. Di ko talaga sinasadya yun dahil di naman kase ako sana maghigh heels. Ito ba naman kase ang ipinasuot sa akin ni Carlos.";si Dina kina Alice at Rico. Tumango lang si Alice at nagpakita ng kaunting ngiti. "Kunyari ka pa best. E, gusto mo lang naman lumamon!";panunukso ni Carlos kay Dina. Malakas na siko sa gilid ang sagot ni Dina. "Aray! Hoy! Malakas yon ah!";namilipit nang bahagya si Carlos pero nakatawa pa din. "Tara na nga!"; halakhak ni Dina sabay tulak kay Carlos upang magpatiuna itong lumakad. Umakbay naman si Carlos kay Dina bilang ganti. Kuyom ni Rico ang kanyang kamao. Inis na inis siya sa nakikita nya. Parang nayuyurakan ang puso niya na nakikitang masaya si Dina sa piling ng Carlos na iyon. Di niya maintindihan kung bakit siya nakakadama ng ganoon. Kahit nasa malayo na sina Dina, di pa rin maialis ni Rico ang tingin sa masayang mukha ni Dina, parang tuluyan na siyang napako sa pagkakatayo. Napatingin si Alice kay Rico, ibig niyang magselos pero pinanghahawakan niya ang sinabi ni Rico na babawi daw ito sa kanya. Ang alam ni Rico ay si Alice ang mahal niya buhat noon pa pero nang makita niyang masaya si Dina na kasama si Carlos wari di siya mapakali. Kararating lang ni Carlos at ngayong araw ko nga lang ito nameet... di ako tiwala sa lalaking iyon. Kung sakaling may gusto si Dina sa lalaking iyon at handa din itong panagutan si Dina sa kabila nang katotohanang kasal si Dina sa akin... di ko alam kung kaya ko nga bang pakawalan si Dina. Nakakainis pero inaamin ko nag-aalala talaga ako kay Dina.;nalulungkot na isip ni Rico. Pinukaw niya ang sarili, di niya alam bakit naisip niya iyon. Ano ba naman ang pinag-iisip mo, Rico! Walang malisya ang pagmamalasakit k okay Dina! Matagal nang nasa poder ko si Dina, natural lang na mag-alala ako para sa kanya. Di ako papayag na isuko na lang siya basta sa kung sinu-sinong lalaking biglang sumulpot sa harap ko!P-para ko na kayang kapatid si Dina!;isip ni lamang ni Rico sa sarili bagamat wari alanganin naman sa huling ideya ukol sa turing niya kay Dina. Madalas man niyang sabihin sa sarili na kapatid laman ang turingan nilang dalawa ni Dina, alam niya sa loob-loob ay hindi naman. Tahimik lamang sina Rico at Alice hanggang sa maihatid na nga ni Rico ang katipan sa tinutuluyan. "Salamat Rico.";si Alice. "No problem."; ngiti ni Rico. Biglang yumakap si Alice kay Rico. Nabigla si Rico at ibig sanang umiwas. "I love you, Rico.";si Alice pero nadisappoint siya nang di nakaimik si Rico. Gulat na gualt si Rico di siya makasagot o kahit na makapagreak man agad. Yayakapin na lamang sana niya si Alice pero biglang kumalas ito. Nagtataka si Rico at di niya alam kung paano didiskartehan ang pagiging aggressive ni Alice na nung nakaraang 3 taon ay hindi naman ganito...pero bukod sa nararamdamang pinag-iba ni Alice, pakiramdam ni Rico na nagbago na nga din siya, naaasiwa na siyang gawin ang mga dating ginagawa niya kay Alice... parang may pader na nakapagitan sa gitna nila. "Goodnight."; ngiti ni Alice sa kaniya. "Goodnight.";ganting-ngiti ni Rico kay Alice nang bigla siyang halikan ni Alice sa pisngi... muli niya iyong ikinagulat. Nagmamadaling bumaba si alice ng kotse, natapos niya nakawan ng halik sa pisngi si Rico. "Ingat.";nakangiting kaway ni Alice bago tuluyang pumasok sa loob ng tinitirhan nito. Sandaling natigilan si Rico bago niya tuluyang binuhay ang makina ng kanyang kotse. Magulo ang isip ni Rico. Iniisip ni si Carlos... si Alice... si Dina... ang kalagayan nilang dalawa ni Alice... ang problema ni Dina... basta madami. Kaya naman bago umuwi naisipan niya munang magpahangi sa park malapit sa bahay nila. Ipinark niya ang kotse sa di-kalayuan ngunit ikinagulat nanaman niya nang makita niya sina Dina at Carlos nakaupo banda sa may basketball court. Hindi niya dinig ang usapan ng dalawa ngunit kitang-kita naman niya ang abot-tengang ngiti ng dalawa para sa isa't isa. Parang napako si Rico sa kinatatayuan niya, nanatiling nakamasid sa dalawa laluna kay Dina. Hindi pa din siya makapaniwalang si Dina ang babaeng iyon, napakababae nitong tingnan ibang-iba sa unang pagkakataong nakita niya ito at napagkamalan pang lalaki. Napatawa siya sa ala-alang iyon at di maikakailang namamangha sa ganda ni Dina, alam niyang maganda naman talaga si Dina pero di niya maintindihan kung bakit gandang-ganda siya kay Dina nito mga nagdaang araw laluna ngayon... pero hanggang tingin lang naman siya sapagkat kasama pa din ni Dina ang Carlos na iyon. Sa isiping iyon, para nanamang may sikdo sa puso ni Rico. "Graduate ka na din pala. Sayang wala ako nung araw na yon.";ani Carlos. "Oo, nakahabol pa.";tawa ni Dina. "Bakit di ka magwork? Alam kong madali kang ma-bore pag nakastay lang lagi sa bahay.";ani Carlos. "Ayaw ni Rico.";ani Dina. "Huh? Bakit naman?";usisa ni Carlos sa kanya. "Iniisip niya kase na aalis ako. 'Yun kase ang unang paalam ko sa kanya.";ani Dina. "Ganon ba?";si Carlos. Tumango lamang si Dina. "Ah, teka... malapit lang ba dito ang Wisdom University? Ang alam ko best may school sila na malapit sa area dito." "ah oo meron nga. Isang sakayan lang. Ba't mo naitanong?" "Alam ko may hiring sila ng mga teachers ngayon. Bakit di ka mag-apply na PE teacher at i-handle mo ang basketball club do'n. I'm pretty sure very qualified ka para don.";si Carlos. "Talaga?! Wow! Ang kaso e...ipagpapaalam ko muna kay Rico---" "Wag na best! Sorpresahin mo na lang siya. Saka malapit lang yon ditto kaya di mo kelangan umalis o lumipat sa ibang tirahan. Edi mapapayagan ka nila. Mababagot ka talaga niyan sa ginagawa mong pagmumukmok sa bahay.";pangungumbinse ni Carlos. Napaisip si Dina. "Sige! Salamat, Carlos gusto ko naman din talaga magtrabaho baka kase nasasanay na akong nakadepende kina Rico... e darating ang panahon kelangan ko ding umalis don dahil andito na si Alice... bumalik na siya.";malungkot ang himig ni Dina nang mabanggit si Alice. Tinapik siya ni Carlos. "Bago ka umuwi, basketball muna tayo... isang round lang.";ani Carlos na nakangiti pa para maaliw ang down na si Dina. Inilabas ni Carlos ang bola sa bag nito. May pirma iyon ng ilang sikat na NBA players. "Eto yung pasalubong ko... For you.";ngiti ni Carlos. Nanlaki ang mga mata ni Dina. "Wow Carlos! Para sa ain talaga ito? May mga pirma ng mga idol ko!";abot-ngiti at di makapaniwalang wika ni Dina habang tinitingnan ang prima sa bola at itinaas pa ito wari isang tropeyo. "Bakit? Ayaw mo?";ngiti ni Carlos. "GUSTO KO!!! Wow! Thank You talaga!"; tuwang-tuwa na wika ni Dina. Pinaikot niya ang bola sa kanyang hinlalaki. "Masaya ka ba?";tanong ni Carlos. "Seryoso ka ba?! Oo naman---";naputol si Dina nang agawin ni Carlos sa kanya ang bolaat nagpagitna sa court. "Sige nga. Subukan mong agawin sa akin ang bolang ito."; paghahamon ni Carlos at paikot ang pagdribble ng bola sa pagitan ng kanyang mga binti. Natawa si Dina. "Nagbibiro ka ba? Tingnan mo nga itong suot ko!";reklamo ni Dina. "Edi kung ganon bahala ka... ayaw mo pala ito e.";hamong pang muli ni Carlos. Natawa lalo si Dina. "Sabi ko gusto ko no! Lagot ka sa'kin! Ingatan mo yan! Ginto yan sa akin!";si Dina akmang tumatayo sa upuan. "Don't worry permanent marker ang gamit ko nito kaya di mabubura. Ano kaya mo bang agawin?";si Carlos at binilisan pa ang pagdribble ng bola. Ang nakatuck-in niyang longsleeve polo ay unti-unting natatanggal dahil sa mga pagkilos na ginagawa. "Hinahamon mo'kong talaga ha! Tingnan natin! Pinalusot lang kita kanina at hinayaang manalo, nakakaawa ka kase! Humanda ka ngayon.";mayabang na wika ni Dina at hinubad ang de-takong na sandals na suot at saka nilapitan si Carlos. Nagpasimula na siya sa pagtatangkang agawin ang bola, panay naman ang iwas ni Carlos. Kitang-kita ni Rico ang saya ni Dina. Kaya ka ba masaya Dina sa paglalaro niyan at nakakangiti ng ganyan dahil passion mo talaga ang basketball... o dahil si Carlos ang kasama mo?; isip ni Rico. Hindi pa niya nakitang maglaro si Dina ng basketball kaya mas medyong kakatwa dahil first time niya makitang maglaro si Dina ng sports na ito at nakaformal wear pa. Nakabestida pero brusko kung kumilos habang pinipilit agawin ang bola... mukhang enjoy na enjoy pa nga ito e. Biglang napatid si Carlos sa sandals no Dina na ikinalat lang niya sa kung saan, dahilan naman upang matumba si Carlos... sa ibabaw ni Dina. Nagulat si Rico sa eksenang nakikita, si Carlos nakapatong kay Dina! Nagkatitigan sina Dina at Carlos. Nagulat si Dina nang pumikit si Carlos habang inilalapit ang mukha nito sa kanya. Dilat na dilat ang mga mata ni Dina pero di niya alam kung ano ang gagawin, gusto niyang umiwas pero di naman niya maikilos ang sariling katawan. Nanlamig si Dina at kinakabahan. Unti-unting lumalapit ang labi ni Carlos sa labi niya, alam ni Dina na kung di siya gagawang paraan ay mahahalikan siya ni Carlos. Nang mga panahong iyon, ayaw niyang mangyari iyon, bigla niyang naisip si Rico at sa pagkataranta ay mahigpit na isinarado niya ang kanyang bibig at napapapikit piping inuusal ng kanyang isipan si Rico. Rico!!!;hiyaw ng isip ni Dina, ayaw niya nang makita pa ang mga susunod na mangyayari. Nag-alab ang galit ni Rico sa di malamang dahilan nang unti-unti niyang masasaksihan ang balak ni Carlos na isinasakatuparan... hahalikan nito si Dina. Di siya papaya na magtagumpay ang pangahas na lalaking iyon. Ibig niyang suntukin si Carlos at gagawin niya talaga iyon, dali-dali siyang lumalapit sa dalawa nang... makita niyang pumikit si Dina na wari ibig din nitong magpahalik kay Carlos. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Rico, nawalan siya ng lakas... bagamat parang nanghihina, ayaw pa din niyang matuloy ang balak na gagawin ni Carlos kay Dina! "Ehem!!!";malakas na pagtikhim ni Rico. Sabay na napadilat sina Carlos at Dina, nagkaroon ng pagkakataong maitulak ni Dina si Carlos at nagmamadaling napatayo agad. Pinagpag ang suot para maialis ang atensyon kay Carlos. Napatitig si Carlos kay Dina na wari nanghinayang sa pagkakataong lumagpas bago tinapunan ng mabagsik na tingin ang lalaking paparating... ang pangahas na umistorbo sa kanila... ngunit ikinagulat niya makita kung sino ito. "Oh, andito pala kayo? Sorry, naistorbo ko ba kayo?";sarkastikong wika ni Rico. Nagulat si Dina nang maringgan si Rico, awtomatikong napatingin sa kanya, di siya makapaniwala... kani-kanina lang ay sinsigaw ng isip niya ay si Rico, heto at nandirito siya ngayon. "R-Rico?";si Dina. Napangiti naman si Carlos ng isang pilit na ngiti habang tumatayong hinarap si Rico. "We're surprised to see you too.";sarkastikong sagot din ni Carlos kay Rico. "Oh, well sorry. Mukhang busy ba kayo sa pagbabasketball?";si Rico. "Oh, you noticed?";si Carlos. Ramdam ni Dina na di maganda ang tension sa pagitan ng dalawa bagamat parehong nakangiti ay iba naman ang ibig ipahiwatig. "Mind if I join the fun?";naiiritang tanong ni Rico. "I doubt. Sa hitsura mo, mukhang di ka pa nakakahawak ng bola e.";prangkang sagot ni Carlos. "Does it matter?";si Rico. "Mukha kaseng enjoy na enjoy si Dina sa sports na ito... I want to know the things that makes my wife happy.";baling ni Rico kay Dina. Di naman makapagreact si Dina. Iba ang aura ni Rico... parang di siya ang usual na Rico na kilala niya. "So, is that a challenge?";pangungumpirma ni Carlos. Pinulot ni Rico ang bola. "Hmn... maybe?";si Rico ngunit nakatingin pa rin sa bola. "Well then I accept.";si carlos. "Pero Rico! Di ka naman marunong magbasketball! Masyadong magaling si Carlos---":awat sana ni Dina. "Kaya ka ba nageenjoy na kasam siya kaysa sa akin dahil magaling siya?!";inis na wika ni Rico sa kanya. Hindi alam ni Rico kung bakit siya nagkakaganoon. Natigilan si Dina... sinamantala ni Rico ang pananahimik ni Dina para harapin si Carlos at pumagitna silang dalawa sa court. Pero Rico di naman ako gaya ng iniisip mo e!;naiinis na isip ni Dina. Naiinis siya dahil pinagdududahan siya ni Rico kay Carlos. "First to score five wins.";ani Carlos. "Fine---";si Rico, di pa man tapos ay naishoot na agad ni Carlos ang una niyang tira. Pasok iyon. "One point for me.";ngiti ni Carlos. Ngitngit na ngitngit naman si Rico, lalo pa siyang nainis dahil di niya maagaw ang bola at sunod-sunod pa ang puntos ni Carlos ng walang kahirap-hirap. "That's the fifth. Five for me, zero for you.";ngiti ni Carlos. Gigil na gigil si Rico dahil napahiya siya. "Asan na ang yabang mo ngayon? Wag ka kase nagmamaliit ng kapwa, baka bumalik sayo ang mga sinabi mo.";si Carlos at pinulot ang bola. Di umimik si Rico. Di niya matanggap ang madali at mabilis na pagkatalo niya kay Carlos. "Keep this.";si Carlos sabay abot ng bola kay Dina. "Salamat uli, bes--- Carlos.";ani Dina pero ang atensyon ay na kay Rico. Kilala ni Dina si Rico... di ito sanay na napapahiya o natatalo... alam niyang di matatanggap ni Rico ang pagkatalo. "Gumagabi na Carlos, siguro dapat na kami umuwi ni Rico. Ikaw din, umuwi ka na din. Ingat ha?"; ani Dina kay Carlos. Tumango lamang si Carlos bilang tugon. Nilapitan ni Dina si Rico pero umiwas ito at saka nagpatiuna sa paglalakad palabas ng court. Kumaway uli si Dina kay Carlos bago tuluyang nilisan ang court at sinundan si Rico. Nasa loob na sila ng kotse pero tahimik pa din si Rico. "Rico, wag mo masyadong dibdibin yung nangyari---" "Si Carlos... siya ba ang dahilang kung bakit gustong-gusto mo ang basketball to the point na sinusuway mo ang papa mo at pinaglihiman pa?";si Rico diretsong nakatitig sa mga mata ni Dina. Ibang-iba si Rico ngayon. Di tuloy siya agad makaimik. "Gusto mo ba si Carlos, Dina?";si Rico na wari desperadong marinig ang sagot niya "Masyado ata personal ang mga tanong mo, Rico?";ani Dina na pilit inaalis ang awkwardness na namamagitan sa kanila. "Ayaw moko sagutin? Gusto ko malaman Dina... Gusto kong malaman kung siya nab a ang lalaking handing kunin ka sa akin...";parang hirap si Rico na sabihin it okay Dina. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Si Carlos..."pang-uumpisa ni Dina. ""...ay senior ko sa pagbabasketball. Ahead siya sa aking ng isang taon. Team captain siya ng men's basketball team... napakagaling niya talaga at naging inspirasyon ko siya...";dugtong ni Dina. Naiinis si Rico na puro papuri kay Carlos ang naririnig niya pero kailangan niya itong pakinggan... importante ito dahil ito ang magiging kanyang basehan kung si Dina ay... ...kung si Dina ay dapat ko na nga bang palayain sa piling ko;malungkot na isip ni Rico. "nong una sumali lang ako sa basketball club by accident. Dapat naman kase talaga ay sa volleyball club ako e pero nang makita kong magdunk si Carlos... Iba! Sobrang namangha ako! Kaya naman crush na crush ko talaga siya noon, sinikap ko din maging the best sa team para mapansin niya ako. Sobrang saya ko talaga nung kinakausap niya ako, sabi niya sa akin may potential ako at pinayuhan niya ako ng mga basketball tips and techniques.";si Dina masayang iniopen kay Rico ang buhay nilang dalawa ni Carlos. "Tinuruan niya ako magbasketball, nagsikap din ako siyempre hanggang sa... natutunan ko na ngang mahalin ang sports na ito di lang dahil sa kanya. Walang ibig na kumaibigan sa aking dahil campus crush si Carlos at andaming babaeng nagseselos at naiingit sa closeness naming. Natuon ang panahon ko sa paglalaro... dumating nga ang panahong nakagraduate na si Carlos at nagtungo sa Canada. Naiwan ako pero nanatili ang kalagayan, alam mo yun, yung tipong nag-iisa at walang kaibigan, si Carlos lang kase ang kaibigan ko. Kaya nung wala siya, ang basketball ang naging outlet ko.";ani Dina. Dama ni Rico ang malungkot na buhay ni Dina. Sa school nag-iisa si Dina, sa pamilya naman siya'y isang rebelled. Ibig niya yakapin si Dina at gusto niya din sabihin rito na sana kung pwede ay manatili na lamang siya sa poder niya... pero di pwede dahil kung mahal talaga ni Dina si Carlos.. kailangan niyang iparaya si Dina sa taong mahal nito upang mabigyan niya talaga ng tunay na kaligayahan si Dina. Magagawa mo nga ba Rico? Kaya mo nga ba?;isip ni Rico. "... kaya ang tingin k okay Carlos ay parang mentor ko. Nirerespeto ko siya... pero hindi ibig sabihin ay gusto ko siya gaya ng pagkagusto ko sa kanya nung una kong inakala.";ani Dina. Natigilan si Rico, di niya gaano naintindihan ang sinabi ni Dina dahil nga sa kanyang mga iniisip. "W-what?";si Rico. Tumingin si Dina sa mga mata ni Rico. Dama ni Rico ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso nang magtama ang kanilang mga paningin. "Akala ko gusto ko si Carlos dahil magaling siya nang makita ko siyang magdunk... pero ang totoo, yung paraan ng pagdunk niya ang nagustuhan ko, hindi talagang as in si Carlos. Sa basketball ako nainlove nung panahon na iyon kaya nga kahit wala si Carlos ay pakiramdam ko'y wari kumpleto pa din ako. Nang makita kong nagdunk si Carlos... is also the moment I fell inlove with this sports.";si Dina. Nanlaki ang mata ni Rico sa nadinig. "So meaning... di mo mahal si Carlos? I mean... in a romantic way???";pangungumpirma ni Rico. "Hindi ko nakikita ang sarili ko na ganoon ako kay Carlos. Romantically inlove? Hindi naman."; ani Dina. Bigla namang napangiti si Rico at di niya maitago ang ngiting iyon. Nagtaka naman si Dina sa pagababgo ng mood ni Rico. "We better head home now.";masayang wika ni Rico. Ilang minute pa lang na nakakahiga si Dina sa kanyang kama nang biglang nagring ang kanyang cellphone. Di pamilyar ang number na lumabas sa caller ID pero sinagot pa din niya ito. "Hello?" "Dina, hi. This is Alice. Pwede ka bang lumabas saglit gusto sana kasi kitang makausap. Nandito lang ako sa park malapit sa bahay niyo. Please don't tell anyone that I am meeting you.";si Alice pala. "Ok.";si Dina bagamat kinakabahang makipagharap-harapan sa babaeng mahal ni Rico ay pumayag pa din siya. Nakacargo shorts at maluwag na T-shirt and usot ni Dina nang magkita sila ni Alice nang palihim. "Bakit mo ko gustong makausap? Gabi na ah. Di ba pwedeng sa cellphone na lang at talagang sinadya mo pa ako dito.";si Dina. "Di na ako magpapaliguy-ligoy pa.";si Alice. Tahimik lang si Dina at handa siyang makinig. "Alam kong alam mo na ako ang first love ni Rico. Alam mo ding until now ako pa din ang mahal niya.";si Alice. "Oo. Pero iniwan mo siya---" "Dahil nagkasakit ako. Nagpagamot ako sa America."; si Alice na pinutol ang mga sasabihin pa ni Dina. Natigilan si Dina. "Pero ngayong nandito na ako, dapat sana ay magkasama na kami pero... hindi naming magawa dahil..." "Dahil sa akin?";inis na wika ni Dina. Diretsong napatitig si Alice sa mga mata ni Dina. "Oo. Kaya sana... ang gusto ko'y palayain mo si Rico... dahil di ka niya bibitiwan unless ikaw, Dina ang unang bumitaw. Pakawalan mo si Rico alang-alang sa kaligayahan niya. Please, I beg you.";si Alice. Di nakaimik si Dina. Tiningnan niya ang maamo at naluluhang mukha ni Alice. Naaawa siya. "Hindi.";si Dina. Natigilan si Alice. "Lumabas man akong kontrabida sa love story ninyong dalawa pero hindi. Hindi ako makikipaghiwalay kay Rico.";matigas na wika ni Dina. Nagulat si Alice. "Could it be, that..."; si Alice na di maituloysa pagsabing inlove si Dina kay Rico. "Hindi. Para lang kaming magkapatid ni Rico.";si Dina na nababasa ang ibig sabihin ni Alice, ayaw niyang mapagkamalian ni Alice ang relasyon nila ni Rico... kase kung masasaktan si Alice, masasaktan din si Rico... ayaw niyang siya ang maging dahilan kung bakit masasaktan si Rico. "E bakit di mo siya gustong palayain?" "Dahil asawa niya ako. Magkaroon kayo ng relasyon ni Rico, it's fine. Ok lang sakin yon pero kahit na anong mangyari, di ako makikipaghiwalay sa kanya. Kahit kailan, ayaw ko na uling maging Ortega... Ang pagiging isnag Ballestros, ito ang pinaghahawakan ko kung kaya ayaw kong makipaghiwalay kay Rico."si Dina. Naguguluhan si Alice. "Mahirap ipaliwanag, Alice. Basta may rason sa likod nito pero hindi ito gaya ng iniisip mo. Mahal mo si Rico, mahal ka din niya. Oo, nauunawaan ko kaya nga binibigyan ko kayo ng permiso na magsama kung gusto niyo. Wag niyo lang aalisin ang pagiging Ballestros ko."; si Dina matatag na nanindigan. Walang imik si Alice at di niya alam kung paano magrereact. "Kung wala ka nang iba pang sasabihin, uuwi na ako. Umuwi ka na din, delikado na sa daan. Mag-aalala si Rico kung may mangyari man sa iyo.";huling sabi ni Dina, hindi niya na hinintay pang sumagot si Alice at tuluyan niya nang iniwan ang kausap. Habang naglalakad pauwi, mabigat ang pakiramdam ni Dina. Napansin niyang may mga luhang pumatak sa kanyang mga mata, hindi niya alam kung para saan ang mga luhang iyon o bakit siya ay napaluha na lang basta. Napabuntong-hininga ng malakas si Dina. Pakiramdam niya'y hapong-hapo, nakakapagod dahil napakadaming nangyari, napakahaba nang araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD