Chapter 10 ANG PAG-AMIN
”Dalhin mo ako kahit saan, Carlos.”;mabigat ang pananalita ni Dina. Tumango lang si Carlos, naiintindihan niya si Dina.
”Thank you, Carlos... for always being there.”;sinserong wika ni Dina kay Carlos habnag pinagdadrive siya nito.
Nakaalis na sina Dina at Carlos pero parang nakapako pa din si Rico sa pagkakatayoniya, nararamdaman niyang nanlalambot ang kanyang mga tuhod at ang mabilis na pagkabog ng kanyang puso.
Gusto kita Rico… Gusto kita Rico…; ang mga sinabi ni Dina ay paulit-ulit na sumasagi sa isipan ni Rico. Tumingin siya sa kanyang kamay, di niya din alam kung bakit sobra siyang nagalit kanina.
”Dina... I don’t know what’s happening to me...”;si Rico, ikinagulo laluna ng isip niya ang sakit na nararamdaman ng puso niya habang inilalayo ni Carlos si Dina sa kanya.
Di agad makatulog si Rico kahit gabi na nang siya ay makauwi, magaalas-onse na ngaunit di pa din umuuwi si Dina. Palihim siyang sumisilip sa bintana ng kanyang kwarto kung saan natatanaw niya ang gate.
Nag-aalala lang ako… Nag-aalala lang ako…;pilit na pangangatwiran ni Rico sa kanyang nararamdaman habang di mapakaling hihiga’t babangon, mapapaupo at mapapatayo, maglalakad ng paroo’t parito. Ngayon lang siya nakadama ng ganoong pagkabalisa para sa isang babae, kahit kay Alice di siya nagkaganoon.
Normal lang ito pag pinahahalagahan mo ang isnag tao… syempre parang kapatid ko na siya.;pangangatwiran muli ng isip ni Rico.
Gusto kita Rico...;ulit muli ni Dina sa isipan ni Rico. Di maintindihan ni Rico kung bakit wari’y may halong kasiyahan ang kanyang nararamdaman dahil sa kanyang nalaman.
Maya-maya pa ay dumating na sina Dina, hatid siya ni Carlos. Kumulimlim ang aura ni Rico nang makita niya nakaakbay si Carlos kay Dina, lalo pa siyang nagngitngit nang biglang niyakap ni Carlos is Dina. Lalo pang naikuyom ni Rico ang kanyang kamao nang masaksihan ang mga sumunod na eksena.
”Pumasok ka na,Dina.”;ani Carlos.
“Sana pinatuloy mo na lang muna ako sa inyo.”
“I can’t and I won’t.”
“Bakit naman? Alam mo naman ang sitwasyon naming ni Rico…”
“Precisely… Dina stop being a rebel, nagawa mo na yan non sa papa mo di ba at pinagsisihan mo nga yon di ba? You shouldn’t run away… mag-aalala sila sayo, remember Rico’s parents… sabi mo you want to be with them. You shouldn’t disappoint them.”;malumanay na wika ni Carlos.
“Salamat, best.”
“It’s ok. Ginagawa ko din ito para sa sarili ko.”
“Ha?”
“Wala. Goodnight.”;ani Carlos at nagbitiw ng halik sa noo ni Dina. Nagulat si Dina at biglang napaatras.
“See? Di ko napigilang i-kiss ka sa noo. How much more if you’re going to spend the night with me pa?”;birong nakangiti si Carlos. Naguluhan si Dina.
“Ano?”;naguguluhang wika ni Dina. Di niya maintindihan ang gustong ipahiwatig ni Carlos.
“Nothing.”;smile pang muli ni Carlos bago pumasok sa kotse.
”See you tomorrow, best.”;ani Carlos nang pinaandar ang kotse. Kumaway lang si Dina. Nang makalayo na si Carlos sa kanya, hinawakan niya ang kanyang noo, sa parte kung saan siya hinalikan ni Carlos.
Dali-daling napalabas ng kwarto si Rico nang makita niyang hinalikan ni Carlos sa noo si Dina, ibig niya suntukin si Carlos at nangagalaiti siya sa tindi ng galit. Nang buksan niya ang pinto, nakita niyang papalayo na ang kotse ni Carlos, napakalma siya kahit paano sa paglisan ng pangahas. Nakita din niya kung paanong maraang hinaplos ni Dina ang kanyang noo na hinalikan ni Carlos, may kirot nanaman siyang nararamdaman. Maya-maya pa’y humarap sa kanya si Dina, ikinagulat ni Dina na naroroon si Rico sa may pinto. Maging si Rico ay hindi alam kung paano ang magiging reaksyon nang makaharap niya na si dina, palagi pa din bumabalik sa isip niya ang mga sinabi sa kanya kanina ni Dina.
“Oh, Rico nakauwi ka na pala. Kumain na nga pala ako sa labas.”; patay-malisyang wika ni Dina sabay nagpakita ng mala-miss universe na smile. Nabighani si Rico sa ngiting iyon, ang galit na naramdaman kanina at pag-aalangan ay naglahong bigla sa isang iglap, pero ang pinagtataka niya ay kung bakit balewala lang kay Dina ang nangyari kanina.
“Pararaanin mo ba ako o hindi? Wag mong sabihing dahil sa nangyari at sinabi ko kanina e palalayasin mo na ako?”;pukaw ni Dina kay Rico na nananatili pa ding nakaharang sa pintuan. Natigilan si Rico at narealize niya na nakahambalang siya sa daan.
“w-what?”;si Rico na wari natatameme pa.
“Papalayasin mo na ako dahil sinabi ko kanina na gusto kita?”; si Dina na parang balewala lang ang tono nito. Naginit ang pisngi ni Rico at pinagpapasalamat niyang madilim ang paligid kundi baka halatang-halata na namumula siya. Napakaprangka naman magsalita ni Dina, pero alam naman niyang prangka talaga si Dina kahit noon pa.
”O-of course not...”
“Hinihintay mo ba ako kaya ka nandyan?” ;tawa ni Dina. Parang natigiilan si rico nang makita ang masayang ngiti ni Dina.
”H-ha... hindi... ah e.”
” Paraanin mo na nga ako.”;si Dina nagtaray gaya ng nakasanayan. Umurong si Rico at pinadaan si Dina. Patungo na si Dina sa kanyang kwarto.
“Dina… nag-aalala lang ako sa’yo…”;biglang naiusal ni Rico.
“Alam ko. “;ngiti ni Dina. Tinitigan lang ni rico ang magandang mukha ni Dina.
”Goodnight, Rico.”;ani Dina at tumuloy na sa kanyang kwarto, hindi niya na hinintay na makasagot pa si Rico. Paglapat ng kanyang pinto, nagbitiw ng malalim na buntong hininga si Dina.
He didn’t wait for you, Dina… tama! Tiisin mo lang muna ito Dina until you can stand on your own… kahit masakit tiisin mo, Dina dahil gusto mo sa pamilyang ito di ba? Kalimutan mo na ang nararamdaman mo kay Rico… hindi niya kayang suklian yan.;tanging naisip ni Dina at pursigido siyang ituloy ang pakikipagmabutihan niya kay Carlos.
Kinabukasan mas maaga pang nagising si Rico kay Dina pero ang totoo hindi naman talaga siya nakatulog buong magdamag.
“Aga mo namang nagising ah.”;biro ni Dina kay Rico. Mahiyaing ngiti ang tugon ni Rico.
”Ihahatid na kita sa work mo, Dina---”;wika sana ni Rico.
“Nope. Si Carlos na maghahatid-sundo sa akin mula ngayon,Rico… and you know why naman di ba and I know you understand naman, ikaw pa.”;ani Dina. Di makasagot si Rico pero naramdaman niya ang bigat sa dibdib niya… desidido na ngang talaga si Dina na dumistansya sa kanya, unti-unti nang lumalayo sa kanya si Dina at palapit nang palapit naman siya kay Carlos. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan niya, tumikhim siya at pilit tinatago ang damdaming wari nadisappoint at nasaktan sa desisyon ni Dina.
Lumipas ang mga araw at umabot pa ang mga buwan,nararamdamn ni Rico na malayo na ang gap nila ni Dina halos di na sila nagkikita, late na din kase umuuwi si Dina at sa palaging pagkakataon si Carlos ang kasama nito. Hindi niya alam pero gusto niyang umangal, hindi niya gustong isipin na nakikipagdate nga si Dina kay Carlos. Nalungkot siya, naisip niya si Dina.
Ito ba ang tiniis mo nun Dina? Ganito ba kasakit ang tiniis mo habang nakikita mo akong kasama ko si Alice? Ito ba ang naramdaman mo, Dina? Kung oo... paano mo nakayanan ito?;isip ni Rico habang nakatingin sa masayang mukha ni Dina sa labas ng gate. Kakarating lamang ni Dina at nandun din si Carlos sa gate. Gusto niyang sabihin na tigilan na ni Dina ang pakikipagkita kay Carlos pero bakit? Ano ang dahilan niya. Karaniwan, nauuwi sa pananahimik ang kanyang tugon sa pagkainis kay Carlos.
Dahil sa nakakabagabag na damdamin nawalan na din siya ng panahon kay Alice, lately nagagawa niya nang tanggihan ang paanyaya ng babae na magdate sila, madalas na pagkakataon nagmumukmok lang siya sa bahay, inaabangan ang pag-uwi ni Dina o di kaya naman ay nakikipaglaro ng basketball kay melvin malapit sa pinagtatrabahuan niya. Kahit ang batang si Melvin napuna ang kanyang katamlayan, hindi din nakalusot sa mga magulang ni Rico ang biglang pananamlay.
”iho nag-aalala ako, may sakit ka ba?”;wika ng mama ni Rico sa kanya sabay hawak ng noo nito, eksenang naratnan ni Dina. Marahang inialis ni Rico ang kamay ng ina sa kanyang noo at ibinaba ito.
”Ok lang ako ma.”;matamlay pa ring wika ni Rico
”Ma, may sakit si Rico?”;pang-uusisa ni Dina. Iniwas ni Rico ang paningin niya kay Dina, paano lalo lang gumaganda sa kanyang paningin si Dina at lalo lang siyang inuusig ng kakaibang damdamin para rito.
“Hindi ka naman mainit…”;si Dina nang himasin niya ang noo ni Rico habang tinatantsa din ang sariling temperature. Awtomatikong napatingin si Rico kay Dina at wari nakuryente sa ginawa ni Dina kaya naman agad niyang pinalis ang kamay nito sa kanya. Ikinagulat iyon ni Dina at maging ang kanyang mama.
“Sus, ang arte mo naman. Ma, wala naman yang sakit. Baka may dalaw kaya ayan nagsusungit.”;pangangatsaw ni Dina. Lalong sumimangot si Rico. Napatawa ang kanyang mama pero sa kabila ng biro ni manugang napansin niyang kakaiba ang kilos ng anak niya tuwing nariyan si Dina. Umaasa siyang ang kakaibang kinikilos ni Rico ay magreresulta ng maganda… sana isang apo.
”maaga kang umuwi iha?”;baling ng mama ni Rico kay Dina.
”Oo ma, tapos na yung semi-finals ng basketball team na pinagcocoach ko kaya medyo pinagrelax ko po muna yung mga bata kaya heto walang training, maaga din ang uwi.”;sagot ni Dina.
”Yun ba ang dahilan kung bakit nalelate ka ng uwi nitong mga nagdaang araw?”;usisang muli ng kanyang mama. Di umimik si Rico pero gusto niyang marinig ang sagot ni Dina.
”Opo ma.”;tugon ni Dina. Parang gumaan ang pakiramdam ni Rico.
”Akala ko nabubusy ka na sa ibang bagay... alam mo naman botong-boto kami sa iyo. Alam din namin na nagpakasal kayo ng anak ko dahil sa responsibilidad pero malulungkot kami kung may ibang lalaki na magpapatibok ng puso mo, iha. Para ka na namin anak, kung pwede nga sana ay si Rico na lang.”;anito na wari nakikiusap pa ang tono.
”Wala po ma, wala akong time makipagdate ngayon. Saka mas macho pa po ako kesa sa karamihang lalaki ngayon.”;biro pang muli ni Dina na lalo pang ikinagaan ng damdamin ni Rico. Nasiyahan siya sa nalaman dahil ang inaakala niya’y nagdedate sina Carlos at Dina.
“Totoo ba yan?”;wika pang muli nito.
“Opo ma.”;natatawa si Dina sa pangungulit ng ginang. Muli nanamang nasiyahan si Rico sa loob-loob niya, alam niyang hindi magsisinungaling si Dina sa harap ng kanyang mama, alam niyang mahal ni Dina ang kanyang mga magulang… ito nga ang kanyang ginamit na dahilan para pigilang umalis si Dina noon e di ba?
“E sino yung lalaking naghahatid-sundo sa iyo? Nag-aalala kami na baka kunin ka sa amin ng lalaking iyon, alam mo naman na mahal na mahal ka namin.”;paglalambing ng ina ni Rico. Napatingin si Rico kay Dina, kinabahan siya sa isasagot ni Dina.
“Kaibigan ko po iyon ma, matagal na mula pa nung college kami saka magkatrabaho kami sa school na pinapasukan ko. Nag-aalala lang kase siya pag late nako umuuwi.”;sagot ni Dina.
Kaibigan...;ulit ng isip ni Rico na wari nabunutan ng tinik sa lalamunan.
”Hindi ba pwedeng si Rico na lang maghatid at sundo sa iyo iha?”;wika uli ng mama ni Dina. DI pa din makaimik si Rico parang pinaubaya na nga lang ang lahat ng pagsasalita sa kanyang ina.
”Hindi pwede ma. Hindi ko pwede kunin ang oras ni Rico mula sa taong pinahahalagahan niya. Alam naman iyon ni Rico e di ba?”;ani Dina sa ginang bago humarap kay Rico at nagpakita ng isang mapag-unawa ngunit malungkot na ngiti. Natigilan si Rico, napatitig siya kay Dina sa mga mata nito, hindi niya na mapipigilan ang damdamin niya, mabilis ang pagtibok ng puso niya...alam niya hindi niya na matatakasan pa ito... mahal niya talaga si Dina.
”Nauunawaan ko iha, pero patuloy pa din kami ng papa mo na umaasang balang araw ay magkakamabutihan kayo---”
”Ihahatid kita, Dina at susunduin. Araw-araw.”;biglang sabat ni Rico. Nagulat si Dina at maging ang kanyang mama.
“magusap tayo.”;si Rico at hinila si Dina patungo sa may veranda ng bahay.
“Anong nakain mo? Ihahatid mo ako araw2x at susunduin pa? Alam mo ba kung anong oras natatapos ang practice ng mga bata, Rico? Mawawalan ka ng panahon kay Alice nyan.”;si Dina. Di nakaimik si Rico.
“baka naman hanggang ngayon, iniisip mo pa din ang mga sinabi ko nung gabing iyon? Ang tagal na non ha… nakagetover na ako.”;prangkang wika ni Dina. Muli nanamang nasupalpal si Rico ng kaprangkahan ni Dina at inaasahan niya na iyon.
”Oo palagi kong naiisip yung mga sinabi mo sa akin. Nagworry ako, dahil don napabayaan kita... i’m sorry. “;si Rico. Nagulat si Dina at mukha namang sincere si Rico sa kanyang mga sinabi.
“Hindi ko makalimutan ang sinabi mong gusto mo ako---“
“Gusto lang kita ha, gusto ko rin ng pagkain. Clarify ko lang 'no na gusto lang kita ha, NOON. Kaya wag kang presko.”;inis na wika ni Dina.
“Oo alam ko kaya wag ka na magpaliwanag… I want to say sorry dahil nagpaapekto ako sa mga sinabi mo. Responsibilidad dapat kita pero si Carlos ang umaako nun sa iyo. You said kaibigan mo lang siya…”;si Rico. Natigilan si Dina, di ba nga pursigido siyang makipagmabutihan kay Carlos pero heto hanggang ngayon ay kaibigan pa lamang din ang kanilang turingan.
“I cannot give my obligations to your friend.”;si Rico. Di makasagot si Dina.
“please tell your friend from now on ako na ang maghahatid-sundo sa iyo.”;ani Rico at saka iniwan si Dina. Nagulat si Dina. Si Rico ba ang nakausap niya? Paano na siya makakamove on nito, gayong heto at umeeksena nanaman si Rico sa buhay niya. Pero sa kung anomang dahilan parang ikinatuwa niya ang naging desisyon ni Rico.
Nang gabing iyon, matapos ang mahabang panahon ay magkakasabay nanaman silang muli sa pagkain ng hapunan. Hindi maikakaila sa mukha ni Dina ang sigla, hindi niya maitago ang saya na naramdaman niya na sa kusang pagpepresenta sa kanya ni Rico na ihatid siya araw-araw at sunduin din. Ang hindi alam ni Dina ang dalawang pares ng mata ni Rico ay nanatiling nakatuon din sa kanya. Ikinagagalak ni Rico na makita ang masayang ngiti ni Dina habang kasalo silang kumakain ng hapunan. Matakaw pa ding kumain si Dina gaya ng nakagawian.
“Dina ang takaw mong kumain, may kanin ka sa pisngi.”;puna ni Rico kay Dina.
“Ha?”;kunway magmamaang-maangan pa si Dina at hindi nakuha yung butil sa pisngi. Umeksena naman si Rico upang kunin iyon at isinubo ang butil sa sarili nitong bibig. Natigilan silang kapwa at nagkatitigan silang pareho, para wala silang pakialam sa paligid...unti-unting nagkakalapit ang mga mukha nila,di nila namamalayang ang mga labi ng isa’t isa ay lumalapit din.
“Saan? Dito?”;si Dina at agad kinuha ang butil ng kanin na nakadikit sa kanyang pisngi. Natigilan si Rico at pinalis niya ang imahinasyon sa kaniyang isipan, di siya makapaniwalang iniimagine niyang mangyari ang ganoon sa kanila ni Dina... pero isang bahagi naman ni Rico ang nainis dahil napakaunromantic ni Dina, kung sa mga movies ay ganoon ang nangyayari, pwes di umeepekto ang ganon kay Dina.
Napatitig siyang muli kay Dina, napatitig siya laluna sa mga labi ni Dina. Natural na mapula ang labi ni Dina, di na iyon kelangan pa ng lipstick at wala din namang hilig gumamit non si Dina. Parang nanunukso ang mga labi ni Dina, sa di malamang dahilan parang gustong halikan ni Rico ang mga labing iyon. Naalala niya ang kanyang naimagine kanina at pinilit niya ang sarili na alisin ang malisyang nararamdaman para kay Dina. Ang hindi alam ni Rico kung siya man ay nakamasid kay Dina, ang kanya namang mga magulang ay nakamasid sa kanya. Alam ng mag-asawa, iba na ang tingin ni Rico kay Dina, nakikita niya si Dina bilang isang babae... napakagandang babae.
“Hello, best?”;si Dina sa kanyang cellphone.
“Yes, best.”;sagot ni Carlos.
“Best wag mo na daw ako ihatid sa school best at sunduin, si Rico na lang daw gagawa non.”
“Why? Parang biglaan ata.”
“Di ko din alam kung anong nakain niya, best.”
“I think I know why… but I won’t tell.”;malungkot na himig ni Carlos.
“Ano yun?”;pangungulit ni Dina.
“Goodnight, best. See you tomorrow.”;tanging wika ni Carlos.
“Huy! Hoy! Wag moko papaptayan ng phone! Lagot ka sa akin bukas!”;wika ni Dina pero pinatay nga ni Carlos ang kanyang cellphone. Nakangiti si Carlos masaya siyang marinig ang boses ni Dina, first time din iyon na si Dina ang naunang tumawag sa kanya. Unti-unting naglaho ang ngiti niya at napabuntong hininga siya.
“You’re so cruel, best… tinawagan mo lang ako just to brag me of his feelings for you. Gusto ko na magselos.”;tanging naisambitla ni Carlos sa kanyang sarili.
Kinabukasan, ginawa nga ni Rico ang kanyang binitiwang saliti. Maaga siyang nagising upang ihatid si Dina sa work nito. Good mood si Rico buong araw, kahit sa work niya ay napansin nila ang kakaibang masayang aura ni Rico. Napansin din ni Melvin ang kasiglahan ni Rico nang maglaro sila ni Melvin.
”Congratulations sa pagkakapasok mo sa varsity team,Melvin.”;si Rico.
“Thank you, kuya. Paano, laro tayo?”;paganyaya ni Melvin kay Rico.
”Kuya araw2x tayo naglalaro, ilang buwan na palagi ka lang matamlay pero ngayon good mood ka panay ang shoot mo sa bola ah.”;ani Melvin sa kanya matapos ang ilang rounds ng laro nila nang araw na iyon.
”Tumigil ka ngang bata ka, haha. Mauuna na ako sa iyo, susunduin ko pa ang misis ko.”;si Rico.
”kaya ka naman pala good mood kuya e dahil kay ate. Uyyyy!”;panunukso ni Melvin.
“Loko kang bata ka ah! Pagbutihan mo nga ang paglalaro mo dyan, lagi ka naman talo sa akin e.”;ganting pangangantyaw ni Rico sa bata.
Kararating lang ni Rico sa school at hinihintay niya si Dina na lumabas ng gate. Maya-maya pa nakita niya sina Carlos at Dina, sabay na lumabas ng gate at nagtatawanan.
“Sabihin mo nga sa akin, ano ibig sabihin non kagabi sa phone ha?”;pangungulit ni Dina kay Carlos.
“Ang kulit mo, kanina ka pa… basta 'no. I won’t tell you.”;halakhak ni Carlos.
“Ah ganun ha, sabihin mo dali. Umamin ka ano yon?”;si Dina at sinugod si Carlos ng sunod-sunod na mahihinang suntok sa braso. Halakhak lang ang tugon ni Carlos. Di gusto ni Rico ang eksenang iyon, binulabog niya ang dalawa ng sunod-sunod na busina. Napukaw naman sina Dina at Carlos at napatingin sa dako ng kinaroroonan ng kotse.
“Si Rico.”;ani Dina. Dahan-dahang lumapit ang kotse sa gilid nina Carlos at Dina.
”Dina. Sumakay ka na.”;pilit pinapakalma ni Rico ang sarili ayaw niyang magbangayan sila ni Dina dahil lang sa pagkainis niya kay Carlos.
“It’s really your husband, Dina. Well I guess… goodbye, Dina.”;si Carlos at biglang ninakawan ng halik sa noo si Dina.
“hey!”;gulat na wika ni Dina. Mabilis na lumayo si Carlos sa dako ni Dina.
“See you tomorrow!”;sigaw ni Carlos sabay kaway. Di makapaniwala si Rico sa nakita. Sa harapan niya mismo, hinalikan ni carlos si Dina sa kanyang harap! Aakmang lalabas sana si Rico pero natigilan siya nang pumasok si Dina sa loob ng kotse.
”Loko ng lalaking yon. Pinagtripan ako.”;komento ni Dina. Di umimik si Rico, pilit siya nagtitimpi, pinipigilan ang galit niya. Tahimik lang si Rico sa pagdrive, nagtataka naman si Dina sa di pag-imik ni Rico samantalang kaninang umaga lang ay good mood siya.
“may problema ba,Rico?”;ani Dina.
“Wala.”;malamig na tugon ni Rico. Di na nagtangka si Dina na gambalain si Rico dahil hindi maganda ang timpla ng gabi nito. Tahimik sila kapwa hanggang makarating ng bahay. Nagtuloy2x si Rico sa pagpasok habang naiwan si Dina dahil sa mabilis kumilos si Rico.
“Oh tamang-tama nakaahin na ang pagkain, halikayo.”;bungad ng mama ni Rico sa kanila.
”I have no appetite to eat.”;sagot ni Rico at nagtuloy-tuloy sa kwarto nito.
“Anong problema non?”;tanong ng ginang kay Dina. Nagkibit-balikat lamang si Dina.
Maganang sumalo sa pagkain ng mag-asawang Ballestros si Dina. Panay ang kuwento niya tungkol sa mga batang tinuturuan niya.
”Iha, makisuyo naman ako... ihatid mo ang pagkain sa kwarto ni Rico. Hindi sanay ang batang yun na hindi kumakain ng hapunan. Mapapanatag ang loob ko kung mahahatiran mo siya ng pagkain sa loob.”;wika ng ginang nang matapos silang kumain.
”Pero ma, bad mood si Rico saka baka lalong mainis yon pag ako ang nakitang pumasoksa kwarto niya.”;pagdadahilan ni Dina.
“Sige na iha, makisuyo na ako sa iyo ha.”;hindi pinakinggan ng ginang ang pagdadahilan ni Dina at sa halip iniabot nito ang tray ng pagkain. Napilitan si Dina na sundin ang utos ng ginang.
Alam ni Rico na galit ang naramdaman niyang iyon… selos ang tawag non. Gusto niyang halikan si Dina, isang pagnanasang pilit niyang pinipigilan pero daig pa siya ni carlos, habang siya ay nagtitimpi heto napakapangahas ng lalaki at ninakawan pa ng halik sa noo si Dina ng dalawang beses. Lately, hirap na hirap siyang pigilin ang sarili sa nararamdaman niya kay Dina, pero si Dina parang nakalimot na nga sa damdamin niya para kay Rico. Nasaktan si Rico, hindi niya gusto ang nararamdamang iyon, minsan parang gusto niyang mawala ang damdaming iyon. Naisipan niyang manood ng movie at naghahanap siya ng mapapanood mula sa cd rack niya. Habang sa paghahanap nakita ni Rico ang dvd file ng kasal nila ni Dina.
”Dina and Rico’s wedding.”;basa ni Rico sa lalagyan nito. Napag-isipan ni Rico na panoorin iyon. Pinasimulan niyang panoorin ang kasal nila. Nakita niya kung paanong nagwalk-out si Dina at kung paano niya habulin si Dina nung araw na yon… at kung paano niya hinalikan si Dina. Uminit ang magkabilaang tenga ni Rico, inireplay niya uli ang eksenang hinalikan niya si Dina at ipinause sa parteng magkalapat ang kanilang labi… at inulit pang muli ang eksenang iyon at ipinause pa… at inulit pa at ipinause pang muli. Tinititigan niya maigi si Dina sa screen at ini-imagine nya ang malambot na labi ni Dina. Hinawakan nya ang kanyang labi pilit dinadama ang sensasyon ng pagkakadakip ng labi nito sa labi ni Dina. Napapikit sya habang ini-imagine niyang hinahalikan niya si Dina gaya sa video.
”Rico kumain ka daw, sabi ni mama.”;sabi ni Dina, pumasok sa kuwarto ni Rico habang dala-dala ang tray ng pagkain. Nagulat si Rico, natigilan sa pagiimagine at napatitig kay Dina.
”Ano yang pinapanood mo?”;usisa ni Dina sa nakapause na eksena sat v screen ni Rico. Kumunot ang noo ni Dina nang marealize niya kung ano ang pinapanood ni Rico. Nahiya sya at naipindot ni Rico ang play.
“Kasal natin yan ah.Hahaha! tingan mo yung ginawa ko sayo oh!”;halakhak ni Dina nang mapanood ang eksenang inapakan niya ang paa ni Rico at halata sa mukha ng lalaki ang sakit.
“Anong naisipan mo’t pinanood mo yan? Penge ng copy niyan ha. Atsaka kumain ka na.”;ani Dina bago tuluyang umalis. Inilapat ni Dina ang pinto ni Rico, kumakabog ang kanyang dibdib, naalala niya ang imaheng nakita sa TV screen ni Rico... ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ni Rico. Na-realize ni Dina at alam niyang hindi na siya makakaget over kay Rico.
Kinabukasan, naaamaze pa rin si Dina kung paanong nagagawang bumangon ni Rico ng maaga at kumilos ng mabilis para lamang maihatid siya. Pero si Rico parang nakakapag-adjust na at naadapt ang lifestyle ni Dina.
“Thanks, Rico. Sorry kelangan mong gumising ng mas maaga kesa sa nakasanayan mo dahil sa paghatid sa akin.”; ani Dina kay Rico nang makarating sila sa school.
“No worries.”;si Rico at titig na titig pa rin kay Dina. Aminado si Rico sa sarili niya na mahal niya na nga talaga si Dina pero parang mailap na sa kanya si Dina at hindi big deal kung ituring nito yung pagkakagusto niya para kay Rico habang si Rico naman ay patuloy na binabagabag ng pagamin sa kanya ni Dina. Ngayong narealize niya na ang tunay niyang damdamin, hindi naman niya maamin-amin. Nagulat si Rico nang bigla siyang yakapin ni Dina. Uminit ang palagid niya at gusto nyang gumanti ng yakap at gagawin niya na sana iyon nang biglang magsalita si Dina.
“Sorry kung naging malaking kontrabida ako sa lovestory niyo ni Alice ha. Nagsorry na din ako kay Alice non, pero sayo hindi pa. Sana matiis mo pa ng konting panahon, makakasama mo rin ang tunay mong mahal, si Alice.”; bulong ni Dina sa tenga ni Rico. Pinipilit ni Dina na wag mapaluha, naaaba siya sa sarili niya kase nagsusumiksik siya sa taong hindi naman siya mahal. Si Rico nama’y gustong magpaliwanag pero agad na rin bumitiw si Dina sa pagkakayakap dahilan para matigil si Rico sa kakaibang sensasyong nararamdaman niya.
“Bye, Rico.”;ngiti ni Dina kay Rico bago tuluyang bumaba ng kotse at pumasok sa school.
Buong araw na ang nakalipas pero nararamdaman pa din ni Rico ang masarap na damdaming naidulot ng pagkakayakap sa kanya ni Dina, kung natagalan pa ito ng ilang Segundo baka di na nagawang magpigil ni Rico… gusto niya bago siya kumilos sa pangahas na pamamaraan e umamin muna siya kay Dina sa malambing na paraan… kaso kung pinapatagal pa niya ito, maaaring masulot ni Carlos ang kanyang asawa laluna at sinabi ni Dina na konting panahon na lamang ang hihintayin kako ni Rico sa pag-aakalang inlove pa din siya kay Alice. Naalala ni Rico si Alice, naaawa siya para sa babae pero mahirap ipilit e, kasi si Dina talaga ang tinitibok ng puso niya.
I am sorry, Alice.; sambitla ng isipan ni Rico.
Napaaga ng sundo si Rico kay Dina nang araw na iyon, naisipan niyang sa halip na maghintay ay magmasid na lamang muna siya sa school. Bagamat tapos na ang klase gusto makita ni Rico kung paano niya tinetrain at tinuturuan ang mga batang handle niya sa basketball team. Nagtanong-tanong si Rico sa kinaroroonan ng asawa at ituro sa kanya ang daan patungo sa gym ng paaralan. Nasa kalayuan pa siya ng gym pero naririnig ni Rico ang malakas na hiyawan.
“Ma’am bagay na bagay po talaga kayo ni Sir Tan! Saka compatible kayo kase pareho kayo ng hilig!”;wika ng mga batang babae sa harapan ni Dina.
“Oyyy tumigil kayo, si Sir Tan ay bestfriend ko pa mula nung college kaya wag niyo bigyang malisya ang closeness namin.”;sagot ni Dina. Biglang lumapit si Carlos at umakbay kay Dina, naghiyawan naman ang mga bata sa sobrang kilig.
“Best, ano ba?”;angal ni Dina pero nakangiti.
“Look at them, nakakalungkot naman kung ididisappoint natin sila e di ba?”;ani Carlos at pilyong ngumiti.
“Loko ka ah.”;si Dina sabay siko sa sikmura ni Carlos at sinamantala ang pagkakataon para alisin ang kamay ni Carlos sa pagkakaakbay sa kanya.
“Grabeh napakalupit mo talaga!”;angal din ni Carlos nang nakangiti. Naghiyawan lalo ang mga studyante sa loob ng gym.
”ma’am nakakakilig kayo ni Sir!”;hiyaw ng isa.
”Actually matagal nako may gusto nyan manhid lang e.”;si Carlos na nakatawa. Isang malakas na hiyawan muli sa loob ng gym.
“Hoy, wag mong sasabayan ang mga bata, matanda ka na.”;si Dina.
“Woooo! KISS! KISS! KISS!”;chanting ng mga estudyante. Tumawa si Carlos.
“No! No! Di pwede… ang totoo may asawa na ako!”;si Dina at natigilan ang lahat, maging si Carlos ay natigilan din.
“May asawa na kayo mam?”
“Guwapo ba?”
“Magaling din po ba siya magbasketball?”
“Sino mas guwapo si sir Tan o siya?”;sunod-sunod na tanong ng mga bata, sa isang iglap patungkol na sa asawa ni Dina ang nagging atensyon ng lahat.
”Syempre ako. Kaso bad taste si ma’am e.”;biro ni Carlos.
”Lawyer yun. Di marunong magbasketball.”;tawa ni Dina. Nanghinayang ang mga estudyante.
”Gusto namin si sir Tan para sayo ma’m.”;wari nadidisappoint na wika ng mga estudyante.
“Well… I think pwede naman ako magfriendly kiss kay ma’am di ba? E total magbestfriends naman kami.”;ani Carlos. Umugong muli ang hiyawan sa loob ng gym pero binulabog sila ng isang malakas na pagtikhim. Napatingin silang lahat sa dako ng kinaroroonan nito.
“Rico?”;nagtatakang wika ni Dina.
“It’s really your husband, Dina.”;ani Carlos. Nagbulung-bulungan ang paligid.
“Asawa daw ni ma’am.”
”Guwapo din naman pala.”
”Parang genius. Nakaeye-glasses. Di siguro athletic gaya ni sir Tan.”; ang bulung-bulungan ng mga estudyante na halatang malakas at sapat lang nilang marinig.
”Anong ginagawa mo dito?”;usisa ni Dina.
“Dinadalaw ko lang ang asawa ko, gusto ko siya makita kung paano magturo sa mga bata.”;ngiti ng Rico. Naghiyawan muli ang mga kinikilig na estudyante.
“Kayo po ang asawa ni ma’am ang guwapo niyo naman po!”;hiyaw ng isang estudyante. Napangiti sina Rico at Dina.
“Sir!Marunong po kayo magbasketball?”;usisa ng isa. Nabahala si Dina.
“Hoy, pssst! Tama na yan.”;awat ni Dina sa mga estudyante.
“He challenged me on a one on one basketball before pero tinalo ko siya.”;si Carlos nakatawa. Nagsigawan ang mga bata dahil parang love triangle ang tingin nila sa tatlo. Kalma lang si Rico.
“Hey!”;awat ni Dina kay Carlos at tinapunan ng mabagsik na tingin sa panggagatong ni carlos sa panunukso ng mga bata gayong alam naman nito na hindi marunong magbasketball si Rico at mapapahiya ito sa harpa ng marami. Preskong nagkibit-balikat lang si Carlos kay Dina.
“How about we play again now?”;pasimpleng paghahamon ni Rico. Nagsigawan muli ang mga bata sa excitement.
“You know what happened last time… and I won’t say no for a challenge.”;si Carlos. Nakangiting tumango lang si Rico.
“hoy ano ba kayong dalawa.”;si Dina pero parang walang narinig sina Carlos at Rico. Nag-alala si Dina baka mapahiya nanaman si Rico, ang masaklap e sa harap ng maraming mata sa pagkakataong ito.
Nagpasimulang maglaro ang dalawa, same rules ang inapply nila gaya nung dating naglaro sila. Nagulat si Dina sa paglalaro ni Rico, nagtaka siya kung kalian pa natutong maglaro si Rico ng basketball… at ikinagulat pa niya na pinahihirapan nito si Carlos… heto at pareho na silang 4 points, isang puntos na lang at lahat ay kinakabahan kung sino ang mananalo.
“You didn’t expect this, huh?”;si Rico kinausap si Carlos habang naglalaro. Di umimik si Carlos, nakatuon sa bola ang kanyang atensyon, pero aminado siyang di niya inaasahan ang larong iyon ni Rico, masyado siyang nagpakampante heto at inabot pa ng apat na puntos si Rico.
“Gusto ko lang sabihin sa’yo... mahal ko si Dina. Back off!”;mabagsik na wika ni Rico dahilan para matigilan si Carlos.
He has finally realized his feelings…Dina, paano yan? I didn’t even confessed my feelings for you… am I really too late? Kung hindi na lang sana ako nagpunta ng Canada… kung hindi lang sana ako nahuli ng balik dito sa Pinas… sana… sana…;tanging naisip ni Carlos habang unti-unting nasaksihan ang pagshoot ng bola sa ring.
Di makapaniwala si Dina, impressed na impressed siya.
“Wow intense ng laro niyo.”;masayang wika ni Dina.
“Ang galing niyo pala din pong maglaro sir!”;wika ng mga estudyante.
“Ma’am dapat may prize po si sir sa’yo dahil nanalo siya sa game nila ni sir Tan.”;wika pa ng isa. Tumawa lang sina Dina at Rico.
“Ano naman ibibigay ko sa kanya?”;biro ni Dina.
“Kiss ma’am uyyyyy!”;hiyaw ng isa. Nanlaki ang mga mata ni Dina.
”Oo nga ma’am!”
”KISS! KISS! KISS!”;hiyawan ng mga estudyante.
“HOY! Anu ba kayo!”;saway ni Dina sa mga bata.
“Ayaw ata ng ma’am niyo e. Hehe”;si Rico na sinasabayan ang mga estudyante. Pinanlakihan ng mata ni Dina si Rico.
“Ano ka ba? Wag mo nga silang gatungan---“;bulong ni Dina malapit sa mukha ni Rico, di nakapagtimpi si Rico agad niyang hinapit sa baywang si Dina. Naghiyawan ang mga estudyante sa kilig.
“Ayaw ata ni ma’am e, pwedeng ako na lang?”;si Rico na kinakausap ang mga estudyante. Kinilig ang mga estudyante at patuloy sa pagchant ng ”KISS KISS KISS”.
“Rico ano ka ba?---”,si Dina natigilan nang kabigin siya ni Rico papalapit sa kanya.
“Dina, kung ako ay gusto mo lang… pwes ako, mahal kita. I love you, Dina.”;ani Rico bago tuluyang nagbitiw ng halik sa labi ni Dina. Nagulat si Dina at di siya makapaniwala sa ginawang pag-amin sa kanya ni Rico. Napapikit si Rico at gayon din si Dina. DInig hanggang sa labas ng gym ang hiyawan ng mga estudyante. Nakatingin lang si Carlos sa dalawa, di niya kayang tumagal pa sa eksenang iyon.
Naitakip ni Dina ang kanyang dalawang kamay sa kanyang labi nang bitiwan siya ni Rico, namumula siya at hindi pa din makapaniwala. Tuwang-tuwa naman si Rico sa reaksyon ni Dina. Gandang-ganda siya kay Dina habang tinitingnan ang di makapaniwala at gulat nitong reaksyon.
“Kuya? Kuya!”;sigaw ng isang estudyante mula sa di kalayuan, kakapasok lang nito sa gym. Ito din ang dahilan upang mapukaw siya sa kanyang malagkit na pagtitig kay Dina. Nakilala ni Rico ang estudyanteng iyon.
”Melvin? Dito ka pala nag-aaral?”;si Rico.
”Anong ginagawa mo dito kuya?”
“Ah sinusundo ko ang asawa ko.”;nakangiting wika ni Rico. Napatingin si Melvin kay Dina.
“Si ma’am Ballestros po ang asawa niyo kuya?!”;gulat na wika nito. Tumango si Rico.
“ikaw po pala yun ma’am?”;masayang wika ni Melvin.
”Ang ano?”;takang tanong ni Dina.
”Kase ma’am si Kuya kasama ko nagpapractice maglaro malapit sa bahay namin, may one time pa nga na nalate siya ng sundo sa’yo dahil sa paglalaro namin. Paano? Gusto ka po niya maimpress kase napakahilig mo po sa basketball kaya nagsikap siyang matuto nito.”;masayang kwento ni Melvin. Pinamulahan ng mukha si Rico at maging si Dina. DI siya makapaniwala na umabot sa puntong ganon ang ginawa ni Rico para sa kanya atsaka isang beses lang siya nalate ng sundo sa kanya... iyun nga yung time na inakala niyang galing ito sa pakikipagdate kay Alice... iyung gabi na inamin niya din ang damdamin niya kay Rico.
Masayang-masaya si Dina sa nalaman.