Pabagsak na nahiga ako sa kamang kawayan na may nakalatag na banig. Napadaing ako sa sakit na ang akala ko ay malambot na kama ang babagsakan ng aking katawan kasabay nang paglagutok ng aking buto sa balakang. Hindi ko agad naikilos ang katawan ko. Napaluha na lang ako sa sakit nito at idagdag pa ang pokekay kong mahapdi.
"Ponyang! Ponyang!" tawag ni mama Madelpat. Siya ang pinsan ni itay at dito ako nakatira sa kanila para makalibre sa gastusin pero hindi ko akalain na sa akin nila iaasa ang lahat ng gastusin dito sa bahay. Madel ang tunay niyang pangalan dahil sa sobrang maingay siya ay Madelpat ang pangalan niya sa 'kin kung ako lang mag-isa na kausap ko ang aking sarili. Pumasok siya rito sa loob ng kuwartong tinutulugan naming lahat. Pinagpag niya ng malakas ang kawayang papag. Nagulat ako sa ginawa niya dahil tila umangat pa ang mga pako ng papag. Ramdam ko kasi na parang tinusok ang aking likod. "Aba, tumayo ka na nga riyan," utos niya. Bumangon ako at naupo sa gilid ng papag na ipit na ipit ang dalawa kong mga hita.
"Ano po 'yun mama Madel?" nanghihina kong ani habang dinadaing pa din ang sakit sa buo kong katawan.
"May pera ka ba diyan Ponyang? Dalian mo at wala pa tayong kakainin mamaya. Bigyan mo na din ako ng pambayad ng kuryente at tubig. Baon pa ng mga kapatid mo at gamot ng itay mo," ani nito na nakapamewang pa. Hindi ako makareklamo dahil mag-aaway lang kami. Magpapadala pa ko ng pera kina itay at inay sa Probinsiya. Hindi ko naman pwede ilabas ang tseke dahil kukunin niya lang iyon.
"Saglit lang po mama." Tumayo ako at kinuha ko ang aking bag. May pera na kong itinabi sa pitaka. Alam ko na kasi style niya eh. Kukunin niya lahat ng perang kinita ko kaya minsan ay nagtatabi ako ng para sa akin at sa secret pocket ko ito tinatago. "Heto po mama." Inabot ko sa kan'ya ang dalawang libo na ikinakunot ng kan'yang noo.
"Bakit ito lang? Kulang ito!" galit niya pang ani. Akin na ang bag mo," pang-aagaw niya sa bag ko. Hindi ko binigay ang bag ko dahil makikita niya ang tseke. Mawawalang saysay ang aking pinaghirapan kung pati iyon ay kukuhanin niya. "Bakit ayaw mong ibigay? May tinatago ka ba sa 'kin na hindi mo sinasabi ha Ponyang?"
"Wala po, wala po mama!" ani ko habang nag-aagawan pa din kami ng bag ko hanggang sa nabitawan ko ito dahil sa lakas ng pag-agaw niya sa kamay ko. Umiiyak ako habang kinakalkal niya ang laman ng bag ko. Lumaki ang mga mata niya sa nakita niya na halos mapanganga pa ito sa halagang isang milyon.
"Oh may papa! Isang milyon Ponyang. Isang milyon," natutuwa niya pang ani na halos hindi makapaniwala sa nakikita niya. Parang nanalo ito ng lotto sa tuwa dahil nagtatatalon pa ito. "Mayaman na ko. Mayaman na ko," ani nito at nagtatakbo pa ito palabas ng kuwarto.
Pasalampak akong naupo sa sahig. Hindi ko na dinaing ang sakit ng katawan ko dahil may isasakit pa sa nararamdaman ko ngayon nang biglang pumasok ang dalawa niyang anak na babae at lalaki rito sa loob ng kuwarto habang umiiyak ako.
"Umalis ka na dito Ponyang,"galit niyang ani. "Alis!" pangtataboy niya pa sa akin habang ang kapatid niyang babae ay pumapalakpak pa ito sa tuwa.
"Bakit niyo ko pinapaalis dito? Saan ako titira ngayon kung paaalisin niyo ko rito. Please maawa kayo sa 'kin," sabay luhod ko pa sa kan'ya.
"Wala na kaming pakiaalam sayo Ponyang. Nakuha na namin ang nais namin kaya makakaalis ka na ngayon!" Matigas niyang ani. Hinawakan niya ang magkabilaang braso ko at pinatayo niya ko mula sa pagkakaluhod ko saka niya ko pahilang palabas ng kuwarto hanggang sa marating na namin ang labasan.
"Maawa kayo sa akin mama Madel please," pagmamakawa ko nang makita ko siyang pinapaypay ang tseke sa kan'yang mukha mula sa b****a ng pinto.
"Sorry Ponyang, kailangan mo ng umalis dito dahil pabigat ka na sa amin at ngayong bayad ka na. Pwede ka ng maghanap ng matutuluyan mo," ani nito at pabagsak na binitawan ang aking braso na kamuntikan pa kong mapasubsob.
Sinamaan ko sila ng mga mata ko. Hindi ko na kaya na hindi magsalita sa kanila dahil sobra na sila sa akin na halos ako ang bumubuhay sa kanila. Ni isang kusing ay wala silang ginastos mula pagkain, kuryente, gamot, baon at pati ang pagsusugal ni mama Madelpat ay galing din sa akin ang perang ginagastos nila.
Napasinghap ako. "Shuta! Kung isang milyon lang pala ang bayad sa pipitsugin niyong bahay, sana sa hotel na lang ako nanirahan. Mas maayos pa ang buhay ko roon kaysa tumira dito sa bahay niyong amoy lupa!" sigaw ko at tuluyan na ko umalis sa bahay na tinitirahan ko. Dinig ko pa ang pagalit na sigaw ni mama Madelpat nang ako ay makalayo na.
Habang patungo ako sa kaibigan kong bakla. Puno ng pagsisisi ang nagawa ko dahil hindi lang dignidad ko ang nawala pati ang pangarap ko na maiiahon ko sa hirap sila inay at itay ay hindi na matutupad. Ang kalabaw na gusto kong iregalo kay itay sa kan'yang kaarawan ay tila hindi ko na maibibigay iyon.
"Tikla! Yuhoo!" tawag ko mula sa labas ng gate. Alam kong bubungangaan lang niya ko dahil naabala ko na naman siya sa kan'yang pagtulog. "Tikla!" sigaw ko pa.
Nakita kong may dumungaw sa may bintana. Alam ko na kung ano itsura ng bagong gising. Sabi ko na nga ba eh. Nakasuot siya ng nighties. Eww! ako kinilabutan sa suot niya dahil halata ang pamumukol ng kan'yang ari. Wala sa ayos ang mukha nito dahil sa magulo pa ang buhok niya nang patungo siya dito sa gate.
"Animal kang Ponyang ka! Tanghaling tapat ha! Nang-iistorbo ka sa pagtulog ni beauty," ani nito nang mabuksan niya na ang gate. "Halika pasok ka sa loob," pag-aya niya.
"Salamat beauty ha," ani ko hindi na Tikla ang tawag ko at baka mapalayas lang niya ko. Pumasok ako sa loob at paika-ika pa ding maglakad.
"Shuta Ponyang! Anyare sayo at gan'yan ka maglakad?" tanong niya dahil nasa likuran ko siya.
"Tulungan mo na lang kaya muna akong makapasok sa loob. Ang sakit kasi ng pokekay ko eh," pag-aamin ko.
"What?!" Nagulat siya. "Masakit ang pokekay mo?" at inunahan niya kong maglakad nang papasok na sana ako sa loob ng bahay. Hinarangan niya ko rito sa pinto.
"Alis ka diyan beauty. Gusto ko ng magpahinga eh," sabay beautiful eyes.
"Password muna. Najutay ka na Ponyang? Who's that lucky guy? Guwapo ba?" excited niyang tanong na may ngisi sa kan'yang labi. Kinakabahan ako sa baklang ito at baka malaman niyang pangit ang nakajutay sa 'kin.
Napasimangot ako. "Oo guwapo siya," pagsisinungaling ko kahit hindi naman totoo na guwapo siya. Tumili siya na kinikilg pa ito.
"Daks ba Ponyang?" nakangising tanong niya. Doon na ko napaiyak dahil ang daks nga. "Oh maygad! Daks nga, halika na pasok sa loob. Kawawa naman pala ang pokekay mo. Ikaw ha, may tinatagong landi sa katawan," sabay hagikhik niya "Siguro mayaman siya kasi madaks eh," ani nito nang mahiga ako sa sofa. Nakaramdam ako ng ginhawa sa katawan ko dahil ang lambot ng sofa na hinihigaaan ko ngayon.
"Gusto ko ng magpahinga beauty. Pagod ako eh. Maya na tayo mag-usap." Nanghihina kong ani.
"Weh ayoko nga. Ako nga na inistorbo mo sa pagtulog nagreklamo ba ako. Kasarapan pa kaya ng tulog ko 'yon. Naroon na si papa James sa panaginip ko nang bigla mo kong binulabog.," reklamo niya. "Magkwento ka na ngayon dali," ani nito. Bumangon ako sa sofa kahit inaantok na din ako.
"Oh sige na nga!" napipilitan kong sagot. Kwinento ko sa kan'ya ang lahat mula sa umpisa kung ano ang nangyari sa akin. Hanggang sa pag-uwe ko ng bahay. Nagalit ang kaibigan kong bakla nang malaman niyang pinalayas ako pati ang perang ibinayad sa akin ni Drake ay kinuha din nila.
"So Drake ang pangalan niya. Ang guwapo ng name niya sana mameet ko siya in person," ani nito na nag-iimagine.
"Huwag mo ng pangarapin na makikita mo siya. Kasi galit pa nga siya sa 'kin dahil virgin daw ako." nakasimangot kong sagot.
"Ay shuta! Tanga siya ha! Asan ang hustisya? May bobols din ang utak niya eh. Imposeble namang hindi siya nasarapan sa masikip na butas. Tignan mo nga kung ano ginawa niya sayo? Halos malutaytay ka na sa pagod dahil kada baon niya ay panay putok pa sa loob ng pokekay mo," galit niyang ani. "Oh may gulay Ponyang! Paano kung mabuntis ka niya," ani niya na ikinalaki pa ng dalawang mga mata niya.
"Okay lang sa akin beauty, aalagaan ko ang anak ko. Nariyan ka naman para tulungan ako. Diba?"
"Ayy.. Oo naman Ponyang, sino pa ang magtutulungan kundi tayong dalawa lang."
"Pero may problema ako beauty," na ikinalaki ng dalawa kong mga mata dahil ayaw kong maging kamukha ng mga anak ko ang kanilang ama. Baka paglabas ng baby ay maging kamukha ng dady niya na ubod ng pangit ang itsura ng ama niya.