Chapter 5

1701 Words
TWO MONTHS LATER "Beauty! Beauty!" sigaw ko mula rito sa loob ng kan'yang kuwarto. Dinig ko ang naghuhumakog niyang pagparito sa loob. Katatapos lamang niyang maligo dahil nakasuot ito ng roba na kulay pink. Napabangon ako mula sa kamang hinihigaan ko dahil nahihilo ako. Mukhang magkakasakit ata ako sa lagay na ito. "Ano ba 'yan Ponyang kung makasigaw ka ay parang nagtatawag ka ng bombero ha. Bakit mo na naman ako tinatawag ha? Hindi pa ako tapos maligo eh. Halos nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagsasabon. Oh tignan mo, amoy downy na ko," sabay lapit nito sa akin na kamuntikan pa kong maduwal dito sa kan'yang kama. Mabuti na lang at may arinola akong nakahanda kung sakali mang masuka ako ay hindi na ko tatakbo papuntang banyo. Nasa ibaba pa naman yung banyo. "Shuta! ka Ponyang, juntis ka na ata girl," ani niya at natutuwa pa ito. Dalawang buwan na kasi akong hindi dinadatnan at baka nga. May laman na ang tiyan ko. "Beauty," usal ko na may kasamang pang patak ng luha sa aking mga mata. "Natatakot ako at baka malaman ng kan'yang ama na hindi ko ininom yung pills na ibinigay niya sa 'kin." "Ay lukaret ka talaga. Wala na siyang pakialam doon kasi bunga 'yan ng kasarapan niyong dalawa habang ginagawa niyo 'yan. Hmmmp.. Saka hindi na niya malalaman na nagbunga ang gabing iyon. H'wag kang matakot ha. Narito lang ako sa tabi mo. Aalagain natin ang baby natin," na may ngiti sa kan'yang labi. Sumilay ang ngisi sa aking labi dahil sobrang saya ko at naging kaibigan ko ang baklitang ito. "Salamat beauty ha," sabay yakap ko sa kan'ya. "Hindi mo talaga ako pinabayaan. Hayaan mo, kapag nakaluwag-luwag ako ay__" "Sssh... Okay lang Ponyang, wala naman akong ibang pamilya kundi ikaw na lang. Hayaan mo, magpapakalalaki na ko para maitaguyod ko kayo ng anak mo." "Shunga! Paano na yung pangarap mong mag beauty queen dito sa baryo niyo? Hindi mo na maagaw ang korona ni baklitang Dora," ani ko rito na ikinahiwalay ko sa pagyakap ko sa kan'ya. "Shunga! Sino nagsabing bibitawan ko ang pangarap kong iyon. Siyempre hindi noh. Sa umaga, lalaki ako at sa gabi ako magiging ganap na bakla. Ayoko ilantad kay baby ang tunay na ako at baka itakwil din ako gaya ng mga magulang ko sa Pobinsiya," malungkot niyang ani. "Kaya nga tayo pinagtagpo beauty para magtulungan. Makakaya pa natin lagpasan ang problemang ito. Matatanggap ka din ng mga magulang mo. Saka ibahin mo si baby. Mabait yan kagaya ko," na may kasamang pagngiti. Napangiti ko rin siya. "Salamat din Ponyang ha," sabay tayo nito sa kama. "Oh, siya tumayo ka na riyan at pupunta tayo sa Health Center, doon ka muna magpacheck-up habang nag-iipon ng pera. Gusto ko sa OB-Gyne ka magpacheck-up sa susunod." "Naku huwag na beauty, okay na sa akin sa Center noh. Ano ka ba? Hindi tayo rich noh!" sabay irap ko pa sa kan'ya nang may bigla na naman akong maalala. Ang ama ng pinagbubuntis ko. Hindi na ko nakakilos pa at napasimangot na lang ako. "Anyare sayo Ponyang at naging semana santa na naman ang mukha mo? May problema ba?" Tanong niya rito habang abala siya sa damit niyang susuotin. "Wala lang ito beauty," ani ko. "Sige magbibihis na din ako." "Hah? Sigurado ka bang magbibihis ka na lang na hindi ka pa naliligo. Jusko! Maligo ka muna at tara na. Marami pa tayong gagawin," tarantang ani niya dahil tanghali na din kasi. May trabaho pa siya kasi mamaya sa isang hotel na pinagtatrabahuan niya. Agad ko na rin inasikaso ang sarili ko. Ayaw kong maging pabigat sa kaibigan kong baklita. Saglit ko lamang inayos ang sarili ko kaya alas otso pa lang ay umalis na din kami. Sumakay na kami agad ng tricyckle papuntang Center. Malapit lang naman ang health Center dito. Pagkarating namin ay agad na inasikaso kami ng mga health workers rito. Nang matapos akong suriin ng Doktorang naka-assigned rito. Natuwa kami ni Beauty sa resulta dahil two months na akong buntis. Okay naman ang pinagbubuntis ko at walang problema. Niresatahan lang ako ni Doktora ng mga vitamins na iinumin ko kung gusto ko, kung may sapat ako na perang pambili ng mga gamot pero may libreng vitamins naman na ibinigay sa akin si Doktora. Paalis na kami ngayon ni Beauty. Sumakay kami ng jeep at papunta na kami ngayon sa karindirya malapit sa pinagtatrabahuan niya. Icecelebrate namin itong pinagbubuntis ko. Wala akong masabi sa kaibigan ko dahil napakasuportive niyang kaibigan. Namiss ko tuloy ang magtrabaho sa bar ngunit hindi na ko pinayagan ng kaibigan ko na magwork ako doon. Makakasama sa pinagbubuntis ko kung puro usok ng sigarilyo at amoy ng alak ang maaamoy at malalanghap ko doon lalo na't alam niyang malaki ang butas ng ilong ko. Nag-aalala tuloy ako sa magiging anak namin ni Mr. pangit. Ayaw kong pati ang anak namin ay kutyain ng mga tao dahil sa kapansanan na hindi naman dapat niya maranasan gaya sa akin at sa ama niyang mukhang hayop. Hindi ko ba alam kung ganun na siya ipinanganak ng magulang niya. "Shuta naman Ponyang. Wala ka bang naririnig? Lagi ka na lang tulaley diyan. Kanina pa kita kinakausap ha. Lutang ka na naman. Bumaba ka na riyan sa jeep dahil narito na tayo sa karindirya," galit na ani nito. Napatingin ako sa paligid ko dahil nagsibabaan na ang mga tao at ako na lang ang naiwan dito sa loob ng jeep. "Naku nakakahiya kay manong," usal ko nang pababa na din ako. Napanguso na lang ako habang naglalakad kaming dalawa sa kalsada patungo sa karindirya. Tumikhim ang kaibigan ko. "May problema ka ano. Ayaw mong sabihin sa 'kin kaya minsan ay lutang ka. Sabihin mo naman sa 'kin baka makatulong ako sayo." "Wala ito beauty. Namiss ko lang magtrabaho eh," pagsisinungaling ko. "Iyon ba ang problem mo? Paano 'yan? Buntis ka. Makakaya mo bang magtrabaho?" Naupo kaming dalawa sa bakanteng mesa nang marating na namin. Nakapalumbaba akong habang tanaw ang hotel. Dito ko dati gustong magtrabaho kaso bumagsak ako dahil sa mga butas ng ilong ko. Bagsak daw ako sa pleasing personality. Kaloka! "Oo beauty, gusto kong magtrabaho para makaipon na rin para sa panganganak ko,," at tipid akong ngumiti sa kan'ya. "Sige kumain na muna tayo. Isasama kita mamaya. Tatanungin ko si sir Cedrick kung may bakante pang trabaho kahit taga timpla lang ng kape niya," ani nito. "Salamat beauty," natutuwang ani ko sabay yakap ko sa kan'ya. "Halla, sige kain na muna tayo. Gutom na ko eh. Ikaw bawal kang magdiet. Alagaan mo ang baby mo habang nasa sinapupunan mo siya," ngumiti na lang ako at nag-umpisa na kaming kumain. Sobra akong nabusog sa kinain ko. Parang tinamad na akong tumayo mula sa kinauupuan ko habang si beauty ay nagbabayad sa pagkaing kinain naming dalawa. "Hay naku Ponyang, tara na." Pag-aya niya at mukhang nagmamadali na ito. Tumayo ako agad para hindi siya mainip sa akin. Patungo na kami ngayon sa hotel. Nilakad na namin dahil malapit lang naman ito. Nang makarating na kami ay ibinilin muna ako ni beauty sa mga kasamahan niyang receptionist dahil maglolog in muna siya. Habang narito ako nakaupo sa may sofa. Nagbasa muna ako ng magazine nang mahagip ko na lang ang isang guwapong lalaki dito sa ikatlong page ng magazine na hawak ko. Kinuha ko agad ang cp ko at lihim na kinuhanan ko agad ng larawan ang lalaki sa magazine. Hinaplos ko pa ang mukha niya. Iniimagine kong magiging kamukha sana ng anak ko ito. Paglilihaan ko ang mukha ng lalaking ito sa magazine at baka sakaling mamana ng anak ko ang mukhang ito. Oh may papa! Ang guwapo niya grabe. Ang guwapo niya sobra. Nakangiti pa ko habang minamasdan ko itong hawak ko. Nang may biglang tumabi sa akin. "Guwapo ba siya?" Tumango ako nang hindi ko siya nililingon dahil abala ang mga mata ko sa lalaking nasa magazine. "You can take that if you want. Here!" sabay abot niya pa sa 'kin ang isang magazine. Napakurap pa ko sa nakikita ko dahil nakasuot lang siya ng brief na ikanaawang ng labi ko. Kinikilig ako pucha dahil ang guwapo niya tapos ang macho pa. Ilang beses ko pang hinaplos iyon mula ulo hanggang sa pumaibaba ang daliri ko sa mismong private part niya. Naalala ko bigla yung batutay ni Drake. Hindi ko man nakita iyon pero alam kong 8 or 9 inches ang haba ng kan'yang ari. "Grabe ang lalaking ito. Ang gwapo niya," namamangha kong ani sabay hawak ko sa aking tiyan. "Alam mo, salamat dito ha," sabay tingin ko sa lalaking kausap ko na kanina ko pa siya katabi. "Ahhh.. Ahhh!" turo ko sa kan'ya na ikinalaki ng dalawa kong mga mata. Nakangisi siya. Hindi na ko makapagsalita dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Napatayo ako bigla at ginawa kong panakip sa mukha ko ang magazine na ibinigay niya habang nakaawang pa din ang ibabang labi ko. Tipid siyang napatawa. "It's okay dear. Huwag ka ng magtago at baka masubo mo pa 'yan," ani niya dahil nakaharap kasi sa akin ang kan'yang larawan na talagang nakatapat sa bibig ko ang kan'ya.. Shuta! kahiya. Kaya agad kong tinanggal ang magazine na nakatakip sa mukha ko at lihim siyang tinignan. "Sir, pasensiya na hindi ko po sinasadya. Ah ano kasi hindi ko po alam na ikaw pala itong narito sa magazine," pagdadahilan ko na mas lalong lumakas ang pagkabog ng aking dibdib dahil ang guwapo ng lalaking kausap ko. Makalaglag panty ba kaya napahawak ako bigla sa bewang ko. "Tsk! Are you okay? Saka okay lang sa akin dahil hindi ako ang nasa larawan na iyan. Pero dahil kamukha ko siya parang ako na rin 'yan," ani nito nang biglang may nagtawag sa kan'ya na isang babaeng receptionist. Dinig kong may urgent meeting siya kaya dali-dali itong umalis. Puno ng kaba ang nararamdaman ko dahil sa lalaking kausap ko kanina. Paanong nangyari na hindi siya ang nasa larawan. Imposible dahil iisa lang ang mukha nila. "Ponyang," tawag sa akin ni beauty. Napatingin ako sa kan'ya at nakita kong may kasama siyang isang lalaki na naka white polo. Guwapo din siya at siya na siguro si sir Cedrick na sinasabi ng kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD