"So ikaw pala si Ponyang?" Panimula ni sir Cedrick. Narito kami sa loob ng kan'yang opisina.
"Opo sir," sagot ko.
"Ponyang? Is that your real name?" Nagtatakang tanong niya dahil siguro nababantutan siya sa pangalan ko.
"Ahmm.. Nickname ko lang po iyon sir. Actually Fatima ang tunay kong pangalan," matuwid na sagot ko.
"Oh, nice name Fatima. Pero mas gusto mong tawagin kang Ponyang dahil?"
Napangiwi ako. Bakit ganito ang interview kaasar. Malaman pa niya ang tunay na dahilan. Napahawak ako sa suot kong facemask. Tatanggalin ko ito for face reveal. Kailangan malaman niya kung ano ang dahilan at kailangan ko na rin tanggapin ang masaklap niyang sagot kung tanggap ba ako o hindi.
Tinanggal ko ang suot kong facemask. Napasimangot ako nang tumingin ako sa kan'ya. Tumaas ang mga kilay niya sa akin. Nabigla ata siya. Bakit pa kasi ako tumingin. Nakita tuloy niya ang dalawa kong butas na malaki sa ilong ko.
"Sir naman! kung makatingin kayo parang nakakatakot," sabay nguso ko. "Heto po ang rason kung bakit Ponyang ang pangalan ko," turo ko sa ilong ko.
"Ha?" Kunot-noong ani niya. "Anong rason ba?" Mukhang hindi niya nagets ha. Salamat naman kung ganoon. "Wala sir, Ponyang na talaga since birth ang tawag nila sa akin para iwas sakit daw dahil sakitin ako noon. Ika nga, pamahiin po ng mga matatanda iyon," sagot ko.
"Ah okay Ponyang. Maaari ka ng mag-umpisa ngayon sa trabaho mo kung gusto mong ngayon ka na mag-umpisa," na ikinalaki ng mga mata ko sa tuwa.
"Sir tanggap na ko?" na may galak sa mukha ko.
"Yup! Since na tanggap ka na. Ipagtimpla mo ko ng kape dahil maya't-maya ay may ipapautos ako sayo. Antayin lang natin si Mrs. Madrigal," nang biglang may pumasok. Isang babaeng maganda na ubod ng seksi. Maputi siya at mala anghel pa ang mukha niya.
"Mia, anong ginagawa mo dito?" Napatayo siya at sinalubong niya ng yakap yung bagong dating na babae.
"Kuya! hinahanap ko si Drake," sagot ng babae. Kinabahan ako sa aking narinig.
Drake? Kapangalan niya yung lalaking naka one night stand ko. Bakit niya hinahanap ang pangit na unggoy na iyon? Hindi, baka ibang Drake yung hinahanap niya.
"Uhm.. Ponyang, sa labas ka na muna. Ipagtimpla mo na lang kami ng kape," utos ni sir Cedrick.
"Ayaw ko ng kape kuya. Si Drake ang gusto kong makita," giit niya.
"Sige na Ponyang, ako na lang ang ipagtimpla mo ng kape," utos niya. Napatingin pa sa 'kin yung babaeng ubod ng ganda. Ngumiti pa siya sa 'kin nang daanan ko siya. Mukhang mabait naman kaya tipid akong ngumiti sa kan'ya.
Doon lamang ako nakahinga nang maluwag nang ako ay makalabas mula sa kan'yang opisina. Napangiwi na lang ako nang mapatingin ako sa glass wall. Muli kong pinasadahan ang aking sarili dahil hindi ako makontento sa personalidad ko. Ang layo ko sa kinatatayuan ng babaeng kausap ni sir. Nakaramdam tuloy ako ng insecurities sa sarili ko. Kaya pala, walang taong nagkakagusto sa akin dahil pangit ako sa paningin ng mga lalaki. Tanging si Mr. Drake Pangit ang pumansin sa akin. He saves my virginity dahil tatanda na lang ako na hindi nakakatikim ng biyaya ng langit. Salamat talaga sa kan'ya dahil nabiyayaan pa ko supling. Tanging siya lang tumanggap sa akin at pinalasap ang kaligayahang walang humpay. My first and my lasts. Magkikita pa kaya kami ni Mr. Pangit. Ano kaya kung magkita kaming dalawa? Matandaan pa kaya niya ko? Hindi na siguro niya ko hahanapin dahil galit siya sa 'kin at ayaw din niya sa batang nasa sinapupunan ko ngayon.
Naihanda ko na ang kape ni sir. Kumatok muna ko bago pumasok sa loob ng kan'yang opisana. Narito pa din yung babaeng bisita niya nang ako ay makapasok at tinungo ang mesa ni sir saka ko inilapag ang kape sa kan'yang office table.
"Uhmmm.. Fatima," ani ni sir. Hindi niya ko tinawag sa pangalan kong Ponyang. Ang sarap sa pakiramdam nang marinig kong muli ang tunay kong pangalan. "Lapitan mo si Beauty. Magpasama ka sa kan'ya para ituro niya sayo ang opisina ni Mrs. Madriagal. Sabihin mong kailangan ng mapirmahan ni Mr. Fuentabella ang mga documento as soon as possible," utos niya.
"Sige sir," aalis na sana ako nang tawagin niya ko.
"Do you know how to drive a company car?" Umiling ako. "Ahm.. A single motor bike?" Umiling din ako. Ang alam ko lang kasi na gawin ay sumakay. Hindi ako marunong magdrive. "Okay, magcommute ka na lang. Magtaxi ka na lang at isusulat ko na lang ang address sa papel para doon ka mismo ibababa ng driver," ani niya. Nagawi ang paningin ko sa babaeng kanina pa tahimik. Napasilip ako sa kan'yang cp nang magbrowse siya ng picture sa gallery. Zinoom pa niya ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung lalaking nameet ko kanina. Siya ba si Drake?
"Hey Fatima!" tawag ni sir. Kumaway pa ito sa akin. "Are you listening to me?" Tanong niya dahil hindi ko napansin ang pagtawag niya dahil abala ang mga mata ko sa mga larawang nakikita ko.
"Yes sir!" sagot ko.
"So tell me what you gonna do?" Doon ako kinabahan.
"Ah sir, ipapapirma ko ang mga documento kay Mr. Fuentabella," sagot ko.
"Okay good! And then?" Na ikinalaki ng mga mata ko.
Hindi ako agad nakasagot sa kan'ya. "Kunin mo ang pinakahuling deal sa kan'ya. Kapag inaya kang kumain sa labas umuo ka para pirmahan niya ang lahat ng mga documento," yung babae ang sumagot.
"Ha?" ani ko. "Bakit ako ang makikipagdeal sir?" Kinakabahan kong sagot.
"Fatima, malakas ang karisma mo at sa palagay ko ay makakaya mong gawin ito." Toinks! Ano ba iyan? Ngayon ko lang ata narinig ang salitang iyan.
"Sir, paano kung hindi ko magawa?" Natatakot ako sa bagay na ipinapagawa nila dahil sa akin nakasalalay ang mga documents na ipapapirma ko. Tila isa itong malaking problema para sa una kong trabaho.
"Makukuha ng ibang company ang tiwala ni Mr. Fuentabella. Basta gawin mo na lang sinasabi ko okay. You can do it right? And I tell you all of this kung nagawa mo na. Okay, you may go now," utos niya.
"Sige sir! ipagdasal niyo na lang ako ha." Tipid siyang napatawa.
"Okay, I will!" sagot nito. Mabilis na lumabas ako ng opisina niya. Matindi ang aking kaba dahil sa gagawin ko. Kinakabahan ako sa itsura ni Mr. Fuentabella. Siguro, antipatiko iyon. Masungit tapos guwapo," ani ng isip ko.
Agad na hinanap ng aking mga mata si Beauty pagkababa ko ng ground floor. At iyon, dinig ko ang pagtawa niya nang papalapit na ko sa kan'ya. Sinalubong niya ko agad nang makita niya kong papalapit sa kan'ya.
"Ayy! itsura naman nito parang ewan. Anyare sayo at nakabusangot ka? Bagsak ka na naman sa interview? Ikaw Ponyang ha!"
"Hindi iyon, Beauty! Ano ka ba? Start na nga ko sa una kong trabaho ngayon pero may malaki akong problema," ani ko. Pinaupo niya ko sa may upuan rito sa reception area nila.
"Eh ano nga ang problema mo?"
"Mamaya na ko magkwento dahil nagmamadali si sir Cedrick eh," ani ko.
"Ayy! Parang alam ko na iyan. Tara na sa opisina ni Mrs. Madrigal," pag-aya niya sa 'kin. Hinila niya ang aking kamay at tinungo ang elevator. "Susugurin natin yang matandang yan. Ang kupad kumilos kaya nalulugi na ang hotel na ito. Siguro isang ispiya ang matandang iyan," nanggigigil niyang ani.
"Ha? ano kamo? Ibig mong sabihin pabagsak na ang hotel na ito?" Nagtatakang tanong ko kaya pala mahalaga ang bagay na ito kay sir Cedrick. Kaya umaasa itong mapapapirma ko lahat sa kan'ya ang mga documento kay Mr. Fuentabella.
"Tsismis ko sayo maya pagkauwe natin. Hindi pwedeng pag-usapan ang bagay na iyan kung tungkol lang ito sa hotel at baka pagkamalan pa tayong ispiya," ani niya kasabay ng paghinto ng elevator at kusang bumukas ang pinto. Sumarado din ito nang kami ay makalabas na ng elevator at agad na tinunton ang opisina ni Mrs. Madrigal.
Kumatok si Beauty sa nakasaradong pinto at kaagad na binuksan niya ang pinto ng opisina ni Mrs. Madrigal. Pumasok kaming dalawa at aktong nahuli namin siya na nakakandong siya sa kandungan ng lalaki. Nagulat ang dalawa sa pagdating namin.
"Anong ginagawa niyo dito?" Matapang niyang sambit.
"Excuse me sir ha, pwedeng sa labas muna kayo dahil importante itong pag-uusapan namin," ani ni Beauty.
"Okay!" tipid niya sagot.
"Love!" tawag ni Mrs. Madrigal na kinainip ni Beauty. Mabuti at lumabas na yung lalaking parang bisita lang dito sa hotel.
"Mrs. Madrigal, ikaw ba ay nagtatrabaho o iba ang tinatrabaho mo?" tanong ni Beauty na nakataas pa ang isa niyang kilay.
"Wala kang pakialam kung ano ang ginagawa ko rito. Hotel ito diba?" mataray niya pang sagot.
"Ewww!! pati sariling opisina ay dinudumihan mo. Kadiri! Kahit na mas malandi ako pero nilulugar ko naman. Pero ikaw, yuck!" saad ni Beauty.
Hinawakan ko ang braso ni Beauty. Pinandilatan ko siya ng mga mata ko. "Tigil na!" ani ko pero ngumuso lang siya.
"Ano ba ang kailangan niyo at narito kayong dalawa? Nag iispiya ba kayo? Pwes! ito lang masasabi ko sa inyo. Kahit isumbong niyo ko, pabagsak naman itong hotel na ito. Wala ng pag-asa para mabuhay muli itong hotel na ito," ani niya saka ito mabilis na tinungo ang cabinet at may kinuha doong isang kulay red na envelope. Masamang tingin ang batid niya sa amin nang iabot niya ang red envelope sa akin. "Oh heto, narito na ang mga documentong kailangang ipapirma kay Mr. Fuentabella. Marami na ang tumanggi sa mga iyan kaya imposibleng pipirmahan din niya ang mga 'yan," ani niya. Mukhang mabait naman si Mrs. Madrigal. Kaya siguro natetense ang mga tao rito dahil may malaking problema pala ang kompanyang ito.