19. Strategic Trap

1224 Words
SILAS Nasa study pa rin ako nang tawagan ko si Attorney Romulo. Ilang ring na pero hindi pa rin niya sinasagot. Maybe he's already sleeping, but I don't care. This is an emergency. I need a confirmation about the letter. Natapos na ang tawag pero inulit ko ulit hanggang sa... "Mr. Villanueva." Halata sa boses na parang kagigising lang. "I've read the letter." Diretso kong sabi. Short silence. Hinintay ko ang sagot niya. "Well, that's good. Akala ko ay hindi mo na babasahin." Napakunot ang aking noo sa sinabi niya. Dinampot ko ang baso ng whiskey bago ko isinandal ng husto ang likod ko sa upuan. "So it’s true." "Yes." Malinaw na sagot niya. Anim na segundo ng katahimikan. "Kung hindi ako pumayag," malamig kong sabi, "wala naman sigurong mawawala sa akin." Sabi nga ni Mr. Dominguez sa sulat kung hindi ako pumayag ay nirerespeto niya ang desisyon ko. Sino ba naman ang gustong magpakasal sa anak niyang spoiled brat na kung paratangan ako ay akala mo siguradong sigurado siya na ginawan ko ng masama ang ama niya. Sa sama ng ugali ni Lyra, I don't think she deserves all that money. Maybe kaya siguro ganoon ang ginawa ng ama niya, alam niya siguro na kung basta lang hahawakan ni Lyra ang lahat ay mauubos agad ang lahat ng pinaghirapan niya kaya gusto niya na munang ilagay sa tahimik ang anak niya at malas ko lang na ako ang napili niya. Narinig ko ang malalim na pagbuntong ni Attorney Romulo. And I don't like it. Parang may kung anong gumalaw sa sikmura ko tapos hindi pa siya agad nagsalita. "Wait," sambit pa niya. Tahimik lang ako na naghintay at uminom. May kung anong kaba sa dibdib ko. Mukhang may iba pang scheme na ginawa si Mr. Dominguez bukod sa pinaniwala niya ko na naghihirap siya noon. "With all due respect, Mr. Villanueva,” maingat niyang sagot, “may mawawala po sa inyo." Natigilan ako pero ilang saglit lang ay may kung anong gustong sumabog sa dibdib ko pero pinili kong maging mahinahon dahil kailangan kong malaman kung ano. "Explain," sabi ko while trying to remain my calm. "The company you are currently managing may be under your name operationally." I frowned. "Operationally?" pag-ulit ko. "Yes." Narinig ko ang tunog ng papel sa kabilang linya. Parang may binubuklat siyang dokumento. "While you were restructuring the company, Mr. Dominguez restructured ownership." My jaw tightened. It's confirmed, bukod sa paglilihim ay may ginawa pa siya. "What does that mean?" "It means," tuloy niya, steady, "the Dominguez Group of Companies is still the umbrella entity." Umbrella entity. "And?" malamig kong tanong. "You are CEO. You have decision-making authority. But majority controlling shares…" He paused. "…are held by the trust." Nanatili akong tahimik at inaabangan ang iba pa niyang sasabihin. "You don’t own it outright, Mr. Villanueva. You manage it." That hit. Putang-ina! Malinaw. I'm managing it, not owning it. "I signed transfer papers," mariin kong sabi. And I have all the legal documents. Paano nangyari ang lahat ng ito? "Yes. Of the struggling subsidiary." Subsidiary. Not the entire group. Doon ko naramdaman ang unti-unting pag-init ng batok ko. He played me. Again. "The secret will determine the final distribution of controlling shares." "And if there’s no marriage?" "After six months, the trust dissolves into charitable institutions. Once that happens, corporate control fragments." Fragments. Meaning? "You will answer to a board appointed by the foundation." Foundation. Charity-controlled oversight. Which means audits. Which means limits. Which means I lose executive autonomy. "And worst case?" malamig kong tanong. "You may be voted out." Tahimik ang buong condo. Naririnig ko lang ang sarili kong paghinga. I rebuilt that company. I negotiated every debt. Ako ang nag-ayos ng problema pero putang-ina wala naman pala talagang problema. Palabas lang lahat ng ama ni Lyra dahil tinetest niya daw ako. Hindi pa ba sapat 'yung pinakita kong paggalang at loyalty sa kanya over the years para ganituhin niya ko. "Mr. Dominguez anticipated resistance," dagdag pa niya. "He structured it in a way that forces alignment." Gusto ko magwala pero ng marinig ko ang salitang forces ay bahagya na lamang ako natawa. It's a mock laugh. "Forces, so that’s his version of respect." Ang sabi niya sa sulat ay irerespeto niya ang desisyon ko kung sakaling umayaw ako pero sa nalaman ko ngayon mukhang hindi niya rin ako binigyan ng option. Hindi na nagsalita si attorney. I stood up slowly. Lumapit sa bintana. City lights. Cold. Orderly. Nasa kontrol ang lahat pero sa nalaman ko ngayon ay mukhang ako pa ata ang mawawalan. "So even if I say no," sabi ko, mababa ang tono, "I lose leverage." "Yes," sagot ni attorney. Kapag umayaw ako, mawawalan ako ng power. Magsisimula na naman ako sa umpisa. "And if I say yes?" "You retain executive control. The trust transfers majority shares upon legal union." Legal union. Marriage. Contract. I let out a slow breath. "This isn’t about Lyra." "No," sagot ng abogado. "It’s about legacy." Legacy. Control. Power. Silence stretched. "Does Lyra know?" tanong ko. "Hindi pa. She hasn’t contacted me, so it means hindi niya pa rin niya nabasa ang iniwang sulat ng ama niya." So, may letter rin pala siya kagaya ko pero ako ang unang nakaalam sa trap na ginawa ng ama niya. Mas mahaba ang katahimikan ngayon. So she doesn’t know. Not yet. And if she doesn’t know, then I control the timing. For now. "Mr. Villanueva,” maingat niyang sambit, “the grace period has officially started the moment you opened your letter." "I’m aware." Iritable kong sabi. "Six months." Paalala niya. "I can count." And then I rubbed my jaw, trying to not lose my temper dahil nararamdaman ko na agad ang pressure sa pagpaaalala ni attorney na timeline na meron ako. "So let me get this straight," sabi ko, mabagal. "Either I marry a stubborn woman who currently hates me… or I risk losing the company I rebuilt." "Yes," sambit ni attorney. And it sounds like it's the only way. Bilib din naman talaga sa pagiging mautak ni Mr. Dominguez. Pinlano niya talaga ng maigi para ma-set ako sa ganitong trap. A strategic trap. "You people are unbelievable," bulong ko. At hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "With respect, sir," sagot niya, "Mr. Dominguez believed you were the only one capable of handling both." Both. The company. And his daughter. His stubborn, spoiled brat daughter. What am I supposed to feel about all of these?! It feels like I'm being robbed, and I need to do these things so I can take back what was to be mine in the first place. I already did my part. Marami rin akong isinakripisyo para marating kung nasaan man ako ngayon and for what? I was being cornered into earning what I already bled for. Fvcking hell! Tinapos ko na ang tawag ng wala ng iba pang sinasabi kay attorney. Bumalik ulit ako ng upo sa desk ko at tumahimik na ulit. Pero hindi na ito ang klase ng tahimik na gusto ko. Anim na buwan. It wasn’t leverage anymore. It was containment. And for the first time in a long while, I wasn’t the one holding all the cards. And I don’t like playing a game I didn’t design. But if I’m forced to play… I’ll make sure I’m the one who wins.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD