SILAS
Nakauwi na ko sa two bedroom condo na tinutuluyan ko.
Tahimik.
Walang music.
Walang tawanan.
Walang sumisigaw ng "Uncle Baby."
Just silence, heto ang gusto ko.
Ayoko ng may kasama. Sanay ako mag-isa.
Yung mansyon na gusto ko makuha sa akin ni Lyra, nakatengga lang.
Hindi pa ko makapag-decide kung lilipat ba ako doon dahil parang masyadong malaki ang bahay na iyon para sa akin na gustong bawiin ni Lyra.
Tinanggal ko ang coat ko at basta isinabit sa back ng isang upuan habang naglalakad papunta sa isang room na ginawa kong study.
Lumapit ako sa bar cart sa gilid ng bookshelf.
Kumuha ng baso.
Nagbuhos ng whiskey.
Walang yelo.
Ayoko ng diluted.
Isang lagok agad.
Mainit sa lalamunan.
Good.
Lumakad ako papunta sa malaking mesa ko.
Mahogany. Polished. Organized.
Umupo ako sa leather chair.
Tumahimik ulit ang paligid pero hindi pa rin matahimik ang utak ko.
Her face.
Her scent.
Her guts.
Her voice.
Ang tapang ng mata niya.
Ang yabang ng babaeng ’yon.
Napahinga ako nang mabagal.
Inubos ko ang laman ng baso at muling nagbuhos.
Doon ko napansin.
Sa kanang drawer.
Naalala ko bigla na may inilagay ako doon.
A sealed letter.
Matagal na doon.
Ilang linggo na.
Hindi ko binuksan.
Hindi ko gustong buksan.
Pero kanina habang tinatawag nila akong Uncle.
Habang nakatitig siya sa akin na parang ako ang kontrabida ay naalala ko.
Hospital room. Amoy disinfectant. Mahina ang ilaw. Mr. Dominguez was thinner. Mas maputla. Pero matalas pa rin ang mata.
"Silas," sambit niya sa pangalan ko habang iniaabot sa akin ang isang sealed envelope.
"Buksan mo lang ’to kapag wala na ko."
Hindi ko tinanong kung bakit.
Hindi ko tinanong kung ano.
Kinuha ko lang.
Because when that man tells you something, you'd better listen.
Ganu'n kalaki ang respeto ko sa ama ni Lyra.
"Collateral," bulong ko sa sarili ko.
Lyra said he wouldn’t lose everything easily.
At kanina.
Habang nakatitig siya sa akin. Habang sinasabi niya ang mga salitang....
I knew my dad. Hindi siya basta papayag na mawala ang lahat ng pinaghirapan niya kaya alam ko na may ginawa ka.
Punong-puno siya ng kumpiyansa. Alam ko sa sarili ko na wala akong masamang ginawa pero bakit parang naaapektuhan ako sa ginagawa niyang pangbibintang.
Ininom ko ang kalahati ng pangalawang baso.
Then I opened the drawer.
Kinuha ang sobre.
Pinagmasdan ko muna sandali.
Mabigat.
Hindi dahil sa papel.
Kundi dahil sa posibleng bigat ng posibilidad na nakalagay dito.
Hindi ko alam kung bakit binigyan pa niya ko nito kung nakapag-usap na kami at nangako naman ako na hindi ako pababayaan si Lyra kaya nga kahit nahihirapan ako sa katigasan ng ulo ng anak niya ay binigay ko pa rin ng trabaho kahit mukhang balak akong gawan ng masama.
I broke the seal.
Tahimik.
Ang tunog lang ng papel na binubuksan.
Hinugot ko ang sulat.
Handwritten.
Of course it is.
Umupo ako nang tuwid.
And I read.
Silas,
Kung binabasa mo ito, ibig sabihin wala na ako.
Una sa lahat, salamat.
Ikaw lang ang taong tumulong sa akin noong nagkunwari akong bumabagsak ang negosyo ko.
Alam kong nagduda ka. Alam kong nahirapan ka. Pero hindi ka umatras.
Sinubukan ko ang loyalty mo.
At hindi mo ako binigo.
Napahinto ako.
Nagkunwari? Ano 'tong sinasabi ni Mr. Dominguez.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa.
Ang totoo, hindi ako nalugi.
Hindi totoo na unstable ang kumpanya. The truth is nakapagpatayo pa kong ibang business na nasa pangangalaga ngayon ng secret trust.
Sadyang iniwan ko lang ang unang negosyo ko na ngayon ay nasa pangangalaga mo na.
Nagkunwari lang ako na financially unstable dahil kailangan ko makita kung sino ang mananatili kapag mukhang wala nang makuhang pakinabang.
Ikaw lang ang nanatili.
Napatigil ako sa pagbasa at naramdam ko ang pag-init ng batok ko.
What?
Hindi nalugi?
Hindi bumagsak?
Lahat ng restructuring?
Lahat ng debt negotiation?
Lahat ng sleepless nights?
Test?
I clenched my jaw.
Lyra was right.
Her father didn’t lose easily.
I was angry at her for saying that.
Pero tama siya.
Nagpatuloy ako kahit nanginginig na ang kamay ko.
Ginawa ko 'to para protektahan ang anak ko.
At kaya ko iniwan ang sulat na 'to sa'yo dahil may isa pa akong hiling.
And what now?
Pakasalan mo si Lyra.
Hindi dahil kailangan niya ng lalaki.
Kundi alam ko na tanging ikaw lang ang tanging karapat-dapat sa kanya.
Matigas ang ulo ng anak ko at ayaw ko masayang ang lahat ng pinaghirapan ko.
Pakasalan mo siya dahil heto lang ang tanging paraan para ma-reveal ang secret will.
Kung hindi ka papayag. Naiintindihan ko at nirerespeto ko ang desisyon mo.
Walang makukuha si Lyra. Lahat ng pinaghirapan ko ay mapupunta sa charity sa loob ng anim na buwan na palugit kung walang kasalang maganap sa pagitan niyo.
Mababaliwala lahat at mapupunta sa charity ang lahat ng naiwan ko.
Kung ganoon man ang mangyari ay ayos lang dahil alam ko na may isang salita ka.
Kahit wala pa ang sulat na ito ay nangako ka naman na hindi mo pababayaan ang anak ko.
Hanggang dito na lang.
- Luciano Dominguez
Tapos ko ng basahin ang sulat pero hindi ko mabitawan ang papel.
Mabigat.
Mas mabigat pa sa kanina.
Inulit ko ang pagbasa pero walang nabago sa nakasulat hanggang sa wala sa sarili kong ipinatong ang sulat sa mesa.
Marriage. Condition. Secret will. Charity. Test.
He tested me.
Again.
Napatawa ako. Mababa. Walang humor.
"You manipulative old man." Anas ko sabay pisil sa ilong ko.
Anim na buwan.
If I say no, everything goes to charity.
If I say yes, I marry the most stubborn woman I know.
Lyra.
Her defiant eyes.
Her smirk.
Her voice calling me “Uncle” just to provoke me.
I leaned back on the leather chair.
Uminom ulit ako ng whiskey at naramdaman ko ulit ang init ng pagdaloy nito sa aking lalamunan.
This wasn’t about romance.
This was leverage.
Power.
Control.
But beneath that…
I remembered her face earlier.
When she accused me.
When she looked hurt.
When she said she knew her father wouldn’t lose everything easily.
Napangisi ako.
She was right. Akala ko kilala ko na ng tuluyan si Mr. Dominguez pero mas kilala ni Lyra ang ama niya.
And I was angry at her for it.
Now I know why kaya pala buong buo ang kumpiyansa niya at hindi siya naniniwala na naghirap ang ama niya.
I stared at the letter again.
"Marriage." mahina kong bulong.
I don’t believe in tying myself down.
I don’t believe in emotional chaos.
I believe in order. In contracts. In discipline.
But this?
I closed my eyes for a second.
Six months?
And suddenly...
Monday doesn’t look so simple anymore.
What the hѐll?!