17. Stop Romanticizing

1532 Words
LYRA Hindi natuloy ang plano ko. Hindi ko siya nalasing. Hindi ko siya na-blockmail. At ang mas masakit? Umalis siya ng panalo. Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang pinto. Paglabas ko ng kwarto, sinalubong ako ng ingay. Music. Tawanan. Kalansing ng bote ng beer. Amoy alak at pabango na naghahalo sa hangin. Saglit akong tumayo roon, nakatingin sa gulo. Mga bote ng beer nakahilera kung saan-saan. May nakaupo sa armrest ng sofa. May nakasandal sa kitchen island. May dalawang halos mag-away sa gitna dahil sa lasing na debate tungkol sa crypto. Napapikit ako sandali, mainit pa rin ang ulo ko at ayaw ko ng makarinig ng kahit anong ingay kaya oras na para tapusin ang party na 'to! Ang totoo, hindi ko rin naman talaga mga close friends ang mga taong naririto. Ginamit ko lang naman sila. Harsh but true. Inimbitahan ko sila para... Inisin si Uncle Silas. May witnesses kung sakaling matuloy ang plano ko. May audience sa pagbagsak niya. Since alam na ni Uncle Silas ang plano ko, wala na silang silbi dito Pumalakpak ako nang malakas. "Guys." Walang pumansin, mukhang napasarap na sila sa pagpaparty ah. Ang party na wala naman akong napala. Muli ko silang tinawag pero this time ay mas nilakasan ko. "GUYS!" Unti-unting tumahimik ang paligid. May mga napalingon. May nagtaas ng bote. "Ano, may after party ba?" sigaw ng isa. Pinilit kong ngumiti. "Wala na. Party’s over." May collective na "Huh?" sa paligid. "It’s late," dagdag ko habang tumatawid ako sa sala, iniiwasan ang tumapon na beer sa sahig. "You can all go home." "Sure ka?" tanong ng isa, halatang disappointed. "Very sure." Pagkumpirma ko habang nakangiti. Pero ang totoo, gusto ko na sila sigawan para magmadali na sila sa paglabas pero mukhang hindi na naman kailangan dahil after nilang mapagtanto na seryoso ako ay isa-isa silang nagsimulang mag-ayos. May nagbulsa ng natitirang beer. May nagpaalam nang lasing. May sumigaw pa ng, “Next time ulit, Lyra!” I just waved them off at sa isip-isip ko wala ng next time dahil ang laki na ng nagastos sa mga ininom nilang beer pero wala pa kong nakukuha kay Uncle silas. Habang isa-isa silang lumalabas ay napansin ko ang ginawa nilang damage dito sa loob ng Penthouse. May beer stain sa marble floor. May coaster na hindi ginamit. May basang tissue sa ibabaw ng center table. At doon ko narinig - “What. Is. This.” Napalingon ako sa entrance. George. Oh, God! Nakatayo siya roon, hawak ang susi ng kotse, naka-white tank top at loose gray joggers. Simple lang ang suot pero parang editorial shoot pa rin ang aura. Matangkad. Malapad ang balikat. Defined ang braso. Sharp ang jawline. Sa unang tingin? Lalaking-lalaki. Model vibes. Actually, model talaga. Pero pagpasok na pagpasok niya... "Oh my God!" There it is. Very gay. Very dramatic. Very offended. George, my very gay best friend, siya ang may-ari ng Penthouse na 'to. Naglakad siya papasok nang nakaangat ang paa, iniiwasan ang mga tumapong beer sa sahig. "May beer sa marble ko. BEER." sambit niya na parang hindi makapaniwala. Dinampot niya ang isang bote gamit lang ang dalawang daliri, parang contaminated object. Sa itsura ng face niya ay halatang diring-diri siya. “Lyra Isabelle Dominguez.” Napangiwi ako. Tinawag niya ang buong pangalan ko, it means galit siya. "This is Italian marble. Hindi ito pang-bar hopping aesthetic!" Reklamo niya. Umikot ako para kumuha ng natitirang bote sa counter, at nagsimulang magligpit para mabawasan ang nakikita niyang kalat. "Relax." Aniko habang nagliligpit. "Relax?" Napahawak siya sa dibdib niya na parang personal betrayal ang nangyari. “Relax? May sumayaw ba sa center table ko? May nag-shot ba sa ibabaw ng counter ko?" May isang lasing pang dumaan sa likod niya. "Pre, ang ganda ng place mo!" sabay tapik sa balikat niya. George froze. Pano ba naman ang pogi ng lalaki na hindi ko alam kung sino, I guess inimbita ng isa kong kakilala, sabi ko kasi pwede sila magdala ng kasama para mas dumami ang aattend ng party na 'to! Biglang may sumilay na ngiti sa labi ni George. "Thank you." sabi niya na may lambing sa boses. Napangiwi naman ako at biglang nagbago ang mood niya porket nakakita ng pogi. Sinundan pa niya ng tingin ang lalaking huling umaalis hanggang sa isinara na nito ang pinto. Tahimik na dito sa loob pero puno ng kalat. George slowly turned to me. Pinagmasdan niya ang sala. Ang sahig. Ang mesa. Ang mga bote ng beer. Tapos ako. Tumayo siya nang tuwid, naka-cross ang arms, tinaasan ako ng isang kilay. "You failed, didn’t you?" Napairap ako. "Shut up." "Hindi mo nalasing." "George." "Hindi mo napaikot." "George!" Lumapit siya sa akin, marahang tinapik ang balikat ko. "So… what happened?" Napabuga ako ng hangin. "He knew." Saglit natahimik si George habang nakatingin sa akin. "Lyra Dominguez failed to seduce a man?" "Don’t exaggerate." "I have never seen you fail." Napahinga ako nang mabigat. "Yes pero tuloy ang trabaho. He told me I start on Monday.” Napatigil siya. “Start… what?” Tila hindi makapaniwala niyang sabi. “Work. Sa office. Eight AM. Under him.” George blinked twice. “Wait. WAIT. He knew… and still gave you a job?” “Yes.” Saglit siyang natahimik. Then bigla siyang pumalakpak. “Okay. That’s hot.” "What?" sambit ko habang nakakunot ang aking noo. “Ano ‘what’? Very CEO. Very composed. Very ‘I see your chaos and I raise you discipline.’ I love it.” “Stop romanticizing him.” Tumaas ang kilay niya. “Bakit? Selos ka?” "George." "Relax, Lyra. I don’t want your Uncle. Hindi ako mahilig sa straight men with emotional repression." Napatawa ako kahit inis pa rin ako. "But I will say this,” dagdag niya, seryoso na ang tono. "That man didn’t humiliate you. He redirected you. And…" "And what?" tanong ko. Ang tagal ng kasunod. Tumitig siya sa akin. Hindi na dramatic. Hindi na playful. Nanatiling seryoso. "I think he still cares. Hindi lahat ng lalaki, kapag alam na niloko mo siya, bibigyan ka pa ng position sa company niya." Napasimangot ako. "Oh, trust me. He doesn’t care. He just cornered me and wants to control me." "He positioned you," pagwawasto niya agad. I clenched my jaw. "He thinks I have no choice." George tilted his head slightly. "Do you?" Hindi ako agad nakasagot. Lumapit siya, mas malapit this time. Hindi para mang-asar. Para mag-observe. "Lyra… if he wanted to destroy you, he could have. Alam mo ‘yan. Instead, he gave you structure." "I don’t need structure." "You need direction,” sagot niya nang tahimik. Napailing ako. Why does it feel na kinakampihan niya si Uncle Silas? "You’re taking his side." "I’m taking yours," mahinahon niyang sagot. "Because if he didn’t care at all? He would’ve crushed you tonight. Not hired you." Tahimik. Mas tahimik kaysa kanina. "And if he’s trying to control me?" George’s lips curved slightly. "Then beat him at his own game." Saglit siyang ngumiti, bumalik ang konting sass. "But don’t lie to yourself and say you’re not curious." "Curious about what?" "About why he didn’t let you fall." Mas tumahimik ako. "He said if I want equity, I earn it." George whistled softly. "Ouch." "And the mansion?" tanong niya. "Earn it back." He nodded slowly. "See? That’s not cruelty, that’s conditioning. Uncle Silas is a very disciplined man." That word again. Discipline. Nakakainis. "He thinks he won tonight," sabi ko mahina. George tilted his head. "Did he?" I stared at the mess around us. "Round one." Tumango siya. "Fair." Then bigla siyang tumingin sa paligid ulit. "Anyway." Inabot niya sa akin ang trash bag na kinuha niya mula sa ilalim ng sink. "You clean." Napasinghap ako. "Excuse me? Inuutusan mo ba ko?" "Yes. Your guests. Your beer. Your mess." I stared at him. "You’re serious." He flipped his hand dramatically. "Dead serious. Hindi ako nagpa-party. Ikaw. Hindi ako nag-seduce ng CEO. Ikaw." "George!" "Start with that corner." Turo niya sa area na may pinakamaraming bote. So, he's really serious. Bukod sa nag-failed na nga ako ay magiging cleaning lady pa ko ngayong gabi. "You can’t be a boss girl kung hindi ka marunong maglinis ng sarili mong kalat." That hit harder than expected. Grrr, lalo akong nainis sa mga nangyari. Humakbang siya paalis, pero bago tuluyang pumasok sa hallway, huminto siya at tumingin sa akin ulit. "At Lyra?" "Ano?" "Kung papasok ka ng Monday, make sure hindi ka papasok bilang spoiled heiress. Sige ka baka i-fired ka agad ni Uncle Silas." Pang-asar niyang sambit. Then he walked away like runway pa rin ang hallway na feeling niya Miss Universe siya sa ginagawa niyang paglakad. Iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng kalat. May hawak na trash bag. Napatingin ako sa bote ng beer sa sahig. Huminga ako nang malalim. Fine. Natalo ako tonight. Pero hindi pa tapos ang laban. Habang pinupulot ko ang unang bote, napangisi ako. I’ll be ready for Monday. Although inis ako kay George ay thankful ako sa ibinigay niyang idea. A spoiled heiress at work? Why not? Tutal iyon naman ang tingin sa akin ni Uncle Silas. Round one, Uncle Silas. Round two? I’ll be smarter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD