SILAS
"Sumosobra na ang pagpapansin mo ah, masyado kang attention seeker, as much as I want to slap you right now dahil sa ginagawa mong pangbabastos at pang-iinsulto sa'kin ay bigla kong naalala na hindi nga pala ako napatol sa MATANDA, kaya pwede PO ba UNCLE Silas, please lang, umalis na PO kayo dito sa table dahil nandiyan na 'yung ka-meet ko!" Seryoso niyang sambit sabay tayo.
Biglang lumabas ang matatamis na ngiti niya sa labi habang nakatingin sa may bandang likuran ko kaya napalingon ako.
What the fvck?!
So, nagsasabi pala talaga siya ng totoo na may ka-meet siya pero bakit sa dinami-dami ng taong kakatagpuin niya ay bakit ang lalaking pang yan?
"Good afternoon, Miss Lyra Dominguez, and... Mr. Silas Villanueva? What is going on here?" sabi ng ka-meet ni Lyra habang nagpapalit-palit ng tingin sa amin.
"Nothing, it's just Uncle Silas here, wishing me luck on my interview today. Please sit down, Mr. Julian Esquivel."
Wishing her luck?! I never said that!
"Oh, for a second there, I thought Mr. Silas, you're UNCLE, was hijacking our interview today," and then he laughs a little.
He even says the word UNCLE, which is starting to piss me off dahil kanina pa pinagdidiinan ni Lyra ang mga salitang yan na tila ba nang-aasar and I feel so fvcking OLD na hindi naman dapat dahil hindi pa naman talaga ako ganu'n katanda.
Lalo tuloy nadagdagan ang pagkulo ng dugo ko. Bukod na siya na nga ang ka-meet ni Lyra ay ano'ng kalokahan ang sinasabi nilang lunch job interview.
JULIAN ESQUIVEL, anak ng may-ari ng numero unang kalaban ng kumpanya ko!
Ang kumpanyang sinimulan ng daddy ni Lyra na pagmamay-ari ko na ngayon. Lyra rejected my job offer tapos may lunch job interview siya on our number one competition?!
What kind of thinking is that?
Kaya pala ganyan ang suot niya, naka-black formal blazer pero kapag tinanggal iyon ay naka-black dress siya.
Black again tulad kagabi pero ibang style but it's still a dress that hugs the curves of her fit body.
"Ah, just call me Julian, hindi naman nagkakalayo ang edad natin, and if it's okay, can I call you Lyra na lang?" sabi pa ng pasikat na putang-ina!
Lunch interview, my ass!
Kung makatitig si Julian kay Lyra ay halata na gusto niya ang dalaga, at mukhang formality lang itong sinasabi nilang lunch interview.
Ano'ng pauso iyan? Halata naman nadiskarte lang ang batang Esquivel para makalusot ng date kay Lyra.
Sa tingin ko ay kunwari lang ang lunch interview na ito dahil ang totoo ay may naka-ready na siyang position para kay Lyra.
Ano'ng position - sa kama?
Lyra giggles on what Julian said that makes me mad even more.
"Of course, Julian." Nakangiting sagot ni Lyra sa lalaking mukhang may masamang balak sa kanya sabay tingin niya sa akin.
"UNCLE Silas, pwede po bang tumayo na PO kayo, at need na po umupo ni Julian." Magalang na pagpapaalis niya sa akin.
Hindi rin nawala ang matatamis niyang ngiti sa labi.
So sarcastic dahil pinagdiinan na naman niya ang UNCLE at PO.
I think we need to have one on one talks on how she should address me properly because ilang beses ko ng sinabi na hindi niya ko tunay na uncle, and I am not that fvcking old.
But, then this is not the right time and place for that.
For now, pagbibigyan ko ulit siya.
Fine, since we are in a restaurant ay magpapaka-GENTLE man ako ngayon, at sasakyan ko ang kaniyang kasinungalingan sa harap ni Julian Esquivel.
Tumayo na ako at nginitian siya.
"Good luck on your... interview, Lyra," sabi ko.
May diin sa salitang "interview."
At pagkatapos ay tila automatikong nawala ang ngiti ko ng tumingin ako kay Julian, "Mr. Esquivel."
Dinampot ko na ang wine glass ko, at dinala pabalik sa table ko.
Sakto naman pagbalik ko ng upo ay dumating na rin ang lunch ko.
Habang nakain ako ay talagang pinanood ko ang tinatawag nilang "lunch interview" daw, for my own amusement.
Pero sa nakikita ng mga mata ko ay parang wala namang interview na nagaganap.
May inabot pa si Lyra na folder kay Julian kanina, binuksan lang saglit ng lalaki pero agad din isinara at tinawag ang waiter para mag-order.
Hanggang sa nakain na sila katulad ko.
The two of them are simply talking, enjoying their lunch or more looks like a two lovers that having a lunch date.
Panay ang ngitian at tawanan.
Hayan ba ang tinatawag na lunch interview?!
Kailan pa naging ganyan ka-chill ang pag-aaplay ng trabaho, but like I said kanina, mukhang palusot na lang ito ni Julian dahil tanggap na talaga si Lyra, at may posisyon na siyang inihanda para sa dalaga.
Nagngitngit na naman muli ang kalooban ko dahil bukod sa posisyon sa trabaho ay naisip ko din ang iba pang posisyon na pwedeng gawin nito ni Julian kay Lyra kung magtutuloy-tuloy ang pagmamabutihan nila.
Kahit tapos na ako kumain ay hindi pa rin ako umaalis, nag-order lang ako ulit ng wine habang pinapanood ang dalawa.
They even offered me a dessert pero tumanggi ako dahil wala sa menu ang gusto kong kainin.
Napansin ko naman na tapos na sila kumain hanggang sa biglang tumayo si Lyra.
Naiwan naman si Julian sa table.
Alam ko kung saan pupunta si Lyra kaya nagmadali akong tumayo para sundan siya, at bago pa man siya makapasok sa ladies room ay tinawag ko ang pangalan niya.
"Lyra!"
Dahilan para mapatigil siya sa paglakad. Nilingon niya ko at agad kong nakita ang pagtaas ng kaniyang kilay hanggang sa tuluyan na siyang humarap ng makalapit na ako sa harapan niya.
"Nandito ka pa rin? Ano bang problema mo?" sabi niya sa tono ng boses na halatang naiinis.
Naiinis siya sa'kin, pwes ako galit sa katigasan ng kaniyang ulo at kawalan ng respeto para tanggihan ang trabahong alok ko at piliin na magtrabaho sa kakumpetensiya ng kumpanya ko.
"Don't even think about accepting his offer, whatever it is, I'll double it!" sabi ko sa matigas na boses.
I even throw her a stare death, so she should know na hindi ako nagbibiro.
Hindi siya pwedeng magtrabaho sa Esquivel Group Of Companies, tanging sa kumpanya ko lang siya pwedeng pumasok.