7. Seduction Game Begin

1578 Words
LYRA "What?" tanging nasambit ko sa lahat ng sinabi ni Attorney Romulo sa'kin. Nasa loob ako ng opisina niya at katatapos lang niya sabihin sa akin na... "I'm sorry, Lyra, alam kong mahirap tanggapin pero that is all, hayan lang talaga ang makukuha mo." sabi pa niya. "A one-bedroom condo unit?" Hindi makapaniwala kong sambit dahil papaano nangyari na ganito lang. "And a secure job sa SV EXpress company. You don't need to apply there." "SV Express?" "Yes, SV Express, since Mr. Silas Villanueva owns the company now, he changed the name and rebranded it." "You mean, Uncle Silas changed the name of our company, kailan pa?" "Two, or I think mag-three years ago?" "Two to three years ago?" Pag-ulit ko sa sinabi ni attorney sa mataas na boses dahil sobrang nagulat ako. Matagal na palang wala sa pangangalaga ni daddy ang kumpanya pero wala ako'ng kaalam-alam. I have no idea na may ganito palang malaking pagbabago at higit sa lahat hindi ko alam na dumaan sa malaking financial crisis ang daddy. Palagi naman kaming nag-uusap through chat and video call pero wala naman siyang sinasabi. From DExpress to SV Express, a global transportation, e-commerce, and business services company, primarily known for its express package delivery, but also offering logistics, freight, and trade services worldwide using extensive air and ground networks. It's not a fùcking low-budget company, it's a multi-billion-dollar company kaya paanong nangyari na sa isang iglap ay wala ng share ang daddy ko. "Paano nangyari ang lahat ng ito?" Paghingi ko ng paliwanag kay attorney. "Hindi ko masabi Lyra, ang alam ko lang ay may malaking utang ang daddy mo kay Mr. Silas Villanueva at hindi na niya kayang bayaran pa kaya tuluyan na niyang binenta, at 'yung perang natira sa lahat ng pinagbentahan niya ay pina-manage na niya sa akin, doon kinukuha ang funds para ma-sustain at ma-icontinue ang lifestyle na meron kayo, pero since it was nearly three years ago ay halos maubos din dahil wala naman perang pumapasok na, plus sobrang laki pa ng bill na binayaran sa hospital pero huwag kang mag-alala may natira pa naman kahit papaano, at kasama 'yon sa makukuha mo." Buti naman kahit papaano ay pera pa din naiwan. "How much?" tanong ko. "At least a hundred grand," sagot ni attorney. "Dollar?" pagkumpirma ko. Umiling-iling naman si Attorney Romulo bago sabihing... "Peso, Philippine Peso." What? Ano'ng mangyayari sa one hundred thousand pesos, napakababa na ng value niyan ngayon. Meron pa naman ako'ng savings kahit papaano pero it will not last kung hindi rin ako magtatrabaho. Sobrang nanlulumo ako sa mga nalaman ko ngayon. Para bang mas dumoble ang bigat sa pakiramdam dahil kalilibing lang ni daddy. "As in 'yon lang ang makukuha ko?" Pag-kumpira ko pa kahit malinaw na naman ipinaliwanag ni attorney ang lahat. "I'm really sorry about what happened, Lyra, pero that will be all. " A one-bedroom unit condo, a hundred grand which is in peso currency pa, and a job sa kumpanya ng daddy ko na bago na ang pangalan ngayon dahil nabili na daw. As much as I want to be grateful dahil kahit papaano ay may natira pa din pero hindi ko talaga kayang tanggapin. Tinignan ko si attorney at umiiling-iling ako sa paliwanag niya dahil hindi ako kumbinsido. Matalino, at magaling si daddy when it comes to business matters, in fact isa si Uncle Silas sa mga tinuruan niya at ayokong paniwalaan lang basta ang sinasabi nito na basta nagkaroon ng malaking pagkakautang si daddy at pagkatapos ay basta na lang din niyang isinuko ang lahat ng gano'n lang kadali. "I need to talk to Uncle Silas!" Mariin kong sambit sabay tinalikuran ko na si attorney. Sa isang iglap ay nasa labas na ko ng opisina ni Uncle Silas. Laking gulat pa ni Vera ng makita ako, and same dahil nagulat din ako ng makita ko siya dito because it turns out na hindi lang ang kumpanya at mga ari-arian ni daddy ang kinuha niya, pati na rin ang dating secretary ni daddy. "Ma'am Lyra, hmm busy po ngayon si Mr. Silas Villanueva at hindi po pwedeng maistorbo." Bahagya naman ako natawa sa sinabi niya dahil hindi ko pa man nasasabi sa kanya kung sino ang kailangan ko pero mukhang alam na niya ang rason ng pagpunta ko dito. "I'm sorry pero kailangan ko siyang makausap," sabi ko habang patuloy ang aking mga paa sa paghakbang. Sinundan naman niya ako at pinapakiusapan ako pero I ignore her, at nagtuloy-tuloy ako ng lakad hanggang sa mabuksan ko na ang pinto ng opisina ni Uncle Silas. "Ma'am, hindi po talagang pwedeng pumasok." Pagpigil ulit sa'kin ni Vera pero it's too late dahil nandito na ko sa loob. Tumigil ako sa harapan ng table ni Uncle Silas at tinignan ko siya ng masama habang nakakuyom ang aking magkabilang kamao. Nakangisi pa talaga siya, at gusto ko siyang saktan. Narinig ko pa ang ginawang pagso-sorry ni Vera pero pinatigil siya ni Uncle Silas at pinalabas na rin. Ngayon nga ay dalawa na lang kaming natira sa loob ng opisina niya. "What can I do for you, Miss Dominguez?" Nakangisi niyang sambit na nakakaloko. Parang demonyo! "You know why I'm here, Uncle Silas?" Mariin kong sambit habang matalim pa rin ang ipinupukol kong tingin sa kaniya. Ang dami pa niyang sinasabi kesyo na hindi siya makapaniwala na ako na daw 'yung dating bata na ipinakilala sa kaniya ni daddy bago ako nagtungo sa U.S., doon ako tumira kasama ng tita ko na kapatid ni daddy na pumanaw na rin last year. Nakapunta pa nga si daddy doon kaya hindi talaga ako makapaniwala na wala na siyang pera dahil wala talagang signs na hirap siya financially tulad ng sinasabi ni attorney. Humingi ako ng paliwanag kay Uncle Silas pero pareho lang sila ng sinabi ni attorney na hindi ko matanggap at hindi ko pa rin kayang paniwalaan. Malakas ang kutob ko na may panloloko o dayaan na nangyari sa pagitan ng ama ko, at ni Uncle Silas. "Lyra, just accept the condo and the job," sabi pa niya na parang wala lang. "Ano, tatanggapin ko na lang na 'yon lang ang tanging makukuha ko?" sabi ko, at halos manginig na ako sa galit. "Yes, because that's how life works!" sabi niya at dinugtungan pa niya ng kung ano-anong pang-aalipusta. Hinusgahan niya agad ang pagkatao ko. May sinasabi pa siya na buhay prinsesa daw ako at tanging pagpapasarap sa ibang bansa ang ginawa ko. Masyado na niyang nililihis ang usapan kaya sinabi ko sa kanya ang gusto kong mangyari. "No, hindi ako makakapayag na 'yun lang ang makukuha ko, gusto kong ibalik mo ang lahat ng kinuha mo mula sa daddy ko!" Pagmamatigas ko. Sinagot naman niya ko pero hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon, "I'll give you your father's share... but you have to seduce me! But even if you did, I'm sorry, you're not my type. Now, if you don't mind, I have work to do." sabay dinampot niya ang telepono at tumawag ng security. Wala ako' nagawa kung hindi ang umalis, at bumalik kay attorney para muling umapela pero walang nangyari. Ipinakita sa'kin ni attorney ang photocopy ng lahat ng mga legal documents at makikita at mababasa na ibinenta talaga ni daddy ang lahat. "Oh, muntik ko ng malimutan, may letter pa lang iniwan ang daddy mo sa'yo?" sabi pa ni attorney sabay abot sa akin ng naka-sealed na white envelop. Ano bang klaseng attorney 'to? Meron pa palang letter si daddy na ngayon lang ibinigay. Inilagay ko sa bag ko ang sulat at nagpatuloy si attorney sa pagpapakita at paglalatag ng mga legal documents sa nangyaring bentahan sa pagitan ng daddy ko, at ni Uncle Silas. Hindi ko na magawang magreklamo pa at tahimik na lamang ako umalis sa opisina ni Attorney Romulo. Kinagabihan ay tahimik at madilim na ang buong kabahayan. Ang bahay na kailangan ko na din lisanin dahil it turns out pagmamay-ari din ito ni Uncle Silas, may kasulatan lang sila na tsaka lang niya makukuha ito kapag namatay na si daddy. Nakahiga na ko sa kama, at hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyaring pagtatalo sa pagitan naming dalawa ni Uncle Silas lalo na 'yung sinabi niyang... "I'll give you your father's share... but you have to seduce me!" Hindi ko alam pero parang may kung anong naglalaro sa isipan ko. Bakit niya sinabi 'yon, at kung nagbibiro man siya ay nagkamali siya ng biniro. Nakalimutan niya ata na babae ako, at hindi lang basta babae lang. I am Lyra Isabelle Dominguez, at hindi ako papayag sa kakarampot na ibinibigay niya. Hinding hindi ko matatanggap ang condo na 'yun at lalong hindi ako magtatrabaho sa kumpanya niya bilang ordinaryong empleyado lamang. Isa 'yong malaking insulto para sa pangalan ng pamilya namin, sa apelyido ng ama ko. Mula sa pagkakahiga sa kama ay tumayo ako at tumingin sa harapan ng salamin. Seryoso kong pinagmasdan ang aking sarili, at hindi nagtagal ay unti-unting sumisilay ang ngiti sa aking labi. A sudden plan comes to my mind. "I'll give you your father's share... but you have to seduce me! But even if you did, I'm sorry, you're not my type!" Hindi daw niya ko type, well tignan na lang natin because I'll make sure na mahuhulog at mababaliw ka sa'kin, at pagkatapos doon ko babawiin ang lahat ng nararapat para sa akin. Ikaw ang nakaisip ng larong ito, Uncle Silas, and I'll decide to play. Let the seduction game begin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD