LYRA
"Senyorita Lyra, saan po kayo pupunta, totoo ba ang balita na hindi na daw kayo ang may-ari ng mansyong ito." Umiiyak na tanong sa'kin ni Manang Riza ng magsimula na kong mag-impake ng mga damit at ilang gamit ko.
Nakapatong ang maleta sa ibabaw ng kama, at pinapanood ako ni Manang Riza sa aking ginagawa.
"Opo manang, si Uncle Silas na po ang bagong may-ari nitong mansyon, at kailangan ko na pong umalis." Aniko habang inilalagay ko sa mga maleta ang mga damit ko.
"Ha, eh kung ganoon ay aalis na rin ako dito, wala ng dahilan pa para manatili ako dito kung hindi lang ikaw ang pagsisilbihan ko."
Napatigil ako saglit sa ginagawa ko at saglit na umupo sa dulo ng kama, at seryosong tumingin sa mga mata ni Manang Riza, naiyak pa rin ang matanda, katulad ko ay hindi rin niya matanggap ang nangyari sa akin.
"Gusto ko man po kayong isama pero hindi po maaari, ako po mismo ay makikitira lamang sa kaibigan ko pero huwag kayong mag-aalala manang gagawa ako ng paraan para mabawi ang bahay na ito at habang hindi ko pa nagagawa iyon ay kailangan ko ang tulong niyo." sabay hinawakan ko ang kamay ni manang, at iginiya siya para mapaupo sa tabi ko.
Ipinatong naman ni Manang Riza ang isa pa niyang kamay sa magkahawak naming kamay.
"Oh, sige iha, kahit na ano pa 'yan basta kaya ko ay gagawin ko." sabi niya sa tono ng boses na puno ng determinasyon kahit hindi pa man niya alam ang hihilingin ko.
"Alam ko katulad niyo po ay nahihirapan din kayo sa sitwasyon pero pangako manang gagawa ako ng paraan para mabawi ang bahay na ito, at habang hindi pa po iyon nangyayari ay kailangan ko pa ang tulong niyo, mas makakabuti kung mananatili kayo dito sa mansyon, kayo po ang magiging mata at tenga ko kung ano pong nangyayari dito, kaya pwede po ba-"
"Naiintindihan ko na Lyra, huwag kang mag-aalala, hindi lang ako, kung hindi ang lahat ng nariritong kasamahan ko ay nakasuporta sa'yo!" Hindi na ko pinatapos pa ni manang sa pagsasalit at agad nagpahayag ng suporta sa akin.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Manang Riza, at hindi ko mapigilan na hindi maiyak sa suporta at katapatan niya sa aming mag-ama hanggang sa huli.
"Maraming salamat po, manang."
Umalis ako sa mansyon bitbit ang pangako na hindi lang sa aking sarili, pati na rin sa mga taong naiwan dito na babawiin ko din ang bahay na ito.
Nakuha ko ang suporta ng aming mayordoma pero may isang tao pa na importante na kailangang makuha ko ang loob.
"Ma'am La-Lyra, naku sobrang nakakahiya, pa-pasok po kayo, pasensiya na hindi ako masyadong nakapaglinis." Pag-welcome sa'kin ni Vera sa one bedroom condo unit na tinitirahan niya.
Pumasok ako sa loob at sinundan siya, agad niyang inayos ang mga throw pillow na gulo-gulo kanina na nakalagay sa two-seater sofa.
"Maupo po kayo, Ma'am Lyra." sabi ni Vera pagkatapos niyang ayusin ang mga unan at pagpagin ang sofa.
"Lyra na lang ang itawag mo sa'kin, at heto pala." sagot ko naman sa kanya sabay abot ng wine na dala ko bago ako maupo
"Naku hindi naman po pwede 'yan Ma'am Lyra, kahit na ano pang mangyari kayo pa rin ang anak ng pinaka the best kong boss, teka lang po buksan ko na 'tong wine na dala niyo para may mainom tayo." Aniya sabay talikod sa akin.
Napangiti naman ako dahil sa mga sinabi niya mukhang loyal pa rin siya sa ama ko kahit pa si Uncle Silas na ang amo niya ngayon.
Pumunta siya sa kusina which is nasa harapan ko lang din dahil nga sa liit ng space. I wonder kung ganito din kaya ang style ng condo unit ang ibinibigay sa'kin ni Uncle Silas.
Ilang saglit pa ay nasalinan na niya ang red wine ang dalawang glass at inabot niya sa akin ang isa.
"Heto po, hmm, Ma'am Lyra gusto ko po sanang mag-sorry about sa pagpigil ko sa'yo sa pagpasok sa opisina ni Sir Silas nung nakaraang araw, binilin niya po kasi sa'kin na huwag kang papasukin at sumunod lang ako sa utos." Hingi niya ng paumanhin sa'kin sabay dinala niya sa bibig niya ang glass of wine at sumimsim.
Halatang tense siya, and it's a good thing for me. Mukhang hindi ako mahihirapan kunin ang loob niya.
"Ano ka ba naman Vera, wala 'yon. Naiintindihan ko na ginagawa mo lang ang trabaho mo, ganu'n talaga, may mga pangyayari na hindi inaasahan at masaya ako na kahit hindi na si daddy ang boss mo ay ramdam ko pa rin ang loyalty mo sa kanya at pag-aalala mo sa akin, so thank you much."
"Walang anuman po, maraming salamat din po at naiintindihan niyo po ako." Nakangiting sagot niya sabay simsim ulit ng wine.
"Bakit ka ba nakatayo diyan, halika nga dito, tabihan mo ko ng upo." Nakangiting sabi ko sa kanya sabay tinapik ko pa ang katabing space ng inuupuan ko.
"Baka po kasi nasisikipan po kayo, okay lang po ako dito."
"Vera?" Muling tawag ko sa pangalan niya.
"Ay sige na nga uupo na ako." Tila nahihiya niyang sambit pero umupo rin naman pero bigla rin tumayo.
"Yung wine pala," sambit niya at kinuha niya iyon sa may kitchen counter at dinala niya dito sa maliit na table sa harapan namin.
"Hmm, Ma'am Lyra, grabe sobrang ganda niyo po, panigurado marami manliligaw sa inyo."
"Thank you, maganda ka rin naman ah."
Tanging ngiti lang ang isinagot niya sa'kin.
"Alam mo magkasingkatawan pala tayo, marami akong damit na naiwan sa dating bahay ni daddy, iniwan ko na kasi hindi ko na rin naman gagamitin kung gusto mo sa'yo na lang papaayos ko kay Manang Riza, may number ka naman niya 'di ba?" Ani ko habang pinasadahan ko ng tingin ang katawan niya sabay muling tumingin sa mukha niya.
"Opo, may number po ako ni manang, actually nakaka-chat ko po siya palagi, sobrang lungkot nga niya nitong mga nakaraang araw, sobrang nami-miss na daw niya po kayo, at maraming salamat po Ma'am Lyra, nakakahiya man pero hindi ko tatanggihan ang ibinibigay mo, maraming salamat po ulit."
"Walang anuman." Nakangiti kong sambit.
Ibinaba ko ang wine glass ko sa table at dinampot naman ang bote para salinan ang glass niya dahil napansin ko na konti na lang ang laman.
"Naku, Ma'am Lyra, ako na po." sabi niya na parang nahihiya pa rin.
"Ako na, at huwag ka ng mahiya, ikaw naman ang tagal mo rin nag-work kay daddy 'di ba?" sabi ko habang sinasalinan ang glass niya.
"Mga five years po, at Ma'am Lyra maraming salamat po ulit at ako po ang napili niyo bilang maging secretary ng daddy niyo, hinding hindi ko po makakalimutan dahil unang trabaho ko po 'yun at wala pa po akong experience pero binigyan niyo po ako ng pagkakataon."
Saglit ako'ng natigilan at tumingin sa kanya dahil inaala ko kung ano ba ang sinasabi niya.
Inilapag ko ang bottle of wine sa table sabay dinampot ko ang wine glass ko para dalhin sa labi ko at sumimsim.
Yeah, about that... If I remember nakukulitan na ko kay daddy dahil panay ang tawag niya sa'kin, at para lang matapos na ang pangungulit niya sa akin ay basta na lamang ako pumili ng isa sa mga candidate employee niya.
"Ha, pano mo nalaman ang tungkol diyan?" tanong ko sa kanya after I took a sip of red wine .
"Kinuwento po ng daddy niyo, ang sabi niya nahihirapan daw siya pumili at ikaw ang pinapili niya, at wala daw pagdadalawang isip na pinili mo ang portfolio ko, kaya sobrang laki po ng utang na loob ko sa inyo kaya po Ma'am Lyra, kung may kailangan po kayo basta kaya kong gawin ay sabihin niyo lang at gagawin ko po."
That easy, huh?! Ang buong akala ko ay mahihirapan ako'ng kumbinsihin itong si Vera na pumanig sa'kin but it turns out ay meron pala siyang tinatanaw na utang na loob sa'kin kaya mukhang hindi naman ako mahihirapan kunin ang loob niya.
Nginitian ko si Vera, at ganoon din siya sa akin. Nagpatuloy kami sa pag-inom at pag-uusap sa mga bagay-bagay hanggang sa...
"Sige, Ma'am Lyra, tutulungan kita, kailangan ko lang talaga ng trabaho kaya nagtitiis ako kay Sir Silas, sobrang layo ng ugali niya sa daddy mo as in, kaya I'm with you, don't worry I will be your eyes and your ears sa loob ng kumpanyang ninakaw niya sa'yo!" Ani Vera.
Halatang may tama na siya ng alcohol dahil namumula na ang magkabila niyang pisngi at may pagkumpas pa siya ng kamay habang nagsasalita. Hindi ko alam pero mukhang may tinatago din ata siyang sama ng loob kay Uncle Silas
Dinampot ko ang bote ng wine na magaan dahil wala ng laman, so talagang lasing na si Vera.
Medyo kinakabahan ako at baka mamaya sinasabi lang niya yan dahil lasing siya at kailangan ko ng assurance.
"Vera, I want you to focus, walang dapat makaalam ng kasunduan natin ito, at kapag naumpisahan na natin ay wala ng atrasan pa, makakaasa ba ko, sa'yo?" Seryoso kong sabi habang nakatitig sa mga mata niya.
Nakipagtitigan din siya saglit sa akin hanggang sa tinungga niya lahat ng natitirang red wine sa glass at tsaka inilapag sa table.
Seryoso siyang tumingin siya sa mukha ko sabay tayo at pumasok sa loob ng kwarto niya, at paglabas niya ay bitbit na niya ang kanyang cellphone at nagpupumindot.
Bigla naman ako'ng napatayo at halos hindi ko na malaman kung ano ang sasabihin ko.
Parang gusto kong pagsisihan ang ginawa kong pagpunta dito.
Hindi kaya kasalukuyang tina-type niya ang mga napag-usapan namin para i-send kay Uncle Silas.
"V-Vera!" Tanging lumabas sa bibig ko.
"Wait lang," sambit niya habang nakatuon pa rin ang kanyang atensyon sa cellphone niya.
Nang matapos ay lumapit siya sa'kin sabay iniharap niya ang screen ng cellphone sa tapat ng mukha ko para ipakita kung ano ba ang ginawa niya.
Nawala naman ang kaba ko, at unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Na-send ko na sa'yo ang schedules plùs mga lugar na palaging pinupuntahan ni Mr. Silas Villanueva, so dahil pinadala ko na sa'yo 'yan it means nagsimula na tayo, at hindi hinding ako aatras pa. Goodluck Miss Lyra sana mabawi mo ang lahat."
Sa sobrang saya ko ay hindi ko napigilan ang aking sarili na biglang yakapin si Vera dahil kailangan ko talaga siya.
Bukod kay Manang Riza, nakuha ko ang supporta ni Vera para pumanig sa akin.
They sided with me. They sided with my plan.