9. So Red

1150 Words
LYRA And that's how the game begins. Sa tulong ni Vera ay nalaman ko ang schedules niya, at pati na rin ang ilang mga lugar na parati niyang pinupuntahan. Tama ang hinala si Uncle Silas, sadyang sinusundan ko talaga siya, but of course, kailangan kong siyang paniwalain na nagkakataon lamang ang lahat. Kailangan kong umakto na I don't fvcking care about him, and ignore him as much as possible, and in that way ay mas lalo siyang mabaliw sa kakaisip kung ano ba talaga ang nasa isip ko. Kung ano ba talaga ang plano ko? "Papunta na po ng restaurant si Sir Silas. Naku, good news Ma'am Lyra mukhang nababaliw na ata si sir sa pabango mo, dalawang beses akong tinawag, nang una pagdating niya tapos nang sumunod naman ay tinawagan niya ako para ipatanong sa janitorial department kung may nilagay bang pabango sa opisina niya." Pag-imporma sa'kin ni Vera. Well, dapat lang dahil sobrang mahal kaya ng perfume ko na 'yan, at kailangan na hindi ako mawala sa isipan niya. Na kahit wala ang presensya ko, ay lagi niya kong maalala. Sabi ko kasi tawagan niya ako kapag papunta na rito si Uncle Silas sa restaurant. "Mabuti naman kung ganoon, basta ituloy mo lang tuwing umaga ang pag-spray ng pabango ko sa opisina niya bago siya dumating." Pagpapaala ko. "Noted po, Ma'am Lyra, and good luck!" "Thank you," matipid kong sagot at tinapos ko na ang tawag. At tignan mo nga naman, isang araw pa lang ay mukhang nakuha ko na agad ang atensyon niya. "Don't even think about accepting his offer, whatever it is, I'll double it!" Matapang niyang pahayag. And his voice sounded like he was giving a threat or something?! Uncle Silas is a smart man pero mas mautak ako. Sa ginagawa niya ngayon pagpigil sa'kin, isa lang ang ibig sabihin... He is on the hook. And all I have to do is maging matalino sa gagawin kong next move. I gave him my sweet smile, even though hindi niya deserve sa kagaspangan ng ugali niya bago ko siya kausapin. "Double? Hindi mo ba alam na hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera?" Saad ko. "Hindi nga pero lahat ay kayang pagalawin ng pera!" Saad niya. Tama siya, kaya nga I'm working right now para maibalik ang lahat ng dapat ay para sa akin. Pero hindi ko siya pwedeng sang-ayunan. I have to fight him first, at kahit pa sabihin niyang dodoblehin niya ang kung ano mang inaalok ni Julian ay kailangan kong magkunwari na hindi mahalaga sa akin ang pera "Ganoon ba? Paano kung sabihin ko sayo na may mga bagay na hindi nabibili ng pera, UNCLE?" Tanong ko sa kanya at pinagdiinan ko na naman ang salitang uncle "At ano naman ang bagay na yan?" Nakakunot noong sambit niya. "TRUST!" Sambit ko. Pumalatak naman siya ng tawa ng marinig ang sinabi ko. "If you do that, well, you are doomed already! Sa tingin mo ba nakuha ko ang lahat ng meron ako ngayon because of TRUST?" sabi niya na tila nangungutya. Fvck him! Pinaalala pa talaga niya kung bakit ginagawa ako ng lahat ng ito. "Sabagay, tama ka nga po, uncle. Kaya siguro nawala kay daddy ang lahat ng pinaghirapan niya dahil naniwala at nagtiwala siya sa maling tao, hindi alam ang salitang TRUST!" I said flatly. Nakakaubos din ng pasensiya ang arogante, at bastos na matandang 'to! "Then how can I work with you if you don't trust me?" I'll add. "Because you don't need to, you just have to work your ass off, get paid, and that's it!" "Well, that's boring! If you can excuse me, kailangan ko ng pumasok sa may ladies room." Aniko sabay tinalikuran ko na siya, at pumasok na ko sa loob. Ginagawa ko na ang kailangan kong gawin, at syempre bago ako lumabas ng restroom ay nag-retouch ako ng aking make-up. Muling nag-spray ng mamahaling pabango. Paglabas ko ay nagulat ako ng makita ko siya na nasa labas pa rin nitong ladies room. "So, talagang nagpaganda ka pa talaga bago lumabas?" Paninita niya sa'kin. Is he fvcking kidding me? Yeah, I was planning to seduce him, but not seduce, seduce like make him obsessed with me na lahat ng gagawin ko ay babantayan niya. The kind of seduction I was planning was to manipulate him, to influence him, to control him about sa mga decision-making na gagawin niya, na of course, it will benefit me. Seduction is not always all about sѐxual desires. Baka naman hindi na ako makakilos niya kung ganyan siya sa akin magbantay, at iyong plano ko ay baka hindi ko na maisakatuparan pa kapag nagkataon. "Papansin ka rin talaga, no? Talagang hinintay mo pa rin ako dito sa labas ng ladies room. Hindi ba napagod ang paa mo na matagal ng nakatayo sa paghihintay sa'kin." "Hindi naman dahil nagbanyo rin ako kanina, kaya hindi naman ganoon katagal ang paghihintay ko!" Nakangisi niyang sambit na parang lalo kong ikinaasar. "You know what? If you want to make an offer, ay pwede bang hintayin mo munang makaalis si Julian at hindi pa tapos ang meeting naming dalawa, UNCLE!" Bigla na naman namula ang mukha niya dahil sa sinabi ko, tanda na umiinit na naman ang ulo niya. Paano ba naman, kagaya ng lagi kong ginagawa ay medyo may lakas at diin sa pagkakatawag ko sa kanya ng UNCLE. "So, you're just calling him Julian na lang, and for fvck sake, can you please stop calling me uncle, hindi kita tunay na pamangkin!" Bulyaw niya. Pwes mas lalo kong dadalasanang pagtawag sa kanya ng uncle. "My dad wants me to call you uncle, so I'm gonna call you UNCLE, and besides, you're already OLD, so calling you UNCLE really suits you!" I smirkingly said. Kung kanina ay masama ng tumingin si Uncle Silas ay mas lalo na ngayon, mukhang sasabog na ang mukha niya sa galit. "Yes, when you were a little, and can you please stop talking to me like I'm an old man?!" Anas niya. "Well, then stop acting like one, bumalik ka sa table mo habang ako naman ay babalik din sa table ko. Hindi pa kami tapos mag-usap ni Julian!" Anas ko. "Nanliligaw ba siya sa'yo?" Saglit ako'ng natigilan sa tanong niya, at ang layo nito sa pinag-uusapan namin ngayon, out of topic. But then, napangiti rin ako dahil sa mga naiisip ko. "Nope, but in the near future, I must say it's possible, lalo na kung tatanggapin ko ang offer niya!" I said playfully. Parang mas lalo ata nagalit si Uncle Silas sa mga sinabi ko dahil grabe kung makatitig. Pakiramdam ko parang gusto na niya kong sakalin. His cheek is so red, at hindi talaga maipagkakaila na talagang galit na siya. "As I said-" "We'll talk again after Julian leaves!" Cutting him off sabay nilagpasan ko na siya. Naglakad na ko pabalik sa table namin ni Mr. Julian Esquivel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD