SILAS
Is she kidding me?
Tinatanggihan pa rin niya ang alok ko, at bukod pa roon ay ilang beses ko ng sinabi sa kanya na she should stop calling me uncle, pero mukhang sadyang matigas pala talaga ang ulo ng anak ni Mr. Dominguez.
Masyadong pinapasakit ni Lyra ang ulo ko.
Kung hindi lang malaki ang respeto ko sa pumanaw niyang ama ay pababayaan ko lang siya sa mga pinaggagawa niya.
Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa amin?
Malinaw na ginagawa niya ito para sirain ako!
Kahit sabihin pa na ako na ang bagong may-ari ng kumpanyang pinaghirapan ng ama niya ay maayos naman ang pinagsamahan namin ng ama niya kaya nga sinunod ko ang sinabi nito na huwag kong pabayaan ang anak niya at nagsisisi ako ngayon kung bakit umoo ako sa kahilingan ni Mr. Dominguez.
"We'll talk again after Julian leaves!" She cut me off kahit hindi pa ko tapos magsalita sabay nilagpasan niya ko.
Oh, hell no!
Bago pa siya makalayo ay hinaglit ko ang isang braso niya kaya napatigil siya sa paghakbang.
"You don't know the rules, don't you? Hindi ako maghihintay at hindi ako pinaghihintay ng kahit na sino man! I'm already giving you the job, and you should accept it, whether you like it or not!" Mariin kong sambit.
Sinamaan naman niya ko ng tingin sabay pilit inaalis ang kamay kong mahigpit na nakahawak pa rin sa kanya.
"Get off me, you crazy old man!" Sigaw niya.
"For f**k's sake, Lyra, stop calling me uncle, and treating me like an old man!"
"What is going on here?"
Sabay kaming napalingon ni Lyra sa boses na nagsalita.
JULIAN ESQUIVEL.
Mabilis naman tinanggal ni Lyra ang kamay ko sabay hinarap si Julian ng may ngiti sa kanyang mga labi.
"Ah, nothing, we're just talking and-"
"YES, we are talking, and Lyra said to me, that she changed her mind about applying to your company, and she's gonna work for me!" Cutting her off.
Inunahan ko na siya bago pa man siya mag-imbento ng kung ano mang kasinungalingan, and secondly so that she could not waste her fvcking time with this idiot!
Kumunot naman ang noo ni Julian sa sinabi ko sabay tingin kay Lyra.
"Lyra?" tawag nito sa pangalan nito at bakas sa mukha niya ang pagkalito.
"Ah, I'm really sorry about all this. The truth is may offer na talaga si Uncle Silas sa'kin pero hindi ako pumayag dahil hindi kami nagkasundo sa benefits kaya naisipan ko mag-apply sa company mo, but then now he suddenly changed his mind. Sinundan niya ko dito at payag na daw siya at willing na siyang ibigay ang gusto ko. Please forgive me Julian, hindi ko intensyon na sayangin ang oras mo." Mahinahong sambit ni Lyra.
Lyra is such an actress, the way she stares at Julian ay halatang hiyang hiya siya sa nangyayari, at kung ako ang nasa kalagayan ni Julian ay malamang patawarin ko din siya.
What the fvck?! Ano bang nangyayari sa'kin?
Sa galing niyang umakting ay pati ako ay nadala.
This should not be good.
Hindi ako dapat mawala sa focus!
"Of course, I forgive you, Lyra, wala ka naman kasalanan." Nakangiting sagot ni Julian sa kanya.
Oh, tignan mo! Ang bilis niyang napaniwala ang loser na 'to!
Ni hindi man lang nagalit, tang-ina may gusto talaga 'to kay Lyra!
Tumingin naman sa'kin si Julian at umiling-iling sabay muling tingin kay Lyra.
The fvck! Ano'ng ibig sabihin niya sa pasimpleng pagsuplay na 'yon?!
"Kung ano man ang maging desisyon mo Lyra ay-"
"Nakapadesisyon na siya, at sa kumpanya ko siya nagtatrabaho!" Pagputol at pagsingit ko sa usapan nila.
Hindi ba siya marunong umintindi? Hindi magtatrabaho si Lyra sa kumpanya niya kaya wala ng dahilan para mag-usap pa sila.
He should leave dahil hindi na siya kailangan dito.
"Yeah, sa kumpanya mo na dating pag-aari ng ama niya, everybody know's that kaya huwag kang masyadong mayabang, UNCLE!"
Is he fvcking kidding me?
Gusto ko siyang sugurin at pagsusuntukin sa mga oras na 'to hanggang sa mawalan siya ng malay but I will fvcking not!
"Julian, don't talk to him like that!" Mahinahong sambit ni Lyra kay Julian.
Oh, that's unexpected!
Pinagtanggol niya ko sa gagong 'to!
"I'm sorry Lyra, hindi ko mapigilan basta kung sakaling magbago ang mind mo regarding all of this ay alam mo naman kung papaano ako kontakin."
Aba talagang pasikat ang putang-inang 'to!
Sasabat sana ako na hindi na magbabago ang isip ni Lyra pero...
"No, Julian, hinding hindi na magbabago ang isip ko." seryosong sabi ni Lyra sabay lingon sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.
I should be happy dahil nasunod ang gusto ko pero it felt there is something wrong lalo pa ng tumabi siya sa akin ng husto habang kaharapan namin si Julian.
"Why not?" tanong pa ni Julian.
Nilingon muna ako ni Lyra ng nakangiti bago muling ituon ang kaniyang atensyon kay Julian Esquivel.
"Because, Uncle Silas is so kind enough to offer me a job, kung saan ang yumao kong ama ang nagpakahirap magtaguyod."
Oh, Lyra and her sarcasms.
"And how could I refused him kung nangako siya sa'kin na bibigyan niya ako ng piece of share, a unit of ownership, sa dating kumpanya na pagmamay-ari ng ama ko, suddenly magiging part-owner na rin ako."
Sa gulat ko sa sinabi niya ay bigla akong napalingon sa kanya at bahagya ko siyang nilakihan ng mata because what the hell!
Putang-ina, wala akong ganyang offer sa kanya.
She's telling lies, at malinaw na gusto niya kong utakan.
It was her plan from the start, at tama ang hinala ko.
Nakukulangan siya sa mga ibinibigay ko kaya hindi niya tinatanggap because she wants more!
"Naiintindihan ko na Lyra," sabi naman ni Julian sa kanya sabay tingin sa'kin.
"And I'm sorry sa pagsagot ko sa'yo kanina, Uncle Silas" sabi naman ni Julian sa mahinanon ng boses.
Lalo naman uminit ang ulo ko sa sinabi niya dahil kanina pa siya.
Bakit nakikigaya siya kay Lyra ng pagtawag sa'kin ng uncle?
Sa isang iglap ay bakit biglang dumami ang mga pamangkin ko at ang masaklap pa ay hindi ko naman sila kaano-ano!
"Well, I have to go now, since nakapag-decide ka na, and gusto mo ba sumabay sa'kin. Ihahatid na kita." Sabi pa ni Julian.
"Ako ang maghahatid sa kanya." Mariin kong sambit.
Inunahan ko na si Lyra sa pagsagot sa lalaki dahil hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko.
Kailangan namin pag-usapan ang mga kasinungalingan na pinagsasabi niya.
She want a of piece of share of my company, well a piece of hell ang ibibigay ko sa kanya!