LYRA Tahimik ang elevator. Mas tahimik pa kaysa sa awkward dinner. Pero ang utak ko? Hindi. Dalawa ang tumatakbo. Una - bakit alam ni Uncle Silas ang tungkol sa sulat? Hindi ko pa binubuksan ‘yon. Nasa maleta ko pa. Sa ilalim ng mga damit. Parang bomba na ayokong galawin. Hindi dahil wala akong pake. Kundi dahil natatakot ako. What if pag binasa ko ‘yon… malaman ko na wala talaga akong nakuha? Na wala akong laban? Na all this time nag-aangas lang ako sa kumpanya na hindi pala talaga para sa’kin? And second - Victor. Why does he look familiar? Hindi ko siya nakalimutan dahil memorable siya. Nakalimutan ko siya dahil ayaw ko siyang maalala. Nag-open ang elevator. Silas walked out first. Of course. May control issues siya. Hinintay niya ako. We entered George’s penthou

