Chapter 1
Matalim at mapanghusgang tingin na tatagos yata hanggang kaluluwa.
Sanay na ako sa ganoong tingin ng mga tao.
Aware ako at alam ko kung saan lulugar dahil sa aking itsura.
Ang mukha kong hindi papasa sa average na itsura.
Ika nga nila kung umulan ng kamalasan at kapangitan tiyak sinalo ko raw lahat-lahat iyon.
Makapal ang kilay. Bilogan at pango ang aking ilong. Medyo hindi rin pantay ang aking ngipin.Kung kaya iniiwasan ko ang ngumiti at madalang lang kung ako ay magsalita dahil sa hiya.
Puno ng acne ang aking mukha at maitim din ang aking kutis.
Hindi na rin maiiwasan iyon dahil na rin sa paglalagi ko sa arawan. Wala ring pagkakataon upang ayosan ko ang aking sarili dahil kailangan kong kumayod kung gusto kong mapahaba pa ang buhay ng Nanay Eden na naka confine sa hospital.
Nahihirapan man sa mabigat na tikles na buhat ay binalewala ko na lang ang pang mamata ng mga tao sa akin.
"Aling Phelia narito na po ang mga gulay." Magalang kong turan at inilapag ang dalawang teklis ng sitaw.
May kabigatan rin iyon ng dahil sa anim na kalabasa. Kaya 'di na rin ako nagtaka kung bakit tagaktak ang aking pawis ngayon.
"O heto ang bayad! umalis ka na kaagad baka malasin ang paninda ko ng dahil sayo Danilo"
Mabilis na inabot nito ang bayad na 300 pesos. Kagaya ng gusto nito ay umalis na ako kaagad sa kaniyang tindahan.
Mula dose anyos hanggang ngayon ay nagtatrabaho ako bilang kargador ng mga gulay sa tuwing buwan ng bakasyon.
Habang pauwi ay nakasalubong ko si Carlos at ang apat niyang kaibigan. Kilalang magaling sa larong basketball ang lalaki at tinitilian din ng mga kababaihan. Madalas ko rin itong makita na iba't ibang babae ang nakakasama.
Matipuno ito at masasabing hinahangaan ng mga kababaihan dahil na rin sa pagiging mestiso nito.
“Grabe naman yang kapangitan na yan”
Hindi ko masyado marinig ang sinabi niya pero malakas ang tawa ni Carlos na kasama ang mga barkada nito.
Dahil sa hawak nito ang bola ng basketball siguro kakatapos lang ng mga ito na mag laro.
“Danilo gusto mong sumama maglaro ng basketball?”
Wala sa loob na napatango
-tango ako.Madalas akong lihim na nanonood sa laro nila sa basketball court ng baranggay. Kung kaya gusto ko rin masubukan ang maglaro.
“Nice,nice,nice… ikaw ang bubuo sa laro”
Napangiti naman ako sa sinabi niya.Natutuwa ako dahil kahit sa kabila ng pang lalait ng ibang tao sa akin ay may tao pa rin na mabuti ang loob.
“Tara”
Excited nitong yaya at sumunod naman ako sa grupo nila. Saglit lang naman siguro ang laro kaya walang pag aalinlangan na sumama ako.
Dahil maaga pa kung kaya walang katao-tao sa court. Kami lamang ang naroroon.Tahimik ang paligid at tanging huni ng mga ibon ang maririnig.
Ako'y biglang pinalibutan nila. Nakikita ko sa mga mata nila na may hindi silang magandang balak na gawin sa akin.
Ang kanilang nga ngiti ay nagbigay ng paninindig balahibo ko sa katawan.
“Ngayon ko lang nakita ng mabuti kong gaano ka kapanget Danilo”
Napatingin ako sa hawak na bola ni Carlos. Kaniya itong dinidribble ng isang bagsakan ngunit may kalakasan.
Taas at baba ang motion ng bola. Kontrolado niya ang pwersa.
“Buti nakakahinga ka pa sa pangong ilong na yan” Turan ni Michael na matalik na kaibigan ni Carlos.
Birds with the same feathers flock together nga talaga.
Parang anong oras ay papanawan ako ng kulay lalo na nang ipasa ni Carlos ang bola sa kaibigan niya.
“Anong satingin talagang makikipaglaro kami sayo?” Singhal ni Frederick na siyang anak ng baranggay captain.
“Wag kang mag alala mag d-douche ball lang tayo,kabaliktaran nga lang non”
Lumukob ang matinding takot sa sistema ko. Hindi ko inaasahan na kaya nilang gawin ito sa akin.
Malakas na ibinato ni Frederick ang bola sa akin, wala akong magawa kundi ang ipagtanggol ang sarili ko.
Gamit ang kamay ko ay yon ang ginawa kong panangga upang hindi matamaan ang ulo't mukha ko.
“Huwag na huwag mong subukan manlaban Danilo. Dahil malilintikan ka sa amin.”
Matapos ni Frederick ay si Carlos naman ang bumato sa akin. Malakas iyon at tumama sa aking hita rason upang mapaupo sa lapag.
“Nagsisimula pa lang tayo Danilo huwag mong sabihin na pagod ka na kaagad?”
Napatulo ang aking luha ng si Michael na ang bumato sa akin. Wala akong kalaban laban sa pwersang kaniyang binigay sa bola, kung kaya ako'y tumilapon.
Kaniyang tinamaan ang aking tyan, hindi ko alam kung dapat ba ako magpasalamat. Pero buti na lang ay may kakapalan ang aking bilbil. Dahil sa makapal na taba sa tyan ay naibsan kahit papano ang sakit non.
“Dapat jan sa mukha mo nililiha na rin baka may pag-asa pang magbago yan!”
“Tas magiging kamukha niya si Kokey,mas mabuti pa yon may itsura pa hindi sa kagaya nitong si Danilo!”
“Mas malala pa 'to kay Bakekang mga pre!”
“Walang tatalo sa kapangitan ni Danilo.Siguro pinaglihi sa sama ng loob kaya ganyan yung pagmumukha”
Sa bawat masasakit na salita na kanilang binibitawan ay siyang pag tama naman ng malakas ng bola sa iba't ibang parte ng katawan ko.
Hindi ko na nga alam kung ano nga ba ang masakit.
Ang mga salitang pang aalipusta ba nila o ang pagtama ng bola sa akin.
Wala naman akong masamang ginagawa.
Sa panahon ba ngayon kasalanan na ba kong ganito ang itsura,mukha at pangangatawan ko?
“Nagmamakaawa ako, tama na Carlos”
Umaasa akong tumigil na sila ngunit kabaliktaran non ang nangyayari.
Lalong bumilis ang pagtama ng bola sa aking katawan at wala akong ibang magawa kundi ang magtiis.
“Look, may umiiyak na baboy o!”
Sunod-sunod ang kanilang pagtawa. Tila ang pananakit na sa kapwa ang siyang panibagong entertainment ngayon.
Namamanhid na sa sakit ang aking katawan. May mga galos na rin ang aking braso at hita.
Panigurado may pasa na rin ang ibang parte non.
“Tingnan nyo pre may uhog na ang ilong ng baboy”
“Please tama na Carlos, itigil nyo na 'to”
“Dapat sa'yo ay pinahid na lang sa tissue!”
Tila bingi ito na hindi naririnig ang pagmamakaawa ko. Parang musika sa kanilang pandinig ang iyak at hikbi ko.
Talagang tao ba itong mga kaharap ko?
“Ang kagaya mong panget ay walang lugar at halaga sa mundo”
“Pakakatandaan mo yan Danilo”
Hindi ko na kinaya at ako'y tuluyan nang bumulagta. Katawan ko'y nahiga na sa semento. Malabo na ang paningin at pawis ay namumuo sa aking noo. Pinipilit ko mang tumayo upang tumakbl at tumakas sa kalupitan nila ngunit katawan ko ay sumusuko na.
Isa,dalawa at tatlo pang tama ng bola panigurado ay mawawalan na ako ng malay.
“Hoy anong ginagawa nyo jan!”
Sa sitang sigaw na iyon ay natigil ang pagtama ng bola sa aking katawan.
“Lintik! tara na baka mahuli tayo”-Carlos
Kaagaran silang nagsipulasan at narinig ko ang palayong mabilis na yapak nila.
“Ayos ka lang ba ijo?”
Tinig iyon ni Tatang Basilio. 65 anyos na ito at malabo na ang paningin. Mabagal na rin itong maglakad dahil sa baleng kaliwang paa nito at sa saklay na lamang umaasa para kahit papano ay makalakad nang maayos.
Nahihirapan man ay lumapit ito sa akin. Habang ako naman ay namimilipit sa sakit ng tyan. Mahigit limang beses rin iyon na tinamaan nila Carlos.
“Ijo ayos ka lang ba?” Nag aalalang tanong nito.
“O-opo maayos lang po ako Tatang Basilio." Hirap man magsalita dahil sa putok at sugatang labi ay magalang kong sinagot ito.
Si Tatang Basilio lamang ang tanging may paki sa kagaya ko sa lugar na ito. Kahit noon pa man ay madalas akong iligtas o ipagtanggol sa mga nambubully sa akin.
“Ikaw ba yan Danilo Perez?”
Tanong nitong naninigurado.
“Opo Tatang.”
Pinilit kong makatayo.
“Napakasuwail talaga ng anak ni Rudolfo hayaan mo Danilo pagsasabihan ko ang mag-ama na iyon.”
“Pasensya na ho at naabala ko pa kayo.”
“Halika sa bahay ko para magamot yang mga sugat mo.”
Kalaunan nang matapos linisin ang sugat ko ay nagpaalam na rin ako kay Tatang Basilio.
Masyado ko nang naabala ang matanda at malaki ang pasasalamat ko sa naitulong niya.
Kung hindi dahil sa kaniya malamang ay mapahaba pa ang oras ng paghihirap ko sa kamay nila Carlos.
Ako'y napatingin sa aking cellphone. Luma na ito at keypad lamang. Nakita ko sa screen na ala una na. Hindi ko namalayan na hapon na rin. Medyo nagugutom man ay pinili kong maglakad patungo sa hospital.
Hospital na kinalalagian ni Nanay.
Mabilis kong tinungo ang silid niya.
Ang dating malaman na katawan nito ngayon ay payat na.
Malungkot akong nakatingin sa nakahigang si Nanay Eden.
Kung hindi lamang ako nito niligtas ako sana ang nakaratay rito sa kama.
Minsan hindi ko maiwasan na mapatanong sa itaas.
Dapat nga ba akong mabuhay?
Pagod na ako...
Ilang beses ko na ba nasabi yon?
Gusto ko na ring sumuko, sukuan ang lahat ng bagay.
Ngunit heto ako ngayon mahigpit ang pagkapit sa kamay ni Nanay. Magdadalawang taon na rin na nacoma ito. Dahil sa hindi inaasahang car accident.
Si nanay na lang ang meron ako,sa kaniya na lang ako humuhugot nang lakas ng loob.
Ramdam ng katawan ko ang pag vibrate ng cellphone ko kung kaya mabilis kong sinagot ang tawag ng makita ko ang pangalan ni Tita Esmeralda na siyang kinakasama ni Tatay.
“Danilo na saan ka na ba?”Singhal na tanong nito, rinig ko pa ang boses ng mga kalaro nito sa majong.
“Nasa hospital po."Magalang kong sagot.
“Natatawa talaga ako sayong bata ka!Umaasa ka pa rin bang gigising yang nanay mo?”
Napakuyom ako ng kamao sa narinig ko. Gusto kong sumagot sa kaniya ngunit ayokong mapalayas ni Tita, siya na rin kasi ang nagpaaral sa akin.
Titiisin ko ang lahat para kay Nanay.
“Bilisan mong umuwi at may tatlong kaban ng bigas ka pang i-dedeliver kila Mr. Ong. Pag alas sais at wala ka pa sa bahay at hindi mo natapos yung mga pinapagawa ko malilintikan ka sa 'kin."
“Naiintindihan ko po Tita Esmeralda.”
Tanging tugon ko na lamang.
Mabilis kong inayos ang gamit ko at nagpaalam kay Nanay at kaagad na sumakay sa jeep pauwi.
Habang nakaupo ay ramdam ko ang tingin ng ibang tao sa akin.
Puno iyon ng pandidiri at panghuhusga.
“Ano ba yan nasira na ang araw ko. Ba't kasi may panget akong nakita ngayon”
“Akalain mo may lakas pa sya ng loob para lumabas ng bahay nila”
“Ang sikip-sikip na nga nakipag gitgitan pa. Dapat sayo pang tatlohang pasahero ang singil.”
“May tatalo na kay Bakekang”
Rinig kong bulong bulongan ng ibang pasahero. Na mahahalatang sinadya na nilang marinig ko.
Wala akong magawa kundi ang yumuko dahil sa matinding hiya.
Hindi ko sila masisisi, tadtad ng tigyawat ang mukha ko. Malaki rin ang bilogan kong ilong at maliit na bilogan rin ang aking mata na hindi na aayon sa standard ng kagwapohan sa nakakarami.
Madalas na isinasawalang bahala ko na lamang ang mga sinasabi at panghuhusga ng iba dahil kinalakihan ko na iyon. Mula pagkabata ay kung ano-anong masasakit na salita na ang natanggap ko.
Ngunit tao pa rin ako, hindi ba nila nakikita iyon?
Tao ako,na may nararamdaman at nasasaktan.
Mabuti na lamang at hindi traffic mabilis akong nagpara.
Malapit na ako sa kanto namin ng biglang may bumunggo sa akin. Ako'y napaupo sa kalsada sa lakas ng pwersa ng nakabungguan ko.
“Tingnan mo nga naman kung sino ang makakalaro natin ngayon.”
Nanayo ang balahibo ko nang mapagtanto kung sino ito.
“Ja-Jack”
Utal-utal na banggit ko sa pangalan niya.
Malaking tao si Jack sa taas na 6'0,puno rin ng tattoo ang kaniyang katawan.Lahat ay pinang-iilagan siya at abg grupo niya dahil sa takot.
Napansin ko na kaagad na nagsarado ang mga bahay na kalapit namin. Sa pangamba na baka masangkot sa gulo.
“Long time no see Danilo” Nakangiting turan pa ni Rogel na siyang kanang kamay nito.
Sa kaniyang ngiti tila nakita ko sa kaniya ang anyo ni satanas.
May hawak itong kutsilyo at kaniyang marahan na dinidilaan.
Alam kong isang matinding banta iyon na kung may hindi silang magugustohan na gagawin ko ay matatapos ang buhay ko ngayon.
“Baka naman may isang libo ka jan Danilo”
Pinalilibutan ako ng sampong tao, lumaban o tumakas man ako ay wala akong pag-asa sa mga kamay nila.
“Wa-wal-”
Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay malakas na akong sinikmuraan ni Jack.
Namimilipit ako sa matinding sakit,ako'y napaluhod at napahawak sa tyan ko. Ang makapal na taba na meron sa katawan ko ay hindi nakatulong upang maibsan ang sakit.
“Alam mo Danilo sa lahat ng ayoko ay ang sinungaling na tao”
Isang malakas sa suntok sa mukha pa ang binigay ni Jack sa akin na siyang ikinatilapon ko ng tatlong metro.
Saktong-sakto pa na napunta ako sa lokasyon kung san nakatayo ang bahay ng Kapitan ng baranggay namin.
Tila nayanig ang mga ngipin ko sa ginawa niya at kulang ang salitang masakit sa sinapit ko.
“Alam mo namang madali kaming kausap Danilo”Dagdag pa ni Rogel na palapit sa akin.
Wala akong nagawa nong kinukuha na niya sa bulsa ko ang wallet ko.
Tila nakapikit ang hustisya at karapatan ng tao sa kagaya ko.
Pano ako hihingi ng tulong kung ang nagpapatupad ng batas at kapayapaan ay bulag sa kagaya ko.
“Boss hindi lang isang libo, nakatatlong libo pa tayo.”
Tuwang-tuwang nililimas niya ang wallet ko.
“Nagmamakaawa ako Rogel pakiusap ibalik mo sa akin ang perang yan. Pang dagdag ko sa tuition fee ko yan”
Pinipigilan ko man na huwag umiyak ay nagsituluan na ang mga luha ko.
Marahan niyang tina-tap ang ulo ko na parang pinatatahan ako.
Sa loob ko,umaasa ako na bigyan ako ng himala na magkaroon ng awa ito sa akin.
“Gago ka ba!?Ako may awa?”
Kasunod non ay ang pagsuntok niya sa mukha ko.
“Hindi ako Santo para sa akin ka nagmakaawa Danilo”
Masagana ang luha ko na nakatingin sa papalayo nilang mga anyo at rinig na rinig ko ang tawanan nila sa plano nilang inuman muli habang ako ay hirap na hirap na tumatayo.Nanghihina at tanging sakit sa katawan ang nararamdaman.
Hindi na bago ang ganitong eksena,pinapamukha nga ng tadhana na dapat masanay na ako.
Putok ang labi at puno ng pasa ang mukha ng ako'y umuwi.
“Pathetic”
Siyang bungad ni Maurine sa akin ng pumasok ako sa bahay.
As usual puno ng make up ang mukha nito. Namumula ang pisngi na parang lasing sa kapal ng blush on. Habang abala sa kaniyang cellphone.
Bagong kulay na naman ang buhok nito na na rati ay kulay abo ngayon ay kulay asul na hindi bumabagay sa kutis nito.
Kagaya ng ibang kabataan, laging sunod ito sa uso.
Siya ang panganay na anak ni Tita Esmeralda sa unang asawa nito.
“Bakit ngayon ka lang Danilo?”
Namumula sa galit na salubong ni Mario na siyang kakambal ni Maurine.
Makapal ang kilay ni Mario na may kasingkitan at malaki ang katawan nito na alagang gym.
Tinulak tulak ako nito hanggang sa bumulagta ako.
“Dahil sa kakupadan mo ako tuloy ang nag hatid nong mga bigas kila Mr. Ong.”
“Pasensya na Mario,inabangan ako nila Jack sa kanto e”
“Puro ka palusot Bastardo.”
Hindi ko alam kung ano ba ang masakit ngayon, yung nararamdaman ko ba o yung katawan ko.
“Ganyan talaga pag mahihina,walang silbi.”
Malamig ang boses nito at nakikita ko sa mukha niya ang matinding hiya na ako ang anak niya. Ang kaniyang tingin ay puno ng panunuya.
Halos libo-libo yatang pana ang tumusok sa puso ko lalo pa ang salitang iyon ay galing sa sarili kong ama.
“Tabi, kakalinis lang ni Maurine ng sala wag mo dudumihan a”
Dagdag pa ni Tatay.
Tila walang paki ito sa sinapit ko sa kanila Jack.
Hindi na ako magugulat kung matutuwa ito pag ako ay namatay.
“Magluto ka na nga roon ng hapunan nang may kwenta ka naman rito.”
Isa
Dalawa
Tatlo
Ilang beses ko na ba natanong sa sarili ko kung may halaga pa ba ako sa mundong 'to?
Ang mga taong dapat na mahalin ako unconditionally ay siyang nangunguna sa listahan ng mga taong papatay sa puso ko.
“O bakit jan ka nakaupo?”
Tanong ni Tita Esmeralda ng maupo ako para sumabay sa hapunan.
“Hindi porket ikaw nagluto may karapatan ka nang kumain.”
Nakikita ko sa mga mata niya ang matinding disgusto sa akin.
“Nakakatakot baka masira yung body figure ko at mahawaan ako sa katabaan mo.”
Sa muling pagkakataon ay minata na naman ako ni Maurine. Ang tingin nito sa akin ay mula ulo hanggang paa.
“Pinabayaan kasi ni Tishia sa kusina yan tuloy naging baboy”
Dagdag pa ni Tita Esmeralda.
Ang ayoko sa lahat ay nasasama ang Nanay ko sa mga panglalait nila sa akin.
Nanginginig ang katawan ko sa galit. Ang kumalma at manahimik ay wala sa aking sistema.
“W-wag nyo pong idamay si Nanay!”
“So kaya mo nang sigaw-sigawan ang Mommy ko?”
Lumapit si Mario sa akin at kwinelyohan ako. Masama ang tingin ko sa kaniya. Handa akong makipaglaban ng titigan sa kaniya. Ang kaduwagan ay kinalimutan ko.
“Paalala ko lang sayo Taba kung hindi dahil sa pera ni Mommy yang nanay mong comatose sa hospital ay matagal ng patay”
Ang kamaong nakakuyom ay hinayaan kong bumalik sa dati. Tanda ng pagsuko at pagbalewala ng dignidad ko.
“Hayaan mo na 'yan Mario. Huwag mong pag aksayahan ng panahon ang batang 'yan.”
Malamig na turan ni Tatay at abala na itong kumakain ngayon.
“Ano pang hinihintay mo Danilo?Umalis ka na. Sa tingin mo ba makakain ka ngayon?"
Kumakalam man ang tiyan at nakatingin sa hapag kainan ay wala akong nagawa kundi ang umalis na sa kusina.
Ito ang madalas nilang parusa sa akin sa tuwing may mga bagay akong nagagawa na hindi nila gusto.
Mas suwerte pa nga ang alagang chiwawa nilang si Daphney dahil nakakain pa iyon ng tatlong beses sa isang araw kung ikukumpara sa akin.
Pinili ko na lang na magtungo sa may bodega na siyang kwarto ko na rin.
Habang naririnig ko silang nagkukwentohan ng masaya ako naman ay umiiyak,naaawa sa sarili ko.
Wala sa loob na hinawakan ang pendant na hugis half moon na siyang regalo ni Nanay sa akin noong 10th birthday ko.
Kumukuha muli ng lakas ng loob para magpatuloy at sa muling pagkakataon ay natanong ang sarili…
Kailan ba matatapos ito?